Sa Likod ng Katahimikan
Ni Li Zhi, TsinaHindi ako masyadong palasalita, at hindi ako madalas nagsasabi at nagsasalita mula sa puso. Akala ko iyon ay dahil sa...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Noong Disyembre 2021, nagsimula akong magsanay ng mga pagsisiyasat ng video. Sa simula, buong puso akong nag-aral at nag-isip-isip. Sa tuwing may kinakaharap akong isang bagay na nakalilito, naghahanap ako ng mga solusyon sa sister na nakikipagtulungan sa akin. Madalas din niyang tinatalakay sa akin ang mga isyung natukoy niya sa mga video. Ibubuod ko ang aking mga pagkukulang at paglilihis sa bawat pagkakataon, pagkatapos ay susubukan kong hanapin at matutunan ang mga kaugnay na prinsipyo. Habang nagtatalakay ang pangkat tungkol sa mga prinsipyo, nakikinig akong mabuti sa pagbabahagi ng lahat at maingat ko itong pinag-iisipan upang mapunan ang aking mga kakulangan. Matapos ang ilang sandali ng pagsasagawa nang tulad nito, may nagawa akong ilang pagsulong sa aking pang-espesyalistang kasanayan at nagawa kong pangasiwaan ang ilang gampanin. Nagsimula akong maging kontento, inaakalang naarok ko na ang ilang prinsipyo. Mula noon, bihira na akong magkusang mag-aral. Kapag nagbabahaginan ng mga prinsipyo at nagtatalakay ng mga isyu kasama ang ibang miyembro ng pangkat, hindi na ako taimtim na nag-iisip tulad ng dati, ni hindi ako nakatuon sa pagbubuod ng mga suliranin sa gawain. Naging pasibo ang pagharap ko sa paggawa ng aking tungkulin.
Naaalala ko na sa isang pagkakataon, bago pa lamang ang ilang kapatid sa kanilang mga tungkulin, at maraming isyu sa mga video na isinumite nila. Kinailangan kong makipagbahaginan sa kanila at sagutin sila nang isa-isa upang matugunan ang mga isyung ito. Ilang nakalihis na kaisipan ang pumasok sa puso ko: “Kung maingat kong susuriin ang bawat video at hahanapin ang mga kaugnay na prinsipyo upang ibahagi at sumagot sa kanila, gugugol ito ng napakaraming oras at pagsusumikap. Kailan ko pa matatapos ang pagproseso sa napakaraming video? Marahil dapat madalian ko lamang na ituro ang mga isyu nila at hayaang madiskubre nila sa sarili nila kung paano lulutasin ang kanilang mga suliranin. Sa ganitong paraan, hindi ko kailangang masyadong magsikap.” Kaya, tinukoy ko na lamang ang mga suliranin sa mga video at ipinahiwatig ang pangkalahatang direksiyon para sa paggawa ng mga pagbabago. Sa isa pang pagkakataon, sinuri ko ang isang video at natuklasan ang ilang isyu rito. Ngunit hindi ako sigurado sa mga ito, kaya tinalakay ko ito sa sister na nakikipagtulungan sa akin. Sinabi niya na wala siyang nakitang anumang suliranin, ngunit nababagabag pa rin ako tungkol dito. Matapos kong mag-isip nang ilang sandali, hindi pa rin ako nakatitiyak kung mga suliranin nga ba ang mga iyon. Pagkatapos ay napag-isipan kong maging pabaya, iniisip na, “Marahil ay dapat hayaan ko na lamang ito na ganito. Mas naaarok ng sister ang mga prinsipyo kaysa sa akin. Maging siya ay nagsasabing ayos lamang ito, kaya wala dapat maging anumang problema. Hindi ko kailangang gumugol ng mas maraming oras para pag-isipan ito. Saka, pakiramdam ko lamang ito. Paano kung mali ako tungkol dito at maantala ang gawain?” Sa kaisipang iyon, itinigil ko ang pag-iisip tungkol doon at ang paghahanap ng kasagutan. Pagkatapos ay isinumite ko na lamang ang video nang walang binabago rito. Makaraan ang ilang araw, itinuro ng aming superbisor na may ilang isyu sa video at na kailangang ayusin ang mga ito. Kasunod nito, sunud-sunod na iniulat ng mga kapatid ko na negatibo ang pakiramdam nila matapos basahin ang mga mungkahi namin. Naisip nila na napakaraming suliranin sa mga video na ginawa nila, at hindi nila alam kung paano lulutasin ang mga iyon. Kinakaharap ang mga nalantad na isyung ito, ganap akong nalito. Gayunpaman, naalala kong ang mga tao, pangyayari, at bagay na nakahaharap ko sa araw-araw ay isinaayos ng Diyos at nakapailalim sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Ang pagkakaharap ko sa mga pangyayaring ito ay hindi walang dahilan. Siguradong may mga aral akong matutunan, kaya nanalangin ako sa Diyos at hinangad ang gabay Niya.
Habang nagdedebosyonal, nabasa ko ang mga siping ito ng mga salita ng Diyos: “Isang bagay sa loob ng isang tiwaling disposisyon ang pagharap sa mga bagay-bagay nang walang galang at iresponsable: Kasalaulaan ang madalas na tawag ng mga tao rito. Sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa, ginagawa nila ito sa puntong ‘tama lang iyan’ at ‘puwede na’; ito ay isang saloobin ng ‘siguro,’ ‘posible,’ at ‘malamang’; ginagawa nila ang mga bagay-bagay nang pabasta-basta, nasisiyahan na silang gumawa sa pinakamababang paraan, at nasisiyahang gumawa nang walang kaplanu-plano; wala silang nakikitang dahilan para seryosohin ang mga bagay-bagay o maging metikuloso, at lalong wala silang nakikitang dahilan para hanapin ang mga katotohanang prinsipyo. Hindi ba ito isang bagay na nasa loob ng isang tiwaling disposisyon? Pagpapamalas ba ito ng normal na pagkatao? Hindi. Tama lamang na tawagin itong kayabangan, at angkop na angkop ding tawagin itong bulok—ngunit para maunawaan ito nang malinaw, ang tanging salitang puwede na ay ‘salaula.’ Karamihan ng mga tao ay may kasalaulaan sa loob nila, iba-iba lamang ang antas. Sa lahat ng bagay, nais nilang gawin ang mga bagay-bagay sa pabasta-basta at walang ingat na paraan, at may bakas ng panlilinlang sa lahat ng ginagawa nila. Dinadaya nila ang iba tuwing may pagkakataon sila, nilalaktawan ang ilang hakbang hangga’t kaya nila, nagtitipid ng oras kapag kaya nila. Iniisip nila sa kanilang sarili, ‘Hangga’t maiiwasan kong mabunyag, at walang idinudulot na mga problema, at hindi ako pinananagot, mairaraos ko ito. Hindi ko kailangang gumawa ng isang napakagandang trabaho, masyadong abala iyon!’ Ang gayong mga tao ay walang natututuhang kasanayan, at hindi sila nagsisikap o nagdurusa at nagbabayad ng halaga sa pag-aaral nila. Gusto lang nilang mababaw na matutunan ang isang paksa at pagkatapos ay tinatawag ang sarili nila na bihasa roon, naniniwala na natutuhan na nila ang lahat ng dapat malaman, at pagkatapos ay umaasa sila rito upang iraos lang ang gawain. Hindi ba ito ang saloobin ng mga tao sa ibang mga tao, pangyayari, at bagay? Maganda ba ang ganitong pag-uugali? Hindi. Sa madaling salita, ito ay ang ‘makaraos lang.’ Ang gayong kasalaulaan ay umiiral sa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Ang mga taong may kasalaulaan sa kanilang pagkatao ay may pananaw at saloobing ‘makaraos lang’ sa anumang bagay na ginagawa nila. Nagagawa ba nang tama ng gayong mga tao ang kanilang tungkulin? Hindi. Nagagawa ba nila ang mga bagay-bagay nang may prinsipyo? Lalong malamang na hindi” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). “Paano masasabi ng isang tao ang kaibahan sa pagitan ng marangal at mababang-uri na mga tao? Tingnan lamang ang kanilang pag-uugali at ang kanilang ikinikilos sa mga tungkulin, at tingnan kung paano sila kumikilos kapag nagkakaroon ng mga problema. Ang mga taong may integridad at dignidad ay metikuloso, matapat at masipag sa kanilang mga kilos, at handa silang magbayad ng halaga. Ang mga taong walang integridad at dignidad ay walang ingat at padaskol kumilos, laging nanloloko, laging gustong magpabasta-basta. Anumang pamamaraan ang inaaral nila, hindi nila ito masigasig na pinag-aaralan, hindi nila ito matutunan, at gaano man katagal nila itong pag-aralan, nananatili silang lubos na mangmang. Ito ang mga taong mababa ang karakter” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). “Dinadaya nila ang iba kapag kaya nila,” “nang walang integridad at dignidad,” at “mababang karakter”—tumagos sa puso ko ang bawat salita sa mga pangungusap na iyon. Pinagnilayan ko ang aking pag-uugali sa paggawa ng tungkulin ko. Hindi ba eksakto ang paggampan ko sa inilantad ng Diyos? Noong mapansin kong napakaraming isyu sa mga video na ginawa ng mga kapatid, hindi ko pinag-isipan kung paano sila tutulungang lutasin ang mga isyung ito, o ginabayan silang maunawaan ang katotohanan at pumasok sa mga prinsipyo. Sa halip, ang pangunahing pagsasaalang-alang ko ay kung paano mababawasan ang ibibigay kong pagsusumikap. Naisip ko na kung maingat kong sinuri ang bawat video at detalyadong tumugon, magiging masyado itong nakaaabala at mangangailangan ng masusing pag-iisip. Kaya, mabilisan ko lamang binanggit ang mga suliranin sa mga video, ngunit hindi ko ibinahagi sa kanila ang tungkol sa mga prinsipyo o tinukoy ang mga praktikal na solusyon. Bilang resulta, negatibo ang naging pakiramdam ng mga kapatid matapos basahin ang mga mungkahi ko. Hindi ba ako nakagambala sa paggawa ko nito? Kapag sinusuri ang ibang video na iyon, naramdaman kong may ilang isyu roon, ngunit ayaw kong pag-isipan nang masikap ang mga ito dahil hindi ako sigurado. Gumawa pa nga ako ng mga palusot para sa sarili ko, iniisip na maaaring hindi kailangang humantong sa anumang resulta ang pagbubulay-bulay. Mas naarok ng sister ang mga prinsipyo kaysa sa akin. Kahit siya ay sinabing ayos lamang ito, kaya wala dapat maging anumang malalaking suliranin. Hindi talaga ako nagsumikap na hanapin ang sagot bago ipinagpalagay na ang pagbubulay-bulay ay maaaring hindi humantong sa anumang mga resulta. Hindi ba naging madaya ako at nagpakatamad lamang? Tunay nga akong naging mapanlinlang! Ang pag-uugali kong ito sa aking tungkulin ay gaya ng inilantad ng Diyos: “Hangga’t maiiwasan kong mabunyag, at walang idinudulot na mga problema, at hindi ako pinananagot, mairaraos ko ito. Hindi ko kailangang gumawa ng isang napakagandang trabaho, masyadong abala iyon!” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Ganap na inilarawan ako ng mga salitang iyon. Lumipas ang bawat araw na nakalutang ang isip ko. Nakuntento na akong iwasan ang hirap ng katawan at iniraraos lamang ang lahat. Hindi ko kailanman inisip ang mga paghihirap ng aking mga kapatid o kung mabisa ba ang paggawa ko ng aking tungkulin sa ganitong paraan. Kung mairaraos ko lamang ang isang bagay, ganoon nga ang ginagawa ko, nang hindi nagpapakita ng katapatan sa tungkulin ko. Sa gayong pag-uugali, ako ay naging ganap na hindi mapagkakatiwalaan, tulad ng inilalarawan ng Diyos, “nang walang integridad at dignidad,” at “mga taong mababa ang karakter.” Talagang hindi ito isang pagmamalabis. Labis akong nabalisa at nagsisi ako nang taos, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, napakawalang-galang at ganap na iresponsable ang aking pag-uugali sa tungkulin ko. Hindi ko na nais pang mamuhay sa mababang buhay na ito. Handa akong maghimagsik laban sa aking laman, maging masikap at taimtim, at magbayad ng halaga upang magawa ko nang maayos ang aking tungkulin.”
Pagkatapos manalangin, binasa ko ang ilang salita ng Diyos at nakamit ko ang mas mabuting pagkaunawa sa mga hinihingi Niya. Sabi ng Diyos: “Kapag gumagawa ng tungkulin, kailangang matutunan ng isang tao na maging maingat, masusi, metikuloso, at responsable, at gawin ito nang matatag, ibig sabihin, sa pamamagitan ng pagtanim ng isang paa sa unahan ng isa. Dapat ibuhos ng isang tao ang kanyang buong lakas para gawin nang maayos ang tungkuling iyon, hanggang sa masiyahan siya sa kung paano niya ginampanan ito. Kung hindi nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, dapat niyang hanapin ang mga prinsipyo, at kumilos ayon sa mga ito at ayon sa mga hinihingi ng Diyos; dapat handa siyang higit na magsikap na gawin nang maayos ang kanyang tungkulin, at hindi niya kailanman ito dapat gawin nang pabasta-basta. Sa ganitong paraan lang ng pagsasagawa makakaramdam ng kapayapaan sa kanyang puso ang isang tao, nang hindi sinusumbatan ng kanyang konsensiya” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 5). Hinihingi ng Diyos na maging matatag tayo sa ating mga tungkulin, pinananatili ang isang matapat at responsableng pag-uugali sa lahat ng ginagawa natin, hinahangad ang mga katotohanang prinsipyo, at ginagawa ang pinakamakakaya natin. Napagtanto kong hindi na ako maaaring maging pabaya. Kinailangan kong isagawa ang mga hinihingi ng Diyos, maingat na sinusuri ang bawat video at nagbibigay ng detalyado at batay sa prinsipyo na gabay sa mga isyu. Bagaman nangangailangan ito ng kaunti pang pisikal na pagdurusa at pag-iisip, kung humantong ito sa mas mabubuting resulta sa aking tungkulin, kung gayon ay sulit ito. Pagkatapos niyon, habang patuloy kong sinusuri at tinutugon ang mga isyu ng aking mga kapatid, pinag-isipan ko kung paano ipahahayag ang sarili ko upang makamit ang pinakamaiinam na resulta. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng pamamaraang ito, hindi ako gaanong nakaramdam ng pagod, at nagawa kong makapasok nang mas malalim sa mga prinsipyo. Gayunpaman, dahil sa aking lubhang tiwaling disposisyon at malabis na pagnanasa para sa pisikal na ginhawa, natukso pa rin akong piliin ang mas madaling paraan at naging pabaya kapag may kinaharap na kumplikadong suliranin.
Minsan, habang sinusuri ang isang video, napansin ko ang ilang nakapaloob na isyu na mapanghamon tugunan. Naisip ko, “Kung magbibigay ako ng mga mungkahi, kailangan ko munang mag-aral at magsaliksik upang makahanap ng isang pambihirang tagumpay. Magiging nakaaabala ito. Iniisip ko pa lamang ito ay sumasakit na ang ulo ko! Kung gugugulin ko rito ang lahat ng oras na iyon at hindi ko pa rin ito maisip, hindi ba ito isang pag-aaksaya ng pagsusumikap? Hayaan na nga ito. Pagtutuunan ko muna sa ngayon ang ibang video at haharapin ang mga ito kalaunan kapag may oras na ako.” Pagkatapos ng ilang panahon, napansin ng aming mga lider ang pagbaba ng pagiging epektibo ng aming gawaing pangvideo, at siniyasat muli ang mga video na isinumite ng mga kapatid sa nakaraang tatlong buwan. Napag-alaman nilang marami-raming video ang hindi natugunan, at na hindi namin ito maagap na napangasiwaan o naglaan ng gabay para sa mga kapatid upang baguhin ang mga ito nang naaayon sa mga prinsipyo, na nagdudulot ng matitinding pagkaantala sa gawaing pangvideo. Nang makita ko ang resultang ito, natigilan ako. Hindi ba ang lahat ng ito ay dulot ng aking walang pag-iingat at pabayang pagharap sa tungkulin ko? Hindi ko mailarawan ang damdamin sa puso ko. Para ba itong isang batong dumadagan sa dibdib ko, na nagpapakapos sa aking hininga. Nang maglaon, binasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Lubhang mahalaga kung paano mo itinuturing ang mga atas ng Diyos, at isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensiya at dapat kang parusahan. Ito ay talagang natural at makatuwiran na dapat tapusin ng mga tao ang anumang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung hindi mo sineseryoso ang mga atas ng Diyos, ipinagkakanulo mo Siya sa pinakamalalang paraan. Sa ganito, mas kahabag-habag ka pa kaysa kay Hudas, at dapat na sumpain” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Sa pagbabasa ng mga salitang ito ng Diyos, naramdaman ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kung hinarap ko ang aking tungkulin nang may kaswal na pag-uugali—palaging pabaya at madaya, at nagpapakatamad—ipinahiwatig nito ang isang seryosong pagkakanulo sa Diyos, at magiging hindi ako karapat-dapat sa presensiya ng Diyos at nararapat sa akin ang sumpa at kaparusahan. Natakot ako, nararamdamang nasa mapanganib na posisyon ako. Sa pag-iisip tungkol sa pagsasaayos ng iglesia para suriin ko ang mga video, umaasa na ibibigay ko ang aking buong puso at lakas sa gawain at gagawin ito nang maayos. Ngunit naging madaya ako sa aking mga tungkulin at naghahanap ng mga paraan upang magpakatamad. Kapag may nakahaharap akong mga isyu na hindi ko naunawaan o hindi naarok, nabigo akong masikap na pag-isipan ang mga ito. Bagkus, kapag may kinaharap na mga isyu na nangangailangan ng matinding pagsusumikap at pag-iisip, pinili kong iligtas ang sarili ko sa gusot at isasantabi ang mga video, nabibigong agarang gumawa ng pananaliksik at pag-aaral, o humanap ng mga nauukol na prinsipyo upang gabayan ang ibang miyembro ng pangkat. Hindi ko natupad ang aking mga responsabilidad. Ganap na nahadlangan ng ginawa ko ang gawaing pangvideo. Sa pag-alala sa unang pagkakataon na hinawakan ko ang tungkuling ito, nagpasya ako sa harap ng Diyos na pahahalagahan ang pagkakataong gawin ang tungkuling ito at magiging tapat upang suklian ang pagmamahal ng Diyos. Ngunit ngayon, kung mairaraos ko lamang, ginawa ko na iyon nang walang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad. Hindi ba ito lantarang panlilinlang sa Diyos? Tunay ngang nabigo ko ang Diyos at hindi ako mapagkakatiwalaan! Sa pag-iisip tungkol dito, naramdaman ko ang panghihinayang at paninisi sa sarili, at lalong lumaki ang pagkakautang ko sa Diyos. Umiyak ako habang nananalangin sa Diyos, “O Diyos, hinadlangan at ginambala lamang ng mga kilos ko ang gawain. Handa akong magsisi at itama ang pag-uugali ko sa aking tungkulin. Pakiusap, gabayan Mo ako.”
Kalaunan, nagsimula akong mag-isip. Noong una, ninais kong gumawa nang maayos sa aking tungkulin, ngunit paanong humantong ito sa ganito? Habang naghahanap ng mga kasagutan, nakita ko ang mga siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ang mga taong tamad ay walang anumang nagagawa. Para ibuod ito sa dalawang salita, sila ay mga walang silbing tao; mayroon silang matinding kapansanan. Gaano man kahusay ang kakayahan ng mga taong tamad, paimbabaw lamang iyon; kahit na may mahusay silang kakayahan, wala itong silbi. Masyado silang tamad—alam nila ang dapat nilang gawin, ngunit hindi nila ito ginagawa, at kahit alam nila na may problema, hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, at bagama’t alam nila kung anong mga paghihirap ang dapat nilang danasin para maging epektibo ang gawain, ayaw nilang tiisin ang mga karapat-dapat na paghihirap na ito—kaya, hindi sila makapagkamit ng anumang mga katotohanan, at hindi sila gumagawa ng anumang tunay na gawain. Ayaw nilang tiisin ang mga paghihirap na dapat tinitiis ng mga tao; ang alam lamang nila ay magpakasasa sa kaginhawahan, magtamasa ng mga panahon ng kagalakan at paglilibang, at magtamasa ng malaya at maluwag na buhay. Hindi ba’t walang silbi sila? Ang mga taong hindi kayang tiisin ang paghihirap ay hindi karapat-dapat na mabuhay. Iyong mga palaging nagnanais na mamuhay ng buhay ng isang parasito ay mga taong walang konsensiya o katwiran; mga hayop sila, at ang mga gayong tao ay hindi angkop kahit na gumampan ng trabaho. Dahil hindi nila kayang tiisin ang paghihirap, kahit na kapag gumagampan sila ng trabaho, hindi nila ito magawa nang maayos, at kung nais nilang makamit ang katotohanan, mas lalong wala silang pag-asang makamit iyon. Ang isang taong hindi kayang magdusa at hindi nagmamahal sa katotohanan ay isang walang silbing tao; ni hindi siya kalipikadong gumampan ng trabaho. Isa siyang hayop, na wala ni katiting na pagkatao. Dapat itiwalag ang gayong mga tao; ito lang ang naaayon sa mga layunin ng Diyos” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8). “Sapat na ba sa iyo na mamuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng tao? Wala nang mas hahangal pa kaysa sa mga yaong nakakita sa kaligtasan ngunit hindi hinangad na makamit ito; sila ay mga taong nagpapakasasa sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananalig sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga hamon o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahangad ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong hindi naghahangad sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay mga hayop? Ang mga patay na walang mga espiritu ay hindi ba lumalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting trabaho lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? Kaya bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa ang iyong mga kaisipan ay masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang matamo ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? … Ibinibigay Ko sa iyo ang tunay na daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tunay na daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Handa ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahangad ng anumang layon; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka sa pagdanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tunay na daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahangad” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Noong dati, hindi ko kailanman iniugnay ang sarili ko sa mga terminong tulad ng “basura” o “parasitiko,” lalo na ang isipin na sa mga mata ng Diyos, ang pag-uugali ko ay maaaring itulad sa isang naglalakad na bangkay, na walang pinagkaiba sa pagitan ko at sa mga baboy at aso. Nakadudurog ng puso at nakalulungkot ang pagkakatantong ito. Ngunit ang inilantad ng mga salita ng Diyos ay ang eksaktong pag-uugali ko. Itinuring ko ang kasiyahan ng pisikal na kaginhawaan bilang layon ko, palaging hinahangad na mamuhay ng isang madali at maalwang buhay. Kapag may nakakaharap akong mga paghihirap sa tungkulin ko kung saan kailangang magsumikap ako at magbayad ng halaga, nauwi ako sa pagkatuso at katamaran. Iniraraos ko lamang o kaya binabalewala ko ang mga video at iniiwan ang mga iyon nang hindi natutugunan, ginagawa ang kahit ano para hindi makapagbigay ng matinding pagsusumikap. Nabigo akong tuparin ang mga responsabilidad ko, na naging sanhi ng mga pagkaantala sa gawain. Hindi ba talagang basura ako at isang parasitiko na nabubuhay lamang sa iba? Nalaglag ako sa kalagayang ito dahil nalason at naimpluwensiyahan ako ng mga satanikong lason gaya ng “Maigsi ang buhay; magpakasaya habang kaya,” “Magpakasaya ka na ngayon,” at “Bigyang-kasiyahan ang sarili habang buhay ka pa.” Ang mga nakalalasong ideolohiyang ito ang nagbunsod sa akin para unahin nang higit sa lahat ang pisikal na kaginhawaan ko, tinitiyak lamang na hindi ako pagod na pagod o nahihirapan. Tungkol naman sa kung natupad ko ba ang aking mga responsabilidad at obligasyon, o kung sinang-ayunan ba ng Diyos kung paano ko isinagawa ang tungkulin ko, wala akong naging pakialam doon. Ang pamumuhay sa mga lasong ito ang nagdulot para ako ay lalong maging makasarili at lumubha, walang anumang determinasyon para maghangad ng mga positibong bagay. Bagaman ginawa ng paraang ito na mas maalwan ang buhay para sa akin, nagresulta ito ng kawalan ng paglago o kapakinabangan. Bagkus, hinadlangan nito ang gawain, na nagresulta sa pagsalangsang. Katumbas ng pagsira sa sarili ko ang pagpapakasasa sa pisikal na kaginhawaan!
Kalaunan, napili akong maging isang lider ng pangkat. Sa panahon na iyon, dalawang sister ang kasisimula pa lamang na magsanay sa paggawa ng mga video. Bukod sa paggawa ko mismo ng mga video, kinailangan kong gabayan ang gawain nila at pamahalaan ang kabuuang gawain ng grupo. Kung minsan, kapag nakikita kong masalimuot ang mga suliranin sa ilang video, naiisip kong muli na bumaling sa mga madaliang paraan. Naisip ko, “Kung hahangarin ko ang mga prinsipyo sa bawat suliranin at pag-iisipan ito, mangangailangan ito ng maraming pag-iisip. Kailan ko kaya matatapos ang lahat ng mga gampaning ito? Pagod na pagod na ako sa pag-iisip pa lamang nito. Sobra-sobrang gusot ito! Marahil ay hindi ako dapat maging sobrang metikuloso. Basta mukhang katanggap-tanggap, sapat na iyon.” Napagtanto ko na muli akong naghahangad ng pisikal na kaginhawaan. Inalala ko ang pag-uugali ni Noe sa kanyang tungkulin, naghanap ako ng mga kaugnay na salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mula nang ipagkatiwala ng Diyos ang pagbuo ng arka kay Noe, kailanman ay hindi inisip ni Noe sa kanyang sarili, ‘Kailan wawasakin ng Diyos ang mundo? Kailan Niya ibibigay sa akin ang hudyat na gagawin Niya iyon?’ Sa halip na pagnilayan ang mga bagay na iyon, isinapuso ni Noe ang bawat bagay na sinabi sa kanya ng Diyos, at pagkatapos ay isinagawa niya ang bawat isa. Matapos tanggapin ang ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, nagsimula na si Noe na isagawa at ipatupad ang pagbuo ng arka na sinabi ng Diyos bilang ang pinakamahalagang bagay sa kanyang buhay, nang walang kahit katiting na tanda ng pagiging walang ingat. Nagdaan ang mga araw, lumipas ang mga taon, araw-araw, taun-taon. Hindi kailanman sinusubaybayan ng Diyos si Noe, hindi siya pinagmamadali, ngunit sa buong panahong ito, nagtiyaga si Noe sa mahalagang gawaing ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Bawat salita at pariralang binigkas ng Diyos ay nakakintal sa puso ni Noe na parang mga salitang nakaukit sa tapyas na bato. Hindi alintana ang mga pagbabago sa mundo sa labas, ang pangungutya ng mga tao sa paligid niya, ang kaakibat na hirap, o ang mga paghihirap na dinanas niya, nagtiyaga siya, sa lahat ng ito, sa ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, nang hindi kailanman nawawalan ng pag-asa o nag-iisip na sumuko. Ang mga salita ng Diyos ay nakakintal sa puso ni Noe, at ang mga ito ang kanyang naging pang-araw-araw na realidad. … Sa puso ni Noe, ang mga salita ng Diyos ang pinakamataas na tagubilin na dapat niyang sundin at isagawa, at ang mga ito ang kanyang panghabambuhay na direksyon at layon. Kaya, anuman ang sinabi sa kanya ng Diyos, anuman ang ipinagawa sa kanya ng Diyos, ang iniutos sa kanyang gawin, ganap na tinanggap ito ni Noe, at isinapuso niya ito; itinuring niya ito bilang ang pinakamahalagang bagay sa kanyang buhay, at mahusay itong pinangasiwaan. Hindi lamang niya ito hindi kinalimutan, hindi lamang niya ito isinapuso, kundi isinakatuparan niya ito sa kanyang pang-araw-araw na buhay, ginagamit ang kanyang buhay para tanggapin at isagawa ang atas ng Diyos. At sa ganitong paraan, sa paisa-isang tabla, nabuo ang arka. Bawat galaw ni Noe, bawat araw niya, ay inilaan sa mga salita at utos ng Diyos. Maaaring hindi mukhang nagsagawa si Noe ng isang napakadakilang gawain, ngunit sa mga mata ng Diyos, lahat ng ginawa ni Noe, maging ang bawat hakbang na kanyang ginawa para may makamit, bawat kayod na isinagawa ng kanyang kamay—lahat ng iyon ay mahalaga, at nararapat tandaan, at nararapat tularan ng sangkatauhang ito” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Ekskorsus: Kung Paano Nakinig Sina Noe at Abraham sa mga Salita ng Diyos at Sumunod sa Kanya (Unang Bahagi)). Napahiya ako sa pag-uugali ni Noe sa kanyang tungkulin. Kahit na gaano kahirap buoin ang arka o kung ano man ang mga sakripisyong hinihingi nito, may isa lamang layon sa isip ni Noe: ang tuparin ang atas ng Diyos upang matugunan Siya. Upang makamit ang layong ito, tunay na nagtiis si Noe ng hirap at nagbayad ng halaga, nangangalap ng lahat ng kinakailangang materyales at binubuo ang arka bawat piraso gamit ang isang martilyo at pait, na nagpatuloy sa loob ng 120 taon. Labis akong napukaw ng karanasan ni Noe. Hindi ko na kayang maghanap pa ng kaginhawaan at tratuhin ang aking tungkulin nang pabasta-basta. Kailangan kong manalangin at umasa sa Diyos at tularan ang pag-uugali ni Noe sa tungkulin niya. Kahit na anong mga paghihirap o ang halaga sa paggawa ng tungkulin ko, kailangan kong gawin ang aking makakaya upang makipagtulungan. Pagkatapos, dinala ko ang aking kalagayan sa harap ng Diyos sa mga panalangin. Minsan kapag nakakita ako ng napakaraming isyu sa ilang video, maingat ko munang pag-iisipan ang mga ito sa pamamagitan ng paglalapat ng mga prinsipyo at pagtatalakay ng mga ito sa aking katuwang na sister, at pagkatapos ay makikipag-usap kami sa aming mga kapatid. Kapag may kinaharap na mga masalimuot na suliranin sa ilang video, sa halip na balewalain ang mga ito, maghahanap ako ng impormasyon upang matuto at maghangad ng mga pambihirang tagumpay, ginagawa ang makakaya ko upang makipagbahaginan sa mga kapatid tungkol sa mga landas ng pagsasagawa. Sa pamamahala ng kabuuang gawain, sinubukan ko rin ang pinakamakakaya ko para mapaunlakan ang lahat ng aspekto, nakikipag-usap sa katuwang kong sister upang matugunan ang anumang mga paglihis o suliranin na kinaharap namin sa gawain. Matapos ang isang panahon ng pakikipagtutulungan sa ganitong paraan, ako at ang sister na ito ay parehong nakagawa ng kaunting pagsulong. Dati, mayroon lamang akong paimbabaw na pagkaunawa sa ilang prinsipyo. Ngunit sa pamamagitan ng pagbabahaginan kasama ang mga kapatid ko, nakamit ko ang mas malalalim na kabatiran sa mga suliraning ito, na nakatulong sa akin para mapabuti ang mga pang-espesyalistang kasanayan ko. Naramdaman ko rin ang isang mas higit na pagpapahalaga sa pasanin sa aking tungkulin kaysa dati. Noon ko lamang napagtanto na sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng aming mga tungkulin, binibigyang-liwanag at ginagabayan tayo ng Diyos upang maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo nang paunti-unti, binibigyan tayo ng mga pasanin at pagkakataon para sa pagsasagawa. Bagaman maaaring magdusa nang kaunti ang ating laman, sa huli, tayo ang mga makikinabang mula rito. Salamat sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Li Zhi, TsinaHindi ako masyadong palasalita, at hindi ako madalas nagsasabi at nagsasalita mula sa puso. Akala ko iyon ay dahil sa...
Ni Chen Yang, Tsina Bago maging isang mananampalataya, inakala ko na ang “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga...
Ni Marissa, Nederland Noong 2017, inihalal ako para maging isang lider ng iglesia. Noong una, nagbunga ako ng mga resulta sa tungkulin ko,...
Ni Katherine, USANoong tag-araw ng taong 2020, gumagawa kami ni Sister Audrea ng mga video sa iglesia. Noong panahong iyon, ako ang...