Ang Naranasan Ko Habang Sinisiyasat ang Tunay na Daan

Oktubre 13, 2022

Ni Florence, Indonesia

Sinunod ko ang mga magulang ko sa paniniwala sa Panginoon noong bata pa ako. Kalaunan, naging guro ako, at nagturo ng mga kurso sa Kristiyano at moral na edukasyon. Ngayon, nagtuturo ako sa isang pampublikong sekondaryang paaralan sa Hilagang Sumatra. Isang gabi noong Marso 2020, binuksan ko ang YouTube, naghahanap ng mga sermon na magagamit bilang mga halimbawa sa pagtuturo sa mga estudyante ko. Nanood ako ng dose-dosenang mga sermon hanggang hating-gabi, pero lahat sa mga ito ay luma na, karaniwan, at hindi makapagbigay-liwanag. Nainip ako matapos kong panoorin ang mga’to. Tapos, nanood ako ng isang Kristiyanong pelikula na Napakagandang Tinig. Nakuha agad ng pelikulang ito ang atensyon ko. Sa video, nakita ko ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at narinig ko ang ilang pagbabahaginan kung paano bumalik ang Panginoon, lahat ng iyon ay hindi ko pa narinig dati. Nakapanood na ako ng ilang Kristiyanong pelikula noon, pero wala pa akong napanood na pelikula na ikinagulat ko nang ganito. Pagkatapos no’n, nanood ako ng isa pang pelikula na Nagbago ang Pangalan ng Diyos?! at na-curious ako rito, kaya pinanood ko ito hanggang sa matapos. Nang gabing iyon, habang iniisip ko ang napanood ko sa pelikula, hindi talaga ako makatulog. Nagbago ba talaga ang pangalan ng Diyos? Lalo kong gustong malaman. Isa lang ba itong kwento, o totoo ba ang sinasabi ng pelikula, na talagang nagbalik na ang Diyos? Ang mga salitang binasa ba nila ay talagang mga salita ng Diyos? Kung ang Diyos ay nagbalik na, at ang Kanyang pangalan ay nagbago, hindi ba’t hindi talaga maganda kung mapalagpas ko ito? Gustung-gusto kong hanapin ang mga sagot sa mga katanungang ito.

Kalaunan, dahil sa epidemya, kailangan kong magtrabaho sa bahay, kaya nagkaroon ako ng maraming oras na panoorin ang mga pelikulang ito online. Sobrang natuwa ako, dahil hindi pa ako nakapanood ng ganoon kagandang mga pelikulang Kristiyano dati. Ibinahagi ko ang mga pelikulang ito sa Facebook timeline ko para makita rin ito ng iba. Maraming tao ang nagkomento na nagustuhan nila ito, pero nakita ko rin ang ilang komento na umaatake sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa mga komento, at pinayuhan ako ng isang pastor na huwag mag-post ng kahit ano tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dati, hindi ko alam na ang mga pelikulang ito ay galing sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Napansin ko lang ‘to no’ng sinabihan ako ng pastor. Dahil na-curious ako, hinanap ko ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa internet, at nahanap ang isang website na “EBANGHELYO NG PAGBABA NG KAHARIAN.” Sinimulan kong basahin ang nilalaman ng website at nakita ko ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Sa kaharian, ang napakaraming bagay na nilikha ay nagsisimulang muling mabuhay at mabawi ang kanilang lakas sa buhay. Dahil sa mga pagbabago sa kalagayan ng daigdig, ang mga hangganan sa pagitan ng isang lupain at ng isa pa ay nagsisimula ring gumalaw. Nagpropesiya na Ako na kapag ang lupain ay nahiwalay sa lupain, at ang lupain ay sumama sa lupain, ito ang panahon na dudurugin Ko ang mga bansa nang pira-piraso. Sa panahong ito, paninibaguhin Ko ang lahat ng nilikha at hahati-hatiing muli ang buong sansinukob, sa gayon ay maisasaayos ang sansinukob at ang luma ay magiging bago—ito ang Aking plano at ito ang Aking mga gawa. Kapag bumalik na lahat ang mga bansa at mga tao sa mundo sa harap ng Aking luklukan, kukunin Ko ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, upang, dahil sa Akin, ang mundong iyon ay mapuno ng walang-kapantay na kasaganaan. Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26). Ang mga salitang ito ay nagpaantig sa puso ko, at naramdaman kong kumakabog ito. Nagulat ako sa awtoridad sa mga salitang ito. May pagiging maharlika sa mga ito na hindi malalabag. Naramdaman kong may awtoridad at kapangyarihan ang mga salitang ito, at walang tao ang makakapagsabi ng mga salitang ito, kaya’t ang mga ito ay tila mula sa Diyos. Isa itong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag sa mga salita. Kasabay nito, medyo nalito ako. Naisip ko, “Ang mga artista sa mga pelikulang ito ay pawang mga Chinese, kaya ang mga pelikula bang ito ay ginawa ng mga Chinese? Ang China ay isang bansang pinamumunuan ng isang partidong ateista, at ang mga Chinese ay karaniwang nagsusunog ng insenso at sumasamba kay Buddha at sa mga idolo. Maaari kayang magbalik ang Panginoon sa China? Ang mga salitang ito ba ay talagang mga salita ng Diyos?” Labis akong naguluhan. Habang mas naguguluhan ako, mas gusto kong maunawaan kung ano ang nangyayari. Kaya, sa pamamagitan ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalagay sa website, nakapag-ugnayan ko ang isang sister. Tinanong niya ako kung gusto kong pumunta sa isang pulong. Sinabi ko na gusto kong malaman ang iba pa tungkol sa salita at katotohanan ng Makapangyarihang Diyos, kaya tinulungan niya akong sumali sa isang online na grupo ng pagpupulong, at binasahan din niya ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nagbahagi tungkol sa mga misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos at sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Nakinig ako nang mabuti sa kanyang pagbabahagi at nakahanap ng mga sagot sa aking kalituhan, at nakatanggap din ng ilang kamangha-manghang magandang balita, na ang Panginoon ay talagang nagbalik na, at Siya ay dumating sa katawang-tao. Ako ay talagang nasabik. Pero hindi nagtagal, muli akong ginulo at hinadlangan ng isang pastor sa relihiyon.

Isang pastor ang nagpadala sa akin ng ilang salita na umaatake sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Facebook, sinasabing, “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay maling pananampalataya. Sinasabi nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mga salita ng Diyos, pero ang mga salitang iyon ay wala sa Bibliya. Bilang isang Kristiyano, kailangan mong malaman na walang salita ng Diyos sa labas ng Bibliya, lumayo ka sa kanila ngayon na!” Ang ibang mga kapatid sa grupo ay nakatanggap din ng mga mensahe mula sa pastor. Ang ilang tao, na may maganda akong relasyon noon, ay umalis sa grupo ng pagpupulong matapos makinig sa pastor at pinayuhan akong huminto na rin. No’ng una, naguguluhan talaga ako. Naisip ko, “Isa siyang pastor at mas alam niya ang Bibliya kaysa sa akin. Baka naman totoo ‘yung sinasabi niya?” Kaya gusto kong malaman kung ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay maling pananampalataya o hindi. Hindi ako naniwala sa sinabi ng pastor nang basta-basta, dahil nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at naramdaman kong katotohanan nga ang mga salitang ito. Ang mga salita ay may awtoridad at parang tinig ng Diyos. Pero ang mga salitang ito ay talagang lampas sa Bibliya, kaya ano ang nangyayari? Naghanap ako kasama si Sister Elsa mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pinadalhan niya ako ng isang talata mula sa Bibliya. Ito ay bersikulo 25 mula sa kabanata 21 ng Ebanghelyo ni Juan, “At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin.” Nakipagbahaginan sa akin si Sister Elsa, sinasabing, “Mula sa talatang ito, makikita natin na ang mga salita at gawa ng Panginoong Jesus ay hindi ganap na nakatala sa Bibliya. Noong panahong iyon, si apostol Juan ay kasama ng Panginoong Jesus, at narinig niya ang mas marami pang salita ng Panginoong Jesus kaysa sa nakasulat sa Bibliya. Ngayon, pag-isipan natin ito. Nang gumawa ang Panginoong Jesus, nangaral Siya ng hindi bababa sa tatlong taon ng mga sermon. Kung nagsalita Siya ng isang oras araw-araw, ilan kaya ang nasabi Niya sa loob ng tatlong taon? Higit pa sa mabibilang ng sinuman. Paanong ang Kanyang mga salita ay ang mga salitang iyon lamang na nakatala sa Bibliya? Sa totoo lang, napakalimitado ng mga salita ng Diyos sa Bibliya. Tiyak na hindi lang ito ang lahat na sinabi ng Diyos noong panahong ‘yon. Isa itong hindi maikakailang katotohanan. Sinasabi ng pastor, ‘Walang salita ng Diyos sa labas ng Bibliya.’ Ano ang basehan niya para sabihin iyon?” Narinig ko iyon at naisip ko, “Oo, hindi tumutugma sa mga katunayan ang sinabi ng pastor. Isa itong pagkakamali.” Nabasa ko ang Bibliya, pero hindi ko kailanman binigyang-pansin ang talatang ito sa Ebanghelyo ni Juan. Noon ko lang napagtanto na sinasabi na sa atin ng talatang ito na hindi lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya. Pagkatapos, pinadalhan ako ni Sister Elsa ng ilan pang talata sa Bibliya. Ipinadala niya sa akin ang Juan 16:12–13, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” At pinadalhan niya ako ng ilang talata mula sa Pahayag. “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). “At nakita ko sa kanang kamay Niya na nakaupo sa luklukan, ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagpapahayag nang may malakas na tinig, ‘Sinong karapat-dapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito?’ At walang sinuman sa langit, o sa ibabaw ng lupa, o sa ilalim ng lupa, ang makapagbubukas ng aklat, o makatitingin sa loob. At ako ay umiyak nang umiyak, sapagkat walang masumpungang sinuman na marapat makapagbukas at makapagbasa ng aklat, o makatingin sa loob: At sinabi sa akin ng isa sa matatandang pinuno, ‘Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat, at mag-alis ng pitong tatak nito’(Pahayag 5:1–5). Pagkatapos naming basahin ang mga talata sa Bibliya, nakipagbahaginan si Sister Elsa, “Napakalinaw ng mga salita ng Panginoong Jesus: Marami pa Siyang mga bagay na sasabihin sa atin, pero ang tayog ng mga tao noong panahong iyon ay napakababa para tanggapin ito, kaya’t ang Espiritu ng katotohanan ay darating sa mga huling araw para akayin tayo sa lahat ng katotohanan, na ang ibig sabihin ay kapag bumalik ang Panginoong Jesus, Siya ay magpapahayag ng higit pang katotohanan at sasabihin sa atin kung ano ang darating. Nagpapatunay ito na ang Diyos ay may bagong gawain at mga salita sa labas ng Bibliya. Kaya paanong nasabi ng mga tao na, ‘Lahat ng mga salita ng Diyos ay nasa Bibliya, at sa labas ng Bibliya ay walang mga salita o gawain ng Diyos?’ Hindi ba’t ito ay pagtatwa sa salita ng Diyos?” Pagkatapos ng kanyang pagbabahagi, naunawaan ko na mali para sa pastor na sabihin ang mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Bibliya lamang, at na magsasabi ang Diyos ng higit pang mga salita sa mga huling araw, na higit na mas marami pa kaysa sa itinala ng Bibliya. Binanggit sa Pahayag na walang sinuman ang makakapagbukas o makakabasa ng saradong balumbon, kaya ang balumbon ay malinaw na hindi ang Bibliya, dahil nababasa natin ang Bibliya araw-araw. Kapag nagbalik ang Panginoong Jesus, bubuksan Niya ang balumbon at sasabihin sa atin ang nilalaman nito. Nilinaw nito sa akin na ang Diyos ay magsasalita ng mga bagong salita sa labas ng Bibliya.

Tapos, binasa namin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang mga naitala sa Bibliya ay limitado; hindi nito kayang kumatawan sa kabuuan ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay wala pang isang daang kabanata, kung saan nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, pagpapakita ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, ang paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subalit, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at ikinukumpara pa sa mga ito ang gawain sa ngayon. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa Kanyang buhay, na para bang gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos at wala nang iba pa. Hindi ba ito katawa-tawa?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1). “Sa panahong iyon, nagbigay lamang ng sunud-sunod na sermon si Jesus sa Kanyang mga disipulo sa Kapanahunan ng Biyaya tungkol sa mga paksa kung paano magsagawa, paano magtipun-tipon, paano magmakaawa sa panalangin, paano tratuhin ang iba, at iba pa. Ang gawaing Kanyang isinagawa ay yaong sa Kapanahunan ng Biyaya, at ipinaliwanag lamang Niya kung paano nararapat magsagawa ang mga disipulo at yaong mga sumunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at wala Siyang ginawa sa gawain ng mga huling araw. Nang itakda ni Jehova ang batas ng Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Kautusan, bakit hindi Niya ginawa noon ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya? Bakit hindi Niya maagang nilinaw ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya? Hindi ba ito makakatulong na tanggapin ito ng tao? Ipinropesiya lamang Niya na isisilang ang isang sanggol na lalaki at magiging makapangyarihan, ngunit hindi Niya isinagawa nang maaga ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain ng Diyos sa bawat isang kapanahunan ay may malilinaw na hangganan; ginagawa lamang Niya ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan, at hindi Niya isinasakatuparan nang maaga ang sumunod na yugto ng gawain kailanman. Sa ganitong paraan lamang maisusulong ang Kanyang gawaing kumakatawan sa bawat kapanahunan. Nagsalita lamang si Jesus tungkol sa mga tanda ng huling mga araw, paano maging mapagpasensya at paano maligtas, paano magsisi at mangumpisal, at kung paano magpasan ng krus at magtiis ng hirap; hindi Niya kailanman binanggit kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw, ni kung paano niya dapat hangaring palugurin ang kalooban ng Diyos. Sa gayon, hindi ba katawa-tawang saliksikin ang Bibliya para sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang makikita mo sa paghawak lamang nang mahigpit sa Bibliya? Isa mang tagapaglahad ng Bibliya o isang mangangaral, sino ang makakakita nang maaga sa gawain ngayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang Bibliya ay isang aklat lamang ng kasaysayan. Itinatala nito ang dalawang yugto ng gawaing isinagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan ay kapwa tinipon ng mga tao maraming taon pagkatapos ng gawain ng Diyos. Pagkatapos lamang gumawa ng Diyos at saka lumitaw ang mga rekord nito sa Bibliya. Samakatuwid, ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay hindi pwedeng maitala sa Bibliya nang maaga. Kung nililimitahan natin ang Diyos sa Bibliya at iniisip na walang mga salita ng Diyos sa labas ng Bibliya, isa itong napakakakatwang pananaw. Ilang dekada na akong naniniwala sa Panginoon, pero noon ko lang naunawaan kung ano ang Bibliya! Tapos, ipinagpatuloy ni Sister Elsa ang pagbabahagi niya. Sabi niya, “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay, at ang Kanyang mga salita ay walang hanggan at katapusan. Mula sa paglikha hanggang sa kasalukuyan, ang Diyos ay palaging nagsasalita, gumagawa, umaakay para tustusan at iligtas ang mga tao. Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman napigilan ng sinumang tao o bagay, lalo na ng Bibliya. Ang Diyos ay nagsasalita ng mga bagong salita at gumagawa ng bagong gawain batay sa Kanyang plano ng pamamahala at mga pangangailangan ng tao, at ang Kanyang mga salita at gawain ay hindi na nauulit. Sa Panahon ng Kautusan, ipinahayag ng Diyos na si Jehova ang kautusan para akayin ang mga tao sa pamumuhay sa lupa at nagsabi ng maraming salita. Pero sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus ay nangaral ng daan ng pagsisisi, gumawa para tubusin ang sangkatauhan, at nagsalita nang marami. Ang mga salitang ito ay hindi nakatala sa Lumang Tipan at ganap na nasa labas nito. Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan batay sa gawain ng Panginoong Jesus, upang gawin ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, na puspusang dinadalisay at inililigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at sa pagkaalipin nito, at dinadala ang mga tao sa kaharian ng Diyos. Ito ay isang mas bago at mas mataas na yugto ng gawain, isang bagay na imposible para sa Bibliya na maitala nang maaga. Kung bulag nating ginagamit ang Bibliya para suriin at limitahan ang gawain ng Diyos, kung gayon tayo ay nagiging mga taong lumalaban sa Diyos, tulad ng mga Pariseo na lumaban sa Panginoong Jesus. Mapagmatigas silang kumapit sa banal na kasulatan, galit na galit na kinondena at nilabanan ang Panginoong Jesus sa Kanyang mga salita at gawain sa labas ng Lumang Tipan, at sa huli ay ipinako ang Panginoong Jesus sa krus. Napakasama nitong trahedya!” Pagkatapos, binasa namin ang dalawa pang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ginamit ng mga Pariseong Hudyo ang batas ni Moises upang parusahan si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ng Jesus ng panahong iyon, kundi masigasig na sinunod ang eksaktong sinabi ng batas, hanggang sa puntong—matapos Siyang kasuhan ng hindi pagsunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi pagiging ang Mesiyas—sa huli ipinako nila sa krus ang walang-salang si Jesus. Ano ang diwa nila? Hindi ba’t na hindi nila hinangad ang daan ng pagiging kaayon ng katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Banal na Kasulatan habang hindi binibigyang pansin ang kalooban Ko o ang mga hakbang at mga kaparaanan ng gawain Ko. Hindi sila mga taong naghangad ng katotohanan, kundi mga taong mahigpit na kumapit sa mga salita; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong nanalig sa Bibliya. Sa diwa, mga tagapagbantay sila ng Bibliya. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng Bibliya, upang mapanatili ang dangal ng Bibliya, at upang maprotektahan ang reputasyon ng Bibliya, humantong sila sa pagpako sa krus sa mahabaging si Jesus. Ginawa nila ito alang-alang lamang sa pagtatanggol sa Bibliya, at alang-alang sa pagpapanatili ng katayuan ng bawat salita ng Bibliya sa puso ng mga tao. Kaya ginusto nilang talikdan ang kinabukasan nila at ang handog para sa kasalanan upang hatulan ng kamatayan si Jesus, na hindi umayon sa doktrina ng Banal na Kasulatan. Hindi ba’t silang lahat ay mga sunud-sunuran sa bawat salita ng Banal na Kasulatan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo). “Kung tutuusin, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Bibliya? Bakit kailangang gumawa ang Diyos nang naaayon sa Bibliya? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Bibliya? Hindi ba maaaring lumihis ang Diyos sa Bibliya at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Bibliya! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Bibliya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagbabahagi, “Ang mga pastor at elder ay katulad lamang ng mga Pariseo na lumaban sa Panginoong Jesus. Bulag nilang sinasamba ang Bibliya, at tinatrato nila ang Bibliya bilang Diyos. Lagi nilang ipinagtatanggol ang aklat, pero hindi nila kailanman hinahanap ang mga yapak ng Diyos, at hindi sila nakikinig para tingnan kung ito ba ang tinig ng Diyos. Nakikita nila na ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay hindi nakatala sa Bibliya, kaya galit na galit nilang kinokondena, nilalabanan, at sinusubukang hadlangan ang mga tao sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Hindi ba’t mga modernong Pariseo lang sila? Hindi nila nakikita na ang Bibliya ay isang tala lamang ng nakaraang gawain ng Diyos, isang aklat na dapat basahin ng mga mananampalataya sa Diyos, pero ang Bibliya ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos, ni hindi ito maaaring gumawa sa ngalan ng Diyos para iligtas ang mga tao. Kung naniniwala ang mga tao sa Diyos, ngunit sinusunod lamang ang Bibliya at ang mga salita at gawain ng Diyos sa nakaraan, hindi nila makakamit ang katotohanan at buhay. Ang pinakamahalaga ay ang pagsabay sa mga yapak ng Diyos at pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos para palayain tayo mula sa kasalanan. Doon lamang tayo makapapasok sa kaharian ng Diyos. Ang lahat ng katotohanang ito na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Tanging ang mga salitang ito ang ganap na makapaglilinis at makapagliligtas sa mga tao, at ito lamang ang daan ng buhay na walang hanggan na ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tao sa mga huling araw. Kung hindi tayo makakasabay sa yugtong ito ng gawain, tayo ay pababayaan at palalayasin ng Diyos, at tayo ay mahuhulog sa kapahamakan at parurusahan.” Pakiramdam ko’y marami akong nakamit sa pagbabahagi ng sister. Nang magkaroon na ako ng obhektibong pagkaunawa sa Bibliya, hindi na ako nabalisa. Nakita ko mula rito na sa tuwing nagpapakita at gumagawa ang Diyos, ang mga lider ng relihiyon ay lumalaban sa Diyos at nagiging kaaway Niya. Upang protektahan ang kanilang sariling mga interes, lumilikha sila ng lahat ng uri ng mga kamalian para kondenahin ang gawain ng Diyos at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan at hindi ka nakakakilala, malilinlang ka ng kanilang paninirang-puri, susundin mo sila sa paglaban at pagtanggi sa Diyos, at mawawala sa iyo ang pagliligtas ng Diyos, na lubhang kalunos-lunos. Sinabi ko sa sarili ko, “Dapat kong sangkapan ang sarili ko ng katotohanan at matutunan ang pagkilala. Ayokong tanggihan ang Diyos.”

Makalipas ang halos isang buwan, isa pang pastor ang nanggulo sa akin sa pagmemensahe sa Messenger at WhatsApp. Sinabi niya, “Isinilang ang Panginoong Jesus dalawang libong taon na ang nakalilipas, na tumupad sa propesiya ng Bibliya. Ngayon, sinasabi mong bumalik ang Panginoon bilang isang babae. Mayroon bang anumang propesiya sa Bibliya na ang Panginoon ay darating bilang isang babae? Imposibleng dumating ang Panginoon na nagkatawang-tao, at lalong mas imposible na dumating Siya bilang isang babae. Ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan mo ay isang tao.” Kasabay nito, dalawa pang pastor ang sabay-sabay na umatake sa akin. Sila ay nanghusga at nagkondena, nagsasabing may maling paniniwala ako. Sinabi ko sa kanila na hindi natin maaaring tukuyin ang Diyos. Ang diwa ng Diyos ay Espiritu. Dahil lamang sa kailangan ng Kanyang gawain kaya Siya nagkatawang-tao at nagkaroon ng anyo ng isang lalaki. Naniniwala kami sa Makapangyarihang Diyos dahil taglay Niya ang banal na diwa ng Diyos at kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, hindi dahil sa Kanyang kaanyuan sa laman.

Hinanap ko rin si Sister Elsa, at nakipagbahaginan siya sa akin, “Maraming propesiya sa Bibliya ang nagsasabi tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos bilang ang Anak ng tao sa mga huling araw, gaya ng ‘pagpaparito ng Anak ng tao,’ ‘ang Anak ng tao ay nahayag,’ at ‘dumarating ang Anak ng tao.’ Ngayon, naparito ang Makapangyarihang Diyos upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, na ganap na tumutupad sa mga propesiyang ito. Dumarating ang Diyos bilang isang babae sa mga huling araw, na tunay ngang hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao, pero kapag mas hindi naaayon ang gawain ng Diyos sa mga kuru-kuro natin, mas naglalaman ito ng misteryo at ito’y makabuluhan. Ano ang mga katotohanan at misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos bilang isang babae? Basahin natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at alamin natin.” Nang matapos siya, ipinadala sa akin ng sister ang salita ng Diyos. “Bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noon, nang pumarito si Jesus, dumating Siya sa anyong lalaki, at nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, ang anyo Niya ay babae. Mula rito, makikita mo na ang paglikha ng Diyos sa kapwa lalaki at babae ay magagamit sa Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman. … Para sa Diyos walang pagkakaiba ang kasarian. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa Kanyang kagustuhan, at sa paggawa ng Kanyang gawain ay hindi Siya sumasailalim sa anumang mga paghihigpit, kundi malayang-malaya. Subalit bawat yugto ng gawain ay may sariling praktikal na kabuluhan. Dalawang beses na naging tao ang Diyos, at maliwanag na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang huling pagkakataon. Naparito Siya upang ipahayag ang lahat ng Kanyang gawa. Kung hindi Siya naging tao sa yugtong ito upang personal na gumawa para masaksihan ng tao, kumapit sana ang tao magpakailanman sa kuru-kuro na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae. Bago ito, naniwala ang buong sangkatauhan na maaari lamang maging lalaki ang Diyos at hindi maaaring tawaging Diyos ang isang babae(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). “Kung ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang bilang isang lalaki, ituturing Siya ng mga tao bilang isang lalaki, bilang Diyos ng mga kalalakihan, at hindi Siya kailanman paniniwalaan bilang Diyos ng mga kababaihan. Paniniwalaan ng mga kalalakihan na ang kasarian ng Diyos ay katulad ng kanilang kasarian, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga kalalakihan—subalit paano naman ang mga kababaihan? Ito ay hindi makatarungan; hindi ba ito pagtratong may pagtatangi? Kung magkagayunman, lahat silang ililigtas ng Diyos ay mga lalaki na kagaya Niya, at wala ni isang babae ang maliligtas. Nang nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi lamang Niya nilikha si Adan, kundi kapwa ginawa ang lalaki at babae sa Kanyang wangis. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga kalalakihan—Siya ay Diyos din ng mga kababaihan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Nagpatuloy sis Sister Elsa sa kanyang pagbabahagi, nagsasabing, “Ang Diyos ay Espiritu, pero kapag Siya ay nagkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao, kailangan Niyang magkaroon ng isang anyo ng tao na may kasarian. Sa unang pagkakataon, nagkatawang-tao ang Diyos bilang isang lalaki, at sa mga huling araw, Siya ay nagiging isang babae. Ginagawa Niya ito upang higit na maunawaan ng mga tao ang Diyos at malaman na huwag Siyang limitahan. Sa simula, nilikha ng Diyos ang mga tao ayon sa Kanyang wangis, hindi lang ang lalaki, pati na ang babae. Samakatuwid, ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring kapwa lalaki at babae. Kung ang Diyos na nagkatawang-tao ay palaging lalaki, kung gayon ang mga tao ay magpapasya na ang Diyos ay palaging magiging lalaki, mali nilang iisipin na ang Diyos ay Diyos ng mga lalaki, at na ang Diyos ay nililigtas lamang ang mga lalaki at hindi ang mga babae. Hindi ba ito maling pagkaunawa sa Diyos? Sa mga mata ng Diyos, ang mga lalaki at babae ay pantay. Parehong inililigtas ng Diyos ang mga lalaki at babae, dahil ang mga lalaki at babae ay kapwa nilikha ng Diyos. Hindi mahalaga kung ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang lalaki o babae, Siya ay Diyos pa rin, at ang diwa ng Diyos ay hinding-hindi magbabago, at kaya pa rin Niyang ipahayag ang katotohanan at tapusin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Hindi natin maitatatwa ang pagkakatawang-tao, pagpapakita, at gawain ng Diyos dahil lamang nagkakatawang-tao ang Diyos bilang isang babae.”

Kalaunan, nabasa ko ang ilang salita ng Makapangyarihang Diyos na nagbigay-liwanag sa puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pakawalan ninyo ang inyong mga pananaw tungkol sa ‘imposible’! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas sa mga hangganan ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; habang mas lampas sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan). “Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao, at lalong hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpapasya at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan). Pinaalalahanan ako ni Sister Elsa, “Sa pagbabalik-tanaw, ang gawain ng Diyos ay madalas na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Kung hindi hinahanap ng mga tao ang katotohanan, napakadaling labanan ang Diyos. Halimbawa, dumating ang Panginoong Jesus at isinilang sa sabsaban. Naaayon ba ito sa mga kuru-kuro ng tao? Ang Panginoong Jesus ay mula sa Nazareth, at hindi tinawag na Mesiyas. Naaayon ba ito sa mga kuru-kuro ng tao? Ang Panginoong Jesus ay Diyos, ngunit hindi Siya pumasok sa templo o ipinangilin ang Araw ng Sabbath, at Siya ay tinugis at ipinako sa krus. Naaayon ba ito sa mga kuru-kuro ng tao? Maraming bagay tungkol sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus ang hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao. Kaya masasabi ba natin na ang Panginoong Jesus ay hindi Diyos? Hindi. Ang Panginoong Jesus ay ang pagpapakita ng Diyos, ang pagdating ng Mesiyas. Kung gayon bakit hindi Siya nakilala ng napakaraming tao, at kinondena at nilabanan Siya? Hindi ba’t dahil lamang ito sa ginagamit ng mga tao ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon para suriin ang Diyos? Sinabi ng lahat ng mga Pariseo na ang Panginoong Jesus ay isang Nazareno, anak ng karpintero, at hindi Diyos, Sa huli, ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus, at isinumpa sila at pinarusahan ng Diyos. Ngayon, nililimitahan ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Diyos batay sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, tinatatwa at nilalabanan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ito ay pag-uulit ng mga pagkakamali ng mga Pariseo at muling pagpapako sa Diyos sa krus. Ang Diyos ang Lumikha, at gumagawa Siya ayon sa Kanyang plano nang walang anumang limitasyon. Anuman ang gawin ng Diyos, ayon ito sa Kanyang karunungan, at hindi natin magagamit ang ating mga kuru-kuro at imahinasyon para limitahan kung saan dapat gumawa ang Diyos o sa kung anong paraan Siya dapat magpakita. Dapat tayong maging masunurin sa Diyos. Ang ibig sabihin ng pagsunod ay pagtanggap sa mga salita at gawain ng Diyos at pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain, sa halip na gamitin ang ating mga kuru-kuro at imahinasyon para tukuyin at limitahan ang Diyos, at sabihing hindi kayang gawin ng Diyos ito at iyan, na masyadong hindi makatwiran.”

Pagkatapos, binasa sa akin ni Sister Elsa ang dalawa pang sipi ng salita ng Diyos. “Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Kapag ang Diyos ay nagkakatawang-tao, bumababa lamang Siya mula sa langit patungo sa isang partikular na katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ang bumababa sa isang katawang-tao, sa pamamagitan nito Niya ginagawa ang gawain ng Espiritu. Ang Espiritu ang ipinapahayag sa katawang-tao, at ang Espiritu ang gumagawa ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Lubos na kinakatawan ng gawaing ginawa sa katawang-tao ang Espiritu, at ang katawang-tao ay para sa kapakanan ng gawain, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ang larawan ng katawang-tao ay maaaring ipalit sa tunay na larawan ng Diyos Mismo; hindi ito ang layunin at kahalagahan ng Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay nagiging tao para lamang magkaroon ang Espiritu ng isang lugar na matitirhan na angkop sa Kanyang paggawa, upang mas mabuti Niyang matamo ang Kanyang gawain sa katawang-tao, upang makita ng mga tao ang Kanyang mga gawa, maunawaan ang Kanyang disposisyon, mapakinggan ang Kanyang mga salita, at malaman ang hiwaga ng Kanyang gawain. Kinakatawan ng Kanyang pangalan ang Kanyang disposisyon, kinakatawan ng Kanyang gawain ang Kanyang pagkakakilanlan, ngunit hindi Niya kailanman sinabi na kinakatawan ng Kanyang anyo sa katawang-tao ang Kanyang larawan; yaon ay isa lamang kuru-kuro ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Nagpatuloy siya sa kanyang pagbabahagi, “Hindi mahalaga kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay lalaki o babae, at hindi mahalaga kung ano ang hitsura Niya. Ang mahalaga ay kung ang sinasabi Niya ay ang katotohanan, kung ipinapahayag Niya ang disposisyon ng Diyos, at kung ginagawa Niya ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang mahalaga. Halimbawa, kung pumupunta tayo sa doktor kapag may sakit tayo, ang pinagtutuunan natin ng pansin ay kung kayang gamutin ng doktor ang sakit natin, hindi kung lalaki o babae ba ang doktor. Kung sasabihin nating ang mga lalaking doktor lamang ang kayang gumamot ng mga sakit, pero ang mga babaeng doktor ay hindi, hindi ba’t katawa-tawa iyon? Samakatuwid, hangga’t kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, kung gayon Siya ay Diyos na nagkatawang-tao.” Pero ang mga relihiyosong pastor ay hindi nakikinig sa tinig ng Diyos o nagsisiyasat sa tunay na daan, at kapag naririnig nila na nagkatawang-tao ang Diyos bilang isang babae, tinatatwa at kinokondena nila ito, at nagpapakalat sila ng mga kuru-kuro upang hadlangan ang mga tao sa pagsalubong sa Panginoon. Isa itong matinding pagkakamali. Para mapigilan sila sa panggugulo sa akin, binlock ko ang lahat ng taong nagtangkang humadlang sa akin, kasama ang mga pastor at elder ng una kong simbahan. Matatag akong naniwala na sinasalubong ko ang Panginoon, at kahit paano ako abalahin ng pastor at ng mga elder, susundin ko ang Makapangyarihang Diyos.

Mula noong Abril 2020, huminto kami ng anak kong babae sa pagsisimba. Pagkalipas ng dalawang buwan, sinimulan akong usigin ng pastor ng simbahan. Una, pumunta siya sa bahay ko para hikayatin akong huwag dumalo sa mga pulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sinasabing sapat na ang mga pagpupulong sa kanyang simbahan. Sinabi rin niya sa asawa ko na mali ang tinahak kong landas at dapat akong bumalik. Sinubukan pa niyang udyukan ang anak kong lalaki na pigilan ako sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Tutol ang asawa at mga anak ko sa pakikipagkita ng pastor. Sabi ng mga anak ko na ipinangaral ko sa kanila ang ebanghelyo, at madalas akong magsalita sa kanila tungkol sa mga bagay tungkol sa paniniwala sa Diyos, kaya inisip nilang lahat na sa pamamagitan ng masusing pagsasaalang-alang ako nagpasyang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Kalaunan, pinagbantaan ako ng mga elder, sinasabing kung hindi ako magsisimba, ititiwalag ako at tatanggihan ako ng mga kapatid. Desidido kong sinabi, “Kahit ititiwalag ako ng simbahan, maniniwala pa rin ako sa Makapangyarihang Diyos.” Kalaunan, sinabi nila sa mga lider ng paaralan ko ang tungkol sa paniniwala ko sa Makapangyarihang Diyos, umaasang iwawasto ako ng paaralan, pero hindi sila pinansin ng punong-guro. Naisip ko ang sinabi sa akin ni Sister Elsa, na ang katotohanan ay laging tinatanggihan at kinokondena ng mundo ng relihiyon. Dalawang libong taon na ang nakalilipas, ipinahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan upang tubusin ang sangkatauhan, at Siya ay kinondena at tinanggihan ng Hudaismo, lalo na ng mga lider ng relihiyon, mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Pariseo. Inatake at nilapastangan nila ang Panginoong Jesus para panatilihin ang kanilang mga posisyon at kinikita, at nilinlang at pinigilan ang mga tao sa pagsunod sa Panginoon. Lahat sila ay anticristo na lumaban sa Diyos at sumira sa mga tao. Ngayon, karamihan sa mga pastor at elder sa mundo ng relihiyon ay kapareho ng mga Pariseo sa Hudaismo. Upang protektahan ang kanilang sariling mga posisyon at kinikita, galit na galit nilang kinokondena at nilalabanan ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at sinusubukang pigilan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Sila rin ay mga anticristo na inihayag ng Diyos. Tapos, naisip ko kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus nang isinumpa Niya ang mga Pariseo, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Alam ng mga pastor at elder ng relihiyon na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, pero ayaw nilang tanggapin ang mga ito. Nais nilang tamasahin ang pagsamba at pag-aalay ng mga tao, kaya para mapanatili ang kanilang mga posisyon, pinipigilan nila kami sa pagsalubong sa Panginoon at pagpasok sa kaharian ng Diyos. Ito ang ginagawa ng mga anticristo. Lahat sila ay mga demonyo na lumalamon sa mga kaluluwa ng mga tao, at silang lahat ay isusumpa ng Diyos, at ang mga sumusunod sa kanila ay mapupunta rin sa impiyerno at maparurusahan.

Bagamat madalas pa rin akong inaatake at ginugulo ng mga pastor at elder, kahit anong kamalian ang ipagkalat nila, hindi na ako apektado, dahil alam kong ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at ang daan ng buhay na walang hanggan na nagpapadalisay at nagliligtas sa mga tao. Sinumang taos-pusong naghahangad na hanapin ang pagpapakita ng Diyos ay kailangan lamang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at makikilala nila ang tinig ng Diyos at magbabalik sila sa trono ng Makapangyarihang Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagsunod sa mga Yapak ng Cordero

Ni Li Zhong, Tsina “Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang...

Leave a Reply