Muntik na Akong Pumanig sa Isang Anticristo

Oktubre 19, 2022

Ni Jessica, Philippines

Nung Agosto 2021, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Paglipas ng tatlong buwan, ako at si Marjorie ay parehong napili na maging lider ng iglesia. Tinanggap ni Marjorie ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, tatlong buwan bago ako, at bagamat magkaiba kami ng iglesia, magkasama kaming dumadalo sa mga pagtitipon ng magkakatrabaho at tinatalakay ang gawain ng iglesia. Minsan, sa isang pagtitipon, nagsalita si Marjorie tungkol sa isa niyang nararanasan. Sinabi niyang nagkasakit siya, pero patuloy niyang ginagawa ang kanyang tungkulin. Bagamat pinagmamalupitan siya ng asawa niya, hindi pa rin siya nagiging negatibo o umaatras. Talagang hinangaan ko siya at naisip kong may magandang tayog siya. Kung ako ang nasa parehong sitwasyon, baka naimpluwensyahan nun ang kakayahan kong gawin ang tungkulin ko. Maganda talaga ang impresyon ko sa kanya. Nagpasan siya ng responsibilidad sa tungkulin niya at hindi ito isinuko kahit habang pinagmamalupitan siya ng asawa niya. Akala ko ay ipinapakita nitong siya ay ang uri ng tao na nagsasagawa ng katotohanan at pinupuri ng Diyos. Kalaunan, isang bagong iglesia ang nabuo at naghiwalay kami ng landas ni Marjorie.

Isang araw, limang buwan ang nakalipas, ang superbisor naming si Maria ay naglagay ng mensahe sa aming group chat, sinasabing sa aming pagtitipon sa gabing yun ay tatalakayin namin kung paano makikilala ang mga anticristo, at pagkatapos ay nagpadala siya ng link ng Facebook page ni Marjorie at sinabihan kaming ‘wag nang makipag-ugnayan dito dahil ito ay isang anticristo. Nabigla ako. Talagang hindi ako makapaniwala na si Marjorie ay isang anticristo. Naalala ko kung gaano siya karubdob sa kanyang tungkulin, kung paano niya nagawang magsakripisyo, igugol ang sarili, at dumanas ng pagdurusa. Kahit nang maharap sa karamdaman at pagmamalupit ng kanyang pamilya, nagawa niyang magpatuloy sa paggawa sa kanyang tungkulin— maaari ba talagang maging isang anticristo ang isang taong naghanap sa katotohanan nang ganun? Nagkamali siguro si Maria! Hindi talaga ako makapaniwalang totoo ito. Nagpadala ng isa pang mensahe ang superbisor na nagsasabing umaasa siyang iba-block ko si Marjorie sa Facebook para hindi ako magambala o malinlang nito. Medyo nahirapan akong tanggapin iyon. Parang hindi patas na tratuhin si Marjorie nang ganun. Siya ay marubdob at masigasig sa kanyang tungkulin at nagpalakas pa nga ng loob ko at tinulungan ako noon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya o kung bakit siya itinuring na isang anticristo. Talagang naguluhan at nalungkot ako at ayokong i-block siya. Kaya sabi ko: “Si Marjorie ay hindi isang anticristo, meron lang siyang ilang haka-haka. Hindi kailangan na i-block siya. Subukan mong tingnan ang mga bagay-bagay mula sa pananaw niya at isipin kung ano ang nararamdaman niya.” Nung panahong ‘yon, nagbahagi sa akin ang superbisor, pero hindi ko ‘yon tinanggap. Pinadalhan niya rin ako ng isang video ng patotoong batay sa karanasan na tungkol sa pagkilala sa mga anticristo at sinabing panoorin ko yun, sinasabing ang video ay makatutulong sa akin. Pero hindi ko na lang ‘yon pinansin. Pagkatapos nun, nagpadala ako ng mensahe kay Marjorie para tanungin siya kung ano ang nangyari. Sabi ni Marjorie: “Nagkakalat ako ng ilang haka-haka kaya tinanggal ako sa group chat at binlock ako ng lahat. Masakit talaga sa akin ‘yun. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko. Sisiyasatin ng Diyos ang mga ginawa ko. Hinuhusgahan n’yo rin ba ko? Malungkot talaga ako. Hinuhusgahan at tinatalikuran ako ng lahat.” Marami rin siyang sinabi tungkol sa kung gaano siya hindi nasisiyahan sa superbisor. Nagkaroon din ako ng pagkiling laban sa superbisor pagkatapos kong pakinggan si Marjorie. Inisip ko na hindi patas ang pag-aasikaso ng superbisor sa mga bagay-bagay. Kung may ilang haka-haka o isyu si Marjorie, dapat ay tulungan at bahaginan niya ito, hindi yung agad-agad ipalagay na isa itong anticristo. Sa pagtitipon naman nung gabing ‘yon tungkol sa pagkilala sa mga anticristo, hindi ako dumalo at natulog na lang. Malungkot talaga ako at hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Nagdasal ako bago matulog, hindi gustong mapalayo sa Diyos at mamuhay sa ganung uri ng kalagayan. Hiniling ko sa Diyos na bigyan ako ng kaliwanagan para maunawaan ko ang Kanyang kalooban sa lahat ng ito.

Kinaumagahan, labis na mas payapa na ang pakiramdam ko. Tiningnan ko ang nilalaman ng bahaginan noong nagdaang gabi at may nakita akong screenshot mula sa usapan ng superbisor at ni Marjorie. Sabi ni Marjorie: “Imposibleng nagkatawang-tao ang Diyos. Sino sa mga kapatid natin ang nakakita na sa Diyos? Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay hindi naaayon sa Bibliya, lampas pa ito sa Bibliya.” Laking gulat ko nang makitang sinabi ni Marjorie ang mga ito. Walang habas siyang nagpapakalat ng mga haka-haka at ni hindi man lang naniniwala sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Noon ko lang napagtanto na hindi ko talaga nauunawaan ang dahilan kung bakit itinuring na anticristo si Marjorie at hindi ko talaga tiningnan ang kanyang mga pag-uugali. Basta lang ako nagpalagay na hindi siya maaaring maging isang anticristo batay sa sarili kong impresyon. Napakabulag at napakamapagmataas ko! May nakita akong isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Nagagawa ng ilang tao na magtiis ng mga paghihirap, magsakripisyo, magpakita ng mabuting asal, maging medyo kagalang-galang, at magalak sa paghanga ng iba. Masasabi ba ninyo na maituturing na pagsasagawa ng katotohanan ang ganitong klase ng ipinapakitang pag-uugali? Matutukoy kaya ng isang tao na napapalugod ng gayong mga tao ang kalooban ng Diyos? Bakit paulit-ulit na nakakakita ang mga tao ng gayong mga indibiduwal at iniisip nila na napapalugod nila ang Diyos, na tumatahak sila sa landas ng pagsasagawa ng katotohanan, at sinusundan ang daan ng Diyos? Bakit ganito ang iniisip ng ilang tao? Isa lamang ang paliwanag para dito. Ano ang paliwanag na iyon? Na para sa napakaraming tao, ang ilang katanungan—tulad ng ano ang ibig sabihin ng isagawa ang katotohanan, ano ang ibig sabihin ng palugurin ang Diyos, at ano ang ibig sabihin ng tunay na taglayin ang realidad ng katotohanan—ay hindi gaanong malinaw. Sa gayon, may ilang tao na madalas malinlang ng mga tao na sa tingin ay mukhang espirituwal, marangal, matayog, at dakila. Tungkol naman sa mga taong mahusay magsalita tungkol sa mga titik at doktrina, at ang pananalita at mga kilos ay tila karapat-dapat sa paghanga, yaong mga nalilinlang ng mga ito ay hindi natingnan kailanman ang diwa ng kanilang mga kilos, ang mga prinsipyo sa likod ng kanilang mga gawa, o kung ano ang kanilang mga mithiin. Bukod pa riyan, hindi nila natingnan kailanman kung tunay na nagpapasakop sa Diyos ang mga taong ito, ni hindi nila natukoy kailanman kung tunay na may takot sa Diyos ang mga taong ito o wala at umiiwas sila sa kasamaan o hindi. Hindi nila nahiwatigan kailanman ang diwa ng pagkatao ng mga taong ito. Sa halip, simula sa unang hakbang ng pagkilala sa kanila, unti-unti na nilang hinangaan at iginalang ang mga taong ito, at sa huli, naging mga idolo nila ang mga taong ito. Bukod pa riyan, sa isipan ng ilang tao, ang mga idolong sinasamba nila—at pinaniniwalaan nila na kayang iwan ang kanilang pamilya at trabaho, at tila paimbabaw na nagagawang magsakripisyo—ang mga tunay na nagpapalugod sa Diyos at talagang magtatamo ng magagandang kahihinatnan at hantungan. Sa kanilang isipan, ang mga idolong ito ang mga taong pinupuri ng Diyos. Ano ang nagiging dahilan para maniwala sila sa gayong bagay? Ano ang diwa ng isyung ito? Ano ang mga bungang kahahantungan nito? … Ang tuwirang resulta nito ay na gumagamit ang mga tao ng mabuting pag-uugali bilang kapalit ng pagsasagawa ng katotohanan, na tumutupad din sa hangarin nilang makahingi ng pabor sa Diyos. Binibigyan sila nito ng puhunang magagamit para labanan ang katotohanan, na ginagamit din nila para mangatwiran at makipaglaban sa Diyos. Kasabay nito, walang-takot na isinasantabi rin ng mga tao ang Diyos, at ipinapalit sa lugar Niya ang mga idolong hinahangaan nila(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagsimula akong magnilay. Lagi kong hinuhusgahan ang mga tao batay sa kanilang panlabas na pag-uugali, inaakalang ang mga nagsasakripisyo, nagtitiis ng pagdurusa, at nagbabayad ng halaga, ay mga naghahanap sa katotohanan at mga nagmamahal sa Diyos. Pero ang pamantayang ito ng paghusga ay hindi umaayon sa katotohanan at nagawa ako nitong malinlang ng panlabas na pag-uugali ng mga tao. Naisip ko kung paanong ang mga Pariseo ay madalas na magpaliwanag ng banal na kasulatan sa mga tao sa mga sinagoga. Sa panlabas, mukha silang makadiyos at mukhang nagtitiis ng pagdurusa, nagsasakripisyo, at gumagawa ng mabubuting gawa, pero nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi sila naghanap at nagsiyasat, kundi walang habas na lumaban at kumondena sa Kanya at sa huli ay ipinako Siya sa krus. Mula rito, napagtanto ko na ang mga tao na nagpapakita ng mabuting pag-uugali sa panlabas ay hindi tiyak na mabubuting tao. Tanging ang mga nagpapasakop sa Diyos, nagmamahal at tumatanggap sa katotohanan ang tunay na mabubuting tao. Para naman sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan at hindi tumatanggap sa katotohanan sa anumang paraan, kahit pa sa panlabas ay gumagawa sila ng mabubuting bagay, sila ay mga huwad lang na makadiyos. Sa panlabas, nagawa ni Marjorie na magtiis ng ilang pagdurusa at magbayad ng halaga, pero sa kaibuturan ay pagod na siya sa katotohanan at napopoot sa Diyos. Hayagan pa nga niyang hinusgahan at itinanggi ang Diyos. Isa siyang kampon ni Satanas. Pero nakita ko lamang kung paano siya nagtiis ng pagdurusa at nagsakripisyo sa panlabas, kaya naniwala ako, batay sa aking mga haka-haka, na hinanap niya ang katotohanan, na responsable siya at matapat sa kanyang tungkulin at hindi posibleng maging isang anticristo. Nang hingin sa amin ng superbisor na isagawang kilalanin at i-block si Marjorie, nagkaroon pa nga ako ng pagkiling laban sa kanya at ayokong gawin ang tungkulin ko. Wala ako ni kaunting pagkakilala kay Marjorie, at bilang resulta, nalinlang ako. Ako ay tunay na hangal.

Kinabukasan, nakita kong nagpapakalat si Marjorie ng mga tsismis at maling paniniwala sa Facebook, sinasabing ang aming iglesia ay sumusunod sa tao lamang, hindi sa Diyos. Nang makita ko kung paano niya siniraan ang Iglesia, nagsisi talaga ako na hindi ko siya binlock at itinaboy at sinubukan pa ngang ipagtanggol. Kaya nagpadala ako ng mensahe sa kanya, tinanong siya kung bakit niya ginagawa ang mga gayong bagay. Sumagot si Marjorie at siniraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at hinimok pa nga akong umalis sa Iglesia. Hindi ko na lang siya pinansin. Paglipas ng dalawang buwan, nalaman ko sa superbisor na nagpadala si Marjorie ng mga mensahe sa kanya kung saan siniraan at kinondena nito ang Iglesia at sinabi pa nga nitong magpapadala ito ng mga mapanirang video sa mga baguhan. Ipinakalat din ni Marjorie sa isang group chat ang marami sa mga ideya niya tungkol sa gawain ng Diyos. Nagkaroon din ng mga haka-haka ang tiyahin ni Marjorie at umalis sa iglesia. Malinaw na paglaban ang pagpapakalat ni Marjorie ng mga haka-haka para linlangin ang mga tao kahit na alam niya ang tunay na daan. Yun ay napakalubhang pagkakasala— siya ay isang anticristo. Sa pag-uugali ni Marjorie, nakita ko na may mga haka-haka siya tungkol sa gawain ng Diyos, pero hindi niya sinubukang lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Nagpakalat pa nga siya ng mga tsismis at maling paniniwala, nilapastangan ang Diyos, siniraan ang Iglesia, at nilinlang ang mga kapatid para itatwa at layuan ang Diyos. Naisip kong si Marjorie ay talagang taksil at mapanlinlang, gaya ng tusong soro na nanlinlang ng mga tao para mailayo sila sa Diyos at itatwa nila ang Diyos. Siya ay talagang napakamapanganib sa iba pang mga kapatid. Kalaunan, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos. “Yaong mga kapatid na palaging nagbubulalas ng kanilang pagkanegatibo ay mga utusan ni Satanas, at ginugulo nila ang iglesia. Ang mga taong ito balang araw ay kailangang itiwalag at alisin. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay walang pusong nagpipitagan sa Diyos, kung wala silang pusong masunurin sa Diyos, hindi lamang sila hindi makakagawa ng anumang gawain para sa Kanya, kundi bagkus ay magiging mga taong gumagambala sa Kanyang gawain at sumusuway sa Kanya. Ang paniniwala sa Diyos ngunit hindi sumusunod o nagpipitagan sa Kanya, at sa halip ay nilalabanan Siya, ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananampalataya. Kung kaswal lang at walang pagpipigil ang pananalita at pag-uugali ng mga mananampalataya na tulad ng mga hindi mananampalataya, mas masama pa sila kaysa mga hindi mananampalataya; sila ay napakatipikal na mga demonyo. Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang palalayasin sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. Ang ilan ay walang anumang taglay kundi mga tiwaling disposisyon, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang nahahayag sa kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong diyablong si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakaabala at nakakagambala sa gawain ng Diyos, nakakasama ito sa pagpasok ng mga kapatid sa buhay, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas; hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga utusang ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas. Ang Diyos ay palaging nasa puso ng mga taong tunay na naniniwala sa Kanya, at palagi silang may pusong nagpipitagan sa Diyos, isang pusong nagmamahal sa Diyos. Dapat gawin ng mga naniniwala sa Diyos ang mga bagay-bagay nang maingat at masinop, at lahat ng ginagawa nila ay dapat maging alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos at makalugod sa Kanyang puso. Hindi dapat maging matigas ang kanilang ulo, na ginagawa ang anumang gusto nila; hindi iyan nababagay sa banal na kaangkupan. Hindi dapat magwala ang mga tao, na iwinawagayway ang bandila ng Diyos kung saan-saan habang nagyayabang at nanggagantso kahit saan; ito ang pinakasuwail na uri ng pag-uugali. May mga panuntunan ang mga pamilya, at may mga batas ang mga bansa—hindi ba lalo na sa sambahayan ng Diyos? Hindi ba higit na mas mahigpit pa ang mga pamantayan nito? Hindi ba higit na mas marami pa itong atas administratibo? Ang mga tao ay malayang gawin ang gusto nila, ngunit ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring baguhin kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpapalampas ng kasalanan ng mga tao; Siya ay isang Diyos na nilalagay sila sa kamatayan. Hindi pa ba ito alam talaga ng mga tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na iyong mga laging nagkakalat ng haka-haka, naghahasik ng pagiging negatibo at gumagambala sa iglesia ay mga alagad ni Satanas. Hindi nila minamahal ang katotohanan at wala sila ni katiting na takot sa Diyos sa kanilang puso. Iyong mga bumubuo ng mga pangkat at nagsasanhi ng pagkakawatak-watak, iyong mga nagpapakalat ng mga haka-haka at tsismis na nagtatatwa at lumalapastangan sa Diyos, ay mga demonyo lahat at silang lahat ay dapat na palayasin at parusahan ng Diyos. Iyong mga nailigaw ng mga tsismis at pumanig sa mga makasalanan at mga anticristo ay palalayasin din maliban na lang kung tatanggihan nila ang mga ito. Hindi binasa ni Marjorie ang mga salita ng Diyos o hinanap ang katotohanan para lutasin ang mga haka-haka niya, at hindi rin siya naghanap kasama ang ibang mga kapatid. Sa halip, kinuwestyon at itinatwa niya ang Diyos, at nagpakalat pa nga ng mga haka-haka, hayagang hinusgahan at nilapastangan ang Diyos. Naghasik din siya ng kaguluhan at idinamay ang ibang mga kapatid, nilinlang sila na pumanig sa kanya at bumuo ng mga pagkiling laban sa superbisor, na gumambala sa gawain ng iglesia. Talagang masama si Marjorie. Ang diwa niya ay sa isang anticristong napopoot sa katotohanan at napopoot sa Diyos. Kung hindi dahil sa kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, nalansi na sana akong panigan siya at gawing kaaway ang Diyos. Napagtanto ko rin na ang layunin ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagbabahaginan tungkol sa pagkilala sa mga anticristo ay para tulungan ang mga kapatid na maunawaan ang katotohanan at magkaroon ng pagkakilala nang hindi sila magambala at malinlang ng mga anticristo. Ginagawa ang pagtitiwalag sa mga anticristo mula sa iglesia para protektahan ang mga hinirang ng Diyos. Sa kabila ng pagiging lider, wala akong pagkakilala sa anticristong ito at naniwala ako sa mga kasinungalingan niya. Pinanigan ko pa nga siya at ipinagtanggol. Nakita kong naging kasabwat ako ni Satanas. Nakisimpatya ako, pumrotekta at nagpakita ng pagmamahal sa isang anticristo. Ito ay isang kalupitan laban sa mga hinirang ng Diyos. Napagtanto ko kung gaano ako kahangal at talagang nasuklam ako sa aking sarili, kaya lumapit ako sa Diyos sa panalangin, na nagsisisi at humihingi ng Kanyang kapatawaran.

Kalaunan, nakita ko ang mga siping ito ng mga salita ng Diyos: “Nakabatay sa kanilang pag-uugali ang pamantayang ginagamit ng mga tao upang hatulan ang ibang mga tao; matuwid yaong ang asal ay mabuti, habang buktot yaong ang asal ay karumal-dumal. Ang pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay batay sa kung nagpapasakop ba o hindi sa Kanya ang kanilang diwa; matuwid na tao ang nagpapasakop sa Diyos, samantalang ang hindi nagpapasakop ay kaaway at isang buktot na tao, mabuti man o masama ang pag-uugali ng taong ito at kung tama man o mali ang kanyang pananalita(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). “Nang nagkatawang-tao ang Diyos at pumarito upang gumawa kasama ng mga tao, ang lahat ay napagmasdan Siya at napakinggan ang Kanyang mga salita, at nakita ng lahat ang mga gawa na ginagawa ng Diyos mula sa Kanyang katawang-tao. Sa sandaling iyon, ang lahat ng kuru-kuro ng tao ay naging mga bula. At para sa mga nakakita na sa pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi sila hahatulan kung kusang-loob silang tatalima sa Kanya, samantalang ang mga sadyang naninindigan laban sa Kanya ay ituturing na kalaban ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga anticristo, mga kaaway na sadyang naninindigan laban sa Diyos. Ang mga nagkikimkim ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos ngunit nakahanda pa rin at nagnanais na sumunod sa Kanya ay hindi mahahatulan. Hinahatulan ng Diyos ang tao batay sa kanyang mga layunin at mga kilos, hindi kailanman sa kanyang mga kaisipan at ideya. Kung hahatulan ng Diyos ang tao batay sa kanyang mga kaisipan at mga ideya, wala ni isang tao ang makatatakas mula sa puno ng galit na mga kamay ng Diyos. Ang mga sadyang naninindigan laban sa Diyos na nagkatawang-tao ay parurusahan dahil sa kanilang pagsuway. Tungkol sa mga taong ito na sadyang naninindigan laban sa Diyos, ang kanilang pagsalungat ay nagmumula sa katunayan na nagkikimkim sila ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, na umaakay sa kanila sa mga pagkilos na nakagagambala sa gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay sadyang lumalaban at sumisira sa gawain ng Diyos. Hindi lamang sila nagtataglay ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, nakikibahagi rin sila sa mga aktibidad na gumagambala sa Kanyang gawain, at dahil dito ang ganitong klase ng mga tao ay mahahatulan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Malinaw ang mga salita ng Diyos: Hinahatulan ng Diyos ang mga tao batay sa kanilang diwa at kanilang saloobin sa katotohanan. Maaaring may mga haka-haka ang ilang tao tungkol sa gawain ng Diyos, pero kung magagawa nilang hanapin ang katotohanan at isantabi ang kanilang mga haka-haka, hindi sila isusumpa ng Diyos. Iyong mga laging may opinyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, mga hindi tumatanggap sa katotohanan at kinukuwestyon at itinatatwa pa nga ang Diyos ay pawang mga kaaway ng Diyos at mga anticristo, gaano man kaganda ang kanilang panlabas na pag-uugali. Isinusumpa ng Diyos ang mga gayong tao at pinalalayas sila. Isinaalang-alang ko lang dati ang panlabas na pag-uugali ng mga tao. Inakala kong si Marjorie ay matapat siguro sa Diyos at isang naghahanap ng katotohanan, dahil siya ay marubdob, nagsakripisyo, iginugol ang kanyang sarili at naging lider ng iglesia, pero hindi ko isinaalang-alang ang diwa niya o ang saloobin niya sa Diyos at sa katotohanan. May ilang haka-haka si Marjorie tungkol sa gawain ng Diyos at hindi siya tumanggap ng pagbabahagi mula sa ibang mga kapatid. Ikinalat din niya ang mga haka-haka niya at hayagang itinatwa ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang diwa niya ay napopoot sa Diyos at napopoot sa katotohanan—isa siyang anticristo. Nailigaw at nalinlang ako ng mga panlabas na ilusyon ni Marjorie at pumanig sa isang anticristo. Wala talaga akong pagkakilala. Noon ko lang napagtanto na dapat nating husgahan ang mga tao at mga bagay gamit ang mga salita ng Diyos at mga prinsipyo ng katotohanan, hindi lang batay sa panlabas na pag-uugali ng mga tao.

Pagkatapos nun, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Dinadalisay ng Diyos ang iglesia, inaalis dito ang mga nanggagambala at nanggugulo, mga anticristo, masasamang espiritu, masasamang tao, mga walang pananampalataya, yaong mga hindi tunay na nananalig sa Kanya, at yaong mga hindi man lamang makagawa ng serbisyo. Ang tawag dito ay paggagapas ng bukirin; ang tawag dito ay pagtatahip. … Makikita mo na ginagawa ng Diyos ang lahat sa takdang oras nito. Hindi Siya gumagawa nang basta-basta. Ang Kanyang gawain ng pamamahala ay sumusunod sa planong ginawa Niya, at ginagawa Niya ang lahat sa paisa-isang hakbang, hindi basta-basta. At ano naman ang mga hakbang na iyon? Ang bawat hakbang ng gawain na ginagawa ng Diyos sa mga tao ay kailangang umepekto, at kapag nakikita Niya na umeepekto iyon, ginagawa Niya ang sunod na hakbang ng gawain. Naisip na ng Diyos sa Kanyang sarili kung paano maaaring umepekto ang Kanyang gawain, kung ano ang kailangan Niyang sabihin at gawin. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pangangailangan ng mga tao, hindi nang basta-basta. Anumang gawain na magiging epektibo sa mga tao, ginagawa iyon ng Diyos, at anumang walang kinalaman sa pagiging epektibo, siguradong hindi iyon ginagawa ng Diyos. Halimbawa, kapag kailangan ng mga negatibong materyal sa pagtuturo kung saan maaaring magkaroon ng pagkakilala ang mga taong hinirang ng Diyos, maglilitawan sa iglesia ang mga huwad na Cristo, anticristo, masamang espiritu, masamang tao, at nanggagambala at nanggugulo, kung saan maaaring magkaroon ng pagkakilala ang iba. Kung nauunawaan ng mga taong hinirang ng Diyos ang katotohanan at natutukoy ang gayong mga tao, nakagawa na ng serbisyo ang mga taong iyon, at wala nang halaga ang pag-iral nila. Sa panahong iyon, kikilos ang mga taong hinirang ng Diyos para ilantad at iulat sila, at agad silang aalisin ng iglesia. Ang buong gawain ng Diyos ay may mga hakbang, at lahat ng hakbang na iyon ay isinaayos ng Diyos batay sa kinakailangan ng tao sa kanyang buhay at kanyang tayog(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos (3)). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na bagamat maraming tao ang gumagawa ng tungkulin sa iglesia, hindi lahat sila ay hinirang ng Diyos at hindi lahat ay Kanyang tupa. Ang mga lobo ay nagtago sa gitna ng kawan. Pinahihintulutan ng Diyos ang mga anticristo, makasalanan at walang pananampalataya sa iglesia para tulungan tayong magkaroon ng pagkakilala, matuto ng mga aral, at magawang makita kung alin ang mabuti at alin ang masama. Bagamat ginagawa ni Marjorie ang kanyang tungkulin sa iglesia, hindi siya tunay na nananalig sa Diyos. Sumapi lang siya sa iglesia para suriin ang gawain ng Diyos, hindi para hanapin at unawain ang katotohanan. Siya ay isang lobong nakadamit-tupa at isang masamang taong pinalayas ng Diyos. Dinadalisay na ngayon ng Diyos ang iglesia at inilalantad ang bawat uri ng tao. Walang anticristo, makasalanan o walang pananampalataya ang makapananatiling nakatago sa iglesia, bagkus lahat sila ay malalantad at mapapalayas sa pamamagitan ng gawain ng Diyos. Tanging ang mga tunay na nananalig sa Diyos, nagmamahal sa katotohanan at naghahanap sa katotohanan ang mananatili, at sila lamang ang dadalisayin at ililigtas ng Diyos.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala at natuto ng ilang bagay. Una, hindi puwedeng ang isaalang-alang ko lang ay ang panlabas na pag-uugali ng mga tao, kung gaano sila nagtitiis ng pagdurusa at gumugugol ng kanilang sarili, dahil maraming tao ang kayang gawin ang mga ito, lalo na ang mga relihiyosong manloloko. Ikalawa, hindi ko dapat sambahin ang mga tao lamang dahil kinasusuklaman ng Diyos ang pagsamba sa mga tao. Ang Diyos lamang ang dapat tingalain at sambahin ng isang tao. Ikatlo, bilang isang lider ng iglesia, kailangan kong isaalang-alang ang pagpasok sa buhay ng aking mga kapatid, at unahin ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa kanila. Ikaapat, kapag nahaharap sa mga problema, dapat akong magkaroon ng pusong may takot sa Diyos, at matutong maghanap at maghintay. Hindi ako dapat walang ingat na humusga at kumondena batay sa sarili kong mga haka-haka. ‘Yan ay maaaring lumabag sa disposisyon ng Diyos. Ikalima, dapat pa akong magbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para maunawaan ang katotohanan. Sa pamamagitan lamang ng patnubay ng mga salita ng Diyos natin mahahalata ang masasamang pakana ni Satanas at mapapanigan ang katotohanan. Napagtanto ko rin kung gaano kahalaga ang katotohanan. Sa pamamagitan lamang ng pag-unawa sa katotohanan natin maaari talagang maunawaan ang mga bagay at makilala ang lahat ng uri ng mga makasalanan, anticristo at walang pananampalataya. Sa hinaharap, magbabasa pa ako ng mga salita ng Diyos at ibabatay sa mga salita ng Diyos ang aking mga kilos at paghusga sa mga tao at bagay-bagay, gamit ang katotohanan bilang ang prinsipyo ko. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Sa mga salita ng Diyos nakita ko ang isang paraan para masanay sa pagpasok at nalaman ko kung paano maglingkod na kasama ng iba. Naunawaan ko ang mga kagustuhan ng Diyos: Lahat ay may kalakasan, at nais ng Diyos na gamitin ng lahat ang mga kalakasang iyon sa gawain ng pamilya ng Diyos, at sa paggawa nito ang mga kahinaan ng lahat ay mapupunan.

Ang Pinakamakabuluhang Pasya

Ni Víctor, Uruguay Noong kabataan, sinunod ko ang mga magulang ko sa pananalig sa Panginoon. Nang lumaki na ako, nagtrabaho ako sa...