Ibang Klase ng Pagmamahal

Disyembre 15, 2019

Ni Chengxin, Brazil

Isang di-sinasadyang pagkakataon noong 2011 ang nagtulot sa akin na makapunta sa Brazil mula sa China. Noong kadarating ko pa lang, nalula ako sa mga sariwa at bagong karanasan at nag-usyoso ako nang husto, at nagkaroon ako ng magandang pakiramdam tungkol sa hinaharap. Ngunit pagkaraan ng ilang panahon, ang sariwa at bagong pakiramdam na ito ay napalitan kaagad ng kalungkutan at sakit dahil nasa isang malayong bansang dayuhan ako. Araw-araw ay umuuwi akong mag-isa at kumakaing mag-isa noon, nakatitig sa mga dingding sa paligid ko araw-araw na walang makausap na sinuman. Lungkot na lungkot ako, at madalas akong umiyak nang lihim. Nang nasa rurok ako ng pighati at wala akong magawa, dinala ako ng Panginoong Jesus sa isang pagtitipon sa pamamagitan ng isang kaibigan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Panginoon, pagkanta ng mga himno, at pagdarasal sa mga pagtitipon, naaliw ng Panginoon ang malungkot kong puso. Nalaman ko mula sa Biblia na ang langit at lupa at lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos, at likha rin ng Diyos ang tao. Nalaman ko rin na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para tubusin ang sangkatauhan, na ang Panginoong Jesus ang tumubos sa atin mula sa kasalanan, at na Siya ang tanging Manunubos ng sangkatauhan. Dahil nasa presensya na ako ng pagliligtas ng Panginoon, na mas dakila kaysa sa lahat ng iba pa, lubos akong naantig at nagpasiya akong sundan ang Panginoon habang ako ay nabubuhay. Sa gayon ay nabinyagan ako noong Thanksgiving at pormal na naging isang Kristiyano. Dahil mahilig akong kumanta, lalo na ng mga himno ng papuri sa Diyos, matapos akong mabinyagan ay naging aktibo ako sa paggawa para sa iglesia sa pamamagitan ng pagsali sa koro. Dahil sa patnubay at mga pagpapala ng Diyos, nabuhay ako nang payapa at maligaya. Tuwing pumupunta ako noon sa isang pagtitipon o pinupuri ko ang Diyos sa pagsamba, punung-puno ako ng sigla.

Ngunit hindi nagtatagal magpakailanman ang masasayang panahon, at pagpasok ko sa mga ranggo ng ministeryo ng iglesia, unti-unti kong nakita na sa tingin ay nagmamalasakit at nangangalaga ang mga kapatid sa isa’t isa, at tila magkakasundo silang lahat, ngunit ang totoo, lahat ng sinabi at ginawa nila ay para sa sarili nilang kapakanan. Ayaw nilang magdusa ng anumang personal na kawalan habang nagtatrabaho sa ministeryo ng iglesia, at madalas ay itsinismis nila ang isa’t isa tungkol sa kung sino ang mas maraming nagagawa at kung sino ang mas kaunti ang nagagawa. Kahit ang pastor ay napakasuplado. Tinrato niya ang mga tao batay sa laki ng kanilang donasyon, at may espesyal na pagbanggit pa sa mga donasyon kapag nagbigay siya ng sermon. Tuwing magpupunta siya sa isang pagtitipon, ang isyung higit na ipinag-alala ng pastor ay kung nagbibigay ng donasyon ang mga tao o hindi at kung magkano ang ibinibigay nila, at ayaw niyang makarinig ng anuman tungkol sa buhay ng mga kapatid. Bumanggit siya tungkol sa pagmamahal ngunit hindi ko siya nakita kailanman na tunay na nagmamahal. Tuwing may isang kapatid na nahihirapan, hindi sila tinutulungan o sinusuportahan ng pastor. Ngunit ang mas masama pa ay na pinipintasan pa niya ang mga tao at hinahamak ang mga kapatid na walang lakas at walang pera. Nang makita ko ang sitwasyong ito sa iglesia, nadismaya ako ngunit nalito rin: Paano nagbago ang iglesia para maging katulad ng pangkalahatang lipunan? Unti-unti, nawala ang pagmamahal at pananampalatayang taglay ko sa simula, at hindi na ako naging gaanong aktibo sa paglahok kapag nagsimba ako tuwing Linggo. Ni ayaw ko nang kumanta. Linggu-linggo kapag nagsimba ako, nakatayo ako sa labas at umiinom ng kape o kaya’y umiidlip sa mga bangko. Kapag tapos na ang sermon, nagbibigay ako ng donasyon at lumalabas na, at lagi akong umaalis na malungkot at walang magawa.

Isang araw ng Linggo noong Agosto ng 2016, nagkita kami ni Sister Li Min sa liwasang-bayan. Galing siya sa Amerika at naging kaklase siya ng mga sister na sina Gao Xiaoying at Liu Fang. Lahat kami ay nanalig sa Panginoon, at nagkausap-usap kami habang nakaupo sa damuhan. Nag-usap kami nang nag-usap at napunta kami sa paksa ng sitwasyon sa iglesia, at sinabi ko sa kanila ang lahat ng nakita ko sa iglesia. Nang makatapos ako sa pagsasalita, nag-iisip na tumangu-tango si Sister Li Min at nagsabing, “Sa mga panahong ito, hindi lamang naging ganito ang inyong iglesia, kundi nawala ang gawain ng Banal na Espiritu sa buong mundo ng mga relihiyon, at nahulog na ito sa kadiliman at kapanglawan. Minsan ay ipinropesiya ng Panginoong Jesus: ‘At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig(Mateo 24:12). Tayo ngayon ay nasa katapusan na ng mga huling araw, at lalo pang lumalaganap ang kawalan ng batas sa relihiyon. Hindi sumusunod ang mga pastor at elder sa mga utos ng Panginoon, hindi nila isinasagawa ang paraan ng Panginoon, at iniisip nila na hindi malaking bagay ang mamuhay sa pagkakasala na katulad niyon. Alam nating lahat na ang paglago ng iglesia ay ang resultang nakamtan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ngayon, nagampanan na ng Diyos ang bagong gawain, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay nalipat na sa isang grupo ng mga tao na tumatanggap at sumusunod sa bagong gawain ng Diyos. Hindi inaakay ng mga pastor at elder sa relihiyon ang mga mananampalataya na hanapin at siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kundi sa halip ay nilalabanan at tinutuligsa nila ang bagong gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakalat ng lahat ng uri ng tsismis at kamalian para pigilan ang mga tao na bumaling sa Diyos. Nasumpungan nila ang poot at pagtanggi ng Diyos, kaya nga walang pagpapala ng Diyos ang buong mundo ng mga relihiyon, lubos na nawala sa mga ito ang gawain ng Banal na Espiritu, at naiwaksi at naalis ng Panginoon. Sa gayon ay naging mas lalong mapanglaw at madilim ang iglesia. Katulad lang ito ng panahon na nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus para gampanan ang Kanyang gawain. Ang gawain ng Panginoong Jesus ay nagsimula sa Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Dahil tinanggap at sinunod ng mga sumunod sa Panginoong Jesus ang bagong gawain ng Diyos, natamo nila pagkatapos niyon ang gawain ng Banal na Espiritu, samantalang hindi gumawa ang Banal na Espiritu doon sa mga hindi tumanggap sa Panginoong Jesus at nanatili sa templo. Kaya nga, ang templo na minsan ay napuspos ng kaluwalhatian ng Diyos at kung saan sinamba ng mga mananampalataya ang Diyos ay naging isang lugar para magnegosyo at isang pugad ng mga magnanakaw. Sa madaling salita, may dalawang dahilan ang kapanglawan ng iglesia: Ang una ay dahil hindi sumusunod ang mga pastor at elder sa mga utos ng Diyos o nagsasagawa ng salita ng Diyos, at dahil palagi silang nagkakasala at gumagawa ng mga kasamaan; ang pangalawang dahilan ay dahil ginagampanan ng Diyos ang isang bagong gawain, dahil nalipat na ang gawain ng Banal na Espiritu, at dahil hindi sinusundan ng mga tao ang mga yapak ng Diyos. Gayunman, ang kapanglawan ng iglesia ay kalooban ng Diyos, at may isang katotohanang dapat hanapin dito. Sa pamamagitan ng kapanglawan ng iglesia, pinipilit ng Diyos ang lahat ng naniniwala sa Kanya na may tunay na puso at nauuhaw sa katotohanan na talikdan ang relihiyon, para mahanap nila ang gawain ng Banal na Espiritu, masundan nila ang mga yapak ng Diyos, makapasok sila sa presensya ng Diyos, at matamo nila ang kasalukuyang gawain at pagliligtas ng Diyos.”

Matapos makinig sa pagbabahagi ni Sister Li, tumango ako at sinabi ko, “Tama ang sinasabi mo. Ganoon nga talaga iyon. Hind ko naunawaan kailanman ang problemang ito. Dati-rati ay isang lugar ang iglesia para sumamba sa Diyos, ngunit wala nang ipinagkaiba ang iglesa sa pangkalahatang lipunan. At saka, walang bagong liwanag sa ipinapangaral ng mga pastor, ni anumang kasiyahan sa pakikinig sa kanila, at lahat ng tao ngayon ay nabubuhay sa kadiliman. Ang lumalabas, ito ay dahil hindi natin nasundan ang bagong gawain ng Diyos, kaya ano ang kailangan nating gawin ngayon para masundan ang bagong gawain ng Diyos?” Sabi ni Sister Li, “Matagal nang nakabalik ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, nagkatawang-tao na ang Diyos bilang Anak ng tao upang ipahayag ang katotohanan gamit ang pangalang Makapangyarihang Diyos, at para gampanan ang yugto ng gawain ng paghatol at pagdadalisay sa sangkatauhan. Kailangan nating sundan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at tanggapin ang paghatol ng salita ng Diyos, at saka lamang natin matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu.” Nang marinig ko na nakabalik na ang Panginoong Jesus at ginagampanan Niya ang gawain ng paghatol, nabigla ako. Naisip ko: “Hindi ba ang paghatol ay para parusahan ang isang tao matapos ideklara na isa siyang makasalanan? Pumaparito ang Diyos sa mga huling araw upang hatulan yaong mga hindi naniniwala sa Diyos, at tayo na naniniwala sa Panginoong Jesus ay napatawad na sa ating mga kasalanan at nabiyayaan na ng kaligtasan. Hindi tayo kailangang tumanggap ng paghatol ng Diyos, sapagkat pagdating ng Panginoon direkta Niya tayong iaakyat sa kaharian sa langit. Paano Siya makakaparito upang hatulan tayo?” Sa kaisipang iyan, sinabi ko ang aking opinyon, kung kailan sinabi ni Sister Liu Fang, “Brother, isang linggo na naming sinisiyasat ni Sister Gao ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, natanggap namin na ito ang tinig ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoong Jesus. Basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, at mauunawaan mo pagkatapos. Kaya nagbalik ang Panginoong Jesus para gampanan ang gawain ng paghatol ay dahil, bagama’t tayo na naniniwala sa Panginoon ay napatawad na sa ating mga kasalanan, palagi pa rin tayong nabubuhay sa kasalanan at hindi natin mapalaya ang ating sarili rito. Hindi natin kayang palayain ang ating sarili mula sa pagkaalipin sa kasalanan at pagkontrol nito, at talagang kailangan natin ang Diyos para ipahayag ang katotohanan upang hatulan at dalisayin tayo, at upang putulin ang ating likas na pagiging makasalanan at napakasamang tiwaling disposisyon. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay isang mas bago at mas mataas na gawaing nakasalig sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Lubos nitong dinadalisay at inililigtas ang tao sa pamamagitan ng paghatol ng salita, at inaakay ang mga tao sa isang napakagandang hantungan.” Pagkatapos, matiyaga silang nagbahagi sa akin tungkol sa mas marami pang katotohanan. Ngunit anuman ang sinabi nila, hindi ko talaga matanggap na nakabalik na ang Panginoon upang hatulan yaong mga naniwala sa Kanya. Habang nagtatalo ang kalooban ko noon, nalito rin ako: Mga relihiyosong mananampalataya sina Sister Gao at Sister Liu, at kinilala ng lahat ang kanilang paniniwala at pagmamahal para sa Panginoon, kaya paano nila naatim na maniwala na babalik ang Panginoong Jesus upang hatulan tayo na naniwala sa Kanya, at na hindi Niya tayo itataas nang direkta sa kaharian ng langit? May kaunting hiwaga o katotohanan kaya sa bagay na ito na hindi ko alam?

Habang nag-iisip ako, inilabas ni Sister Li Min ang isang aklat at taimtim na sinabi sa akin, “Brother, sabi ng Panginoong Jesus: ‘Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:3). Huwag kang magsalita nang tapos, OK? Tingnan muna natin kung ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos, at kung kaya nitong maglaan para sa ating buhay, at kung kaya tayo nitong dalisayin at iligtas, at sa gayon ay malalaman natin kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus o hindi. Tiwala ako na maririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos, kaya sama-sama nating basahin ang salita ng Diyos!” Medyo nag-atubili ako at hindi ko siya sinagot. Medyo nalungkot ang tatlong sister na makita ang inugali ko. Biglang iminungkahi ni Sister Liu: “Magdasal muna tayo, at pagkatapos ay basahin natin ang salita ng Diyos.” Sa gayon ay nagsimulang magdasal ang tatlong sister, at wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanila. Gayunman, habang nagdarasal ako, halos hindi ko mapatahimik ang puso ko. Kahit hindi ko marinig ang ipinagdarasal ng mga sister, naantig ako sa kanilang mga kilos. Ang pag-uugali nila sa Diyos ay napakatapat, at hinangad nila ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Inasam nilang sisiyasatin ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang pag-asam na ito ay nagmumula rin sa pagmamahal ng Diyos. Matapos magdasal, inabutan ako ni Sister Li ng isang aklat at taimtim na sinabi sa akin, “Karamihan sa mga tanong dito sa aklat na, Sandaang mga Tanong at mga Sagot sa Pag-iimbestiga sa Tunay na Daan, ay itinatanong ng mga tao sa lahat ng denominasyon. Ang kaugnay na mga sipi ay napili mula sa salita ng Diyos upang sagutin ang bawat tanong. Sige na at tingnan ninyo.” Ayaw kong kunin ang aklat, ngunit nang makita ko kung gaano kataimtim siyang nagsalita, tumingin akong muli kina Sister Gao at Sister Liu, at nakita ko kung gaano nila inasam na sisiyasatin at hahangarin ko ito. Naisip ko kung gaano kahalaga ang sumalubong sa pagdating ng Panginoon, at na dapat akong maging maingat sa pagtrato rito. Dahil doon, tinanggap ko ang aklat at sinabi ko, “Sige, handa akong tanggapin ang aklat ng ito. Huwag na nating pag-usapan pa ito ngayon. Babasahin ko muna ang aklat, at pagkatapos ay mag-uusap pa tayo.”

Nang makauwi na ako, inilagay ko sa isang tabi ang aklat—naguguluhan noon ang aking isipan. Naisip ko ang naibahagi ni Sister Li Min at sa pakiramdam ko ay malinaw at maliwanag sa akin ang lahat ng iyon. Lahat ng nasabi niya ay totoo, ngunit ang hindi ko maunawaan ay kung bakit gagampanan ng Panginoon ang gawain ng paghatol pagbalik Niya? Pinagbulay-bulayan kong mabuti iyon, ngunit hindi ko pa rin naunawaan. Gayunman, tungkol naman sa ikalawang pagparito ng Panginoon, dahil narinig ko na ngayon ang tungkol doon, hindi ako maaaring basta na lang pikit-matang gumawa ng sarili kong mga desisyon tungkol doon at umupo nang tanggap na ang aking kapalaran. Naisip ko na maaaring magandang ideya ang tingnan ang aklat at magkaroon ng kaunting paghiwatig. Sa gayon ay gumugol ako ng anim na araw sa pagbabasa ng aklat na iyon mula simula hanggang wakas. Nakita ko na naipaalam ng Diyos ang napakaraming katotohanan at hiwagang hindi ko pa narinig kailanman at napalakas ako sa pagbabasa ng mga iyon. Gayundin, nang basahin ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama ko na maraming bagay ang sinabi na kapareho ng tono ng sinabi ng Panginoong Jesus. Ang mga salita ay may awtoridad at kapangyarihan, na para bang ang Diyos Mismo ang nagsasalita. Kaya nga, matapos kong basahin ang aklat, ginusto kong mas maunawaan kung tungkol saan ang gawain ng paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos, at ipinasiya kong hanapin si Sister Gao para tanungin siya tungkol doon.

Kinabukasan, nagpunta ako sa bahay ni Sister Gao, at nakakilala ko ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Tinanggap na nilang lahat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagtitipon at nagbabahaginan sa isa’t isa. Nagbatian kami, at tahasan akong tinanong ni Sister Li Min, “Brother, ano pa ang mga pagkaunawa mo? Anong aspeto ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ang nais mong maunawaan? Maaari tayong magbahaginan.” Sabi ko, “Binanggit mo na ang iglesia ay naging mapanglaw sa mga huling araw dahil sumulong na ang gawain ng Banal na Espiritu. Matatanggap ko ito, ngunit tayo na naniniwala sa Panginoon ay napatawad na sa ating mga kasalanan, at hindi tayo itinuturing ng Panginoon na mga makasalanan. Bakit gusto pa ring gampanan ng Diyos ang gawain ng paghatol? Hindi ba natin magagawang umakyat sa kaharian sa langit kung hindi gagampanan ng Diyos ang yugtong ito ng gawain? Kapag hinahatulan ng Diyos ang isang tao, hindi pa ba isinumpa ang taong iyon? Kailangan bang parusahan tayong lahat? Paano pa tayo maitataas sa kaharian sa langit?” Sabi ni Sister Li Min, “Pagdating sa mga pagkaunawa ng halos lahat ng tao, ang mga taong hinahatulan ng nagbalik na Panginoon ay mga taong hindi mananampalataya na hindi naniniwala sa Diyos. Naniniwala sila na, dahil hinahatulan ng Diyos ang isang tao, ang taong iyon ay isinumpa at pinarusahan. Naniniwala sila na ang mga kasalanan ng mga naniniwala sa Panginoon ay napatawad na, at na pagdating ng Panginoon, itataas Niya sila nang direkta sa kaharian sa langit, at tiyak na hindi Niya sila hahatulan. Samakatuwid, ayaw nilang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa paggawa nito, hindi nila lubos na nauunawaan ang kalooban ng Diyos at ipinapakita nila na hindi nila alam ang gawain ng Diyos. Ang totoo, ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw—yaong pagpapahayag ng katotohanan at paghatol at pagdadalisay sa tao—ay isinasagawa para mismo sa kapakanan ng pagtataas sa mga mananampalataya sa kaharian sa langit. Alam nating lahat ng sinasabi sa Biblia na: ‘Pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Peter 4:17). Sinasabi sa atin ng propesiyang ito na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagsisimula muna sa bahay ng Diyos. Ibig sabihin, nagsisimula ito sa mga taong naniniwala sa Diyos na may tunay na puso at tinatanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kaya, iniisip natin na ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay nangangahulugang hindi tayo kailangang tumanggap ng paghatol ng Diyos, ngunit mali ang pananaw na ito. Sa mga huling araw, ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang hatulan ang lahat ng humaharap sa Kanyang luklukan, at dinadalisay at inililigtas Niya ang mga taong ito, at ginagawa Niyang mga mananagumpay ang isang grupo ng mga tao bago sumapit ang mga kalamidad. Pagkatapos, kapag sumapit ang matitinding kalamidad na ito, gagantimpalaan Niya ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Ganito nagpapatuloy ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Walang sinumang makakatakas mula sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ngunit para sa mga tumatanggap at sumusunod sa paghatol ng Diyos ito ay pagkadalisay, pagliligtas, at pagperpekto. Para naman sa mga tumatanggi at lumalaban sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, bagama’t maaari silang magtago mula sa paghatol ng salita ng Diyos, hindi pa rin sila makakatakas sa paghatol ng matitinding kalamidad sa huli. Iyan ang totoo! Ang dahilan kaya ayaw ng Diyos na hatulan tayo sa mga huling araw ay ipinaliwanag nang napakalinaw sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Sama-sama nating basahin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). Nauunawaan natin mula sa salita ng Diyos na sa paniniwala sa Panginoong Jesus napapatawad lamang ang ating mga kasalanan. Hindi ito nangangahulugan na hindi tayo nagkakasala, o na wala tayong kasalanan. Ang totoo, nabubuhay tayong lahat sa paulit-ulit na pagkakasala at pangungumpisal, at kailangan pa rin nating ipahayag ng Diyos ang Kanyang salita upang hatulan at linisin tayo. Kapag nalinis tayo, saka lamang tayo magiging karapat-dapat na maitaas sa kaharian sa langit. Nakatala sa Biblia: ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal(Levitico 11:44). ‘Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon’ (Mga Hebreo 12:14). Ang Diyos ay banal. Hindi maaaring makita ng marumi at tiwaling mga tao ang mukha ng Diyos at hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Ang gawain ng pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus ay pinatawad lamang tayo sa ating mga kasalanan, ngunit hindi tayo nito pinatawad sa ating mga tiwaling disposisyon at pagiging likas na makasalanan. Samakatuwid, nananatili pa rin ang ating mga napakasamang tiwaling disposisyon, tulad ng pagiging mayabang at palalo, buktot at tuso, makasarili at kasuklam-suklam, masama at sakim, tutol sa katotohanan at nagagalak sa kawalan ng katarungan. Ang mga tiwaling disposisyong ito mismo ang pangunahing sanhing umaakay sa atin na magkasala at lumaban sa Diyos. Kung hindi malulutas ang mga ito, madalas tayong magkakasala, makikipag-agawan sa katanyagan at pakinabang, makikipagtalo dahil sa inggit, magsisinungaling at manlilinlang, magmamalaki, magpapatotoo sa ating sarili, at iba pa. Lalo na kapag hindi umaayon ang gawain ng Diyos sa ating mga pagkaunawa, umaasa pa rin tayo sa ating mga pagkaunawa at imahinasyon para husgahan, tanggihan, at tuligsain ang Diyos at labanan ang gawain ng Diyos. Paano maitataas sa kaharian sa langit ang mga taong tulad nito na lumalaban sa Diyos? Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at ang Kanyang mithiin sa paggawa nito ay para linisin tayo sa ating mga napakasama at tiwaling disposisyon at tuparin ang ating pangarap na maitaas sa kaharian sa langit. Kapag tinatanggap natin ang paghatol ng Diyos, umaalpas tayo sa ating mga tiwaling disposisyon, at napapadalisay at nababago, nagiging marapat tayong magmana ng pangako ng Diyos at maakay ng Diyos papasok sa kaharian.”

Matapos makinig sa pagbabahagi ng sister at sa salita ng Makapangyarihang Diyos, naisip ko: “Kapag naniniwala ang isang tao sa Panginoon, pinatatawad ang kanyang mga kasalanan, ngunit hindi iyan nangangahulugan na hindi na siya nagkakasala. Totoo talaga ito! Kung titingnan natin ang mga tao sa iglesia, mula sa mga pastor at elder hanggang sa mga karaniwang miyembro, kabilang na ako, lahat ay nabubuhay sa isang kalagayan kung saan nagkakasala tayo sa araw at nangungumpisal ng ating mga kasalanan sa gabi, at hindi tayo makatakas sa pang-aalipin at pagkontrol ng kasalanan. Tila siguradong hindi makikita ng mga tao ang mukha ng Panginoon nang hindi muna nahahatulan at napapadalisay ng salita ng Diyos. Kapag ganito ang tingin dito ng isang tao, talagang kailangang pumarito ang Diyos at gampanan ang gawain ng paghatol at pagkadalisay sa tao! Minsan ko nang pinaniwalaan na kung may pananampalataya ang isang tao sa Panginoong Jesus, hindi na siya kailangang hatulan. Inakala ko na paparito ang Panginoon upang hatulan yaong mga hindi naniniwala sa Kanya. Ngayon ay nauunawaan ko nang ang pagkaunawang ito ay hindi man lang naaayon sa kalooban ng Diyos, at na mali ang pagkaunawang ito.” Noon mismo, ipinalabas ni Sister Gao ang isang video sa akin na may kantahan at sayawan mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na tinatawag na Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan: “Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya. Makilala Ka’y karangalan ko, puso ko’y alay sa ’Yo tunay na Diyos, ibinigay ko ang aking puso sa Iyo. Lambak ng Luhang ma’y dinaanan, rikit ng Diyos kita. Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko’y galing Sa ’Yo. Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso’y kapit sa Kanya. Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko’y umigkas …” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Masaya at masigla ang buong kanta, at lubhang nagbibigay ng inspirasyon. Nakita ko na ang mukha ng bawat brother at sister sa video ay nag-uumapaw sa kaligayahan, at hindi namin napigilang sumali sa pagkanta ng himno. Nagsimula kaming sumayaw sa tugtog at napuspos ng kagalakan ang aming puso. Nakita ko na ang mga brother at sister na may panustos ng salita ng Diyos ay pinagpala at masaya. Bagama’t sumailalim na sila sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, wala pa rin silang mga alalahanin man lang, kundi sa halip ay napalaya, malaya, masaya, at maligaya. Naisip ko kung paano naglahong lahat ang sarili kong pananampalataya at sigla sa relihiyon, at ang tanging nakita ko ay ang kapanglawan at kadiliman ng iglesia. Ang mga kapatid ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa kabilang dako, ay puspos ng gawain ng Banal na Espiritu. Nagningning ang liwanag mula sa kanilang mga pagbabahagi tungkol sa katotohanan, pinuri nila nang malakas ang Diyos, at nagpatotoo sila sa Diyos nang may malaking katuwaan at sigla. Kung ikukumpara, tila nabubuhay sila sa isang lubos na kakaibang mundo para sa akin. Noon mismo, para akong isang ulilang walang direksyon na nakauwi na at nagtatamasa ng init ng yakap ng kanyang ina. Naisip ko: Talagang may katotohanang dapat hanapin dito. Kailangan kong makinig na mabuti sa mga pagbabahagi ng mga kapatid tungkol sa katotohanan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw para hindi ako malagpasan ng pagkakataong sumalubong sa pagdating ng Panginoon at maitaas sa kaharian sa langit.

Kasunod niyon, binasa sa amin ni Sister Li ang dalawa pang sipi mula sa salita ng Diyos: “Sa anong mga kaparaanan isinasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos higit sa lahat ay binubuo ng katuwiran, poot, pagiging maharlika, paghatol, at sumpa, at ginagawa Niyang perpekto ang tao higit sa lahat ay sa pamamagitan ng Kanyang paghatol. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao, at itinatanong nila kung bakit nagagawa lamang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, ‘Kung isusumpa ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya magagawang perpekto?’ Gayon ang mga salita ng mga taong hindi nakakaalam sa gawain ng Diyos. Ang isinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama’t mabagsik Siyang magsalita at walang habag, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa kalooban ng tao, ibinubunyag sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito kung ano yaong mahalaga sa kalooban ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman tungkol sa diwa ng laman, at sa gayon ay nagpapasakop ang tao sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay makasalanan at kay Satanas, ito ay suwail, at ito ang pakay ng pagkastigo ng Diyos. Sa gayon, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, kailangan niyang sapitin ang mga salita ng paghatol ng Diyos at kailangang gamitan ito ng bawat uri ng pagpipino; sa gayon lamang magiging epektibo ang gawain ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). “Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Nagbahagi sa amin si Sister Li, na nagsasabi, “Matapos tayong gawing tiwali ni Satanas, nabuhay tayong lahat sa ilalim ng sakop ni Satanas at naging masasamang tao na lumaban sa Diyos. Ayon sa matuwid at banal na diwa ng Diyos, susumpain at wawasakin tayong lahat ng Diyos, ngunit hindi kalooban ng Diyos ang wasakin ang sangkatauhan, kundi sa halip ay upang iligtas ang sangkatauhan. Kaya, para lubos na mailigtas ang mga tao mula sa sakop ni Satanas, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagampanan ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa tao sa mga huling araw. Ang gawain ng paghatol ng Diyos ay totoong ang paggamit ng Diyos sa Kanyang salita upang ilantad ang pagkasuwail ng mga tao at ang kanilang pananalita, pagkilos, likas na pagkatao, at diwa na laban sa Diyos, upang malaman ng mga tao ang kanilang tiwaling diwa at ang katotohanan ng kanilang katiwalian, upang makilala ang disposisyon ng katuwiran at kabanalan ng Diyos, at upang kapootan nila ang kanilang sarili. Sa gayon, maaaring tunay na magsisi at magbago ang mga tao, at makakalaya sila sa kanilang mga tiwali at napakasamang disposisyon at matamo sila ng Diyos. Sa ganitong paraan, magtatamo ang mga tao ng lubos na kaligtasan. Sa pamamagitan lamang ng paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos natin nakikita na puno tayo ng katiwalian, na sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar, nagpapakita tayo ng mga tiwaling disposisyon na tulad ng pagkamakasarili, kayabangan, panlilinlang, at kasakiman, at na puno tayo ng mga pagkaunawa at imahinasyon, maluluhong pagnanasa, at mga kahilingan sa Diyos na wala sa katwiran, at na wala tayong konsiyensya o katwiran, katapatan o pagsunod. Habang lalo tayong tumatanggap ng paghatol ng Diyos, lalo nating napapansin kung gaano kalalim ang katiwalian natin at na talagang hindi tayo makatao. Nagsisimula tayong mainis sa ating sarili, at mamuhi sa ating sarili sa ating puso. Habang lalo tayong tumatanggap ng paghatol ng Diyos, lalo nating nakikita ang kabanalan at katuwiran ng Diyos, at lalong nagpipitagan sa Diyos ang ating puso. Nagiging handa tayong talikdan ang ating mga makamundong pagnanasa at namumuhay tayo alinsunod sa salita ng Diyos. Sa dakong huli, nagkakaroon ng pagbabago sa ating mga pananaw tungkol sa mga bagay-bagay at sa ating mga tiwaling disposisyon, at nagsisimulang isabuhay natin ang medyo katulad ng isang totoong tao. Sa gayon ay tunay nating napapahalagahan na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay dakilang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa atin. Kung hindi sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, wawasakin tayong lahat.”

Tinapos ng sister ang kanyang pagbabahagi rito, at naantig ako nang lubusan sa nasabi niya at nakita ko kung gaano kadakila at katotoo ang pagmamahal ng Diyos. Siya ang Diyos na nagmamahal sa sangkatauhan! Ako ang nagkamali sa pag-unawa sa mabuting layon ng Diyos sa pagliligtas sa mga tao. Akala ko ay hinatulan ng Diyos ang mga tao upang sumpain at parusahan sila, at hinding-hindi ko naisip na ang pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang salita at paghatol sa tao sa mga huling araw ay maaaring isang mas tunay na pagmamahal, o na mas dakila pang kaligtasan para sa atin! Salamat sa Makapangyarihang Diyos! Sa pamamagitan ng pagbasa sa salita ng Makapangyarihang Diyos at mula sa mga pagbabahagi ng mga sister, nagtamo ako ng kaunting pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos at napawi ang mga maling pagkaunawa ko tungkol sa Diyos. Tumatag ang aking paniniwala na ang Makapangyarihang Diyos ay walang iba kundi ang nagbalik na Panginoong Jesus, at naging handa akong tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos. Lubos akong nakalabas mula sa hamog ng pagkalito, at nagningning ang aking mukha sa isang masayang ngiti. Masayang sinabi ni Sister Li, “Salamat sa Diyos at ginabayan ka Niya. Lahat ng ito ay resulta ng salita ng Diyos. Mula rito, makikita namin na, bago natin naunawaan ang katotohanan, bagama’t maaaring magkaroon ng mga pagkaunawa tungkol sa Diyos at sa gawain ng Diyos, basta’t hinahanap at tinatanggap natin ang katotohanan, at nakikinig tayo sa salita ng Diyos, mauunawaan natin ang katotohanan at malalaman natin ang gawain ng Diyos, at mapapalis ang ating mga pagkaunawa at imahinasyon na parang mga ulap ng usok. Sa gayon ay mauunawaan natin ang kalooban ng Diyos at hindi na tayo magkakamali ng pag-unawa sa Diyos.” Masaya akong tumango at pinasalamatan ko ang Diyos sa pagliligtas sa akin.

Matapos matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nag-install ako ng messaging app sa cell phone ko para madalas akong mapadalhan ni Sister Gao at ng iba pa ng mga pelikula tungkol sa ebanghelyo, mga video ng musika, at mga himno mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nang mapanood ko ang isang pelikula tungkol sa ebanghelyo mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na pinamagatang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay mula sa Trono, nagkaroon iyon ng malaking epekto sa akin. Ang mapanglaw na sitwasyon ng iglesia sa pelikula ay parang sitwasyon lang sa aming sariling iglesia, at ipinakita sa pelikula ang ugat ng kapanglawang ito nang napakalinaw. Dahil nalipat na ang gawain ng Diyos, at hindi na gumagawa ang Diyos sa loob ng relihiyosong iglesia, lahat ng taong ayaw tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay nagdanas ng taggutom. Ang mga taong tumanggap sa salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagtamo ng panustos na tubig ng buhay ng Diyos at hindi na tigang, at pinagpalang nabuhay sila sa piling ng Diyos. Nang mapanood ko ang pelikulang Paghihintay, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Buong buhay na naniwala sa Panginoon ang matandang pastor sa pelikula at akala niya ay nararapat gantimpalaan ang kanyang kasipagan. Naghihintay lamang siyang dumating ang Panginoon upang maitaas siya sa langit. Ngunit matatag siyang kumapit sa paniniwala na kapag dumating ang Panginoon ay bababa Siya sa isang ulap at maghahayag muna sa kanya. Dahil sa katigasan ng ulong ito, lumaban at tumanggi siyang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kaya sa dakong huli ay naiwan siyang nakatunganga lang sa kalangitan, naghihintay sa isang ulap, at namatay na puno ng pagsisisi. Ang mapait ng aral na ito ay talagang nag-iwan sa manonood ng pag-iisipan! Kasabay nito, nagalak ako sa puso ko at nagpasalamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa akin, isang suwail na anak na naghangad lamang na mapagpala Niya ngunit atubiling tumanggap ng Kanyang paghatol at pagkadalisay, at sa pag-akay sa akin sa harap ng Kanyang luklukan upang matamo ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw.

Namumuhay ako ngayon ng buhay-iglesia sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng tunay na pagdaranas sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, unti-unti ko nang nahiwatigan kung gaano katotoo at kapraktikal na gampanan ng Diyos ang gawain ng paghatol. Nang suriin ng Diyos ang likas na kataksilan ng tao, nadama ko na dahil hindi ako nagsinungaling kailanman, tumanggi akong kilalanin ang totoong sitwasyong inihayag ng mga salita ng Diyos. Nang maharap ako sa isang praktikal na sitwasyon na naiplano ng Diyos para sa akin, hindi sinasadyang nagsinungaling ako upang protektahan ang sarili kong mga interes at ingatan ang aking kapalaluan. Bukod pa riyan, nadama ko ang pagtataksil at panlilinlang sa puso ko, at marami rin akong lihim na ayaw kong ibulgar. Dahil dito ay nakita ko na lahat ng inihayag ng salita ng Diyos ay katotohanan at siyang tunay na sitwasyon, at na ito ang likas na pagkatao at diwa ng tao. Noon lamang ako tunay na nakumbinsi sa salita ng Diyos, at nagkaroon ako ng agarang hangarin na hanapin ang katotohanan at baguhin ang sarili kong mapanlinlang na pagkatao. Pagkaraan ng karanasang ito, napagtanto ko na kung hindi sa praktikal na paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi ko sana nalaman ang sarili kong likas na kataksilan, at hindi ko sana naisagawa ang katotohanan upang baguhin ang sarili kong mapanlinlang na disposisyon. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay talagang nililinis at inililigtas ako, at ibang klaseng pagmamahal ang mga ito. Nais kong itangi nang husto ang espesyal na klase ng pagmamahal na ito at tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at nais kong magbago kaagad hangga’t maaari upang mabigyang-kasiyahan ko ang Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.

Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...