Isang Kakaibang Uri ng Kaligtasan

Pebrero 19, 2020

Ni Huang Lin, Tsina

Dati akong isang ordinaryong mananampalataya sa Karismatikong Kristiyanismo, at mula noong nagsimula akong manampalataya sa Panginoon ay hindi ako kailanman lumiban sa gawaing pagsamba. Ito lalo na ay dahil alam ko na tayo ay nasa mga huling araw at ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay halos natupad na; malapit nang bumalik ang Panginoon, kaya nga mas masigasig akong dumadalo sa mga gawaing pagsamba, sabik na umaasa sa Kanyang pagbabalik, kung hindi ay baka maiwala ko ang pagkakataong makatagpo ang Panginoon.

Isang araw ang aking nakababatang kapatid-na-babae ay dumating at masayang nagsabi sa akin, “Hoy, naparito ako ngayon upang sabihin sa iyo ang talagang pinakamagandang balita sa lahat—nakabalik na ang Panginoong Jesus! At higit pa, nakabalik Siya sa katawang-tao; ipinahahayag Niya ang katotohanan at ginagampanan ang Kanyang gawain sa mga huling araw upang hatulan at linisin ang tao, sa gayon ay tinutupad ang propesiya sa Biblia na “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Huwag kang mag-aksaya ng panahon—sumunod ka sa bagong gawain ng Diyos!” Nang marinig ko ang balita na nakabalik na ang Panginoon, ako ay kapwa nagulat at napuno ng pagdududa. Sinabi ko, “Sinasabi sa Aklat ng Pahayag, ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata(Pahayag 1:7). At madalas na sinasabi sa atin ng mga pastor at mga matanda na kapag bumalik ang Panginoon, darating Siya sa atin sa puting alapaap. Sinasabi mo na nakabalik na ang Panginoon at nakarating na Siya na nasa katawang-tao. Paano naging posible iyon?” Taimtim na sinabi ng aking kapatid na babae, “Sinasabi mo na babalik ang Panginoong Jesus na nasa mga alapaap, subali’t sigurado ka ba tungkol dito? Ipinopropesiya rin sa Biblia: ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15), at ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Mangangahas ka bang sabihin na hindi posibleng dumating ang Panginoon nang lihim? May isang hiwaga sa pagbabalik ng Panginoon, kaya dapat tayong maghanap nang may bukas na isipan! Kung kumakapit tayo sa ating sariling mga pagkaunawa at mga naguguniguni, paano natin sa gayon sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon?” Subali’t gaano man siya nagbigay ng pagbabahagi, nanatili akong hindi nakumbinsi, sa halip ay naniwala ako na ang Panginoon ay babalik sa puting alapaap at na hindi Siya posibleng dumating sa katawang-tao. Kalaunan ay ipinangaral niya ang ebanghelyo sa buong pamilya, at pagkatapos magbahagi nang ilang beses, ang aking asawa, nakababatang anak-na-lalaki at kanyang asawa (na hindi mananampalataya) ay tumanggap lahat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayunman ay nagpatuloy akong kumapit sa aking sariling mga pagkaunawa, tumatangging tanggapin ito.

Isang Kakaibang Uri ng Kaligtasan

Pagkatapos niyon, nagpatuloy akong dumalo sa mga gawain sa aking dating simbahan, samantalang ang aking asawa, bunsong anak-na-lalaki at kanyang asawa ay dumalong lahat sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa tuwing umuuwi ako galing sa gawain, matamlay ang pakiramdam ko at nadarama ko na lahat ay paulit-ulit lamang; ang aking puso ay hungkag at wala akong nakakamit. Sila, sa kabilang banda, ay palaging napakasaya kapag bumabalik sila mula sa kanilang pagtitipon, at madalas silang magkaroon ng pagsasalamuha at sama-samang tinutuklas ang mga bagay-bagay tulad ng kung anong tiwaling mga disposisyon ang kanilang inihahayag kapag may mga isyu silang nakakaharap, kung paano nila dapat hanapin ang kalooban ng Diyos, at kung paano nila dapat kilalanin at pagnilay-nilayan ang kanilang mga sarili. Tatalakayin din nila kung paano isagawa ang katotohanan at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, kung paano itakwil ang kanilang mga tiwaling disposisyon at mapadalisay, at iba pa. Kapag naririnig silang nagtatalakay sa mga bagay na ito ako ay nalilito, at naiisip ko: “Hindi pa gaanong katagalan silang nananampalataya; paano nangyaring nalalaman nila na kailangang hanapin ang kalooban ng Diyos kapag may mga isyu silang nakakaharap, na kaya nilang makasumpong ng daan ng pagsasagawa, at lahat ng bagay na sinasabi nila ay napakamakatwiran? Nananampalataya ako sa Panginoong Jesus sa buong mga taon na ito; ako ay nananalangin, dumadalo sa gawain at nagbabasa ng Biblia nang palagian, kaya bakit hindi ko kailanman kayang maunawaan ang kalooban ng Panginoon kapag may mga bagay-bagay na nangyayari sa akin? At hindi lamang ako—lahat ng aking mga kapatid-na-lalaki at mga kapatid-na-babae sa aking simbahan ay gayundin. Nagagapos kami ng lahat ng uri ng mga kasalanan at hindi namin napapalaya ang aming mga sarili; ang aming mga espiritu ay lanta, madilim at walang pag-asa, at pakiramdam namin ay parang paláyô kami nang paláyô sa Panginoon. Ano ba talagang nangyayari?” Ang mga paksang tinatalakay nila ay napakasariwa at bago, pinag-uusapan ang tungkol sa kung anong tiwaling mga disposisyon ang kanilang inihahayag, tungkol sa kung paano magnilay-nilay at paano kilalanin ang kanilang mga sarili, tungkol sa pagiging dinadalisay, at iba pa. Naniwala ako sa Panginoon sa loob ng maraming taon subali’t hindi ko kailanman narinig ang mga pastor o ang mga nakatatanda sa aking simbahan na nangangaral tungkol sa bagay na iyon, at hindi ko talaga maunawaan kung paano sila nakaunawa nang ganoong kalalim! Ako’y litung-lito.

Sa isang kisap-mata, dumating na ang panahon ng anihan; inani ng aking dalawang anak-na-lalaki ang kanilang mais at iniuwi ito. Sa mga nakaraang taon, palagi kong tinutulungan muna ang aking panganay na anak-na-lalaki na magtalop ng mais at pagkatapos ay tinutulungan ang aking bunsong anak-na-lalaki nguni’t ngayong taon ang aking bunsong anak-na-lalaki at ang kanyang pamilya na lamang ang gumawa nito. Inisip ko sa aking sarili: “Hindi ko pa natulungan ang pamilya ng aking bunsong anak-na-lalaki sa kanilang trabaho sa panahong ito, kaya tiyak na galit sa akin ang asawa niya. Sasabihin niya na nagpapakita ako ng pagtatangi.” Subali’t sa aking pagkagulat, hindi lamang na siya ay hindi nagalit, bagkus sinabi niya sa akin nang nagagalak, “Inay, ikaw at si Itay ay hindi bumabata. Huwag na kayong mag-alala tungkol sa pagtulong sa amin sa aming trabaho. Alagaan na lamang ninyo ang inyong kalusugan!” Gulat na gulat ako na marinig siyang sabihin ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakapagsalita siya ng isang bagay na lubhang nag-aalala sa amin. Hindi pa siya kailanman nakapagsabi ng tulad nito dati! At di-nagtagal ay nangyari muli ito—sinabi ko sa aking mga anak-na-lalaki at sa kanilang mga asawa, “Magsisimula nang pumasok ang inyong mga anak sa middle school, kaya bibilhan ko ng bisikleta ang bawa’t isa sa kanila.” Kaya bumili ako ng bisikleta para sa anak ng aking panganay na anak-na-lalaki, subali’t may nangyari at kailangan kong gastusin ang lahat ng salapi na natira sa akin; hindi ko na kayang bumili ng bisikleta para sa anak ng aking bunsong anak-na-lalaki. Ang ina ng aking manugang ang tuluyang bumili ng bisikleta para sa kanya. Nalungkot ako at naisip ko: “Sasama ang loob ng manugang ko sa akin at sasabihin niya na hindi ko tinutupad kung ano ang sinabi ko.” Subali’t sa aking pagkagulat, hindi lamang sa hindi masama ang loob niya bagkus pinagaan niya ang loob ko sa pamamagitan ng pagsasabing, “Inay, hindi mo na kailangang humingi ng paumanhin sa hindi pagbili ng bisikleta para sa aking anak. Itago ninyo ni Itay ang inyong salapi simula ngayon at gastusin ito para sa inyong mga sarili. Huwag kayong mag-alala sa amin!” Talagang ginulat ako ng dalawang pangyayaring ito. Mula noong ang aking manugang ay nagsimulang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, hindi na siya nakikipagbangayan sa akin sa mga bagay-bagay, bagkus ay nagpapakita ng malasakit at konsiderasyon sa amin—nagbago na talaga siya. At ang aking asawa ay dating umiinit ang ulo sa akin nang walang dahilan—ang pinakamaliit na bagay ay makapagpapagalit sa kanya. Subali’t ngayon palagi siyang nakangiti kapag kinakausap niya ako, at minsan pa nga kapag galit ako sa kanya, matiyaga niya itong titiisin at mahinahong sasabihin sa akin, “Nananampalataya tayo sa parehong Diyos. Ang ating makálámáng ugnayan ay yaong sa mag-asawa, subali’t sa espirituwal na pananalita tayo ay magkapatid. Dapat nating ibigin ang isa’t isa, maging maunawain at mapagpatawad sa isa’t isa, at mamuhay ayon sa salita ng Diyos. Hindi ba gayundin ang naiisip mo? Dati ay umiinit ang aking ulo at talagang madaling magalit, at ito ang resulta ng aking mala-satanas na tiwaling disposisyon. Ako ay napakayabang at palalo at kulang ng wastong pagkatao. Ngayon, marami na akong nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nauunawaan ko na na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang iligtas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang mga salita. Sa paghahanap na makamit ang pagliligtas ng Diyos, kailangan ng mga taong isagawa ang mga salita ng Diyos sa tunay na buhay at pangasiwaan ang bawa’t bagay nang naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kailangan kong talikdan ang aking laman, magsagawa nang naaayon sa mga salita ng Diyos, at isabuhay ang wastong pagkatao.” Habang nakatingin sa aking asawa, aking anak-na-lalaki at kanyang asawa, binulay-bulay ko sa aking puso: “Tinanggap lamang nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa nakalipas na dalawang maiikling taon, paano kaya sila nagbago nang ganoong kalaki? Hindi ko mapigilang makumbinsi nito. Nananampalataya ako sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon ngayon at nagbabasa ng Biblia at nananalangin kada araw, bakit kaya hindi pa ako nagbabago hanggang ngayon? Kapag may nangyayari sa akin, bakit palagi akong nalulubog sa kasalanan na hindi ko kayang hanguin ang aking sarili mula rito? Tanging ang Diyos ang may kapangyarihang baguhin ang mga tao. Maaari kaya na ang Makapangyarihang Diyos na kanilang pinananampalatayanan ay ang Panginoong Jesus na nagbalik? Kung talagang totoo ito at patuloy kong tinatanggihang tanggapin ito, hindi ba ako pababayaan ng Panginoon? Hindi ba ako magiging isang hangal na magkaroon ng gayong dakilang kaligtasan na nakalatag sa harapan ko subali’t nabigong makamit ito?” Habang iniisip ito, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunting kabalisahan. Nais kong tuklasin at imbestigahan ito, subali’t nahihiya akong makipag-usap sa aking pamilya tungkol dito.

Isang araw nang ang aking asawa ay lumabas, palihim kong kinuha ang aklat na palagi niyang binabasa. Nang sandaling tiningnan ko ang pabalat, ang anim na malalaking salitang “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao” na nakasulat sa kumikinang na ginto ang bumungad sa akin, at naisip ko: “Ano bang mga hiwaga ang nakapaloob mismo sa aklat na ito? Nababago nito ang mga tao nang napakalaki—kailangan kong basahin ito nang mabuti.” Dahan-dahan, binuksan ko ang aklat at nakita ang mga salitang ito na nakasulat doon: “Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, na sinusundan ang gawain ni Jesus. Siyempre pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayaring mag-isa; ito ang pangatlong yugto ng gawain pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Tuwing nagpapasimula ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, kailangan ay palaging may isang bagong simula at kailangang maghatid ito ng isang bagong kapanahunan. Mayroon ding mga kaukulang pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa paraan ng Kanyang paggawa, sa lokasyon ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit paano man Siya nilalabanan ng tao, laging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at laging inaakay ang buong sangkatauhan pasulong. Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Pagkatapos basahin ito, ako ay nagbulay-bulay: Kung ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay tumapos sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, maaari kaya na ang Diyos ay hindi na gumagawa sa mga iglesia mula sa Kapanahunan ng Biyaya? Nakapasok na ba tayo sa Kapanahunan ng Kaharian? Sinasabi rito: “Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos.” Yamang tinanggap ng aking asawa, aking anak-na-lalaki at kanyang asawa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, tunay na malaki ang kanilang ipinagbago. Posible ba na ang Makapangyarihang Diyos na kanilang sinasampalatayanan sa katotohanan ay ang nagbalik na Panginoong Jesus? Talaga bang sumusunod sila sa mga yapak ng Diyos at tinatanggap ang personal na paggabay ng Diyos? Kung hindi, paano kaya nila nauunawaan ang napakaraming katotohanan at paano kaya sila nagbago nang napakalaki? Tiyak na resulta ito ng gawain ng Banal na Espiritu—hindi ito isang bagay na makakamit nila sa kanilang sarili, nang wala ang gawain ng Banal na Espiritu. Nang maisip ko ito bigla kong nakita na papauwi na ang aking asawa. Dali-dali kong ibinalik ang aklat kung saan ito nakalagay, at naisip ko: Hindi niya dapat malaman na binabasa ko ang kanyang aklat, kung hindi ay pagtatawanan niya ako.

Kinabukasan nang lumabas ang aking asawa upang dumalo sa isang pagtitipon, at muli kong kinuha ang aklat na iyon at nagsimulang magbasa. Nabasa ko ang siping ito: “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Talagang pinagbulayan ko ang siping ito. Tinubos ng Panginoong Jesus ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus, subali’t hindi niya inalis ang mga tiwaling disposisyon ng tao. Ang makasalanang kalikasan ay nananatili sa kalooban ng tao—talagang totoo ito. Sa atin na nananampalataya sa Panginoon, madalas tayong mabigong panindigan ang mga turo ng Panginoon; at nagsisinungaling at nandaraya tayo, at araw-araw ay nagkakasala tayo at pagkatapos ay nangungumpisal, palaging lugmok sa kasalanan at walang kakayahang palayain ang ating mga sarili mula sa mga gapos ng kasalanan. Ito ay isang hindi maitatangging katunayan. Kapagdaka itong mga salita ng Diyos sa Biblia ay nagpaalala: “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal(Levitico 11:45). Hinihingi ng Diyos na makamit natin ang kabanalan, at gayunman madalas tayong nagkakasala at hindi napapaluguran ang Panginoon—paano naging banal iyon? Ang Diyos ay banal, at ang Kanyang kaharian ay hindi narurumihan. Kaya paanong tayo, na madalas magkasala, ay makapapasok sa kaharian ng kalangitan? Ang kaisipang ito ay nag-iwan sa akin ng kaunting pagkabigo, at binasa kong muli ang siping ito: “Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon.” Ang gawain kaya ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay mas dakilang gawaing ginagampanan ng nagbalik na Panginoong Jesus? Sa pamamagitan lamang ba ng pagtanggap at pagdaranas sa paghatol ng Makapangyarihang Diyos nakakaya nating alisin sa ating mga sarili ang kasalanan, at mapadalisay at matransporma? Posible ba na ang mga pagbabagong naganap sa aking asawa at aking manugang ay nanggaling sa kanilang mga karanasan sa gawain ng pagkastigo at paghatol ng Makapangyarihang Diyos? Ang aking asawa, aking anak-na-lalaki at kanyang asawa ay nanampalataya sa Diyos sa loob ng gayong kaikling panahon at gayunman ay naunawaan ang ilang katotohanan, saka kaya nilang isalita ang kanilang pagkaunawa sa sarili nilang tiwaling mga disposisyon, hanapin ang kalooban ng Diyos kapag may mga bagay-bagay na nangyayari sa kanila, at nakakasumpong ng daan ng pagsasagawa. Samantalang ako, sa kabilang banda, ay nanampalataya sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at gayunman kung may magtanong sa akin kung ano mismo ang pananampalataya sa Diyos o ano mismo ang kalooban ng Diyos, sa totoo lang, ako ay hindi makapagsasalita, lalo nang hindi ko makakayang magsalita tungkol sa anumang mga pagbabago sa aking disposisyon. Kapag naiisip ko ang aking sarili kumpara sa kanila, talagang nahiya ako! Sa tingin ko kailangan kong imbestigahan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nang seryoso.

Simula noon, araw-araw ay palihim kong binabasa ang aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao nang lingid sa kaalaman ng aking asawa, at habang lalo kong binabasa ito, lalong maliwanag ang nadarama ko sa puso ko at lalo kong naiibigang basahin ito. Kung minsan ay hindi ko pa nga nais dumalo sa gawaing pagsamba sa aking simbahan, kundi nanatili sa bahay na nagbabasa ng aklat na ito. Minsan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos: “Tiyak na tatanglawan at liliwanagan Ko ang lahat ng nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran at naghahanap nang taos-puso. Ipapamalas Ko sa inyong lahat ang mga hiwaga ng espirituwal na mundo at ang landas na pasulong, ipawawaksi Ko sa inyo ang inyong mga dating tiwaling disposisyon sa lalong madaling panahon, upang makamit ninyo ang kahustuhan ng buhay at maging karapat-dapat na magamit Ko, at upang sa madaling panahon ay makapagpatuloy ang gawain ng ebanghelyo nang walang sagabal. Saka lamang masisiyahan ang Aking kalooban, saka lamang matutupad ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos sa pinakamaikling panahon. Makakamit ng Diyos ang kaharian at bababa sa lupa, at sama-sama tayong papasok sa kaluwalhatian!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 8). Sa gayon ay hindi ko mapigilang isipin ang mga salitang ito mula sa Panginoong Jesus: “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin(Mateo 5:6). Lalo akong nagbabasa, lalo kong nadarama na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang mga salita ng Panginoong Jesus ay may iisang pinagmumulan. Ang mga salita mula sa Kanilang dalawa ay may angking awtoridad at kapangyarihan, kaya sa tingin ko ay malámáng na ang Makapangyarihang Diyos ay tunay na ang nagbalik na Panginoong Jesus! Pagkaisip nito, natigilan ako: alam ko na kung totoo ito, kailangan kong magmadaling tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sapagka’t kung palagi akong tumatangging tanggapin ito, talagang maiiwanan ako ng gawain ng Diyos! Subali’t paano ko masasabi sa aking pamilya? Medyo maraming beses na nilang naibahagi ang ebanghelyo sa akin noong nakaraan, subali’t palagi kong tinatanggihan ito. Kung sasabihin ko ngayon na handa akong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ano ang iisipin nila sa akin? Habang ako ay nag-aatubili sa pagdedesisyon, nagbukas ng daan ang Diyos para sa akin.

Isang Kakaibang Uri ng Kaligtasan

Isang araw, ang aking manugang at ang isa pang kapatid-na-babae ay dumating upang ibahaging muli ang ebanghelyo sa akin. Alam ko naman na ito ay isang pagkakataong ibinigay ng Diyos, kaya tapat kong sinabi sa kanila: “Ang totoo, marami na akong nababasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos nang lihim at nararamdaman kong ang mga salitang ito ay nanggaling sa Diyos. Walang sinumang tao ang makabibigkas ng mga salitang nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan.” Namangha ang aking manugang na marinig akong sinasabi ito, at tumingin siya sa isa pang kapatid-na-babae at humalakhak nang may kagalakan. Nagpatuloy ako: “Subali’t may isang bagay na medyo hindi ko pa rin maunawaan. Nagpropesiya ang Panginoong Jesus ‘At kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Lucas 21:27). Tayong mga mananampalataya ay nasasabik lahat sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, na Siya ay bumaba sa gitna natin sa puting alapaap. Subali’t sinasabi mo na nakabalik na ang Panginoon, na ang Makapangyarihang Diyos na iyon ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Kung gayon ay bakit hindi pa natin nakikita ang Panginoon na dumarating sa puting alapaap? Pakiusap ibahagi mo ito sa akin.”

Masigasig na tumugon ang kapatid-na-babae, “Salamat sa Diyos! Gaya ng nalalaman nating lahat, napakaraming bersikulo sa Biblia na nagpopropesiya sa pagbabalik ng Panginoon. Subali’t kung titingnan nating mabuti, makikita natin na ang pagbabalik ng Panginoon ay naipropesiya sa dalawang magkaibang paraan: Ang isa ay yaong darating ang Panginoon nang hayagan sa alapaap at makikita Siya ng lahat, tulad ng nasa Lucas 21:27 na nagsasabi ‘At kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.’ Ang isa pa ay na darating ang Panginoon nang lihim, tulad ng isang magnanakaw, at walang sinuman ang makakaalam, gaya ng nasa Mateo 24:36: ‘Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.’ Makikita natin na ang pagdating ng Panginoon ay mangyayari sa dalawang yugto: Una, darating Siya nang lihim, at pagkatapos Niyang gampanan ang isang yugto ng Kanyang gawain, sa gayon ang Kanyang pagdating ay ipapaalam. Ang sinasabi mo ay ang propesiya ng pagdating ng Panginoon nang hayagan, samantalang tayo ay kasalukuyang nasa yugto ng propesiya ng Kanyang lihim na pagdating na natutupad. Ito ang yugto kung saan nagkakatawang-tao ang Diyos upang gampanan ang Kanyang gawain at iligtas ang sangkatauhan. Sa sandaling matapos ang Diyos sa paggawa sa katawang-tao, darating naman Siya nang hayagan upang makita Siya ng lahat….”

Pagkarinig ng pagbabahaging ito ay naliwanagan ang puso ko, at naisip ko: “Lumalabas na ipinropesiya sa Biblia na darating ang Panginoon sa dalawang magkaibang paraan. Una, darating Siya nang lihim, at pagkatapos ay darating Siya nang hayagan—ito ay tunay na isang hiwaga! Nababasa ko ang Biblia sa loob ng mga taon na ito, paanong hindi ko kailanman natuklasan ito? Subali’t ngayon na iniisip ko ang tungkol dito, sigurado ako na ganito ang nangyayari!”

Sinabi sa akin ng aking manugang, “Inay, ang panahon na ginagampanan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao upang hatulan at padalisayin ang tao gamit ang mga salita ay ang yugto kung kailan dumarating ang Diyos nang lihim, at ito ay kung kailan inilalantad ng Diyos ang mga tao at pinaghihiwa-hiwalay tayo ayon sa ating uri. Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang lalong maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan.” Pagkatapos ay binasa niya: “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

Nagpatuloy ang kapatid-na-babae sa kanyang pagbabahagi. “Mula sa mga salita ng Diyos, nakikita natin na habang ginagampanan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain nang lihim, ginagawa lamang Niya ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga tao gamit ang mga salita. Ibig sabihin, ipinahahayag Niya ang lahat ng katotohanan upang ibigay sa atin kung ano ang kailangan natin sa buhay, at lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, yaong dumaraan sa pagkastigo at paghatol ng mga salita ng Diyos, yaong nakakaunawa sa katotohanan at nakikilala ang Diyos, at yaong ang mga disposisyon sa buhay ay nababago, ay ang mga mananagumpay na gagawin ng Diyos bago ang mga sakúnâ. Sa sandaling ang mga mananagumpay na ito ay nagawa, ang dakilang gawain ng Diyos ay matagumpay na makukumpleto, at ang gawaing ginagampanan Niya nang lihim ay matatapos na rin. Pagkatapos niyon na darating ang Diyos sa mga alapaap at magpapakita nang hayagan sa lahat ng mga bansa at mga bayan. Bulag na kumakapit ang ilang mga tao sa kanilang sariling mga pagkaunawa, naghihintay lamang sa Panginoong Jesus na dumating sa mga alapaap, gayunman tumatanggi silang tanggapin ang anuman sa mga katotohanan na ipinahayag ng Diyos habang ginagampanan ang Kanyang gawain nang lihim. Ang mga ito ang lahat ng mga taong lumalaban sa Diyos at sumusuway sa Kanya, at kung hindi nila kayang bumalik sa Diyos at tanggapin ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw, sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa gitna ng matitinding sakúnâ. Nakapropesiya ito sa Pahayag 1:7, ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya. Gayon din, Siya nawa.’ Pag-isipan mo ang tungkol dito: Kapag dumating ang Panginoon sa mga alapaap, makikita Siya ng lahat, at ano pa ang magagawa nila kundi ang salubungin ang Kanyang pagdating nang may malaking kagalakan? Kung gayon bakit tatangis ang lahat ng bayan? Ito ay dahil sa, kapag dumating ang Diyos nang hayagan, makikita nila na ang Makapangyarihang Diyos na kanilang nasuway ay tunay na ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya paanong hindi nila dadagukan ang kanilang mga dibdib, tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin?”

Tango ako nang tango habang nakikinig sa pagbabahagi ng kapatid-na-babae, at sinabi ko, “Ah, hindi ko kailanman naunawaan ang bersikulong ito dati. Tinanong ko ang pastor sa aking simbahan, subali’t hindi niya ito ipinaliwanag nang malinaw. Lumalabas na ang bersikulong ito ay tumutukoy sa lahat ng mga yaong tumatanggi na tanggapin ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa lahat ng mga yaong sumusuway sa Kanya.” Sa sandaling iyon, hindi ko mapigilang isipin kung paanong sa bawa’t pagkakataon ay naibahagi sa akin ng aking pamilya ang ebanghelyo, subali’t tumutol ako at tumangging tanggapin ito—nakadama ako ng labis na pagkabalisa. Puno ng pagsisisi, sinabi ko sa kapatid-na-babae, “Kung hindi ko nabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kung hindi binuksan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang pinto sa aking puso at pinahintulutan akong magkaroon ng isang pusong naghahanap, natatakot ako na hindi pa rin ako makikinig sa iyong mga pagbabahagi, kundi mananatili pa rin sa paghihintay sa Panginoong Jesus na dumating sa puting alapaap at magpakita nang hayagan sa mga tao. Talagang napaka-ignorante ko at hangal! Ngayon ko lamang nauunawaan na ang yugto ng lihim na gawain ng Diyos ay tunay na isang kamangha-manghang pagkakataon para sa atin na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at iwaksi ang ating mga tiwaling disposisyon upang makamit ang ganap na kaligtasan! Kapag dumating ang Diyos sa alapaap at magpakita nang hayagan sa tao, ang Kanyang gawaing pagliligtas ay matatapos na, at magsisimula Siyang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. At kapag nangyari iyon, kahit na ako ay lubusang nabigo nang may pagsisisi, ito ay magiging huli na. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa hindi pagpapabaya sa akin at sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong ito sa kaligtasan. Ninanais kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw!”

Isang Kakaibang Uri ng Kaligtasan

Hindi nagtagal ay nagkusa ako at humiling na makasama sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at tulad ng aking asawa, anak-na-lalaki at manugang, binabasa ko ang mga salita ng Diyos at nagbabahagi ng katotohanan araw-araw, at nararanasan ko ang paghatol, pagkastigo, pagdadalisay at pagliligtas ng mga salita ng Diyos. Sa malaking pamilya ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, namumuhay ako ng isang totoong buhay ng iglesia, at ang aking espiritu ay puspos ng kapayapaan at kagalakan. Tunay kong nadarama kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa akin; sadya lamang na ako ay napakamanhid at pinaghintay ko ang Diyos nang napakatagal. Pinasasalamatan ko ang Diyos sa mabusising pagsasaayos ng lahat ng iba’t ibang uri ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay-bagay upang akayin at gabayan ako sa paisa-isang hakbang pabalik sa pamilya ng Diyos—pinasasalamatan ko ang Diyos sa pagdadala sa akin sa kakaibang uri ng kaligtasan!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Narinig Ko Na ang Tinig ng Diyos

Ni Mathieu, France Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw mahigit dalawang taon na ang nakakalipas. Sa totoo...