949 Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos
Ⅰ
Paghahayag ng Diyos ng poot
N’ya’y nangangahulugan
na titigil sa pag-iral lahat
ng masasamang puwersa;
nangangahulugan ‘to na lahat na
kumakalabang puwersa’y mawawasak.
Ito ang pagiging bukod-tangi
ng matuwid na disposisyon ng Diyos.
at pagiging bukod-tangi ng poot ng Diyos.
Kapag hinahamon ang karangalan
at kabanalan ng Diyos,
‘pag makatarungang puwersa’y nahahadlangan,
‘di nakikita ng tao,
ipadadala ng Diyos poot N’ya sa panahong ito.
Ipadadala ng Diyos poot N’ya sa panahong ito.
Ⅱ
Dahil sa diwa ng Diyos,
lahat ng puwersa sa lupa na sumasalungat,
tumututol sa Kanya’y masama, ‘di-makatarungan.
Lahat mula kay Satanas, nabibilang kay Satanas.
Dahil Diyos makatarungan, sa liwanag, at banal,
kaya lahat na masasama, tiwali,
kabilang kay Satanas, maglalaho mula rito.
Mangyayari ‘to ‘pag pinadala ng Diyos poot Niya.
Mangyayari ‘to ‘pag pinadala ng Diyos poot Niya.
Ⅲ
Lahat masasamang puwersa
matitigil pag pinadala ng Diyos poot N’ya.
Lahat ng salang nakapipinsala sa tao’y matitigil
‘pag pinadala ng Diyos poot N’ya.
Lahat ng kalabang puwersa’y makikilala,
mahihiwalay at masusumpa,
mga katulong ni Satanas pinaparusahan,
inaalis ‘pag pinadala ng Diyos poot N’ya.
At tuloy gawain ng Diyos na walang hadlang.
Unti-unting sumusulong plano
ng pamamahala N’ya ayon sa pagtakda N’ya.
Ito’y matapos ipadala ng Diyos ang Kanyang poot.
Malaya mula sa panggugulo’t panlilinlang
ni Satanas mga piling tao N’ya.
Tinatamasa ng alagad N’ya
tustos N’ya sa dakong payapa.
Ito’y matapos ipadala ng Diyos ang Kanyang poot.
Ito’y matapos ipadala ng Diyos ang Kanyang poot.
Ⅳ
‘Sang sanggalang poot ng Diyos pinipigilan
pagdami’t paglaganap masasamang puwersa.
‘Sang sanggalang poot ng Diyos
pinagtatanggol pag-iral ng lahat
na makatarunga’t mabubuting bagay.
Poot ng Diyos sanggalang binabantayan
anong makatuwira’t mabuti
mula pagsugpo’t mula paghimagsik.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II