Napakaliwanag at Napakaaliwalas ng Langit sa Araw na Iyon (Ikatlong Bahagi)
Nang makauwi ako, patuloy kong inisip ang pagbabahaging ibinigay ng sister, at naisip ko sa sarili ko: “Lahat ng sinabi ng sister na iyon ay umaayon sa Biblia. Talagang wala akong katwirang maniwala na ‘kapag naligtas nang minsan, naligtas nang palagian’!” Ginunita ko ang lahat ng taon na nanalig ako sa Panginoon at napagtanto ko na patuloy akong namuhay sa isang kalagayan na magkakasala ako at pagkatapos ay ikukumpisal ko ang mga iyon, ngunit hindi ko nagawang lutasin ang problemang ito, at personal kong pinagdaanan ang maraming paghihirap. Pakiramdam ko patuloy akong nanalig nang ganito, pagkatapos sa huli ay hindi ko nagawang matamo ang papuri ng Diyos. Matapos makinig sa pagbabahagi ng sister, mas nakatiyak ako na kung gusto ng mga taong nananalig sa Panginoon na magtamo ng lubos na kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit, kailangan nga nila talagang tanggapin ang gawain na humahatol at naglilinis sa tao na isinasagawa ng nagbalik na Panginoong Jesus. Kaya nag-isip ako: Ano ba talaga ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? At paano nililinis at binabago ng Makapangyarihang Diyos ang tao? Habang iniisip ko ang mga bagay na ito, binuklat-buklat ko ang Biblia hanggang sa makita ko ang isang sipi kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Nabasa ko rin ito sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Nang mabasa ko ito, parang nagising ako sa wakas mula sa isang panaginip: Lumalabas na ipinropesiya ng Panginoong Jesus noong araw na sa mga huling araw ay magpapahayag ang Diyos ng mas marami tungkol sa katotohanan at magsasagawa ng isang bagong yugto ng gawain. Hindi ba ito ang Makapangyarihang Diyos na dumarating upang isagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao? “Ah,” naisip ko, “kung hindi dumating ang pastor at nagsanhi ng malaking kaguluhan ngayon, patuloy sana akong nakapakinig na mabuti tungkol sa paraan ng Makapangyarihang Diyos. Dati-rati, palagi akong nakinig sa sinabi ng mga pastor at elder, at hindi ko hinanap o siniyasat kailanman ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ginawa ko lang ang anumang sinabi ng mga pastor at elder. Ngayon ko lang napansin na wala akong puwang sa puso ko para sa Panginoon. Tungkol naman sa pagsisiyasat ko sa pagbalik ng Panginoon, hindi ko hinangad ang kalooban ng Panginoon kundi sa halip ay nakinig ako sa mga salita ng mga pastor at elder. Napakatanga ko! Tayo na nananalig sa Panginoon ay dapat Siyang purihin, at kailangan nating aktibong sundan ang mga yapak ng Diyos patungkol sa pagbalik ng Panginoon, sapagkat sa ganitong paraan lang tayo makakaayon sa kalooban ng Diyos. Nakita ko ngayon na ang mga kilos ng pastor ay talagang hindi naaayon sa kalooban ng Panginoon. Hindi ko na kayang pikit-matang makinig na lang sa sinasabi nila, kundi kailangan kong hanapin at siyasatin ang paraan ng Makapangyarihang Diyos.”
Kinabukasan ng umaga, ang una kong ginawa ay nagdesisyon akong magpunta sa bahay ni Sister Hu at hanapin ang sister na nagpalaganap ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos para patuloy siyang makapagbahagi. Sa gulat ko, bago pa man ako nakalabas ng pinto, dinala na ni Sister Hu ang sister sa bahay ko. Talagang ginabayan ito ng Panginoon. Tinanong muna niya ako nang may pag-aalala kung niligalig ako ng pastor kahapon o hindi, at sumagot ako nang buong katiyakan ng, “Hindi. Pagkatapos ng pagbabahagi kahapon, bumalik ako rito at pinag-isipan kong mabuti ang lahat, at napagtanto ko na hindi talaga tayo basta malilinis sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoong Jesus. Naroon pa rin ang ating likas na katiwalian, at dahil doon ay hindi natin matatamo ang lubos na pagliligtas ng Diyos. Bukod pa riyan, nabasa ko rin ang isang sipi sa Biblia na talagang nagpopropesiya na babalik ang Panginoon upang isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang pinakanais kong malaman ngayon ay tungkol saan ba talaga ang gawain ng paghatol na isasagawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at kung paano kapwa lilinisin at babaguhin ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ang tao?”
Natutuwang sinabi ng sister na, “Salamat sa Diyos! Ang iyong itinanong ay talagang napakahalaga, sapagkat may kinalaman ito sa mahalagang paksa kung ang pananampalataya natin sa Diyos ay bibigyan tayo ng kakayahang magtamo ng lubos na kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit o hindi. Tingnan muna natin kung ano ang sinasabi sa salita ng Makapangyarihang Diyos. ‘Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). ‘Pagdating sa salitang “paghatol,” malamang na maiisip mo ang mga salitang sinabi ni Jehova para turuan ang mga tao sa bawat rehiyon at ang mga salitang sinabi ni Jesus para tuligsain ang mga Fariseo. Bagamat matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang ito na sinabi ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, sa magkakaibang konteksto. Ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinabi ni Cristo ng mga huling araw habang hinahatulan Niya ang tao. Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).”
Matapos basahin ang salita ng Diyos, nagbahagi ang sister, na sinasabing, “Sa pamamagitan ng salita ng Diyos nauunawaan natin na sa oras ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ginagamit ng Makapangyarihang Diyos ang maraming aspeto ng katotohanan upang ilantad at suriin ang tao. Gumagamit Siya ng mga salita upang ihayag ang tiwaling diwa at ang katotohanan tungkol sa katiwalian ng tao, para hatulan ang likas na kasamaan ng tao na lumalaban at nagtataksil sa Diyos, para linisin ang lahat ng uri ng katiwalian sa ating kalooban. Kabilang sa mga halimbawa ng gayong katiwalian ang pagiging puspos ng mga pagkaintindi at imahinasyon tungkol sa gawain ng Diyos, pagsukat sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagturing sa ating sariling mga pagkaintindi bilang katotohanan, at paghusga, pagtuligsa at paglaban sa Diyos ayon sa gusto natin. Ang isa pang halimbawa ay na, bagama’t maaaring nananalig tayo sa Diyos, wala talaga tayong ipinagkaiba sa mga hindi nananampalataya; lahat tayo ay nagsisikap na magtamo ng katanyagan at kayamanan, at handa tayong magbayad ng anumang halaga para dito, ngunit wala ni isang tao ang nabubuhay upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ang ating pananaw sa maraming bagay ay hindi rin naaayon sa Diyos, gaya ng ating paniniwala na hangga’t nananalig tayo sa Panginoon tayo ay maliligtas, at na kapag dumating ang Panginoon tayo ay madadala sa kaharian ng langit, samantalang ang totoo ay sinabi talaga ng Diyos na sa pagsunod lamang sa kalooban ng Diyos magagawang pumasok ng tao sa kaharian ng langit. Ilang halimbawa lamang ang mga ito ng katiwalian sa ating kalooban. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang mga tiwaling disposisyon na ito, ang mga maling pananaw at paraan ng pag-iisip na ito, at ang mga tuntunin ni Satanas sa buhay ay malilinis at mababago, at tunay tayong magiging masunurin sa Diyos. Kasabay nito, sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, makikita rin natin na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi pinalalagpas ang pagkakasala ng tao, malalaman natin kung anong klaseng tao ang mahal ng Diyos, anong klaseng tao ang kinasusuklaman ng Diyos, nauunawaan natin ang layon ng Diyos na iligtas ang tao, nagkakaroon tayo ng pagpipitagan sa Diyos, at nalalaman natin kung paano sisikaping matamo ang katotohanan at angkop na gampanan ang ating mga tungkulin para mapuri tayo ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagdanas at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, mauunawaan natin ang maraming katotohanan. Halimbawa, nalalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, kung ano ang ibig sabihin ng tunay na makamit ang kaligtasan, kung ano ang ibig sabihin ng sundin at mahalin ang Diyos, at kung ano ang ibig sabihin ng sundin ang kalooban ng Diyos, at kung anu-ano pa. Ang ating mga tiwaling disposisyon ay magbabagong lahat sa iba’t ibang antas, at magbabago rin ang ating mga pananaw sa buhay at mga pinahahalagahan. Ito ang gawain ng paghatol at pagkastigo na isinasagawa ng Diyos sa atin, at masasabi mo rin na ito ang pagliligtas ng pagmamahal ng Diyos. Kaya, sa pagtanggap lamang ng paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos—natin matatamo ang katotohanan, at doon lamang tayo makakaalpas mula sa kasalanan, malilinis at magtatamo ng lubos na kaligtasan. Sister, nauunawaan mo ba ang pagbabahaging ito?”
Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng sister, naunawaan ko ang gawain ng Diyos at ang Kanyang kalooban. Tumango ako, na lubhang naantig, at sinabi ko, “Salamat sa Diyos! Sa pakikinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ko na, sa mga huling araw, ginagamit ng Diyos ang katotohanan ng Kanyang salita upang isagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao. Lubhang malabo at hindi makatotohanan ang nakaraan kong mga pagsisikap. Nauunawaan ko na ngayon na sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw malilinis ng Diyos ang tao, magtatamo ng lubos na kaligtasan, at makakapasok sa kaharian ng langit. Ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Handa akong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos upang mabago kaagad ang aking mga tiwaling disposisyon balang araw.” Matapos akong marinig na sabihin ito, masayang ngumiti ang sister, at patuloy na nagpasalamat sa Diyos.
Pinalaya ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga pagkaintinding itinanim ko sa aking isipan, at ipinakita nila sa akin ang paraan para maiwaksi ko ang aking mga tiwaling disposisyon at malinis ako. Naramdaman ko na malinaw na ang aking direksyon at mithiin sa pagsisikap na magtamo ng lubos na kaligtasan, masaya at matatag, at napalaya ang aking espiritu. Nang tumingin ako sa labas ng bintana, napansin ko kung gaano kaliwanag at kaaliwalas ang langit sa araw na iyon. Napaluhod ako sa lapag at nanalangin sa Diyos: “Diyos ko, nagpapasalamat ako sa Iyo. Ang maging mapalad nang sapat para makasalubong ako sa Iyong pagbalik at makasaksi sa Iyong pagpapakita habang buhay pa ako ay napakalaking pagpapala! Ngunit ako ay bulag at mangmang, sapagkat naniwala ako sa mga tsismis na ikinalat ng mga pastor at elder, kumapit ako sa aking mga pagkaintindi at imahinasyon, at muntik na akong mawalan ng walang-hanggang kaligtasan! Diyos ko, napakamangmang at napakamanhid ko! Handa akong magsisi, at pinahahalagahan ko ang napakabihirang pagkakataong magtamo ng lubos na kaligtasan. Handa rin akong magdala ng mas maraming kapatid sa Iyong presensya upang matamo nila ang Iyong pagliligtas! Amen!”
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.