Ang mga Ibubunga ng Pagkabigong Gumawa ng Aktuwal na Gawain

Disyembre 11, 2024

Ni Xiaomo, Tsina

Ako ang namamahala sa gawaing ebanghelyo sa iglesia. Minsan, iniulat ng ilang kapatid na ang isang lider ng grupo, si Xinyue, ay mayabang, mapangdikta, at hindi nakikipagtulungan nang maayos sa iba o tumatanggap ng mga mungkahi. Pakiramdam ng lahat ay napipigilan sila ni Xinyue at nakaapekto ito sa gawain ng ebanghelyo. Sinubukan ng lahat na ipaalam ito sa kanya at tulungan siya, pero pasalita lang niya itong inamin at tinanggap, at hindi man lang siya nagbago pagkatapos. Kalaunan, napag-usapan namin ito at napagpasyahang tanggalin siya sa kanyang puwesto. Napahiya talaga ako rito, dahil ilang beses akong nakipagbahaginan kay Xinyue noon tungkol sa mga problema niya, pero sa gulat ko, sa halip na malutas ito, mas lumala pa ang mga isyu niya. Napanilay at napaisip ako kung ano ang tunay na dahilan niyon. Nagbalik-tanaw ako noong una kong tinanggap ang trabaho. Napansin kong ang grupo ni Xinyue ang pinakamatagumpay sa gawain ng ebanghelyo, at talagang nakatuon sa tungkulin nila. Medyo mataas ang tingin ko sa kanila. Lalo na nang makita ko kung gaano kahusay si Xinyue, pakiramdam ko ay tiyak na hindi magkakaroon ng malalaking isyu sa kanya bilang lider ng grupo, kaya hindi ko gaanong kinukumusta ang gawain nila. Bagaman may ilang kapatid na nag-ulat ang mga isyu nila sa akin, hindi ko ito sineryoso. Pakiramdam ko ay dahil naging maayos ang gawain ng ebanghelyo nila, kahit na may ilang problema, hindi ito malaking bagay. Minsan kapag nakikipagbahaginan ako sa kanila, binibigyan ko lang sila ng ilang simpleng payo, at hindi ako nagsusubaybay para tingnan kung nalutas ba ang mga problema pagkatapos. Naalala ko minsan noong tinatalakay namin ang gawain, napansin kong hindi magkasundo sina Xinyue at Xiaoli. Pareho silang mayabang at nanindigan sa sarili nilang mga pananaw. Nakahanap ako ng ilang salita ng Diyos na tumutugon sa kalagayan nila para pagbahaginan, at nang nakita kong pareho silang nakakapagnilay at handang magbago, naramdaman kong nawala na ang pasanin sa isipan ko. Pero matagal na silang hindi nagkakasundo sa trabaho, kaya alam kong hindi malulutas ang problema ng isang beses na pakikipagbahaginan sa kanila, at dapat kong subaybayan ang mga bagay-bagay at tingnan kung nagbago na ba talaga ang mga kalagayan nila. Pero naisip ko, para mas makapagbahagi sa kanila, kailangan kong maghanap ng mga sipi ng mga salita ng Diyos at subukang arukin ang kalagayan nila, na talagang nakapapagod. Saka, normal naman nilang nagagawa ang mga tungkulin nila, kaya inakala ko na ayos lang kung hindi sila kukumustahin. Kaya hinayaan ko na lang. May isa pang beses na nakita kong nagtatalo si Xinyue at isa pang kapatid habang nagbabahaginan. May makatwirang mungkahi ang isa pang kapatid, pero ayaw itong tanggapin ni Xinyue, at patuloy na iginigiit na siya ang tama. Walang nagawa ang kapatid sa huli kundi ang magpaubaya na lang. Nang makita ko kung gaano kamapagmagaling si Xinyue, gusto kong ihayag ang problema niya, pero naisip ko ang oras at lakas na kakailanganin ko sa pakikipagbahaginan tungkol dito, at ang iba pang gawain na kailangan kong asikasuhin. Dahil wala namang malinaw na alitan o sigalot sa pagitan nila, hindi naman siguro ito kasingsama sa inakala ko. Mas kaunting problema, mas mainam. Dagdag pa rito, isang lider ng grupo si Xinyue, kaya kung naglalantad siya ng kaunting kayabangan, malulutas niya ito sa pamamagitan ng paghahanap. At kaya, hindi ko tinukoy ang problema niya. Sa pagbabalik-tanaw sa lahat ng ito, alam na alam kong mayabang si Xinyue at hindi marunong makipagtulungan sa iba nang maayos. Isa rin siyang lider, kaya nagiging iresponsable talaga ako sa pagwawalang-bahala sa ganoong ka-importanteng bagay!

Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos kalaunan: “Kahit ano pang mahalagang gawain ang ginagawa ng isang lider o manggagawa, at kahit ano pa ang kalikasan ng gawaing ito, ang numero uno niyang prayoridad ay unawain at arukin kung kumusta na ang gawain. Dapat naroroon mismo siya upang mag-asikaso ng mga bagay-bagay at magtanong, upang siya mismo ang makakuha ng impormasyon. Hindi siya dapat umasa lang sa mga usap-usapan, o makinig lang sa mga ulat ng ibang tao. Sa halip, dapat maobserbahan mismo ng kanyang mga mata ang sitwasyon ng tauhan, at kung kumusta ang pag-usad ng gawain, at unawain kung anong mga problema ang mayroon, kung may anumang aspekto ba ng gawain ang hindi ayon sa mga hinihingi ng Itaas, kung may mga paglabag ba sa mga prinsipyo, kung mayroon bang anumang kaguluhan o pagkagambala, kung kulang ba ang mga kailangang kagamitan o mga nauugnay na materyales sa pagtuturo tungkol sa propesyonal na trabaho—dapat alam niya ang lahat ng ito. Kahit gaano pa karaming ulat ang pakinggan niya, o kahit gaano pa karami ang mahinuha niya mula sa mga sabi-sabi, wala sa mga ito ang makakatalo sa personal na pagbisita; mas tumpak at maaasahan kung makikita nila ang mga bagay-bagay sa sarili nilang mga mata. Sa sandaling pamilyar na siya sa lahat ng aspekto ng sitwasyon, magkakaroon siya ng malinaw na ideya sa kung ano ang nangyayari(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 4). “Alinmang gawain ang kanilang sinisiyasat, laging makatutukoy ng mga problema ang mga lider na nagdadala ng pasanin. Para sa anumang problemang may kinalaman sa propesyonal na kaalaman, o salungat sa mga prinsipyo, magagawa nilang tukuyin ang mga ito, magtanong tungkol sa mga ito, at maunawaan ang mga ito, at kapag natuklasan nila ang isang problema, nilulutas nila ito kaagad. Nilulutas lamang ng matatalinong lider at manggagawa ang mga problemang may kinalaman sa gawain ng iglesia, propesyonal na kaalaman, at mga katotohanang prinsipyo. Hindi nila pinapansin ang maliliit na bagay sa pang-araw-araw na buhay. Sinusubaybayan nila ang bawat aspekto ng gawain ng pagpapalaganap sa ebanghelyo na iniatas ng Diyos. Nagtatanong sila at nagsisiyasat tungkol sa anumang problemang naririnig o natutuklasan nila. Kung hindi nila mismo malutas ang problema sa sandaling iyon, nakikipagtipon sila sa iba pang mga lider at manggagawa, nakikipagbahaginan sa kanila, naghahanap ng mga katotohanang prinsipyo, at nag-iisip ng mga paraan para malutas ito. Kung may makaharap silang isang malaking problema na talagang hindi nila malulutas, agad silang naghahanap mula sa Itaas, at ipinapaubaya sa Itaas na asikasuhin at lutasin ito. Ang mga lider at manggagawang ganito ay mga taong may prinsipyo sa kanilang mga kilos. Anuman ang mga problema, basta’t nakita nila ang mga ito, hindi nila ito palalampasin; iginigiit nilang lubusang unawain ang mga problemang ito at pagkatapos ay isa-isang lutasin ang mga ito. Kahit na hindi ganap na malutas ang mga ito, masisiguro na hindi na muling lilitaw ang mga problemang ito(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 4). Napahiya talaga ako nang makita ko kung ano ang hinihingi ng Diyos sa mga lider at manggagawa. Hindi ako nakapagdala ng pasanin para sa gawain ng ebanghelyo. Hindi lang ako nabigong maagap na subaybayan ang gawain ng ebanghelyo, pero hindi ako nagkaroon ng detalyadong pagkaunawa sa mga kalagayan ng mga kapatid. Tulad ng pagiging lider ng grupo ni Xinyue pero mahirap ding makatrabaho—dapat nilutas ko ito sa pakikipagbahaginan, pero saglit ko lang tinukoy ang problema niya nang hindi nakikipag-usap sa iba para magkaroon ng detalyadong pagkaunawa rito. Hindi ko rin nailantad ang kalikasan ng kanyang isyu o ang mga kahihinatnan nito. Pagkatapos niyon, hindi ko na inalam kung nagbago ba siya o hindi. Hindi ko napagnilayan kung ito ba ay isyu ng kanyang disposisyong diwa o isang pagbubunyag ng katiwalian, kung angkop ba siyang maging lider ng grupo, at iba pang mga detalye tulad niyon. Kaya hindi kailanman nalutas ang mga problema niya, at naapektuhan ang gawain ng ebanghelyo. Kalaunan, nakita kong mayabang pa rin si Xinyue, mapagmagaling, at mapangdikta, at alam kong dapat akong magbahagi sa kanya para malutas ito, o maaantala nito ang gawain. Pero hindi ko pa rin ito inasikaso, dahil ayaw kong maabala. Iniraraos ko lang ang paglulutas ng mga problema, kontento na sa mababaw na gawain, binabanggit ang problema at wala nang iba. Hindi ko na pinansin kung nalutas ba talaga ang isyu o hindi. Nagiging iresponsable ako, hindi ko ginagawa ang trabaho ko o ang anumang aktuwal na gawain. Ganoon ang inaasal ng isang huwad na lider. Ipinangasiwa sa akin ng iglesia ang gawain ng ebanghelyo, umaasang magagawa ko ang tungkulin ko ayon sa mga hinihingi ng Diyos, maging seryoso at responsable sa gawain ko, at gamitin ang mga katotohanang prinsipyo para lutasin ang mga isyu ng mga kapatid para makapagpatuloy nang maayos ang gawain ng ebanghelyo. Pero sa halip, nang lumitaw ang mga problemang kailangang lutasin, wala akong ginawa, iniisip na mas kaunting problema, mas mainam. Kumikilos talaga ako bilang isang huwad na lider at hinahadlangan ang pag-usad ng gawain ng ebanghelyo. Talagang kasuklam-suklam sa Diyos ang saloobin ko sa tungkulin ko!

Pagkatapos, naghanap ako at nagnilay sa tunay na ugat ng kabiguan kong gumawa ng tunay na gawain. May nabasa ako sa mga salita ng Diyos: “Sa kanilang gawain, dapat isaalang-alang ng mga lider at manggagawa ang mga layunin ng Diyos at maging tapat sila sa Kanya. Ang pinakamainam na paraan ng pagkilos para sa kanila ay ang aktibong kilalanin at lutasin ang mga problema. Hindi sila dapat manatiling pasibo, lalo na kapag mayroon silang ganitong kasalukuyang mga salita at pagbabahagi para maging batayan nila. Dapat silang magkusang lutasin nang lubusan ang mga aktuwal na problema at paghihirap sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, at gawin ang kanilang gawain nang mismong ayon sa nararapat. Dapat agad at aktibo nilang subaybayan ang pag-usad ng gawain; hindi sila maaaring palaging maghintay ng utos at pang-uudyok mula sa Itaas bago sila kumilos nang may pag-aatubili. Kung ang mga lider at manggagawa ay palaging negatibo at pasibo at hindi gumagawa ng totoong gawain, hindi sila karapatdapat na maglingkod bilang mga lider at manggagawa, at dapat silang tanggalin at ilipat. Maraming lider at manggagawa ngayon na lubhang pasibo sa kanilang gawain. Gumagawa lang sila ng kaunting gawin kapag inuutusan at itinutulak sila ng Itaas; kung hindi, nagtatamad-tamaran sila at ipinagpapaliban ang mga gawain. Ang gawain sa ilang iglesia ay medyo magulo, ang ilan sa mga taong gumagawa ng mga tungkulin doon ay masyadong tamad at pabasta-basta, at walang nakukuhang anumang tunay na mga resulta. Ang kalikasan ng mga problemang ito ay masyado nang matindi at katakut-takot, ngunit kumikilos pa rin ang mga lider at manggagawa ng mga iglesiang iyon na parang mga opisyal at panginoon. Bukod sa hindi makagawa ng anumang tunay na gawain, hindi rin nila matukoy o malutas ang mga problema. Nakakaparalisa ito sa gawain ng iglesia at nagiging dahilan para hindi makasulong ang iglesia. Tuwing ang gawain ng iglesia ay napakagulo at walang tanda ng kaayusan, siguradong may isang huwad na lider o anticristo na namamahala. Sa bawat iglesia na pinamumunuan ng isang huwad na lider, lahat ng gawain ng iglesia ay ganap na magugulo—walang duda riyan. … Ano ang nangyayari kapag bulag ang mga tao sa gawaing kailangang gawin? (Hindi sila nagdadala ng pasanin.) Tumpak na sabihin na hindi sila nagdadala ng pasanin; masyado rin silang tamad at sabik sa kaginhawahan, nagpapahinga tuwing maaari, at sinisikap nilang iwasan ang anumang gampanin. Madalas isipin ng mga tamad na taong ito, ‘Bakit ba ako mag-aalalang masyado tungkol dito? Tatanda lang ako kaagad kapag masyado akong nag-aalala. Paano ako makikinabang sa paggawa niyan, at sa masyadong pagparoo’t parito, at pagpapakapagod nang husto? Ano ang mangyayari kung mapagod ako at magkasakit? Wala akong perang pampagamot. At sino ang mag-aalaga sa akin pagtanda ko?’ Ganito kapasibo at kaatrasado ang mga tamad na taong ito. Wala sila ni katiting na katotohanan, at wala silang nakikita nang malinaw. Malinaw na isang pangkat sila ng mga taong naguguluhan, hindi ba? Lahat sila ay magulo ang isip; hindi nila alintana ang katotohanan at wala silang interes dito, kaya paano sila maliligtas? Bakit laging walang disiplina at tamad ang mga tao, na para bang mga buhay na bangkay sila? Tinutukoy nito ang isyu sa kanilang kalikasan. May isang uri ng katamaran sa kalikasan ng tao. Anuman ang gampaning ginagawa ng mga tao, lagi nilang kailangan ng ibang tao para pangasiwaan at udyukan sila. Minsan, isinasaalang-alang ng mga tao ang laman, nasasabik sa pisikal na kaginhawahan, at palagi silang may itinatabi para sa kanilang sarili kung sakaling hindi mangyari ang plano nila—ang mga taong ito ay puno ng mga maladiyablong layunin at mga tusong pakana; talagang wala silang kuwenta. Hindi nila ginagawa palagi ang makakaya nila, kahit na mahalagang tungkulin ang kanilang ginagawa. Ito ay pagiging iresponsable at taksil(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 26). “Ang lahat ng huwad na lider ay hindi kailanman gumagawa ng totoong gawain. Kumikilos sila na parang ang kanilang papel sa pamumuno ay isang opisyal na posisyon, tinatamasa ang mga pakinabang ng katayuan, at ang tungkuling nararapat nilang gampanan at ang gawaing nararapat nilang gawin bilang isang lider ay itinuturing nilang isang hadlang, tulad ng isang abala. Sa puso nila, nag-uumapaw ang pagtutol nila sa gawain ng iglesia: Kapag hiniling sa kanila na magsuperbisa sa gawain at alamin kung anong mga isyu ang umiiral sa loob nito na kinakailangang masubaybayan at malutas, sila ay napupuno ng pag-aatubili. Ito ang gawain na dapat ginagawa ng mga lider at manggagawa, ito ang trabaho nila, pero hindi nila ito ginagawa—at ayaw nilang gawin ito—kaya bakit gusto pa rin nilang maging mga lider o manggagawa? Ginagawa ba nila ang kanilang tungkulin para isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, o para maging isang opisyal at magtamasa ng mga pakinabang ng katayuan? Kung naging lider lang sila para magkaroon sila ng opisyal na posisyon, hindi ba’t kawalang kahihiyan iyon? Ang mga taong ito ang may pinakamabababang karakter, wala silang dignidad, at wala silang kahihiyan. Kung gusto nilang magtamasa ng kaginhawahan ng laman, dapat silang magmadaling bumalik sa mundo, at makipaglaban, puwersahang kumuha, at sumunggab ayon sa kakayahan nila, at walang makikialam doon. Ang sambahayan ng Diyos ay isang lugar para sa hinirang na mga tao ng Diyos para gawin ang mga tungkulin nila at sambahin Siya; isa itong lugar para hangarin ng mga tao ang katotohanan at magtamo ng kaligtasan. Hindi ito isang lugar para magpakasasa ang sinuman sa kaginhawahan ng laman, lalong hindi ito isang lugar na nagtutulot sa mga tao na mamuhay na parang mga prinsipe. Walang kahihiyan ang mga huwad na lider, hindi sila tinatablan ng hiya, at wala silang katwiran. Anumang partikular na gawain ang nakatalaga sa kanila, hindi nila ito sineseryoso, at binabalewala nila ito; bagama’t napakaganda ng mga salitang isinasagot nila, hindi sila gumagawa ng anumang totoo. Hindi ba’t imoral ito? … Anumang gawain ang ginagawa ng ilang tao o anumang tungkulin ang ginagampanan nila, hindi sila mahusay roon, hindi nila ito kayang pasanin, hindi nila kayang tuparin ang anuman sa mga obligasyon o responsabilidad na nararapat tuparin ng tao. Hindi ba basura sila? Karapat-dapat pa rin ba silang tawaging tao? Maliban sa mga utu-uto, walang kakayahan sa pag-iisip, at may mga pisikal na kapansanan, mayroon bang nabubuhay na hindi nararapat gawin ang kanilang mga tungkulin at tuparin ang kanilang mga responsabilidad? Ngunit ang ganitong uri ng tao ay palaging tuso at nagpapakatamad, at ayaw tuparin ang kanilang mga responsabilidad; ang pahiwatig ay na hindi nila nais na maging isang marapat na tao. Binigyan sila ng Diyos ng oportunidad na maging tao, at binigyan Niya sila ng kakayahan at mga kaloob, subalit hindi nila magamit ang mga ito sa paggawa ng kanilang tungkulin. Wala silang ginagawa, ngunit nais nilang lasapin ang kasiyahan sa bawat pagkakataon. Angkop bang tawaging tao ang gayong tao? Anumang gawain ang ibigay sa kanila—mahalaga man iyon o pangkaraniwan, mahirap o simple—lagi silang pabasta-basta at tuso, at nagpapakatamad. Kapag nagkakaroon ng mga problema, sinisikap nilang ipasa ang kanilang responsabilidad sa ibang mga tao, hindi sila umaako ng pananagutan, at nais nilang patuloy na mamuhay na parang mga linta. Hindi ba mga walang-silbing basura sila?(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8). Talagang nasaktan ako sa mga salita Niya. Sa lahat ng panahong iyon, detalyadong nagbabahagi ang Diyos sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, pero hindi ako nakapasok sa lahat ng ito. Nagpapabaya ako, nagiging iresponsable, nagpapakasasa sa laman, at walang nakukuhang resulta sa tungkulin ko. Ako ang walang kuwentang linta na inilalantad ng Diyos. Nang inaasikaso ko ang problema ni Xinyue, alam na alam kong hindi nalutas ang isyu, pero tuso ko lang na ginawa ang anumang hindi makaaabala sa akin. Napagtanto ko na madalas akong hindi epektibo sa tungkulin ko dahil tamad ako at inaalala lang ang sarili kong kaginhawahan. Noong una, kapag nahihirapan ang iba sa kanilang pagbabahagi ng ebanghelyo, o hindi sigurado sa ilang prinsipyo, nakikipagbahaginan ako sa kanila para malutas ang mga isyung ito. Pero dahil mabagal umusad at may mga kumplikadong isyu ang ilan, pakiramdam ko ay masyadong nakapapagod na tulungan sila. Kinailangan kong maghanap at magnilay, at matiyagang magbahagi sa kanila, pero iniwasan ko iyon, nilulutas lang ang mga halatang isyu at isinasantabi ang mahihirap. Minaliit ko ang malalaking problema at binalewala ko ang maliliit. Kaya maraming isyu ang hindi kailanman nalutas. Binigyang-layaw ko ang laman nang hindi talaga inaayos ang mga bagay-bagay. At kaya, matagal na walang pag-usad ang gawain ng ebanghelyo. Lahat iyon ay dahil likas akong tamad, pinahahalagahan ang laman, at hindi tapat o responsable sa tungkulin ko. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ito ay isang seryosong kapabayaan sa tungkulin! Nawala na sa inyo ang saloobin at responsabilidad sa inyong mga tungkulin na dapat na tinataglay ninyo bilang mga lider at manggagawa(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 26). “Angkop bang tawaging tao ang gayong tao?(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8). Hindi. Isa akong lider, kaya responsabilidad kong gawin ang lahat ng makakaya ko para malutas ang mga isyung nakikita ko. Pero ayokong tahakin ang tamang landas—palagi kong iniisip ang sariling kaginhawahan. Sa tuwing kailangan kong gumawa ng tunay na pagkilos o gawain, umaatras ako. Napinsala nito ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Lubhang pabaya ang paggawa sa tungkulin ko nang ganoon! Naisip ko kung paano, sa gawain ng Diyos sa mga huling araw para lutasin ang katiwalian ng tao, nagpahayag Siya ng milyun-milyong salita, nagpapaalala at nagpapayo, humahatol at nagpaparusa, nagbababala at naglalantad, gamit ang lahat ng paraan para makapagbahagi sa atin nang masinsinan para makaunawa tayo at makapasok sa katotohanan. Para iligtas ang sangkatauhan, na labis na ginawang tiwali ni Satanas, nag-alala at nagdusa Siya nang labis, nagsikap nang husto at nagbayad ng malaking halaga. Pero habang tinatamasa ang panustos ng napakaraming katotohanan mula sa Diyos, tinanggap ko ang isang mahalagang gawain sa iglesia nang hindi iniisip na suklian ang pagmamahal Niya. Hindi ako nagdusa nang kaunti o nagbayad ng kaunting halaga para sa tungkulin ko. Sa sandaling kinailangan kong seryosong kumilos at gumawa ng tunay na gawain, tumakas ako. Palagi kong gusto ang mga gantimpala at pagpapala ng Diyos kapalit ng kaunting pagsisikap. Napakamakasarili ko at ubod ng sama, walang konsensiya at katwiran. Sa puntong iyon, sa wakas nakita ko na ang palaging pag-iisip sa laman at pananabik sa ginhawa ay pamumuhay nang walang dignidad at pagiging di-maaasahan. Isa akong tamad at huwad na lider. Ang paggawa sa tungkulin ko nang ganoon ay nagbigay sa akin ng pansamantalang ginhawa, pero patuloy akong nawawalan ng pagkakataong makamit ang katotohanan dahil sa katamaran ko, at sa huli ay ititiwalag ako ng Diyos. Nag-iipon ako nang kaunti pero nawawalan nang malaki, napakahangal ko! Naisip ko ang isang bagay na sinasabi ng Bibliya: “At ang kasaganaan ng mga hangal ang wawasak sa kanila” (Kawikaan 1:32). May kilala akong ilang kapatid na natanggal dahil lagi nilang iniisip ang laman at ginhawa, nang hindi gumagawa ng tunay na gawain. Ang pagnanasa sa ginhawa ay kinasusuklaman ng Diyos, at makasisira pa sa pagkakataon nating maligtas. Ang Diyos ay banal at matuwid at sinusuri Niya ang mga layunin ko sa tungkulin ko. Hindi ko puwedeng patuloy na gampanan ang tungkulin ko nang ganoon. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi lugar para magnasa ako ng kaginhawahan ng laman, ito ang lugar para gawin ko ang tungkulin ko at isagawa ang katotohanan. Dahil tinanggap ko ang tungkuling iyon, dapat kong ibigay ang lahat sa paggawa nito nang maayos. Nagdasal ako sa Diyos sa pagsisisi: “Diyos ko, salamat sa pagsasaayos ng sitwasyong ito para ipakita sa akin na nagnasa ako ng kaginhawahan ng laman sa tungkulin ko at hindi naging responsable. Mula ngayon, gusto kong gawin ang aking makakaya para talagang gumawa sa tungkulin ko.”

Pagkatapos niyon, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, paghahanap at pagninilay, nakita ko na nagkikimkim ako ng isa pang maling pananaw. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kailangang maunawaan ng mga lider at manggagawa ang mga superbisor ng mahalagang gawain, ang mga direktor ng ebanghelyo, bawat lider ng pangkat, mga direktor ng mga pangkat na gumagawa ng pelikula, at iba pa, mula sa iba’t ibang sanggunian at mas mahigpit na obserbahan at suriin ang mga taong ito bago sila makatiyak sa mga ito. Sa pamamagitan lamang ng maingat na pagtatalaga ng mga tungkulin sa mga tao sa ganitong paraan sila makatitiyak na angkop ang mga pagsasaayos, at na magiging epektibo ang mga tao sa tungkulin ng mga ito. Sinasabi ng ilang tao, ‘Maging ang mga walang pananampalataya ay nagsasabing, “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Bakit lubhang walang tiwala ang sambahayan ng Diyos? Lahat sila ay mga mananampalataya; gaano ba sila kasama? Hindi ba’t mabubuting tao silang lahat? Bakit sila kailangang unawain, pangasiwaan, at obserbahan ng sambahayan ng Diyos?’ Tama ba ang mga salitang ito? May problema ba sa mga ito? (Mayroon.) Naaayon ba sa mga prinsipyo ang malalimang pag-unawa at pag-obserba sa isang tao, at pakikisalamuha sa kanila nang malapitan? Ganap na naaayon ito sa mga prinsipyo. Sa aling mga prinsipyo ito naaayon? (Ikaapat na aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa: ‘Alamin palagi ang sitwasyon ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho, at agad na baguhin ang kanilang mga tungkulin o tanggalin sila kung kinakailangan, upang maiwasan o mabawasan ang mga kawalan na dulot ng paggamit sa mga taong hindi angkop, at matiyak ang kahusayan at maayos na pag-usad ng gawain.’) Magandang gawing pamantayan ito, ngunit ano ang tunay na dahilan sa paggawa nito? Ito ay dahil ang mga tao ay may mga tiwaling disposisyon. Ngayon, bagama’t maraming taong gumagawa ng tungkulin, iilan lamang ang naghahangad ng katotohanan. Napakakaunting tao ang naghahangad sa katotohanan at pumapasok sa realidad habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin; para sa karamihan, wala pa ring mga prinsipyo sa paraan ng paggawa nila ng mga bagay-bagay, hindi pa rin sila mga taong tunay na nagpapasakop sa Diyos; ipinapahayag lamang nila na mahal nila ang katotohanan, at handa silang hangarin ang katotohanan, at handa silang magsumikap para sa katotohanan, subalit wala pa ring nakakaalam kung hanggang kailan tatagal ang kanilang determinasyon. Ang mga taong hindi naghahangad sa katotohanan ay malamang na magbunyag ng kanilang mga tiwaling disposisyon anumang oras o saanmang lugar. Wala silang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad sa kanilang tungkulin, madalas silang pabasta-basta, kumikilos sila ayon sa gusto nila, at ni wala silang kakayahang tumanggap ng pagpupungos. Sa sandaling sila ay maging negatibo at mahina, may tendensiya silang tumalikod sa kanilang tungkulin—madalas itong mangyari, wala nang ibang mas karaniwan pa rito; ganoon kumilos ang lahat ng hindi naghahangad ng katotohanan. Kaya nga, kapag hindi pa nakakamit ng mga tao ang katotohanan, hindi sila maaasahan at mapagkakatiwalaan. Ano ang ibig sabihin ng hindi sila mapagkakatiwalaan? Ang ibig sabihin niyon ay na kapag nahaharap sila sa mga paghihirap o balakid, malamang na mabuwal sila, at maging negatibo at mahina. Mapagkakatiwalaan ba ang isang taong madalas maging negatibo at mahina? Talagang hindi. Ngunit iba ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan. Ang mga taong tunay na nakakaunawa sa katotohanan ay malamang na mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, at pusong nagpapasakop sa Diyos, at ang mga tao lamang na may-takot-sa-Diyos na puso ang mga taong mapagkakatiwalaan; ang mga taong walang may-takot-sa-Diyos na puso ay hindi mapagkakatiwalaan. Paano dapat harapin ang mga taong walang may-takot-sa-Diyos na puso? Siyempre, dapat silang bigyan ng mapagmahal na tulong at suporta. Dapat silang subaybayan nang mas madalas habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin, at mas tulungan at turuan; saka lamang magagarantiyahan na gagawin nila nang epektibo ang kanilang tungkulin. At ano ang layon ng paggawa nito? Ang pangunahing layon ay ang itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang pangalawa rito ay para agad na matukoy ang mga problema, para agad silang matustusan, masuportahan, o mapungusan, na itinatama ang kanilang mga paglihis, at pinupunan ang kanilang mga pagkukulang at kapintasan. Kapaki-pakinabang ito sa mga tao; walang masamang hangarin dito. Ang pangangasiwa sa mga tao, pagmamasid sa kanila, pagsisikap na maunawaan sila—lahat ng ito ay para tulungan silang pumasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos, para bigyan sila ng kakayahang gawin ang kanilang tungkulin ayon sa hinihingi ng Diyos at ayon sa prinsipyo, upang hindi sila magdulot ng mga panggugulo o pagkagambala, at upang pigilan silang gumawa ng walang saysay na gawain. Ang layon ng paggawa nito ay ganap na tungkol sa pagpapakita ng responsabilidad sa kanila at sa gawain ng sambahayan ng Diyos; walang masamang hangarin dito(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 7). Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos ang isa sa mga prinsipyong dapat isagawa sa gawain natin. Dapat nating bantayang mabuti ang mga kapatid na responsibilidad natin, lalo na iyong mga gumagawa ng napakahalagang gawain, dahil lahat ay may tiwaling disposisyon at walang katotohanang realidad, at hindi maiwasang gumawa ng mga bagay dahil sa katiwalian. Hindi tayo puwedeng bulag na magtiwala sa sinuman o pabayaan ang gawain—ipinapakita nun na iresponsable tayo sa gawain natin. Ganoon na ganoon ako. Kung minsan, tinukoy ng iba ang mga isyu ko, at sa sandaling iyon, naging determinado akong magbago, pero madalas ay isa lang itong bugso ng kasiglahan. Nang kinailangan ko na talaga itong aksyunan, napigilan pa rin ako ng mga tiwaling disposisyon, hindi maisagawa ang katotohanan. Kaya kinailangan ko ang pangangasiwa at tulong ng iba, para mas makapagsagawa at makapasok. Lahat ay may mga pagkukulang at hindi kayang unawain ang mga katotohanang prinsipyo, kaya hindi maiiwasang lumitaw ang ilang isyu o pagkalingat sa mga tungkulin natin, at kung minsan ay nagpapakita tayo ng katiwalian at mapagmatigas na kumikilos. Sa mga panahong iyon, dapat mangasiwa at magsubaybay ang mga lider, magkaroon ng malalim na pagkaunawa sa takbo ng mga tungkulin ng mga tao, makita ang mga problema at ayusin ang mga paglihis, at pigilan ang pinsalang dumarating sa gawain ng iglesia. Pero talagang naging bulag ako at hangal. Nakita ko na mukhang aktibo si Xinyue sa tungkulin niya at mahusay sa gawain ng ebanghelyo, kaya hindi ako nag-alala sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ang gayon kahalagang gawain at hindi ko na ito pinag-isipan pa. Nabanggit ng kapareha ko na may mga problema sa grupo, pero hindi ko sineryoso ang mga ito. Nang malaman kong mayabang si Xinyue at hindi nakikipagtulungan nang maayos sa iba, hindi ko ito detalyadong sinuri. Naisip ko na dahil siya ang lider ng grupo, maghahanap at papasok siya pagkatapos ng ilang payo, at hindi ko na kailangang mag-alala tungkol dito. Pero lubusang naiiba sa inakala ko ang mga nangyari. Ang taong pinakatiwala ako ang nagkaroon ng mga pinakamalubhang problema. Dahil sa kanyang mayabang na disposisyon, napipigilan ang iba at hindi magawa nang normal ang kanilang mga tungkulin. Lahat ito ay dahil sa hindi ko paggawa ng tunay na gawain at hindi pagtanaw sa mga bagay-bagay at mga tao gamit ang mga salita ng Diyos. Sinuri namin ang gawain ng grupong iyon kalaunan at nalaman na mayroon pa rin itong ilang problema. Nakakuha sila ng maraming tao sa pamamagitan ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, pero hindi nakaayon sa mga prinsipyo ang ilan sa mga baguhang iyon. Walang mabuting pagkatao ang ilan at kinailangan silang alisin, na hindi lang nag-aksaya ng mga rekurso, kundi naging isang abala rin sa iglesia. Habang mas sinusubaybayan ko ang gawain nila, mas marami akong nakikitang partikular na mga problema, at mas lalo kong nakikita na hindi ako gumagawa ng totoong gawain noon. Tinignan ko lang ang ibabaw—noong tila umuusad nang maayos ang gawain, inakala kong walang nagkakaproblema sa kanilang tungkulin. Masyadong mababaw kong tinitingnan ang mga bagay-bagay. Nakita ko kung gaano kakalunus-lunos na hindi ko naunawaan ang katotohanan, at binalaan ang sarili ko na, sa hinaharap, kailangan kong tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa katotohanan, tuparin ang mga responsabilidad ko, at pamahalaan ang gawain ng mga nasa pangangasiwa ko. Naramdaman ko rin kung gaano kahalaga ang hinihingi ng Diyos na gumawa ng detalyadong gawain ang mga lider sa personal. Tunay na tinutulungan tayo nito tungo sa landas ng paggawa ng mga tungkulin natin sa paraang naaayon sa pamantayan.

Nabasa ko ang marami pang salita ng Diyos pagkatapos niyon: “Kung talagang may kahusayan ka, tunay mong nauunawaan ang mga propesyonal na kasanayang saklaw ng iyong responsabilidad, at hindi ka isang tagalabas sa iyong propesyon, isang parirala lamang ang kailangan mong sundin, at magagawa mo nang maging tapat sa iyong tungkulin. Aling parirala? ‘Isapuso mo ito.’ Kung isinasapuso mo ang mga bagay-bagay, at isinasapuso mo ang mga tao, magagawa mong maging tapat at responsable sa iyong tungkulin. Madali bang isagawa ang pariralang ito? Paano mo ito isasagawa? Hindi ito nangangahulugan ng paggamit ng iyong mga tainga para makinig, o ng iyong isipan para mag-isip—ibig sabihin nito ay paggamit ng puso mo. Kung tunay na magagamit ng isang tao ang puso niya, kapag may nakita ang mga mata niya na isang tao na ginagawa ang isang bagay, kumikilos sa isang paraan, o may partikular na pagtugon sa isang bagay, o kapag naririnig ng kanyang mga tainga ang mga opinyon o argumento ng ilang tao, sa paggamit ng kanyang puso para pagnilayan at pag-isipan ang mga bagay na ito, papasok sa kanyang isipan ang ilang ideya, pananaw, at saloobin. Ang mga ideya, pananaw, at saloobing ito ay bibigyan siya ng malalim, partikular, at tamang pagkaunawa sa tao o bagay, at kasabay nito, magpapausbong ito ng mga angkop at tamang paghusga at prinsipyo. Tanging kapag may mga pagpapamalas ang isang tao ng paggamit sa kanyang puso nangangahulugan na siya ay tapat sa kanyang tungkulin(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 7). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Para magawa nang maayos ang tungkulin ko, kailangan kong matutong maging maasikaso at responsable. Kailangan kong gumawa ng totoong aksyon para lahat ng nakikita at naririnig ko ay pumasok sa puso ko, at para matuklasan ang mga problema sa tungkulin ko. Kung hindi, iniraraos ko lang ang gawain, bulag sa anumang mga problema. Kailangan ko ring gawin ang lahat ng makakaya ko para lutasin ang mga problemang nakita ko, humingi ng tulong sa mga nakatataas kapag hindi ko kayang ayusin ang isang bagay, gawin at kamtin ang anumang makakaya ko, tuparin ang aking mga responsibilidad, magkaroon ng malinis na konsensiya, at tanggapin ang pagsusuri ng Diyos. Hindi ako puwedeng umasa sa mga kuru-kuro at imahinasyon ko sa aking tungkulin. Kailangan kong sundin ang mga katotohanang prinsipyo at mga hinihingi ng Diyos hanggang sa malutas ang mga problema. Kahit marami pa ring isyu sa trabaho namin, kailangan kong gawin ang aking makakaya para lutasin ang mga ito, at gaano man kaayos ang naging takbo nito, kailangan ko munang matutong isapuso ito at tuparin ang mga responsabilidad ko. Mahalaga ang gawain ng ebanghelyo sa sambahayan ng Diyos, at sa kritikal na oras na ito ng pangwakas na panahon, kung patuloy kong gagawin nang basta-basta ang tungkulin ko, hahanapin ang ginhawa at poprotektahan ang sariling mga interes, magiging isang makasarili at kasuklam-suklam na paraan iyon ng pamumuhay. Kaya’t nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, maliit ang tayog ko at wala akong mahusay na kakayahan, pero gusto kong ibuhos ang lahat sa tungkulin ko at magsagawa ayon sa mga hinihingi Mo.”

Kalaunan, natuklasan ko na hindi gaanong epektibo ang gawain ng ebanghelyo ng iglesia, unang-una dahil bago ang ilan sa mga manggagawa sa ebanghelyo at hindi malinaw sa kanila ang mga katotohanan tungkol sa pagpapatotoo sa gawain ng Diyos. Kaya isinaayos kong pumunta si Li Mei roon para bigyan sila ng aktuwal na tagubilin. Noong una, gumugugol ako ng oras sa pagsusuri sa mga kuru-kurong panrelihiyon ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo at pag-unawa sa mga isyu ng mga tagapag-ebanghelyo kasama si Li Mei. Pero kalaunan, nang maging abala ang sarili kong gawain, naisip kong ipasa ang lahat ng problemang iyon kay Li Mei, para hindi ko na ito masyadong alalahanin. Nang maisip ko iyon, nakonsensiya ako. Hindi maayos ang takbo ng gawain ng ebanghelyo, at gusto itong talakayin ni Li Mei sa akin pagkatapos niyang pumunta roon at malaman ang mga isyung iyon, pero gusto kong ipasa ang mahirap na gawaing iyon sa kanya, gaya ng isang administrador. Kasuklam-suklam iyon. Kaya’t nagdasal ako sa Diyos at sinadya kong maghimagsik laban sa laman. Nang bigyan ako ni Li Mei ng puna sa mga isyu, aktuwal akong nakilahok, nakikipagbahaginan sa kanya at hinahanap ang katotohanan para malutas ang mga problemang iyon. Sa pamamagitan ng aktuwal na pakikipagtulungang ito, mas madali kong nakakamit ang pagkaunawa sa gawain at pag-usad ng grupo, at agad na nakikita at nalulutas ang mga problema at paghihirap ng mga manggagawa ng ebanghelyo. Nakita ko ang patnubay ng Diyos sa aktuwal na pagtutulungang ito. Unti-unting naunawaan ng ilang manggagawa ng ebanghelyo ang mga prinsipyo, naging mas mabunga ang gawain ng ebanghelyo, at agad na umako ng mga tungkulin ang ilang baguhan pagkatapos tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Bagaman kamakailan ay gumugugol ako ng mas maraming oras at lakas, kapag talagang isinasapuso ko ang tungkulin ko, hindi ito mahirap o nakapapagod. Sa totoo lang, nasangkapan ako ng higit pang mga katotohanang prinsipyo, at sa tahimik na pagdarasal sa Diyos at paghahanap kapag nagkakaproblema, mas naging malapit ako sa Diyos at mas nakatutok sa tungkulin ko. Marami pa rin akong pagkukulang sa tungkulin ko. Malayo pa rin ako para maisagawa ito nang sapat sa paraang naaayon sa pamantayan. Pero sa pamamagitan ng aking mga karanasan, napagnilayan at natutuhan ko ang isyu ko ng hindi paggawa ng tunay na gawain, at nagkaroon ako ng direksiyon kung paano ko dapat gawin ang tungkulin ko sa hinaharap. Lahat ng nakamit ko ay dahil sa kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman