Natagpuan Ko ang Landas Para Malinis sa Kasalanan

Agosto 3, 2022

Ni Weixiao, South Korea

Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(“Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Nilinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang matatagal nang pagkalito para sa akin. Sa pananampalataya ko, madalas ako noong nagdarasal sa Panginoon at nagtatapat pero hindi ko pa rin maiwasang magsinungaling at magkasala uli kalaunan. Kapag may bagay na hindi umayon sa gusto ko, umiinit ang ulo ko, at hindi ko masunod ang mga turo ng Panginoon o mapalaya ang sarili ko mula sa kasalanan. Masakit talaga ito sa akin. Tinanong ko ang maraming pastor tungkol dito pero hindi ako kailanman nakahanap ng solusyon. Naisip ko, “Banal ang Diyos, kaya paano makakapasok sa kaharian Niya ang isang taong tulad ko na namumuhay sa kasalanan?” Nang mabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natagpuan ko sa wakas ang daan para mapalaya mula sa kasalanan at malinis sa katiwalian.

Bilang bagong mananampalataya, kasali ako sa isang simbahang Presbyterian sa South Korea. Palaging sinasabi ng pastor namin, “Makasalanan tayo, puno tayo ng kasalanan. Pero huwag kayong matakot—ipinako sa krus ang Panginoong Jesus para maging handog para sa kasalanan natin. Hangga’t nagdarasal tayo at nagtatapat sa Panginoon, patatawarin Niya tayo, at pagbalik Niya, dadalhin Niya tayo sa langit.” Nagpapasalamat ako nang husto sa Panginoon at naramdaman ko kung gaano katindi ang pagmamahal Niya para sa atin. Sa tuwing nagsisinungaling ako o nagkakasala, nagdarasal ako, nagtatapat, at nagsisisi at nakararamdam ako ng kapayapaan at kasiyahan. Hindi ako makapaghintay na pumarito ang Panginoon at dalhin Niya ako sa kaharian Niya. Pero sa paglipas ng panahon natuklasan ko na naging karaniwang gawain na para sa akin ang pagkakasala at pagtatapat. Partikular na matigas ang ulo ko at mabilis na umiinit ang ulo. Kung may sinabi o ginawang anuman ang asawa ko na hindi ko nagustuhan, pinupuna ko siya at nakikipagtalo ako sa kanya, pero kalaunan pagsisisihan ko ang kawalan ko ng pasensiya. Lalo na kapag nababasa ko ang mga salita ng Panginoong Jesus na “Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili(Mateo 22:39). Talagang ang sama ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko wala akong kakayahang maging pasensiyosa sa pamilya ko, lalong hindi ang mahalin ang iba gaya ng sarili ko. Maraming beses akong nagpunta sa pastor at tagahikayat na may pagkadismayang ito, naghahanap ng landas para matakasan ang kasalanan, pero sinabihan lang nila akong mas magdasal at magtapat pa. Nanatili ang pagkalito ko at napaisip ako kung matutugunan ko ba ang kalooban ng Panginoon o makakapasok sa langit kahit na ginagawa ko ang paulit-ulit na mga kasalanan matapos magdasal at magtapat. Imposible. Sinasabi sa Biblia, “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan” (Mga Hebreo 10:26). Natakot ako niyon at nawala ang kapanatagan ko pero hindi ko alam kung ano pang gagawin ko. Lalo lang akong nagdasal at hiningi sa Panginoon na bigyan ako ng lakas para hindi magkasala. Susubukan kong kontrolin ang sarili ko sa sandaling iyon, pero nasa mga kamay pa rin ako ng kasalanan. Sa paglipas ng panahon iniwan ako nitong pagod at malungkot. Bumabangon ako sa kama sa anumang oras ng araw o gabi at umiiyak na nagdarasal sa Panginoon, hinihingi sa Kanya na tulungan akong makita ang landas para makatakas sa kasalanan.

Kalaunan inimbitahan ako ng isang kaibigan na sumali sa kanyang simbahan. Pagkatapos magpunta roon nang sandaling panahon, napagtanto ko na halos pare-pareho ang mga sermon ng pastor at walang taglay na liwanag at hindi niya tinalakay ang tungkol sa pagtakas sa kasalanan. Talagang dismayado ako, lalo na nang makita ko na ang isang elder na naglingkod na sa simbahan nang apatnapung taon, na mukhang madasalin at respetadong-respetado, ay nagpupunta sa magagarang lugar para mangaral, sakim sa mga kasiyahan ng laman. Talagang dagok sa akin nang makita ko na hindi talaga siya nagbago sa buhay niya. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal(Levitico 11:45). Hindi karapat-dapat na tumingin sa Diyos ang mga nabubuhay sa kasalanan, kaya makakapasok ba sila sa Kanyang kaharian? Hindi nagbago ang elder na iyon sa loob ng apatnapung taong pananampalataya kaya parang mas mahirap para sa akin na magbago. Inaaliw kami ng pastor at mga elder, sinasabing, “Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus at tinubos tayo sa ating mga kasalanan, kaya hindi tayo dapat mag-alala tungkol sa pagkakasala.” Pero ang totoo, palagi tayong nagkakasala at puno ng dumi matapos ang maraming taon ng pananampalataya. Banal ang Diyos, kaya paano makakatingin sa mukha ng Panginoon ang mga taong makasalanan na tulad natin? Napakasakit ng mga saloobing ito at naiwan akong hindi alam ang gagawin. Inisip ko kung paano ko palalayain ang sarili ko sa kasalanan. Naisip ko ang mabuti kong kaibigan na si Sister Zhixiu. Madasalin at maalalahanin siyang mananampalataya. Naisip kong kakausapin ko siya. Pero naalala ko na nananampalataya na siya sa Makapangyarihang Diyos sa loob ng maraming taon at iginiit ng pastor namin na dapat kaming lumayo sa mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos. Nag-alangan ako sa puntong iyon, pero pagkatapos naisip ko kung paanong nakakulong ako sa kasalanan at na walang anumang kasagutan ang pastor. Naging isang mabuting kaibigan din siya nang maraming taon at may mabuting kakayahan, kaya naisip ko na baka mayroon siyang ilang suhestiyon. Nagdesisyon akong makipagkita sa kanya.

Nang magkita kami, nakita ko roon ang ilang hindi pamilyar na mukha. Lahat sila ay mukhang marangal at matuwid at talagang palakaibigan sila. Nataya kong mula sila sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya nagsimula akong itaas ang depensa ko. Nang simulan nilang talakayin ang pananampalataya, hindi ko talaga iniintindi ang sinabi nila at ayokong masyadong magsalita. Pagkatapos sinabi ng isang sister sa pagbabahagi, “Akala ng maraming mananampalataya na inako ng Panginoong Jesus ang ating kasalanan sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus, na hindi na nakikita ng Diyos ang ating kasalanan, kaya hindi na tayo makasalanan at dadalhin tayo ng Panginoon sa Kanyang kaharian pagparito Niya. Pero tama ba iyon? Kahit na pinatawad na ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus, hindi na tayo nagkakasala nang kasinghalata at mukha tayong umaasal nang maayos, ibig bang sabihin niyon ay lubusan na tayong nalinis sa ating kasalanan? Palagi tayong nagsisinungaling at nagkakasala, mainggitin tayo at kamuhi-muhi. Puno tayo ng kayabangan at panlilinlang, at palagi nating minamaliit ang iba. Sumusunod tayo sa mga sekular na kalakaran, sakim tayo at hambog, hinahatulan at sinisisi natin ang Panginoon kapag nangyayari ang isang bagay na hindi natin gusto. Ipinapakita nito na hindi pa tayo nakatakas ni bahagya sa mga gapos at kadena ng kasalanan, at ito ang kalagayan na pinaninirahan ng lahat ng mananampalataya. Katulad ng sinabi ni Pablo sa Roma 7: ‘Sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala. Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa’ (Roma 7:18-19). Pinatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ni apostol Pablo pero ang pinakamalaking pagkadismaya niya ay na nakatali pa rin siya sa kasalanan at hindi iyon matakasan. Hindi niya talaga maiwasang magkasala sa lahat ng oras, iyon ang dahilan kaya walang laban siyang sumigaw, ‘Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?’ (Roma 7:24). Hindi ba’t magkatulad tayo ng pagkadismaya ni Pablo?” Pumukaw sa puso ko ang mga salita niya. Tunay na iyon ang pinakamalaking pagkadismaya ko. Hindi ko napigilan ang tanong na ito: “Totoo ang kasasabi mo lang. Talagang patuloy akong nagkakasala at nagtatapat, namumuhay sa kasalanan, at masakit ito para sa akin. Pero ang hindi ko maunawaan ay, tinubos na tayo ng Panginoong Jesus at pinatawad ang ating mga kasalanan kaya bakit patuloy tayong nagkakasala? Bakit hindi tayo makatakas sa pagiging makasalanan? Kung ganito, dadalhin ba tayo sa kaharian Niya kapag pumarito ang Panginoon?”

Binasa niya ang ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos bilang sagot. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaari lamang na ituring na hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag nito. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa katawang tao, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, inihahayag nang walang katapusan ang kanyang satanikong disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay walang hanggan ang bisa sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Pagkatapos ay nagbahagi ang sister, “Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus bilang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan, kaya hangga’t tinatanggap natin Siya bilang Tagapagligtas natin at nagtatapat at nagsisisi tayo, ang ating mga kasalanan ay napatawad at hindi tayo kokondenahin o papatayin sa ilalim ng batas. Maaari tayong direktang magdasal sa Panginoon at tamasahin ang Kanyang biyaya. Ito ang tunay na kahulugan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Gayunpaman, pinatawad lang Niya ang mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng pagtubos. Hindi Niya tayo pinawalang-sala sa ating mga satanikong disposisyon o makasalanang kalikasan. Bagama’t napatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya, nasa loob pa rin natin ang ating makasalanang kalikasan at mga satanikong disposisyon. Kasama rito ang kayabangan, panlilinlang, kasamaan, katigasan, at panghahamak sa katotohanan. Mas mahirap pang alisin kaysa sa kasalanan ang mga bagay na ito at ang mga ito ang ugat ng ating pagkakasala at paglaban sa Diyos. Kung hindi natin lulutasin ang ating makasalanang kalikasan, magkakasala lang tayo, magtatapat, at magkakasala uli, hindi kailanman malaya sa mga kadena ng kasalanan at ganap na hindi karapat-dapat sa kaharian ng Diyos. Sabi ng Diyos, ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal(Levitico 11:45). Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man(Juan 8:34–35). Banal ang Panginoon, kaya walang taong hindi banal ang maaaring tumingin sa Kanya. Paanong ang mga taong tulad natin na malimit na nagkakasala at lumalaban sa Panginoon ay magiging karapat-dapat na makita ang Kanyang mukha o makapasok sa Kanyang kaharian? Kaya kung gayon, paano malulutas ang problema ng ating makasalanang kalikasan? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). At sinabi sa 1 Pedro 4:17: ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.’ Sa mga huling araw, muling naging tao ang Diyos at nagpapahayag ng mga katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Ito ay pangunahing para malutas ang makasalanang kalikasan ng sangkatauhan, ganap tayong mapalaya sa kasalanan at linisin sa atin ang ating katiwalian para lubos tayong maligtas ng Diyos at makapasok sa Kanyang kaharian. Ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya ay tinulutan tayong mapatawad sa ating mga kasalanan, pero hindi nito lubos na maalis sa atin ang kasalanan o malinis tayo. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sentro at ang pokus ng Kanyang gawain ng paglilinis at pagliligtas. Ito ang pinakamahalagang yugto ng Kanyang gawain para iligtas ang sangkatauhan. Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay kayang ibigay sa atin ang lahat ng katotohanang kailangan natin para tunay nating makilala ang Diyos, mabago ang ating mga disposisyon sa buhay, at maging mga taong sumusunod at sumasamba sa Diyos, na natutugunan ang Kanyang kalooban. Ito ang kukumpleto sa plano ng pamamahala ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan.”

Talagang nabuksan ang aking mga mata ng pagbabahagi niya. Napagtanto kong hindi ko maiwasang patuloy na magkasala at magtapat dahil hindi pa nalulutas ang makasalanang kalikasan ko. Hindi ko pa nararanasan ang pinakamahalagang yugto ng gawain ng Diyos sa aking pananampalataya. Nasasabik akong malaman kung paano mismo ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw para linisin ang mga tao. Palaging kinokondena ng pastor ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos kaya nag-ingat ako. Gayunman, sa muling pagsasaalang-alang nito, sa lahat ng taong iyon, sinabi niyang wala na tayong kasalanan pero nakakulong ako sa sakit ng pagiging makasalanan. Totoong-totoo ang lahat ng karanasan ko nito! Alam ko na hindi na ako maaaring pikit-matang makinig sa pastor pero kailangan kong basahin nang maigi ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ang mga pagbigkas Niya ay talagang ang tinig ng Diyos. Nakakalungkot nga lang, gumagabi na kaya hindi na namin naituloy ang pagbabahagi namin.

Nang imbitahan ako ng sister na ito kalaunan para bisitahin ang Iglesia, hindi ko siya tinanggihan, at tinanggap ko ang isang libro ng mga salita ng Diyos na ibinigay niya sa akin. Kaya nagsimula akong maghanap at magsiyasat sa ganitong paraan, at nagbasa ako ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos. Nakita ko na naglalantad Siya ng napakaraming misteryo, tulad ng mga misteryo ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos, mga pangalan Niya, ang kuwento sa loob ng Biblia, at marami pa. Bagong-bago ang lahat, at ang lahat ng ito ay mga katotohanan at misteryong hindi ko pa narinig dati. Naisip ko, “Naibunyag ng Makapangyarihang Diyos ang mga misteryong panlangit na ito at naipapahayag Niya ang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Walang taong maaaring gawin iyon. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay malamang na malamang na ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, ang tinig ng Diyos. Kailangan ko talagang tingnan ito.”

Sinabi ko rin sa mga brother at sister na ito ang tungkol sa sarili kong problema ng pagsisinungaling at pagkakasala, pag-init ng ulo ko sa iba, kawalan ng pasensiya, at hindi pagsunod sa mga turo ng Panginoon. Sinabi ko sa kanila na nakasakit sa akin ang aking buhay sa kasalanan. Tinanong ko ang isang sister, “Paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para linisin ang mga tao? Sa mga taon ng aking pananampalataya palagi kong naiisip na masarap mabuhay na malaya sa kasalanan, kung gayon hindi mapupuno ang buhay ng pagdurusa.”

Binigyan niya ako ng ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). “Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Matapos basahin ito, nagpatuloy ang sister sa kanyang pagbabahagi: “Sa gawain ng paghatol sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan, inilalantad Niya ang mga misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, ibinubunyag Niya ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, ang kuwento sa loob ng bawat yugto ng gawain, at kung ano ang nakakamit ng bawat yugto. Ipinapakita Niya sa atin ang landas tungo sa pagbabago ng disposisyon at pagpapadalisay sa ating pananampalataya. Ibinubunyag din ng Makapangyarihang Diyos ang kalikasan at diwa ng katiwalian ng sangkatauhan ni Satanas, at ang ugat ng ating pagiging makasalanan. Tinutulutan tayo nito na magnilay-nilay sa ating sarili at malaman ang ating satanikong kalikasan at mga disposisyon na naghihimagsik at sumasalungat sa Diyos, tingnan kung gaano tayo labis na nagawang tiwali ni Satanas at na lubos tayong walang wangis ng tao. Pagkatapos ay nagsisimula tayong mamuhi sa ating sarili at ayaw na nating mamuhay sa ating katiwalian. Nakikita rin natin kung gaanong matuwid, banal, at hindi nalalabag ang disposisyon ng Diyos at hindi natin maiwasang magkaroon ng paggalang sa Kanya. Hindi na tayo di-makatwiran, at hindi na tayo nagsasalita o gumagawa nang ayon sa gusto natin. Sa halip, nagsisimula tayong talikdan ang laman at isagawa ang katotohanan. Unti-unti nating inaalis ang mga gapos ng ating mga satanikong disposisyon at nalulutas nito ang problema ng ating pagiging makasalanan at pagsalungat sa Diyos mula sa ugat nito. Isa itong bagay na hindi maaaring makamit kailanman ng mga nananampalataya sa Panginoon pero hindi tinatanggap ang paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw.”

Nagbahagi rin ang mga brother at sister ng kanilang mga pagpapatotoo ng pagsailalim sa paghatol sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sinabi sa amin ng isang sister na noong nagsimula siya bilang isang lider ng iglesia, inalagaan lang niya ang reputasyon at katayuan niya. Gustong-gusto niyang umaaktong panginoon sa iba at pinapakinggan, at kapag mayroong iba ang opinyon palagi niyang pinapatanggap sa kanila ang sarili niyang pananaw. Palagi siyang nagpapasikat, nangangaral ng doktrina. Pero sa pamamagitan ng pagiging nahatulan at nailantad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtanto niya na nagpapasikat lang siya sa kanyang tungkulin at hinihimok ang mga taong idolohin siya. Panlilinlang ito at pambibitag. Sa katunayan, nakikipagpaligsahan siya sa Diyos para sa katayuan, tulad ng arkanghel. Sinasalungat niya ang Diyos. Napuno siya ng pagsisisi nang mapagtanto niya iyon at kinamuhian niya kung gaano siya kayabang at walang kahihiyan. Nagkakasala siya sa disposisyon ng Diyos. Kung hindi siya nagsisi, alam niyang aalisin siya at parurusahan ng Diyos. Nakita niya rin kung gaanong matuwid, banal, at hindi nalalabag ang disposisyon ng Diyos at kinatakutan niya ang Diyos. Matapos mahatulan at makastigo sa ganitong paraan nang maraming beses, tunay na naunawaan niya ang kanyang sariling mapagmataas na kalikasan, pagkatapos ay kinasuklaman niya ang kanyang sarili. Hindi na siya kasingmapagmataas o pasikat sa kanyang tungkulin, at nagawa niya talagang magtapat tungkol sa kanyang sariling katiwalian. Natutunan din niyang makinig sa mga opinyon ng iba, matuto mula sa kanila, at makipagtulungan sa iba. Kaya niyang isabuhay ang isang wangis ng tao.

Ang marinig ang kanyang pagbabahagi ay talagang nagpakita ng magandang halimbawa sa akin. Natutunan ko na ang tanging paraan para mapalaya mula sa kasalanan at malinis ang aking katiwalian ay ang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at maranasan ang paghatol at paglilinis ng mga salita ng Diyos. Hindi ako nagkaroon kailanman ng ganoong klase ng patotoong batay sa karanasan sa mga taon ko ng pananampalataya. Nakipag-usap na ako sa napakaraming pastor at nagpunta sa napakaraming simbahan pero hindi ko kailanman narinig ang ganoong klase ng patotoo. Ang mga karanasan ng mga brother at sister na ito ay ipinakita sa akin ang landas para malinis at ganap na maligtas, at makapunta sa kaharian ng Diyos. Tuwang-tuwa ako at alam ko mula sa puso ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Ang Diyos lang ang labis na nagmamalasakit sa atin. Alam ng Diyos ang ating sakit ng pamumuhay sa kasalanan, kaya personal Siyang naging tao at nagpahayag ng mga katotohanan para iligtas ang sangkatauhan. Sobrang napakatotoo ng pagmamahal Niya para sa atin.

Pagkatapos noon, masigasig akong dumalo sa mga pagtitipon, nagbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nagnilay-nilay sa aking katiwalian batay sa Kanyang mga salita. Matapos makita ng asawa ko na tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na hindi na ako kasing mapanghamak at na nagbago na ako, sinimulan niyang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tinanggap din ang Kanyang gawain. Kahanga-hanga! Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman