Isang “Ninakaw” na Pagpapala
Ito ay noong Marso ng 2012. Hindi ko alam kung anong araw nagsimula, pero napansin kong araw-araw pagkatapos maghapunan, nagmamadali ang asawa ko sa kanyang mga gawaing-bahay, at tapos pumapasok sa kwarto para magbasa ng libro. Nangyari ito isang araw, sa sumunod … at patuloy itong nangyari. Napukaw talaga ang interes ako. Anong libro ang binabasa niya? Bakit napakakaakit-akit nito sa kanya? Isang gabi, hindi ko napigilang itulak pabukas ang pinto para makita kung anong nangyayari. Nang makita niya akong pumasok, gusto niyang iligpit ang libro. Sinunggaban ko ang kamay niyang nakahawak sa libro at tinanong kung anong libro ang binabasa niya. Ngumiti siya at sinabing, “Ito ay Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero. Ito ang mga salitang ipinahayag ng nagbalik na Panginoong Jesus. Inaasam natin ang Kanyang pagbabalik, at ngayon ay nagbalik na Siya.” Nang marinig ko ‘yon, nagulat ako at natakot. Naalala ko ang sinabi ng pastor, “Nananalig tayo sa Panginoon, kaya tayo ay naligtas. Pagdating Niya, tuwirang itataas Niya tayo sa kaharian ng langit, kaya’t ang anumang pangangaral tungkol sa pagparito ng Panginoon ay hindi totoo.” Galit kong sinabing, “Sa tingin ko’y nagkakamali ka. Nakalimutan mo na ba ang sinabi sa atin ng pastor? Nailigtas na tayo sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon. Kung nagbalik na ang Panginoon, naitaas na sana tayo sa kaharian ng langit. Pero andito pa rin naman tayo, diba? Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, dapat tayong magbasa ng Bibliya at sumunod sa daan ng Panginoon. Sa gayon lamang tayo madadala sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon.” Sabi ng asawa ko, “Huwag kang masyadong magmadaling tukuyin ito. Basahin mo muna ang librong ito, at pagkatapos ay malalaman mo kung talagang nagbalik na ang Panginoon.” Pero sobrang maingat ako rito nung panahong ‘yon, kaya hindi ko matanggap ang sinabi ng asawa ko, kaya ang tanging nagawa niya ay ang kunin ang libro.
Pagkatapos nun, nang minsang umuwi ako para kumuha ng isang gamit habang nasa kalagitnaan ng trabaho, at nang makita kong binabasa na naman ng asawa ko ‘yung libro, napasimangot ako at hindi ko siya pinansin habang kinukuha ko ang kailangan ko at saka umalis. Habang pabalik, iniisip ko, “Bakit ba napakasigasig ng asawa ko tungkol dito? Nagbabasa siya tuwing may oras siya, at lumalabas upang ipangaral ang ebanghelyo.” Bigla kong naalala ang sinabi ng ina ko noon, “Ang ‘Kidlat ng Silanganan’ ay isang napakalakas na puwersa. Ang mga kapatid na pamilyar sa Bibliya at lubos na naghahangad ay naliligaw sa kanilang mga libro at hinding-hindi na nakakalabas.” Naisip ko, “Nagbabasa ba ang asawa ko ng libro ng Kidlat ng Silanganan? Ginulo na ba nito ang isip niya? Paano kung talagang malinlang siya at mawalan ng pagliligtas ng Panginoon? Pero immature pa ako sa buhay, at hindi ako masyadong pamilyar sa Bibliya. Hindi ko alam kung paano ko siya ibabalik.” Kalaunan, pumunta ako sa bahay ni Pastor Chen para tulungan siyang mag-redecorate. Naisip kong matagal na siyang nananalig sa Panginoon, pamilyar siya sa Bibliya, at mature na sa buhay. May mahuhusay siyang paraan para ibalik ang asawa ko mula sa bingit. Kaya, sinabi ko kay Pastor Chen, “Nitong mga nakaraang araw, nagbabasa ng libro ang asawa ko. Sinasabi niyang nagbalik na ang Panginoon at aktibo siyang nangangaral ng ebanghelyo. Malaki na ang ipinagbago niya. Alam mo na noon, mahina ang pananalig niya sa Panginoon, at hindi siya gaanong nagbabasa ng Bibliya. ‘Di ko alam kung bakit napakasidhi niyang naghahangad ngayon.” Matapos marinig ito, seryoso niyang sinabing, “Nanganganib siya! Ngayon, sa buong mundo ng relihiyon, tanging ang Kidlat ng Silanganan ang nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon, at sila lang ang hindi nagbabasa ng Bibliya. Baka tinanggap na ng asawa mo ang Kidlat ng Silanganan. Kung nananalig siya sa Kidlat ng Silanganan, mawawala sa kanya ang pagliligtas ng Panginoon, at ‘di siya makakapasok sa kaharian ng langit. Kailangan mong kumilos agad para maibalik siya.” Kinilabutan ako nang marinig ko ‘yon. Nag-alala akong dahil sa maling pananalig ng asawa ko, pababayaan siya ng Panginoon, at masasadlak siya sa mga sakuna. Tinanong ko si Pastor Chen kung ano ang dapat kong gawin. Saglit siyang nag-isip, tapos ay sinabing, “Isa akong pastor, at mas alam ko ang Bibliya kaysa sa’yo. Ngayong gabi, nakawin mo ang librong binabasa ng asawa mo, at tutulungan kitang tingnan ito. Pero ‘wag mong hayaang malaman niya.” Nung panahong ‘yon, naisip ko na mas mabuting matulungan ako ng pastor na suriin ito. Nang sa ganun, malalaman ko kung ano ang nakasulat dito, at magkakaroon ako ng kaunting pagkakilala. Kung mali ang pananalig ng asawa ko, mahihimok namin siyang bumalik sa oras. Nung gabing ‘yon, palihim kong dinala ang Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero sa bahay ni Pastor Chen. Kinuha ni Pastor Chen ang libro, kaswal itong tiningnan, tapos ay ibinagsak ito sa mesa. Habang nakatitig sa pabalat ng libro, mapanghamak niyang sinabing, “Oo, isa itong libro ng Kidlat ng Silanganan. Sigurado akong nananalig ang asawa mo sa Kidlat ng Silanganan. Napakataas ng kanilang pangangaral, at hindi ito mapabulaanan ng karamihan. Ang ilang tao na masidhing naghahangad at pamilyar sa Bibliya ay tuluyang humihinto sa pagbabasa ng Bibliya pagkatapos mabasa ang kanilang mga libro. Kung hindi sila nagbabasa ng Bibliya, mananampalataya pa rin ba sila ng Panginoon? Nalinlang ang asawa mo ng Kidlat ng Silanganan. Kung hindi siya babalik, mawawala sa kanya ang mga pagpapala ng kaharian ng langit.” Medyo naguluhan ako nang marinig ko ito, “Ang mga hindi pamilyar sa Bibliya ay walang pagkakilala, kaya’t normal na malilinlang sila, ngunit kung ang mga matagal nang naging lider at alam ang Bibliya ay nananalig sa Kidlat ng Silanganan, mayroon bang isang uri ng misteryo sa librong ito? Kung hindi, bakit ang mga taong pamilyar sa Bibliya ay masyadong naaakit dito at tuluyang nananalig sa Kidlat ng Silanganan? Hindi ko talaga maintindihan.” Kaya, sinabi ko sa pastor, “Marami kang nauunawaan tungkol sa Bibliya. Tingnan mo ang nilalaman ng libro at sabihin mo sa’kin ang tungkol sa sinasabi nito. Ano ang dapat kong gawin para mahikayat ang asawa ko na bumalik?” Nagulat ako nang seryosong sinabi ni Pastor Chen, “Isa akong pastor, at mature na ako sa buhay, kaya hindi ko na kailangang basahin ang librong ito. Nailigtas tayo sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon, at kailangan lang nating maghintay na dalhin Niya tayo sa kaharian ng Diyos. Kung ipinapangaral sa’yo ng asawa mo ang Kidlat ng Silanganan, ‘wag mong paniwalaan ito. Ang Kidlat ng Silanganan ay isa lang pampinansyal na scam. Sa usaping ito, ang tanging magagawa mo lang ay siguraduhing hindi mo siya bibigyan ng maraming pera. Ideposito mo ang lahat ng pera mo, huwag mong hayaang makakuha siya rito, at bantayan mo ang bawat galaw niya.” Nung oras na ‘yon, pakiramdam ko’y mas nakakaalam ang pastor kaysa sa’kin, at ito ay para protektahan ako, kaya nagpasya akong gawin ang sinabi niya. Pagkauwi ko, akala ko’y hindi pa nakakabalik ang asawa ko, kaya’t maingat kong ibinalik ang libro sa kinalalagyan nito, pero bago ko pa ito maitabi, lumabas ang asawa ko sa kabilang kwarto. Nagulat ako, at pagkatapos ay nag-aalala niya akong tinanong, “Kinuha mo ba ang libro ko?” Natakot akong malaman niyang ninakaw ko ito, kaya nagsinungaling ako at sinabing, “Hindi ko kinuha. Palagi mong iniiwan ang mga bagay kung saan-saan. Tutulungan kitang hanapin ‘to.” Tapos, naghalungkat ako sa kwarto, at sa wakas ay kinuha ang libro, iniabot ito sa kanya, at sinabing, “Heto na. Palagi mong iniiwan ang mga bagay kung saan-saan. Dapat mo itong ilagay sa tamang lugar.” Nakatitig lang sa akin ang asawa ko, at pakiramdam ko’y namumula ang mukha ko habang kinukurot ng konsensya ang puso ko. Buti na lang at hindi na nagtanong pa ang asawa ko. Kinuha lang niya ang libro at umalis. Sa sandaling ito, naalala ko na hinihiling sa atin ng Panginoong Jesus na maging matatapat na tao. “Ang magiging pananalita ninyo’y, ‘Oo, oo; Hindi, hindi’” (Mateo 5:37). Pero anong ginawa ko? Lumabag ako sa mga turo ng Panginoon at sa konsensya ko, kumilos ako na parang magnanakaw. Pero inaliw ko ang sarili ko sa pagsasabi na ginawa ko ito para protektahan siya.
Kinabukasan, pumunta ako sa bangko, pinalitan ko ang mga PIN ng lahat ng aming bank book at card, at idineposito ang lahat ng aming ekstrang pera, para meron lang kaming sapat para sa pagkain. Sa hindi inaasahan, walang sinabing anuman ang asawa ko nang malaman niya ‘to. Bukod sa pagbabasa ng kanyang libro, ginawa niya ang lahat ng gawaing-bahay niya at magiliw niya akong pinakitunguhan gaya pa rin ng dati. Pero napahiya ako at hindi mapalagay. Napakatagal na akong nananalig sa Diyos, pero tinatrato ko pa rin ang asawa ko sa masasamang paraan. Hindi dapat ganito umasal ang isang Kristiyano. Napagtanto ko na malaki ang ipinagbago ng asawa ko mula nang simulan niyang basahin ang libro. Tinatrato ko siya nang ganito, pero hindi man lang siya nagagalit. Ang mga salita ba sa libro ang nagpabago sa kanya? Nagkakamali ba ako? Maaari kayang itong Kidlat ng Silanganan na sinasampalatayaan ng asawa ko ay talagang ang pagbabalik ng Panginoong Jesus? Alam kong kailangan kong malaman ang lahat.
Isang gabi, sa hapunan, hinikayat ako ng asawa ko na basahing muli ang libro, at sinabing, “Sinasabi mong nailigtas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon, at na dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit pagparito Niya. Pero tingnan mo tayo, ang ina at hipag natin, matagal na tayong nananalig sa Panginoon, pero palagi tayong nagkakasala sa araw at nagtatapat sa gabi. Hindi natin matakasan ang gapos ng kasalanan. Sinasabi ng Kasulatan na kung walang kabanalan, hindi natin makikita ang Panginoon. Ang Diyos ay banal, kaya kung napakadalas pa rin tayong magkasala, paano tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit? Ngayon, nagbalik na ang Panginoong Jesus. Ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos upang ganap na linisin ang mga tao sa kasalanan at dalhin tayo sa Kanyang kaharian. Upang makapasok sa kaharian ng langit, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.” Medyo may katuturan para sa’kin ang sinabi ng asawa ko. Namumuhay pa rin tayo sa pagkakasala sa araw at pagtatapat sa gabi, at hindi pa rin tayo makatakas sa gapos ng kasalanan. Ang Panginoon ay banal, kaya mahirap sabihin kung makakapasok sa kaharian ng langit ang mga taong kasingdumi at kasingtiwali natin. Nang mapagtanto ko ito, tumango ako. Nakita ng asawa ko na hindi ako tumututol, at masayang sinabi na pwedeng pumunta ang dalawang sister kinabukasan para makipag-usap sa’kin tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Pumayag akong pakinggan sila. Pero alam kong kaunti lang ang naiintindihan ko tungkol sa Bibliya, kaya gusto kong pumunta rin si Pastor Chen para tulungan akong maunawaan at makipagdebate sa mga sister. Sa ganoong paraan, magkakaroon ako ng pagkakilala at makikita kung kaninong mga salita ang pinakanaaayon sa Bibliya. Kaya, sinabi ko kay Pastor Chen ang tungkol dito.
Kinabukasan, pagkatapos ng hapunan, dumating na ang lahat. Ibinahagi ng isa sa mga sister na, “Nagbalik na ang Panginoon, ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng mga tao—” Bago pa siya makatapos, malakas na sumigaw si Pastor Chen, “Sa anong batayan n’yo sinasabi na nagbalik na ang Panginoon? Napatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananalig sa Panginoong Jesus. Iniligtas tayo ng biyaya. Hindi natin kailangan ang gawaing ito ng paghatol. Hindi n’yo talaga nauunawaan ang Bibliya!” Sinabi nung isa pang sister sa pastor, “Brother, hindi natin makakamit ang katotohanan sa pamamagitan ng pagtatalo tungkol dito. Nagbalik na talaga ang Panginoon, at kung babasahin mo ang katotohanang ipinapahayag ng nagbalik na Panginoon, malalaman mo kung Siya ay totoo.” Naiinip na sinabi ni Pastor Chen, “Bakit ko ito babasahin? Hindi pa bumabalik ang Panginoon. Hindi n’yo talaga nauunawaan ang Bibliya, kaya bakit n’yo ipinangangaral ang ebanghelyo? Mas marami akong alam tungkol sa Bibliya kaysa sa inyo, at hindi ako makikinig dito.” Ginamit ng dalawang sister ang Bibliya para pag-usapan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, pero hindi man lang nakinig si Pastor Chen, at patuloy siyang sumasabat sa kanila, hindi niya sila pinahihintulutang magsalita, hanggang sa walang magawa ang dalawang sister kundi ang umalis. Tapos sinabi niya sa asawa ko, “Huwag kang makinig sa kanila. Hindi mo nauunawaan ang Bibliya, kaya ‘wag kang magpalinlang, at mas magbasa ka pa ng Bibliya sa hinaharap.” At ganun-ganon lang, wala pang labinlimang minuto, nakaalis na silang lahat. Labis akong nadismaya. Bilang pastor ng simbahan, kung may nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon, dapat siyang maghanap at magsiyasat, at makipagdebate sa mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung talagang ito ang pagbabalik ng Panginoon, dapat nating tanggapin ito nang sama-sama, at kung hindi naman, magkakaroon tayo ng kaunting pagkakilala. Magiging mabuti ito para sa lahat. Bakit napakayabang ni Pastor Chen? Kung talagang nauunawaan niya ang Bibliya, dapat maayos siyang nakipagtalakayan sa kanila. Akala ko’y may makakamit ako nung gabing ‘yon. Nagulat ako nang malamang mali pala ako, at hindi ko nagustuhan kung paano hinarap ni Pastor Chen ang mga bagay-bagay. Pero ang pagbabahagi niya ay batay sa Bibliya, at hindi nagbahagi ang dalawang sister ng tungkol sa anumang wala sa Bibliya. Pareho silang may batayan sa Bibliya, kaya bakit sobrang magkaiba ang kanilang mga paliwanag at pagkaunawa? Talagang nalito ako.
Kalaunan, bumalik kami ng asawa ko sa aming kinalakihang bayan, at pumunta sa bahay ko si Pastor Liu at ang kasamahan ko sa lokal na iglesia na si Liang para kumbinsihin ang asawa ko na huminto na sa pananalig sa Kidlat ng Silanganan. Nang makita nilang hindi siya nakikinig, galit na dinuro ng kasamahan kong si Liang ang asawa ko at pinagalitan siya, at nagsabi ito ng maraming bagay na kumokondena sa Kidlat ng Silanganan para takutin siya. Naisip ko, “Isa pa rin ba itong mananampalataya ng Panginoon? Ang ginawa lang ng asawa ko ay manalig sa Kidlat ng Silanganan. Dapat ay tinutulungan at sinusuportahan mo siya nang may pagmamahal gaya ng itinuturo ng Panginoon, hindi ang sinasaway siya.” Nagalit ako, at gusto kong mangatwiran sa kanya, ngunit sa sandaling ‘yon, hinila ako ni Pastor Liu palabas ng pinto at sinabi sa akin, “Kailangan mong kumbinsihin ang asawa mo. Bago pa lang siyang nananalig sa Kidlat ng Silanganan, kaya sabihin mo sa kanya na ipagtapat ang kanyang mga kasalanan sa Panginoon at magsisi, at kung hindi siya makikinig, kung kinakailangan, pwede kang tumawag ng pulis.” Nung oras na iyon, pakiramdam ko’y mali ang sinabi ni Pastor Liu, pero sa tingin ko rin ay wala nang ibang paraan para pigilan ang asawa ko. Pagkaalis nila, sinabi sa akin ng asawa ko, “Nang manalig ako sa Panginoon, pasibo ako at mahina, at malamig ang pananampalataya ko, ngunit walang simuman sa mga pastor o elder ang pumunta para tulungan o suportahan ako. Ngayong sinalubong ko ang Panginoon, kita mo kung gaano sila kapursigido. Nakikita kong wala talaga silang pakialam sa buhay ko. Gusto lang nila akong kaladkarin pabalik sa relihiyon para patuloy ko silang mabigyan ng mga alay, at kapag hindi nila nagagawa ‘yun, nagbabago ang buong pakikitungo nila. Sinasaway nila ako, pinagagalitan ako, at nagsasabi sila ng mga kalapastanganan. Naaayon ba ito sa mga turo ng Panginoon? Umaasal ba sila na gaya ng mga mananampalataya ng Panginoon? Kailangan mong magkaroon ng pagkakilala sa kanila at hindi pikit-matang makinig sa sinasabi nila. Ang mga mananampalataya ng Judaismo ay pikit-matang sinunod ang mga Pariseo sa pagkondena sa Panginoong Jesus, at sa huli, ipinako nila sa krus ang Panginoon at nilabag ang disposisyon ng Diyos.” Matapos marinig ang sinabi ng asawa ko, naalala ko kung paanong sinabi ni Pastor Liu na dumating siya para ibalik ang asawa ko, pero wala silang anumang sinabi na mapagmahal at nagbibigay-suporta. Lahat ng sinabi nila ay pananakot, pagbabanta, at pagkondena. Hiniling din nila sa akin na tumawag ng pulis para arestuhin ang asawa ko. Sasabihin ba ng mga mananampalataya ng Panginoon ang mga bagay na ito? Hindi kaya itinutulak lang nito ang asawa ko sa hukay? Galit na galit ako, at pagkatapos nun, hindi na ako muling nagtiwala sa mga pastor.
Pagkatapos ng pangyayaring ito, madalas pa rin akong hikayatin ng asawa ko na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Napukaw talaga ang aking interes. Gusto kong makita kung ano ang nilalaman ng librong ito na nagpatibay sa pananampalataya ng asawa ko, at kung bakit napakadeterminado niyang kumbinsihin ako na basahin ito. Pero ayokong malaman ng asawa ko ang saloobin ko, kaya masyado akong nahihiyang sabihin sa kanya. Isang araw, nung wala ang asawa ko sa bahay, kinuha ko ang libro niya at binasa ito. Binuksan ko ang unang kabanata at binasa ang pamagat na “Paunang Salita.” Ito ang nabasa ko sa libro: “Bagama’t maraming taong naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang kailangan nilang gawin upang makaayon sa kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, bagama’t pamilyar ang mga tao sa salitang ‘Diyos’ at sa mga pariralang tulad ng ‘ang gawain ng Diyos,’ hindi nila kilala ang Diyos, at lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat ng hindi nakakakilala sa Diyos ay nalilito sa kanilang paniniwala sa Kanya. Hindi sineseryoso ng mga tao ang kanilang paniniwala sa Diyos, at ito ay dahil lamang sa masyado silang hindi pamilyar sa paniniwala sa Diyos, masyado itong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihiling ng Diyos. Sa madaling salita, kung hindi kilala ng mga tao ang Diyos at hindi alam ang Kanyang gawain, hindi sila akmang kasangkapanin ng Diyos, at lalong hindi nila magagawang palugurin ang Kanyang kalooban. Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto patungkol sa paniniwala sa Diyos. Bukod pa riyan, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na paniniwala sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may matitinding kahulugang pangrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos). Nang umabot ako sa puntong ito, pakiramdam ko’y walang taong makakapagsabi ng mga ganung salita. Sa pananalig natin sa Diyos, higit pa sa maniwalang ang lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos, kailangan nating maranasan ang mga salita at gawain ng Diyos, iwaksi ang ating mga tiwaling disposisyon, at makilala ang Diyos. Nilinaw ng mga salitang ito kung ano ang pananalig sa Diyos. Sa lahat ng taon ko ng pananampalataya sa Panginoon, ang alam ko lang ay kailangan kong basahin ang Bibliya, manalangin, at makinig sa mga sermon. Pinaniwalaan ko ang anumang sabihin ng mga pastor, at nakinig ako sa mga pastor sa lahat ng bagay. Paano ito matatawag na pananalig sa Diyos? Ito ay pananalig sa mga pastor! Habang mas binabasa ko ang mga salitang ito, mas lumiwanag ang puso ko, at mas gusto kong magbasa pa. Sa tuwing wala ang asawa ko sa bahay, palihim kong inilalabas ang libro para basahin ito.
Isang araw, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘magagandang konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Matapos basahin ang mga salitang ito, kaagad kong naisip ang mga pastor at elder. Pamilyar sila sa Bibliya, mukhang mapagpakumbaba, matiyaga, at mapagmahal, at madalas nilang sinasabi sa amin na magbantay at maghintay sa pagparito ng Panginoon, ngunit nung sandaling may aktwal na nagpatotoo sa pagbabalik ng Panginoon, wala silang kahit katiting na pagnanais na maghanap at magsiyasat. Hiniling sa akin ni Pastor Chen na nakawin ang libro, sinabing gusto niya akong tulungan na suriin ito, kaya nasa katwiran na dapat ay binasa niya ang mga nilalaman nito, pero nang hindi man lang ito tinitingnan, agad niyang kinondena ang asawa ko na nagkakamali raw ito. Pinagalitan ng kasamahan kong si Liang ang aking asawa, at tinakot at pinagbinantaan siya gamit ang mga mapagkondenang salita, at sinabi sa akin ni Pastor Liu na tumawag ng pulis, ipagkanulo ang asawa ko, at ibigay ito sa pulis. Paano magagawa ng mga mananampalataya sa Diyos ang gayong mga bagay? Kung talagang ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, ngunit ang mga pastor, sa halip na pangunahan kami na maghanap at magsiyasat, ay ginawa ang kanilang makakaya para hadlangan kami, at ginusto pa ngang tawagan ko ang mga pulis para arestuhin ang aking asawa, hindi ba’t katulad lang sila ng inilalarawan ng mga salitang ito, mga balakid at hadlang na pumipigil sa amin na magsiyasat sa tunay na daan? Hindi ba’t sila ay mga tao lang na lumalaban sa Diyos habang sinasabing nananalig daw sila sa Diyos? Naisip ko kung paanong, nang pumarito ang Panginoong Jesus upang gumawa, ang mga Pariseo ay hindi rin naghanap o nagsiyasat, kundi sa halip ay ginawa ang kanilang makakaya para labanan at kondenahin Siya, at sa huli, ipinako ang Panginoon sa krus. Kung ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ginagawa ng mga pastor ang ginawa ng mga Pariseo noong panahon nila. Para sa’kin, mukhang ang mga pastor at elder ay mga taong lumalaban sa Panginoon. Nung panahong iyon, naisip ko, “Hindi na ako pwedeng makinig sa mga pastor. Kailangan kong maingat na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos para makita kung Siya nga ang pagbabalik ng Panginoon.”
Kalaunan, inimbitahan ng asawa ko si Brother Zhou mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para magbahagi sa’kin. Tinanong ko siya, “Sinasabi ng Bibliya, ‘Sapagka’t sa puso’y nananampalataya ang tao sa ikatutuwid; at ang ginagawang pagpapahayag sa bibig ay sa ikaliligtas’ (Roma 10:10). Nananalig tayo sa Panginoon at nailigtas, bakit pa natin kailangan na gumawa ang Diyos ng isang yugto ng gawain ng paghatol?” Ibinahagi ni Brother Zhou, “Ano ang ibig sabihin ng mailigtas ng pananalig sa Panginoong Jesus? Ang totoo, ang ‘kaligtasan’ ay patungkol sa pananalig ng mga tao sa Panginoong Jesus, pagdarasal sa Panginoon, at pagtatapat ng kanilang mga kasalanan. Napatawad ang kanilang mga kasalanan, hindi sila kinondena ng kautusan, at tinatamasa nila ang kapayapaan, kagalakan, at masaganang biyayang ipinagkaloob ng Panginoon. to ang ibig sabihin ng ‘mailigtas’ sa Kapanahunan ng Biyaya. Pero ang ating makasalanang kalikasan ay umiiral pa rin sa loob natin, at hindi pa natin naiwawaksi ang ating kasalanan. Ang Diyos ay banal, ang kaharian ng Diyos ay isang banal na lugar, at imposibleng dalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang mga nagagawa pa ring magkasala at lumaban sa Kanya. Kaya, sa mga huling araw, nagsasagawa ang Diyos ng isang yugto ng gawain ng paghatol upang lubusang dalisayin ang mga tao. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos.” Sinabi rin ni Brother Zhou na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay matagal nang ipinropesiya sa Bibliya. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). At sinasabi sa 1 Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Sabi niya, “Mula rito, makikita natin na ipahahayag pa rin ng Panginoon ang katotohanan sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, gayundin ay gagawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng mga tao, at magsisimula ang paghatol sa sambahayan ng Diyos. Tinutupad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang mga propesiyang ito.” Pagkatapos, ipinakita sa akin ni Brother Zhou ang isang video ng pagbigkas ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). “Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay wala nang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Ibinahagi ni Brother Zhou na, “Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ginawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Hindi Niya lubusang iniligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Bagamat nananalig tayo sa Panginoon at pinatawad ang ating mga kasalanan, umiiral pa rin sa atin ang ating makasalanang kalikasan, at hindi natin matatakasan ang gapos ng kasalanan. Sa mga taon natin ng pananalig sa Panginoon, madalas tayong magsinungaling at manlinlang, at naging mayabang din tayo, hambog, mainggitin, at handang lumaban. Ang ating pagtalikod at paggugol para sa Panginoon ay lahat isang pakikipagtransaksiyon sa Diyos, kapalit ng mga pagpapala ng Diyos, at kapag nahaharap sa mga pagsubok at paghihirap, lumalaban pa rin tayo, nanghuhusga, o nagtataksil pa nga sa Panginoon. At iba pa. Para sa mga taong tulad natin, na madalas na namumuhay sa kasalanan, na lumalaban at humuhusga sa Diyos, paano tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos? Sa mga huling araw, batay sa plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, batay sa mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan, at sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol upang lubusang linisin at baguhin ang mga tao, iligtas ang mga tao sa kasalanan, at dalhin sila sa kaharian ng langit. Kung tatanggapin lamang natin ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, imposibleng magbago ang ating mga satanikong disposisyon, mamumuhay tayo magpakailanman sa kasalanan at nakagapos sa kasalanan, at hindi tayo karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Kaya dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos, maunawaan ang landas tungo sa pagbabago ng disposisyon, iwaksi ang ating mga tiwaling disposisyon, at maging mga taong sumusunod at may takot sa Diyos. Sa gayon lang tayo tunay na maliligtas ng Diyos.”
Matapos marinig ang kanyang pagbabahagi, lumiwanag ang puso ko. Ang matubos ay kapatawaran lamang ng kasalanan. Hindi ibig sabihin na makakapasok tayo sa kaharian ng langit. Mahigit sampung taon na akong nananalig, at madalas akong magdasal, magtapat ng aking mga kasalanan, at humingi ng tawad sa Diyos, pero hindi man lang nagbago ang aking mga tiwaling disposisyon. At saka, sina Pastor Chen, Pastor Liu, at ang iba pa, pagkatapos ng maraming taon ng pananalig sa Panginoon, nang maharap sa balita ng pagbabalik ng Panginoon, ay hindi naghanap o nagsiyasat, humadlang sila sa ibang mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan, at lumaban at kumondena pa nga rito. Hinimok pa nila akong tumawag ng pulis at ipaaresto ang aking asawa. Paano makapapasok sa kaharian ng langit ang mga taong nagagawa pa ring magkasala at lumaban sa Diyos? Nang maisip ito, sinabi ko kay Brother Zhou, “Hindi pa rin natin naiwawaksi ang ating mga kasalanan, kaya kailangan talaga nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos.” Pagkatapos, tinanong ko siya kung paano ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol, at binasa niya sa akin ang isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Ibinahagi ni Brother Zhou na, “Nililinaw ng Makapangyarihang Diyos ang mga bagay-bagay. Ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang ang pagbubukas ng Diyos ng Kanyang katotohanan, daan, at buhay sa mga tao. Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng aspeto ng katotohanan, at sa matuwid at maharlikang mga disposisyon ng Diyos, hinahatulan at inilalantad Niya ang mga satanikong kalikasan ng mga tao, sinusuri ang mga salita at gawa ng mga tao, at isa-isa, inihahayag Niya ang ating iba’t ibang kuru-kuro at mga maling motibo sa pananalig sa Diyos, ang ating mapagmataas, mapanlinlang, at mapagmatigas na mga disposisyon, at maging ang mga saloobin at ideyang nakatago sa kaibuturan ng ating mga puso. Kapag binabasa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, para bang hinahatulan at inihahayag tayo ng Diyos nang harapan. Napagtatanto natin ang ating satanikong kalikasan, nakikita ang katunayan ng pagkatiwali sa atin ni Satanas, nagkakamit ng kaunting pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi pinalalampas ang paglabag ng mga tao, nagkakaroon tayo ng takot sa Diyos sa ating mga puso, nagagawa nating kamuhian ang ating sarili at magsisi mula sa puso, nagkakaroon tayo ng tunay na pagsisisi, at unti-unting nababago ang ating mga tiwaling disposisyon.” Napakapraktikal ng gawain ng Diyos! Noon, inakala ko na ang gawain ng Diyos ay masyadong supernatural at malabo. Akala ko na sa sandaling manalig ako sa Panginoon ay naligtas na ako, at makakapasok ako sa kaharian ng langit. Ito’y ganap na hindi naaayon sa mga katunayan ng gawain ng Diyos. Nang matanto ko ito, nakatiyak ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Masaya ako na hindi ako bumalik sa mga pastor. Sa pagbabalik-tanaw, nakikita ko kung paano ako kumapit sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon, tumangging marinig ang tinig ng Panginoon at salubungin ang Panginoon, at hinadlangan ang asawa ko. Napakamangmang at bulag ko, at nakakaramdam ako ng matinding pagsisisi kapag naiisip ko ito. Pero mas nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos dahil sa pagkaawa Niya sa akin at pagdala sa akin sa harap Niya nang hakbang-hakbang, upang sa wakas ay marinig ko ang tinig ng Diyos at masalubong ang Panginoon.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.