Paglabas Mula sa Pagkalito

Mayo 15, 2018

Zhenxi Zhengzhou City, Lalawigan ng Henan

Sampung taon na ang nakararaan, dahil sa aking mapagmataas na kalikasan, hindi ko kailanman lubos na nasunod ang mga pag-aayos ng iglesia. Susunod ako kapag naibigan ko, at kapag hindi naman, mamimili ako kung susundin ko o hindi. Humantong ito sa malalang paglabag sa mga kaayusan sa gawain sa pagtupad ng aking tungkulin. Ginawa ko ang sarili kong kagustuhan at nagkasala sa disposisyon ng Diyos, kaya ako ay pinauwi. Pagkaraan ng ilang taong pagdidili-dili sa aking sarili humigit-kumulang ay may nalaman ako sa sarili kong kalikasan, subali’t sa ganang katotohanan na diwa ng Diyos wala pa rin akong gaanong kaalaman. Nang bandang huli, isinaayos ng iglesia para sa akin na maging pinuno ng gawain ng ebanghelyo, nagsimula akong magkaroon ng mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos: lubha akong naging tiwali at nagkasala rin ako sa disposisyon ng Diyos. Bakit ako gagamitin ng Diyos? Nilalamangan ba Niya ako? Maaalis ba ako pagkatapos akong pakinabangan? Ah! Dahil binigyan ako ng iglesia ng isa pang pagkakataon itatangi ko ito, kahit na ako’y maging isang taga-serbisyo lamang. Mula noon, ginampanan ko ang aking mga tungkulin sa ganoong kaisipan, ngunit nang hindi naghahanap ng higit na mataas na layunin—ang gawing perpekto ng Diyos.

Minsan, nang aking isinasagawa ang pang-espirituwal na debosyon, nakita ko ang mga salita na ito ng Diyos: “Sa ngayon, hindi ka maaaring masiyahan lamang sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas ng loob upang ikaw ay magawang perpekto, at hindi mo dapat laging isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan? Kaya bang sadyain ng katotohanan ang pagsalungat sa mga tao? Kung hahangarin mo ang katotohanan, kaya ka ba nitong madaig? Kung maninindigan ka para sa katarungan, pababagsakin ka ba nito? Kung tunay ngang ang hangarin mo ay pagsikapang matamo ang buhay, kaya ka bang iwasan ng buhay? Kung wala sa iyo ang katotohanan, hindi ito dahil sa hindi ka pinapansin ng katotohanan, kundi dahil sa lumalayo ka mula sa katotohanan. Kung hindi mo kayang manindigan nang matatag para sa katarungan, hindi ito dahil sa may kamalian ang katarungan, kundi dahil sa naniniwala kang nalilihis ito sa mga katunayan. Kung hindi mo natamo ang buhay matapos mong pagsumikapang hanapin ito sa loob ng maraming taon, ito ay hindi dahil sa ang buhay ay walang konsensya ukol sa iyo, kundi dahil sa wala kang konsensya ukol sa buhay, at naitaboy mo ang buhay. Kung namumuhay ka sa liwanag, at hindi mo nakayang makamit ang liwanag, ito ay hindi dahil sa hindi nagagawa ng liwanag na liwanagan ka, kundi dahil sa hindi mo nabigyang-pansin ang pag-iral ng liwanag, kung kaya’t tahimik kang nilisan ng liwanag. Kung hindi ka naghahangad, masasabi na lamang na ikaw ay walang-halagang basura, at walang lakas ng loob sa iyong pamumuhay, at hindi mo taglay ang espiritu para labanan ang mga puwersa ng kadiliman. Masyado kang mahina! Hindi mo kayang tumakas mula sa mga puwersa ni Satanas na umaatake sa iyo, at ang nais mo lamang ay magpatuloy sa ganitong uri ng ligtas at panatag na buhay at mamatay sa kamangmangan. Ang dapat mong makamit ay ang iyong pagsisikap na malupig. Ito ang iyong nakatakdang tungkulin. Kung sapat na para sa iyo ang malupig, itinataboy mo ang pag-iral ng liwanag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Pagkatapos kong kainin at inumin ang siping ito ng salita ng Diyos, masyadong naantig ang loob ko. Nakita ko na ang layon ng Diyos ay hayaan ang lahat ng tao na hangaring gawing perpekto at nararapat gamitin ng Diyos. Kaya nagpasiya ako: aalisin ko ang lahat ng aking takot at hindi na ako magiging negatibo at walang-kibo. Maniniwala ako sa mga salita ng Diyos at magsisikap na gawing perpekto ng Diyos. Subali’t unti-unti, dahil hindi ko pa batid ang diwa ng katapatan ng Diyos, nagsimula akong muling hindi maniwala sa mga salita ng Diyos, laging nag-iisip na ang mga salitang ito ay para sa ibang tao, at maaari lamang magbigay ng kaunting aliw at lakas ng loob sa isang tulad ko. Lagi kong naaalala kung paano akong minsang nagkasala sa disposisyong ng Diyos, na masyadong tiwali ang aking kalikasan, na kung minsan ay naibunyag ko pa ang aking tiwaling disposisyon habang ginagampanan ko ang aking tungkulin, na hindi kailanman ako magiging perpekto gaano ko man ito pagsumikapan, at nag-iisip na dapat maging sapat na sa akin ang maging isang taga-serbisyo lamang. Sa ganoon lamang, hindi ko napapansin na muli akong nagsimulang mabuhay sa pagiging walang-kibo. Hanggang isang araw, habang ako ay kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, nakita ko ang sumusunod na mga salita ng Diyos: “Ang diwa ng Diyos ay tapat; ginagawa Niya kung ano ang Kanyang sinasabi, at kung anuman ang Kanyang ginagawa ay nakakamit(“Ang Ikalawang Aspeto ng Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa saglit na ito, tila may biglang lumagitik sa loob ko, na tila maliit na ulap na lumambong sa aking puso ay biglang nawala. Ang mga taon ng mga hindi pagkakaunawaan at pangamba ay biglang naglaho. Muli ay naalala ko ang siping iyon ng salita ng Diyos na aking dating kinakain at iniinom: “Kung tunay ngang ang hangarin mo ay pagsikapang matamo ang buhay, kaya ka bang iwasan ng buhay? Kung wala sa iyo ang katotohanan, hindi ito dahil sa hindi ka pinapansin ng katotohanan, kundi dahil sa lumalayo ka mula sa katotohanan. Kung hindi mo kayang manindigan nang matatag para sa katarungan, hindi ito dahil sa may kamalian ang katarungan, kundi dahil sa naniniwala kang nalilihis ito sa mga katunayan. Kung hindi mo natamo ang buhay matapos mong pagsumikapang hanapin ito sa loob ng maraming taon, ito ay hindi dahil sa ang buhay ay walang konsensya ukol sa iyo, kundi dahil sa wala kang konsensya ukol sa buhay, at naitaboy mo ang buhay….” Sa sandaling ito, naramdaman ko ang pagkakaroon nakahihindik at nakapupukaw na katuwiran at walang-hanggang pagmamahal mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang Diyos ay lubos na maharlika at dakila, habang kasabay na nakita ko ang aking pagkaaba, kakitiran ng isip, at kabulukan. Ang Diyos ay tapat. Ito ay hindi maaaring pagdudahan at mapag-aalinlanganan. Ang Diyos ay may diwang tapat, Siya ay mapagkakatiwalaan, at pinagsisikapan Niyang iligtas ang tao sa pinakamalawak na posibleng maabot. Habang nagsisikap ang taong hanapin ang katotohanan at magkaroon ng pagbabago sa disposisyon ayon sa mga hinihingi ng Diyos, gagawing ganap ng Diyos ang tao, sapagkat anuman ang sabihin ng Diyos na gagawin Niya, at kung ano ang ginagawa Niya ay magagawa! Sa halip, pinaghinalaan ko na ang Diyos ay tulad ng tao at iwawaksi ako pagkatapos kong maging kapaki-pakinabang. Hindi ko talaga itinuring ang salita ng Diyos bilang katotohanan, at at bukod doon ay hindi tunay at positibong naniwala sa Diyos. Sa halip, nabuhay ako sa mga hinagap at hinala sa aking isip, nagkulang sa tapang sa harap ng katotohanan at may karuwagang bumigay sa hikayat ng kadiliman, at hindi nakapanindigan para sa katarungan. Noon ko totoong naunawaan na ang paghahanap ng kaalaman tungkol sa diwa ng Diyos ay lubhang mahalaga. Kung noon pa ay pinagsikapan ko nang hanapin ang kaalaman sa disposisyon at diwa ng Diyos, hindi sana ako gumugol ng maraming taon na nabubuhay sa takot, na nagpabalam ng pag-unlad ng aking buhay.

Salamat, Makapangyarihang Diyos! Ikaw ang nag-aruga sa akin at niliwanagan at ginabayan mo ako upang makalas ko ang mga tanikala na gumapos sa akin ng napakaraming taon, na nagtutulot sa aking lumabas sa kalituhan. Noon ay hindi Kita nakilala at madalas ay nabubuhay ako sa di-pagkakaunawa, hindi nagtitiwala sa Iyong salita at itinuring lamang iyon na pang-aliw at pang-akit sa mga tao. Hindi ko itinuring ang Iyong salita bilang katotohanan at buhay, at bukod doon ay hindi Ka itinuring bilang Diyos. Subali’t nagparaya Ka sa akin, at pinagtiyagaan ako. Niliwanagan Mo ako at tinanglawan, upang ako ay magkakaroon ng kahit kaunting kaalaman sa Iyong tapat at matuwid na diwa. Ito ang tiyak na halimbawa ng Iyong pagmamahal sa tao. Oh Diyos! Mula ngayon ay masidhi akong magpupunyagi sa paghahanap ng katotohanan tungkol sa pagkilala sa Diyos, mabuhay ayon sa Iyong inaasahan sa akin, hanapin ang kaalaman ng Iyong diwa, at sikaping magbago ng disposisyon sa madaling panahon upang ako ay Iyong magagawang perpekto!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Hindi Mabuburang Desisyon

Ni Bai Yang, TsinaNoong ako ay 15 taong gulang, namatay ang tatay ko dahil sa isang biglaang sakit. Hindi nakayanan ng nanay ko ang dagok...