Ano Ba Talaga ang Ibig Sabihin ng “Ang Sumasampalataya sa Anak ay May Buhay na Walang Hanggan”?
Sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa laman at nagpahayag ng sampu-sampung milyong salita ng katotohanan, isinasagawa...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Minsang sinabi ng Panginoong Jesus: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat may magsisilitaw na mga huwad na cristo, at mga huwad na propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na ang mga hirang” (Mateo 24:23–24). Madalas gamitin ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ang sipi ng kasulatang ito bilang batayan para tukuyin na imposibleng magkatawang-tao at magpakita at gumawa ang Diyos sa mga huling araw, tinutukoy na anumang pahayag na nagpapatotoo sa pagdating ng Panginoon ay kasinungalingan. Dahil dito, maraming mananampalataya ang bulag na nagbabantay laban sa mga huwad na cristo pagdating sa pagsalubong sa Panginoon; hindi sila nangangahas na aktibong maghanap at magsiyasat sa pagpapakita at gawain ng Diyos. Bilang resulta, nagiging imposible para sa kanila na masalubong ang Panginoon. Kaya naman, ang susi sa pagsalubong sa Panginoon ay ang magkaroon ng kakayahang kilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na cristo. Kaya, paano mo ba kikilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na cristo? Una, dapat nating malaman na ang pahayag na, “Lilitaw ang mga huwad na cristo sa mga huling araw para iligaw ang mga tao,” ay sinabi mismo ng Panginoong Jesus. Totoo ang pahayag na ito—isa itong katunayan. Nakita na nating lahat ang mga insidente ng paglitaw ng mga huwad na cristo para iligaw ang mga tao sa ilang bansa, na nagpapatunay na natupad na ang mga salita ng Panginoong Jesus. Gayumpaman, itinatanggi ng ilang tao ang pagbabalik ng Panginoon dahil may lumilitaw na mga huwad na cristo sa mga huling araw. Anong pagkakamali ang ginagawa nila? Hindi ba’t para lang itong pag-iwas sa pagkain dahil sa takot na mabulunan? Hindi ba’t itinatanggi nila ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus? Kung nananampalataya ang mga tao sa Panginoon pero nangangahas silang itanggi ang mga propesiya ng Panginoong Jesus, hindi ba’t nilalabanan nila ang Panginoon? Paano masasalubong ng mga ganitong tao ang Panginoon? Kung gayon, bakit binalaan ng Panginoong Jesus ang mga tao sa mga huling araw na magbantay laban sa mga huwad na cristo? Ito ay ang pagmamahal ng Diyos. Ginawa ito ng Diyos para protektahan tayo at hindi tayo maligaw ng mga huwad na cristo at hindi tayo sumunod sa kanila. Kung maililigaw tayo, hindi natin makakamit ang pagliligtas ng Diyos. Kaya naman, maaga pa lang ay sinabi na ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito, sa Kapanahunan ng Biyaya, para makapagbantay tayo laban sa mga huwad na cristo. Makikita natin dito ang masisidhing layunin ng Diyos. Gayumpaman, maraming tao ang walang dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Panginoong Jesus. Habang nagbabantay laban sa mga huwad na cristo, itinatanggi nila ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Para makapagbantay laban sa mga huwad na cristo, itinatanggi nila ang katunayan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para ipahayag ng Diyos ang katotohanan. Hindi ba’t para lang itong pag-iwas sa pagkain dahil sa takot na mabulunan? Hindi ba’t mga mangmang na dalaga ang mga ganitong tao? Hindi ba’t lubhang katawa-tawa na gawin ito? Sa pagsasabi sa atin na magbantay laban sa mga huwad na cristo, pinapaalalahanan tayo ng Panginoong Jesus na kailangan nating maging mapagbantay at maghanda. Kung hindi tayo mapagbantay at handa, at nagkataong nailigaw ng mga huwad na cristo, hindi ba’t mapapahamak tayo? Hindi lang tayo mabibigong salubungin ang Panginoon, kundi sa huli ay mapupunta tayo sa impiyerno at mapaparusahan. Ngayong alam na nating lumitaw na ang mga huwad na cristo, paano ba tayo dapat maging mapagbantay at handa para salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Paano ba natin dapat kilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na cristo? Una, dapat tayong matutong kumilatis kung ano ba talaga ang katotohanan at kung sino ang makakapagpahayag ng katotohanan. Kapag malinaw na nating nakita ito, magiging madali na para sa atin na kilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na cristo. Ito ay dahil walang katotohanan ang mga huwad na cristo at mga huwad na propeta, at maging ang iba’t ibang masasamang espiritu. Kaya ba ng mga walang katotohanan na ipahayag ang katotohanan? Tiyak na hindi nila kaya. Ang mga huwad na cristo at mga huwad na propeta ay pawang mga taong sinaniban ng masasamang espiritu; galing sila kay Satanas, kaya wala silang katotohanan at hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan. Kung gayon, saan umaasa ang mga huwad na cristo para iligaw ang mga tao? Una, umaasa sila sa pagsasabi ng mga huwad na propesiya; ikalawa, umaasa sila sa pagpapakalat ng mga maling paniniwala at maling kaisipan; ikatlo, umaasa sila sa gawain ng masasamang espiritu, nagsasalita ng mga huwad na wika at gumagawa ng mga tanda at kababalaghan. Sa panahon ngayon, kapag inililigaw ng mga huwad na cristo ang mga tao, karaniwan nilang ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng ilang huwad na propesiya at pagpapakalat ng ilang maling paniniwala at maling kaisipan. Umaasa sila rito para iligaw ang mga tao. Hindi pa natin sila nakikitang gumawa ng malalaking tanda at kababalaghan para iligaw ang mga tao. Napakadalang nito; siguro ay dahil hindi ito pinapahintulutan ng Diyos. Kung talagang pinahintulutan ng Diyos si Satanas na gumawa ng malalaking tanda at kababalaghan para iligaw ang mga tao, siyamnapu’t siyam na porsyento ng buong mundo ng relihiyon ang maniniwala sa mga huwad na cristo. Ito ay dahil napakakaunti sa buong sangkatauhan ang talagang nakakaunawa sa katotohanan. Nasa malaking panganib ang mga taong walang katotohanan, at pawang madaling mailigaw ng mga huwad na cristo at mga huwad na propeta. Kaya naman, ginawa ng Panginoong Jesus ang propesiyang ito, sa pangunahin, para maging mapagbantay ang mga tao laban sa mga huwad na cristo na lumilitaw sa mga huling araw at para sabihin sa mga tao ang mga katangian ng mga huwad na cristo; sa ganitong paraan, makikilatis ng mga tao ang mga huwad na cristo at maiiwasang mailigaw. Ito ang layunin ng Panginoong Jesus sa pagsasabi ng mga salitang ito, at ito rin ang masidhing layunin ng Panginoon. Gayumpaman, kailanman ay hindi sinabi ng Panginoong Jesus na hindi na Siya babalik. Kung may hindi naniniwala na nagbalik na ang Panginoon dahil sinabi ng Panginoong Jesus na may lilitaw na mga huwad na cristo, nagkakamali sila. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako’y dumarating na madali” (Pahayag 3:11). Kaya naman, tiyak ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Pero paano ba ipinapaliwanag ng mga pastor at elder ang sipi ng kasulatang ito? Sinasabi nila sa mga mananampalataya, “Dahil lilitaw ang mga huwad na cristo sa mga huling araw para iligaw ang mga tao, anumang mensahe na nagsasabing nagbalik na ang Panginoon ay kasinungalingan. Hindi kayo pinapayagang maghanap at magsiyasat, at lalong hindi niyo ito dapat tanggapin.” Isa itong patagong paraan ng ganap na pagtanggi sa mga salitang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako’y dumarating na madali.” Sa pagpapaliwanag nito sa ganitong paraan, maling binibigyang-kahulugan ng mga pastor ang mga salita ng Panginoong Jesus. Kung maniniwala ang mga tao sa mga pahayag ng mga pastor at hindi na magsisiyasat sa tunay na daan, nahulog na sila sa panlalansi ng mga Satanas at mga diyablo. Kaya naman, sinumang pastor na nagpapaliwanag sa siping ito sa ganitong paraan ay nililigaw lang ang mga tao. Ginagamit nila ang halimbawa ng mga huwad na cristo na nagliligaw sa mga tao para itanggi ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, para itanggi ang pagkakatawang-tao ng Diyos, at para itanggi na ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw. Ang layunin nila ay pigilan kang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, para tumanggi kang manampalataya o magsiyasat kahit pa makarinig ka ng sinumang nagpapatotoo kay Cristo o nagsasabi kung nasaan si Cristo, at para manatili ka lang sa simbahan na nakikinig sa mga sermon nila at naniniwala sa mga salita nila, para sa huli, susunod ka sa kanila sa impiyerno. Ito ang intensyon ng mga pastor. Kung gayon, ano ang dalisay na paraan para ipaliwanag ang siping ito? Dapat itong ipaliwanag nang ganito: “Naniniwala tayo sa mga salita ng Panginoon. Isang katunayan na tiyak na lilitaw ang mga huwad na cristo na nagliligaw sa mga tao sa mga huling araw, pero totoo rin na tiyak na babalik ang Panginoong Jesus. Ito ang pangako ng Panginoon. Tapat ang Panginoon. Nangako ang Panginoon na babalik Siya, kaya tiyak na darating Siya. Anuman ang mangyari, hindi natin puwedeng itanggi ang pagbabalik ng Panginoon dahil lang lumilitaw ang mga huwad na cristo sa mga huling araw, ni hindi tayo puwedeng umatras sa pagsisiyasat sa tunay na daan o tumangging salubungin ang Panginoon dahil lang nagbabantay tayo laban sa mga huwad na cristo. Kapag ginawa natin iyon, nalalagay tayo sa panganib na mapalampas ang pagkakataon nating masalubong ang Panginoon at maligtas.” Ang pagpapaliwanag nito sa ganitong paraan ay hindi pagliligaw sa mga tao. Pero madalas magpakalat ng mga maling kaisipan ang mga pastor, iginigiit na anumang mensahe na nagsasabing dumating na ang Panginoon ay kasinungalingan, at sinasabing anumang mensahe na nagsasabing nagkatawang-tao ang Panginoon bilang ang Anak ng tao ay kasinungalingan. Hindi ba’t maling pagpapaliwanag ito sa mga salita ng Panginoong Jesus? Lahat ng ito ay maling pagpapaliwanag sa mga salita ng Panginoong Jesus, na nagpapatunay na inililigaw ng mga pastor ang mga tao. Binibigyan nila ng maling kahulugan ang mga salita ng Panginoong Jesus at binabaluktot ang mga katunayan para makamit ang layon nilang iligaw ang mga tao. Ito ang intensyon at pakana ng mga pastor kung paano nila ipinapaliwanag ang siping ito. Kaya, paano ba natin dapat kilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na cristo pagdating sa pagsalubong sa Panginoon? May tatlong bagay na kailangang maunawaan ang mga tao. Una, kung paano bigyang-kahulugan ang mga salita ng Panginoong Jesus na “may lilitaw na mga huwad na cristo sa mga huling araw para iligaw ang mga tao”; ikalawa, kung paano kilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na cristo; at ikatlo, ang intensyon at pakay sa likod ng mga paraan ng pagpapaliwanag ng mga pastor sa siping ito. Kapag malinaw na sa iyo ang tatlong bagay na ito, makikilatis mo na ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na cristo. Tanging si Cristo ang makakapagpahayag ng katotohanan. Walang katotohanan ang mga huwad na cristo; kaya lang nilang magsabi ng mga huwad na propesiya o gumawa ng ilang tanda at kababalaghan para iligaw ang mga tao. Ang mga walang espirituwal na pang-unawa at mga diyablo ay naniniwala lang sa mga tanda at kababalaghan, hindi sa katotohanan, kaya naman naililigaw silang sumunod sa mga huwad na cristo. Pero ang mga nananampalataya at nagmamahal sa katotohanan ay sumusunod lang kay Cristo at tumatanggap sa katotohanan, at sa huli ay nagkakamit sila ng buhay at ginagawang perpekto ng Diyos.
Kaya, ano ba ang pangunahing gawain na ipinarito ng Cristo ng mga huling araw? Sinabi ng Panginoong Jesus: “Kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:13). Nagkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para mismo gawin ang gawaing ito; gagabayan Niya ang mga tao sa buong katotohanan. Kung gayon, anong gawain ang partikular Niyang ginagawa? Ito ay ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sabi sa Bibliya: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghatol sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17). “At nakita ko ang isang malaking puting luklukan, at ang nakaluklok doon, na sa Kanyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng Diyos; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Pahayag 20:11–12). Ano ang tinutukoy ng paghatol ng malaking puting luklukan na ipinropesiya sa Pahayag? Tumutukoy ito sa pagkakatawang-tao ng Diyos para ipahayag ang katotohanan. Kung gayon, ano ang tinutukoy ng pagkakatawang-tao? Ibig sabihin nito ay ang pagiging Anak ng tao. Katulad ng Panginoong Jesus, ang Anak ng tao na ito ay ang nagkatawang-taong Diyos. Mayroon Siyang diwa ng pagka-Diyos, at Siya ang pagpapakita ng Diyos, nakaupo sa malaking puting luklukan na humahatol sa lahat ng bansa at lahat ng tao. Kaya naman, kapag nakita mong ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol, ibig sabihin nito ay dumating na Siya. Ngayon, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, na sapat na para patunayan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Cristo ng mga huling araw. Kaya ba ng mga huwad na cristo na ipahayag ang katotohanan? Hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan. Ang Siyang makakapagpahayag ng katotohanan ay ang Diyos, na nagpakita na at gumagawa; tanging ang Siyang makakapagpahayag ng katotohanan ang Siyang makakagawa ng gawain ng paghatol. Ang katotohanan ay parang salamin na nagbubunyag ng mga demonyo—ang katotohanan ang pinakanagbubunyag sa mga tao. Kapag ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan, mapapahiya ang lahat ng tao sa harap ng katotohanan, at tiyak na mabubunyag ang tunay nilang kulay. Gaano man kataas ang katayuan nila o gaano man karami ang kaalaman nila, kapag nakita nila ang katotohanan, nagsisimula silang umasal nang maayos at hindi nangangahas na magsalita nang padalos-dalos. Ang kaunti nilang salita at teorya ay ganap na walang halaga sa harap ng katotohanan. Kaya naman, kahit si Satanas ay umaasal nang maayos at hindi nangangahas na magsabi ng anuman sa harap ng katotohanan. Dati, nagpakalat ang mundo ng relihiyon ng mga walang batayang tsismis at siniraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero mula nang mailathala online ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nanahimik ang mundo ng relihiyon at umasal nang mas maayos. Ngayon, hindi na ganoon karaming tao ang nangangahas na humusga at kumondena sa Iglesia, at lalong kumakaunti ang mga pagbatikos sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kahit pa may iilang diyablo na nangangahas na bumatikos, hindi nagtatagal ay nawawalan ng batayan ang mga maling kaisipan nila, at karamihan sa mga humuhusga at kumokondena sa Diyos ay bumagsak na. Kapag nakikita ng maraming tao ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nararamdaman nila na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salitang ito, at na lahat ng ito ay ang katotohanan. Nararamdaman nila na nasa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ang gawain ng Banal na Espiritu, at na ang Makapangyarihang Diyos ay malamang na ang Panginoong Jesus, na nagpakita na at gumagawa. May ilang tao na nagsisiyasat sa loob ng isa o dalawang taon at saka tinatanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; may ilang nagsisiyasat sa loob ng tatlo hanggang limang taon at saka tinatanggap ito; at may ilang nagsisiyasat sa loob ng pito o walong taon, o isang dekada pa nga, bago ito tanggapin. May mga kilalang personalidad sa iba’t ibang bansa sa Kanluran na tumanggap na nito, kabilang ang iba’t ibang sikat na tao tulad ng mga pastor, manunulat, at propesor. Paano nila ito natanggap? Nakita nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, nakasiguro sila na ang mga salitang ito ay ipinahayag ng Diyos, at nakasiguro sila na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng Diyos. Kahit na nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos bilang isang ordinaryong Anak ng tao, lahat ng salitang ipinahayag Niya ay ang katotohanan at lubos na nakapanghihikayat sa mga tao, kaya naman tinatanggap Siya ng mga nagmamahal sa katotohanan. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay katulad lang ng mga Pariseo noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus. Kinikilala rin nila na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pero dahil hindi nila mahal ang katotohanan, hindi nila tinatanggap ang Makapangyarihang Diyos. May iilan din na nalilimitahan ng mundo ng relihiyon. Dahil takot na mapatalsik ng mundo ng relihiyon, hindi sila nangangahas na manampalataya o tumanggap sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ba’t kahangalan at kamangmangan ito? Sa pananampalataya sa Panginoon at pagsisiyasat sa tunay na daan, dapat ay may sarili kang pag-iisip. Hindi ka puwedeng palaging makinig sa mga pastor, at lalong hindi ka dapat maniwala sa mga ninuno mo, dahil hindi nila kinakatawan ang Diyos, lalong hindi nila kinakatawan ang pagkakaroon ng katotohanan. Ang pagiging matalinong dalaga ay hinihingi sa iyo na magbantay, manalangin, at malaman kung paano hanapin ang katotohanan. Kung hindi mo alam kung paano manalangin at hindi mo alam kung paano umasa sa Diyos, malamang na mailigaw, makontrol, at mabihag ka ni Satanas at ng mga pastor.
Kaya, ano ba ang dapat mong taglayin para makahanap at makasiyasat sa tunay na daan? Una, dapat magawa mong kilatisin kung ano ang katotohanan, kung sino ang nagtataglay ng katotohanan, at kung sino ang makakapagpahayag ng katotohanan. Kapag malinaw mo nang nakikita ang mga bagay na ito, makikilatis mo na ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na cristo. Kung Siya ay si Cristo, tiyak na kaya Niyang ipahayag ang katotohanan; kung hindi siya si Cristo, hindi niya kayang ipahayag ang katotohanan. Saan ba umaasa ang mga huwad na cristo para iligaw ang mga tao? Sa paggawa ng mga huwad na propesiya at pagpapakalat ng mga maling paniniwala at maling kaisipan. Wala talagang katotohanan ang mga huwad na cristo. Kung malinaw mo itong makikita, malamang na hindi ka mailigaw ng mga huwad na cristo. Isa pa, kung malinaw mong makikita na walang katotohanan ang mga pastor at elder at na mga huwad na pastol sila, hindi ka rin maililigaw ng mga pastor at elder. Kung ang mga taong nananampalataya sa Panginoon ay kontrolado ng mga pastor at elder, tiyak na hindi sila hinirang ng Diyos, kundi sa halip ay kay Satanas sila. Lahat ng sumasamba sa mga pastor at elder ay mga hangal na dalaga at hindi nila masasalubong ang Panginoon. Tandaan niyo ito! Ang pagsisiyasat sa tunay na daan ay nangangahulugan, sa isang banda, ng kakayahang tukuyin na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at lahat ng ito ay katotohanan, na tanging ang Diyos ang makakapagpahayag ng katotohanan, at na maliban sa Diyos, walang sinuman ang makakapagpahayag ng katotohanan. Sa kabilang banda, nangangahulugan ito ng pagtukoy na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na katotohanan at maipapahayag lang ng Diyos; na walang diyablo, Satanas, o masamang espiritu ang makakapagpahayag ng katotohanan; at na anumang mapanlihis na salita at anumang negatibong propaganda ay mga kasinungalingan at maladiyablong salita na hindi karapat-dapat paniwalaan. Kapag nagsisiyasat ng tunay na daan, sapat na ang makasiguro sa dalawang bagay na ito. Kung kaya ng ordinaryong taong ito na ipahayag ang katotohanan, at kayang magpahayag ng mga salitang may awtoridad at kapangyarihan, Siya ang pagpapakita ng Anak ng tao na ipinropesiya ng Panginoong Jesus. Ito ang pagpapakita ng nagkatawang-taong Diyos; masasabi rin na ito ang Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang pagtawag na Diyos sa Cristo na kayang magkaloob ng katotohanan sa mga tao ay hindi kalabisan kahit kaunti. Ito ay dahil taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at ang karunungan ng gawain ng Diyos, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapamalas ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa lupa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa gitna ng tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-tao na kayang sapat na pumasan sa gawain ng Diyos sa lupa, at na kayang maipahayag ang disposisyon ng Diyos, na kayang sapat na katawanin ang Diyos, at na kayang magbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, kundi sinasagot at pinagpapasyahan ng Diyos Mismo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa laman at nagpahayag ng sampu-sampung milyong salita ng katotohanan, isinasagawa...
Alam nating lahat na dalawang libong taon na ang nakararaan, nagkatawang-tao ang Diyos sa mundo ng tao bilang ang Panginoong Jesus para...
Simula nang ginawa ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, sa loob ng 2,000 taon, tinukoy ng buong...
Nagtitiwala ang lahat ng mananampalataya sa Panginoon sa pangako ng Panginoong Jesus: “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong...