Ang Liwanag ng Paghatol

Hunyo 1, 2022

Ni Enhui, Malaysia

Sinusuri ng Diyos ang buong kalupaan, at inuutusan ang lahat ng bagay, at minamasdan ang lahat ng salita at gawa ng tao. Idinaraos Niya ang Kanyang pamamahala sa maiingat na hakbang at ayon sa Kanyang plano, tahimik at hindi kapansin-pansin, subalit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong, nang paisa-isa, palapit nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang luklukan ng paghatol ay ipinadadala sa sansinukob na simbilis ng kidlat, na ang kasunod ay bumababa kaagad ang Kanyang luklukan sa ating kalagitnaan. Napakaringal ng tanawing iyon, napakarangal at napakataimtim na tagpo! Parang kalapati, at parang umaatungal na leon, dumarating ang Espiritu sa ating kalagitnaan. Siya ang karunungan, Siya ang katuwiran at kamahalan, at dumarating Siya nang patago sa ating paligid, na nagpapakita ng awtoridad at puno ng pagmamahal at awa(“Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Ang pag-awit ng himnong ito tungkol sa salita ng Diyos ay nagpapaalala sa akin nang ako’y naniwala sa Panginoong Jesus noon. Laging sinasabi ng mga pastor at nakatatanda na hahatulan tayo ng Diyos sa mga huling araw mula sa malaking mesa sa himpapawid, na ang Panginoong Jesus ay uupo sa isang malaking puting trono kung saan hahatulan Niya ang mga tao batay sa nagawa natin, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama. Lagi kong pinaniwalaan iyon. Ngunit nang mabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at siyasatin ang Kanyang gawain sa mga huling araw na ako’y tunay na nagising at nakitang iyon ay kuru-kuro at kathang-isip lamang ng tao. Sa katunayan, dumating na ang Diyos sa piling ng sangkatauhan upang magpahayag ng mga katotohanan para sa Kanyang paghatol sa mga huling araw at ang paghatol mula sa luklukan ni Cristo ay nagsimula na noon pa.

2015 noon at mahigit 20 taon na akong mananampalataya. Noong Oktubre, ang mga kasamahan ko ay nahikayat akong magsimulang gamitin ang Facebook para maghanap ng mga kaibigan at makipagchat. Tuwing may oras ako’y titingnan ko ang posts ng mga kapatid, at ila-like at share ko lahat ng nakita kong kawili-wili. Isang araw noong Pebrero 2016 ako’y nagba-browse sa Facebook gaya nang nakagawian na nang mapansin ko ang isang grupong nagtatalakayan tungkol sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Magkakaiba sila ng sinasabi. May nagsabi na hindi nila alam kung ano ang paghatol, kung kaya’t hindi sila basta-basta makapagsalita, at na hindi natin mahuhulaan ang gagawin ng Diyos sa hinaharap. May isang tao ring binanggit ang Awit 75:2: “Pagka Aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol Ako ng matuwid.” Anila, ibig sabihin nito’y may listahan ang Diyos ng ginawa ng lahat at sa paghatol ng Panginoong Jesus sa mga tao sa mga huling araw, ipapakita Niya ito sa bawat isa na parang pelikula, kaya’t dapat tayong kumilos nang matino, maging matuwid, at ’wag gumawa ng kasamaan kahit kailan at nang sa gayo’y ’di tayo ipadala ng Diyos sa impiyerno. May isang tao namang nagsabi na ayon sa nasa Pahayag, gagawin ng Diyos ang paghatol sa atin sa mga huling araw mula sa isang malaking puting trono sa himpapawid kung saan maglalagay ang Panginoong Jesus ng isang malaking mesa, uupo roon, at bubuksan ang aklat tungkol sa buhay ng bawat tao at hahatulan sila isa-isa batay sa kanilang ginawa. Ang mga gumawa ng kabutihan ay dadalhin sa kaharian ng Diyos samantalang ang mga gumawa ng kasamaan ay ipapadala sa impiyerno. Nang mabasa ko na lahat ng posts sinimulan kong ilista sa isip ko ang lahat ng ideyang iyon tungkol sa paghatol ng Panginoong Jesus sa mga tao sa mga huling araw. Uupo ang Panginoong Jesus sa isang malaking puting trono sa himpapawid kasama ng mga taong nakaluhod sa Kanyang harapan upang hatulan. Magpapasya ang Panginoong Jesus kung mapupunta sa langit o sa impiyerno ang mga tao batay sa kung gaano karaming kabutihan at kasamaan ang ginawa nila. Naniwala na ako sa Panginoon sa loob ng mahigit 20 taon at sumunod sa Kanya at masigasig na nagpalaganap ng ebanghelyo, at nagpakahirap akong mamuhay ayon sa Kanyang mga aral. Naisip ko, siguradong makikita Niya ang aking katapatan at dadalhin Niya ako sa Kanyang kaharian.

Patuloy ko ’tong pinag-isipan at naisip kong pwede kong i-search ang “paghatol” online at tingnan kung ano ang lalabas. Ito ang nakita ko sa aking pag-search: “Ang Pagkastigo at Paghatol ng Diyos ang Liwanag ng Kaligtasan ng Tao.” Agad nitong nakuha ang aking atensyon. Nag-click ako sa link, sabik na makita kung ano ang naroon. Isa pala itong magandang himno na pumukaw sa aking pag-iisip: “Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang maaari niyang mapalaya ang kanyang sarili mula sa pagmamanipula at impluwensya ni Satanas, at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Kilalanin mo na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao(Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Pinukaw ng mga liriko ang pagnanasa kong mag-usisa. Sabi ng mga ’yon, ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay ang liwanag ng kaligtasan ng tao, na ang mga ito ang pinakamabuting proteksyon at pinakamalaking pagpapala para sa atin. Napaisip ako sa kahulugan noon. Sinabi rin nito na upang maging malinis at mamuhay ng makabuluhang buhay, kailangan nating tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang pagbubulay ko rito ay nagdala ng ilang tanong sa aking isip: Hindi ba’t ang paghatol ay nagpapasya lamang ng ating kahihinatnan? Paano ito magiging liwanag ng ating kaligtasan? Hindi ko pa ’yon narinig kahit kailan dati. Ang ganoong klase ng paghatol ay iba sa naisip kong paghatol, ngunit medyo naramdaman kong hindi ito kasingsimple ng inakala ko. Hinanap ko ang pinanggalingan ng himno at nakita kong ito ay galing sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pinuntahan ko ang kanilang website. Mayroon itong nakakaengganyong disenyo at malawak na pagpipilian ng nilalaman. Nakakita ako ng samu’t saring aklat, mga himnong pumupuri sa Diyos, at mga pelikula tungkol sa ebanghelyo at iba pang video, at mga nakasulat na patotoo. Una akong pumunta ako sa seksyon ng mga Aklat kung saan nakita ko ang ilang pamagat tulad ng Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Bahay ng Diyos at Mga Patotoo ng mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo Pareho nilang binanggit ang “paghatol.” sa Mga Patotoo ng mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo maraming artikulo tungkol sa paghatol, tulad ng “Pagbabago sa Pamamagitan ng Paghatol” at “Ang Paghatol ay Liwanag.” Binasa ko ang ilang artikulo, at lahat ng ito ay tungkol sa kung paano nakaranas ang mga Kristiyano ng paghatol ng mga salita ng Diyos at pagkatapos ang kanilang pananaw sa pananampalataya at ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay nagbago. Lalo akong naging interesado nang mabasa ko ito. Napaisip ako: “Posible kayang ang paghatol ay hindi pagkondena o pagpasya ng kalalabasan, bagkus ay kaligtasan? Ano ba ang ibig sabihin ng ‘Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang liwanag ng kaligtasan ng tao?’” Sa tingin ko’y ang mga aklat na ito tungkol sa paghatol ay tunay na makatutulong at gusto kong basahin nang maigi ang mga ito. Ngunit oras nang pumasok sa trabaho, kaya’t kinailangan kong patayin ang computer at umalis. Ngunit sa buong araw, di mawaglit sa aking isip ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, lalo na ang “Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang liwanag ng kaligtasan ng tao.” Hindi ko talaga maunawaan kung ano ang kahulugan ng paghatol doon.

Pag-uwi ko noong gabing iyon, bumalik ako sa site at sinearch ko ang “paghatol.” Pagkatapos ay nabasa ko ang “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan.” May talata doon na talagang umantig sa akin. “Sa paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos na nasabi sa mga nagdaang panahon, ang ‘paghatol’ sa mga salitang ito ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni gaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, hindi nito mababago ang diwa ng gawain ng Diyos. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi ang mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaganda ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang na karikatura, at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagawa nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang kamangha-mangha. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ang gawaing ito ay may pinakapambihirang sukat, at hindi mauunawaan ng mga mortal, at aalingawngaw hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi, papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong kapita-pitagan at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong mga tagpo ay tiyak na kagila-gilalas at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawat tao na mapaghimala ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na, noong matagal nang sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa tao, nananatili kang tulog na tulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay pormal nang nagsimula, nabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, ngunit ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Namangha ako nang mabasa ko ito. Ang mismong mga pinanghahawakan kong kaisipan at perspektibo tungkol sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay buong-linaw na inihayag. Ang paniniwala ko bang gagawin ng Diyos ang paghatol sa himpapawid ay isa lamang pag-iisip na higit sa pangkaraniwan? Sinabi rin doon na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagsimula na at malapit nang matapos, at binalaan nito ang mga tao na hanapin agad-agad ang pagpapakita ng Diyos. Napaisip ako: “Ito kaya ang tinig ng Diyos?” Ang ideyang iyon ay nagpasabik sa akin at ginusto ko itong maunawaan agad-agad. Kaya naman nagpadala ako ng mensahe sa pamamagitan ng chat function ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sinabi ko sa kanilang interesado ako sa paghatol ng Diyos ng mga huling araw. Nagulat ako nang makatanggap ng tugon nang napakabilis at sumali sa chat sina Sister Liu at Sister Li mula sa Iglesia.

Matapos ang mabilis na pagpapakilala, binahagi ko ang aking kalituhan sa kanila. Sabi ko, “Batay sa Pahayag, Nasa isang malaking puting trono sa himpapawid ang Diyos kapag isasagawa na ang Kanyang paghatol sa mga huling araw, ngunit sa ‘Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan’ sinasabi doon na isa lamang iyong kuru-kuro ng tao at na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagsimula na. Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?”

Tumugon si Sister Liu at kanyang ibinahagi: “Ang sinasabi sa Pahayag tungkol kay Juan na nakakita ng isang malaking puting trono sa himpapawid sa Isla ng Patmos ay isang pangitain lamang, isang propesiya tungkol sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Hindi ito tunay na mangyayari. Ibig sabihin, walang mismong makakaalam o makakatukoy kung paano gagawin ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol bago pa Niya ito magawa. Malalaman lamang natin kapag natupad na ang propesiya.” Sinabi rin niya na maraming propesiya sa Biblia tungkol sa gawain ng paghatol, tulad ng Pahayag 14:6–7: “At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may walang-hanggang ebanghelyo upang ipangaral sa mga nananahan sa lupa, at sa bawat bansa, at angkan, at wika, at bayan. Sinasabi niya nang may malakas na tinig, ‘Matakot kayo sa Diyos, at magbigay kaluwalhatian sa Kanya; sapagka’t dumarating ang panahon ng Kanyang paghatol.’” Nariyan din ang Juan 9:39: “Sa paghatol ay naparito Ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita.” Sinabi niyang ang mga talatang ito na nagsasabi “na may walang-hanggang ebanghelyo upang ipangaral sa mga nananahan sa lupa” at “Sa paghatol ay naparito Ako sa sanglibutang ito” ay nagpapakitang tiyak na pupunta ang Diyos sa mundo at gagawin Niya rito ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Binanggit din niya ang Juan 5:22. Sabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol.” At talata 27: “At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagka’t Siya’y Anak ng tao(Juan 5:27). Sinasabi rin sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Sabi niya, “Sinasabi ng mga talatang ito na ang paghatol ay gagawin ng Anak. Anumang pagtukoy sa Anak o Anak ng tao ay nangangahulugang Siya ay pinanganak ng tao at may normal na pagkatao. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tatawaging Anak ng tao. Kung kaya’t ito ay sapat na patunay na ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao. Nasusulat din na ang paghatol ay nagsisimula sa bahay ng Diyos. Ibig sabihin, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagsisimula sa mga mananampalataya.”

Nagulat ako sa puntong ito at napaisip, “Maraming taon na akong sumasampalataya at nabasa ko na dati ang mga tinutukoy niyang talata sa Biblia. Bakit ba hindi ko man lang napansin na magkakatawang-tao ang Diyos bilang ang Anak ng tao upang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mundo? Naniwala lang ako sa pangitain ni Juan sa Isla ng Patmos, inisip na ganoon gagawin ng Diyos ang Kanyang paghatol habang hindi napapansin ang ibang mga talata tungkol sa paghatol. Naging makitid ang pang-unawa ko.” Habang tinitingnan ko ang mga talata, pinag-isipan ko ang mga binahagi ni Sister Liu.

Noon din, narinig ko si Sister Li na tinuloy ang pagbabahagi: “Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang dalisayin at iligtas ang sangkatuhan habang pinapahayag ang kalalabasan ng bawat isa at binubukud-bukod tayo batay sa ating uri. Ito ang paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw at tuluyan nitong tinutupad ang mga propesiya sa Biblia. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw unang-una upang bumuo ng isang pangkat ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna. Ang mga totoong nananabik sa pagpapakita ng Diyos mula sa bawat denominasyon ay nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakikita na ang mga ito ang katotohanan, na ang mga ito ang tinig ng Diyos, at bumabaling sila sa Makapangyarihang Diyos. Sila ang matatalinong dalaga na dinadala sa harap ng trono ng Diyos kung saan sila ay hinahatulan at nililinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Kapag nabuo na ang pangkat ng mga mananagumpay, magsisimula nang magpaulan ang Diyos ng malalaking sakuna at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama, wawasaking lubos ang masasama na lubhang nilalabanan ang Diyos. Doon tuluyang magtatapos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Palala nang palala ang mga sakuna at ang apat na kulay-dugong buwan ay nagpakita na. Nagkaroon na ng mga balang, baha, tagtuyot, taggutom, at salot. Napakalapit nang dumating ng malalaking sakuna. Sa pagdating ng mga ito, lahat ng gumawa ng kasamaan at naging kaaway ng Diyos at lahat ng kabilang kay Satanas ay wawasakin. Ang mga tumanggap sa paghatol ng salita ng Diyos at nalinis na ay poprotektahan at makakaligtas at dadalhin sa kaharian ng Diyos. Hindi ba’t ito mismo ang paghatol sa harapan ng malaking puting trono sa mga huling araw?”

Naliwanagan ako sa pakikinig sa kanyang ibinahagi. Napagtanto ko na ang pagpapahayag ng katotohanan ng Makapangyarihang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol ay ang paghatol sa mga huling araw mula sa malaking puting trono. Ngunit ’di pa tuluyang nalutas ang aking pagkalito. Sinabi nila na ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang linisin at iligtas ang sangkatauhan ngunit naisip ko, “Napatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan at hindi na tayo tinitingnan na makasalanan. Bakit kailangan pang linisin at iligtas ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng gawain ng paghatol sa mga huling araw?” Tinanong ko ito kina sister, binasa nila ang dalawa pang talata mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan).

Matapos itong basahin, nagpatuloy si Sister Li sa kanyang pagbabahagi: “Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, na para lamang patawarin ang kasalanan ng sangkatauhan. Hindi Niya nilutas ang mga tiwali nating disposisyon. Ang ating mga kasalanan ay pinatawad, at tayo’y niligtas at inaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya natin sa Panginoon, na nangangahulugang hindi tayo kinondena at sinumpa sa pamamagitan ng kautusan, ngunit ang maka-Satanas nating kalikasan ng pagkakasala at paglaban sa Diyos ay nananatili sa loob natin. Hindi pa nabubunot ang makasalanan nating kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit tayo’y nakagapos pa rin sa makasalanan nating kalikasan at nananatili tayong nagkakasala at nagsisinungaling. Ang ibang mga tao na may ilang kakayahan at kalakasan ay nagiging hambog at mapagmatigas at dahil lamang makakagawa sila ng maliit na gawain, nagpapakitang-gilas sila, naglalaban para sa pangalan at katungkulan, at nakikibahagi sa intriga. Mukha silang nagsusumikap at nagsasakripisyo at sinasabi nilang ito ay para ibigin at pasiyahin ang Diyos, ngunit ang totoo ito ay para pagpalain, para magkamit ng korona. Sa harap ng paghihirap at mga pagsubok nakikipagtalo sila sa Diyos at sumasama ang loob, sinasabi pang ’di matuwid ang Diyos, at Siya’y kinakaila at pinagtataksilan nila. Paanong ang isang taong tulad nito na hindi makatakas sa kanyang kasalanan, na laging sinasalungat at hinuhusgahan ang Diyos, ay magiging karapat-dapat sa kaharian ng Diyos? Ang Panginoon ay banal: ‘Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon’ (Mga Hebreo 12:14). Iyon ang dahilan kung bakit pinangako ng Panginoong Jesus na muli Siyang babalik. Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating sa mga huling araw upang gumawa, sa pundasyon ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para linisin at iligtas ang tao minsan at magpakailanman, upang makalaya tayo mula sa ating mga kasalanan at tiwaling disposisyon, at lubusang maligtas at makamit ng Diyos.”

Talagang tama ito sa aking pandinig. Kahit pinatawad na ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng ating pananampalataya, hindi pa nalulutas ang makasalanan nating kalikasan. Naisip ko ang tungkol sa kalakaran sa aming simbahan. Ang pastor at ang mga elder ay nangaral lang ng doktrina mula sa Biblia sa mga pagsamba, nang hindi nagbibigay ng pagkaing nagbibigay-buhay at sila’y ganid sa salapi at nag-agawan sa kapangyarihan. Bumuo pa sila ng mga paksyon, at hinusgahan at siniraan ang isa’t isa. Nakaramdam ng panghihina ang mga kapatid, at tumamlay ang kanilang pananampalataya at pag-ibig. Maraming tao ang nagpatuloy sa mga makamundong kalakaran at naging ganid sa kalayawan ng laman. Hindi nila mahiwalay ang kanilang mga sarili mula sa kasalanan. Naisip ko rin kung paanong hindi ko mapigil ang sarili kong magsinungaling at magkasala. Hindi ko maisagawa ang mga salita ng Panginoon, at nabuhay ako sa estado ng pagkakasala at pangungumpisal. Paano ako makakarating sa kaharian ng Diyos sa ganoong paraan? Kailangan talaga nating bumalik ang Diyos at gawin ang gawain upang hatulan at linisin tayo. Buong pananabik kong tinanong sina sister, “Paano nililinis at nililigtas ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw sa pamamagitan ng Kanyang paghatol?”

Binasahan nila ako ng isa pang talata mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos. Kung hindi mo pinag-uukulan ang mga katotohanang ito ng pagpapahalaga at palaging iniisip ang pag-iwas sa mga ito, o paghahanap ng isang bagong daan bukod sa mga ito, kung gayon sinasabi Kong lubha kang makasalanan. Kung mayroon kang pananampalataya sa Diyos, ngunit hindi mo hinahanap ang katotohanan o ang kalooban ng Diyos, ni hindi iniibig ang daan na naglalapit sa iyo sa Diyos, kung gayon sinasabi Kong ikaw ay isa na sinusubukang iwasan ang paghatol, at na isa kang sunud-sunuran at taksil na tumatakas mula sa dakilang puting luklukan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinuman sa mga mapanghimagsik na tumatakas sa ilalim ng Kanyang mga mata. Ang gayong mga tao ay makatatanggap ng lalo pang mas mabigat na kaparusahan. Silang mga nagsilapit sa harap ng Diyos upang mahatulan, at higit pa ay nadalisay na, ay mananahan magpakailanman sa kaharian ng Diyos. Siyempre, ito ay bagay na nabibilang sa hinaharap(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Nagpatuloy si Sister Li sa kanyang pagbabahagi: “Gumagamit ang Makapangyarihang Diyos ng mga salita upang gawin ang gawaing paghatol sa mga huling araw upang lubusang linisin at iligtas ang sangkatauhan. Ipinapahayag Niya ang lahat ng mga katotohanan na kailangang maunawaan at pasukan ng tiwaling sangkatauhan upang lubusang maligtas at malinis. Nilalantad ng Makapangyarihang Diyos hindi lang ang diwa at katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan, kundi pati rin ang ugat ng lahat ng kadiliman at kasamaan sa mundo. Hindi lang tinuturo ng Kanyang mga salita ang daan ng kaligtasan at kalayaan mula sa katiwalian, kundi bukas ding inihahayag ng mga ito ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos mula sa sangkatauhan. Hindi lamang inihahayag ng mga ito ang mga misteryo ng 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos, kundi sinasabi din ng mga ito sa mga tao ang mga kalalabasan at hantungan na naghihintay sa kanila. Lubus-lubusang nilalantad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang diwa ng katiwalian ng tao, kung kaya’t wala nang ibang dahilan upang ’di tayo makumbinsi. Mas lalo nating nararanasan ang paghatol ng salita ng Diyos mas lalo nating nakikita kung gaano kalalim na ginawang tiwali ni Satanas ang buong sangkatauhan. Kapag lubusan nating nakikita ang ating mga maka-Satanas na disposisyon at ang katotohanan ng ating katiwalian, nakikita rin natin kung paanong ganap na banal at matuwid ang Diyos. Pagkatapos ay nabubuo ang paggalang at pag-ibig para sa Diyos sa ating mga puso. At tunay nating nakikita kung gaano tayo katiwali at kulang ng pagkatao. Nakikita nating hindi tayo karapat-dapat mabuhay sa harap ng Diyos. Pagkatapos nagsisimula tayong mapoot sa ating sarili at ayaw na nating mabuhay sa ating maka-Satanas na disposisyon. Kusa tayong nagpapasakop sa paghatol ng Diyos, totoong nagsisisi, at nagbabago. Kung hindi dahil sa paghatol at pahayag ng mga salita ng Diyos, malulutas ba ang ating maka-Satanas na kalikasan sa pamamagitan lamang ng pagdarasal at pangungumpisal, at pagsusubok kontrolin ang ating mga sarili? Makakawala kaya tayo sa mga tanikala ng kasalanan? Hindi natin matatakasan ang kasalanan, kaya paano tayo tunay na magsisisi at magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos? Ito ang dahilan kung bakit ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang kaligtasan. Ang mga ito ang liwanag ng kaligtasan. Ang mga ayaw tumanggap sa paghatol ng mga salita ng Diyos ay sasailalim sa malalaking sakuna sa pagdating ng mga ito, tumatangis at nangangalit ang kanilang mga ngipin.”

Sa pagbabasa ko ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at makalipas ang ilang araw ng pagbabahagian ko kina sister, nalaman ko sa loob ng aking puso kung gaano kahalaga ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw upang linisin at iligtas ang sangkatauhan! Hindi ko pa naranasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos sa puntong ’yon, ngunit sa pamamagitan ng pagbabahagi nina sister at mga patotoo mula sa iba, nakita ko na tunay nga na kayang baguhin at linisin ang mga tao ng gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos at ito nga ang kailangan natin bilang tiwaling sangkatauhan. Lagi kong inakala noon na sa mga huling araw gagawin ng Diyos ang paghatol sa himpapawid mula sa isang pagkalaki-laking puting trono at ang mga mananampalataya ay dadalhin sa taas upang makipagtagpo sa Panginoon. Ngayon ito’y tila ba ’di makatotohanan. Ngayon napagtanto ko na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol sa mundo gamit ang mga salita, nililinis at nililigtas lahat ng totoong mananampalataya. Saka lamang Niya gagamitin ang mga sakuna upang wasakin ang lahat ng mga sumasalungat sa Kanya. Ang gawaing paghatol ng Diyos ay napakapraktikal! Marami akong binasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos pagkatapos noon at marami akong nabasang misteryo at katotohanang inihayag sa mga ito, tulad ng natatagong kuwento ng tatlong yugto ng Kanyang gawain sa mga Kapanahunan ng Kautusan, Biyaya, at Kaharian at ano ang napagtagumpayan ng mga ito, paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, paano tayo nililigtas at dinadalisay ng Diyos sa Kanyang gawain ng paghatol, ano ang hantungan at kalalabasan ng bawat tao, paano natutupad sa lupa ang kaharian ng Diyos, at iba pa. Ito’y sadyang nakakamulat ng mata at kasiya-siya! Ngayon naranasan ko na ang sinabi ng Makapangyarihang Diyos na: “Ang diwa ng gawain ng paghatol ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya.” Anong praktikal na mga salita ang mga ito! Narinig ko ang tinig ng Diyos sa mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos at tumungo sa harap ng trono ng Diyos. Ito ay pagtataas sa akin ng Diyos at pagpapakita sa akin ng kabaitan. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang “Ninakaw” na Pagpapala

Ni A’Chao, China Ito ay noong Marso ng 2012. Hindi ko alam kung anong araw nagsimula, pero napansin kong araw-araw pagkatapos maghapunan,...