948 Hindi pa Nakikita ng mga Tao sa mga Huling Araw ang Poot ng Diyos

1 Mula noong panahon ng paglikha hanggang ngayon, walang grupong lubos na nasiyahan sa biyaya o habag at kagandahang-loob ng Diyos gaya ng panghuling grupong ito. Bagama’t sa huling yugto, ginawa na ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo, at ginawa ang Kanyang gawain nang may kamaharlikahan at poot, kadalasan ay gumagamit lang ang Diyos ng mga salita upang isakatuparan ang Kanyang gawain. Gumagamit Siya ng mga salita upang magturo at magdilig, upang magbigay at magpakain. Samantala, ang poot ng Diyos ay palaging nananatiling nakatago, at maliban na lamang sa pagkaranas sa mabagsik na disposisyon ng Diyos sa Kanyang mga salita, kakaunting tao lamang ang personal na nakaranas ng Kanyang galit.

2 Sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, bagama’t ang poot na ibinunyag sa mga salita ng Diyos ay nagpapahintulot sa mga tao na maranasan ang kamaharlikahan at kawalang-pagpaparaya ng Diyos sa paglabag, hanggang sa Kanyang mga salita lamang ang poot na ito. Sa madaling salita, ang Diyos ay gumagamit ng mga salita upang sawayin ang tao, ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at maging kondenahin ang tao—ngunit ang Diyos ay hindi pa talagang nagagalit sa tao, at bahagya pa lang na pinakawalan ang Kanyang poot maliban na lamang sa Kanyang mga salita. Dahil dito, ang awa at kagandahang-loob ng Diyos na naranasan ng tao sa kapanahunang ito ay pagpapahayag ng tunay na disposisyon ng Diyos, habang ang poot ng Diyos na naranasan ng tao ay epekto lamang ng tono at pakiramdam ng Kanyang mga pagbigkas. Maraming tao ang nagkakamali sa pag-aakalang ang epektong ito ang tunay na karanasan at tunay na kaalaman sa poot ng Diyos.

3 Bilang resulta, naniniwala ang karamihan na nakita na nila ang awa at kagandahang-loob ng Diyos sa Kanyang mga salita, naranasan na rin ang kawalang-pagpaparaya ng Diyos sa mga paglabag ng tao, at karamihan sa kanila ay pinahahalagahan na ang habag at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Ngunit gaano man kasama ang ugali ng tao, o gaano man katiwali ang kanyang disposisyon, palaging nagtitiis ang Diyos. Sa pagtitiis, ang Kanyang layunin ay ang maghintay sa mga salitang sinabi Niya, sa mga pagsisikap na ginawa Niya, at sa halagang ibinayad Niya upang makamit ang epekto sa mga taong nais Niyang makuha.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Sinundan: 947 Ang Babala sa Sangkatauhan ng Pagwasak ng Diyos sa Sodoma

Sumunod: 949 Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito