945 Ang Simbolo ng Poot ng Diyos

I

Ang disposisyon ng Diyos ay likas sa Kanya.

‘Di nababago ng paglipas ng panahon;

‘di nababago ng heograpiya.

Ito ay diwang likas sa Kanya.

Kahit sinumang pag-ukulan ng gawa,

ang diwa Niya’y ‘di nagbabago,

ni ang Kanyang matuwid na disposisyon.


Kapag nagalit ang Diyos, ipinapadala Niya

ang Kanyang likas na disposisyon.

Ang prinsipyo ng galit Niya’y ‘di nababago,

ni katayuan Niya’t pagkakakilanlan.

Siya’y nagagalit

‘di dahil nagbago’ng Kanyang diwa,

at ‘di dahil nabago ang Kanyang disposisyon,

ngunit dahil nilalabanan Siya ng tao.


Kapag nagpapahayag ang Diyos ng galit Niya,

ito’y sagisag ng paglipol

ng puwersa ng kasamaan;

ito’y sagisag na lahat ng puwersa

ng kalaba’y mawawasak.

Pagmasdan ang natatanging

matuwid na disposisyon ng Diyos;

pagmasdan ang Kanyang galit na walang katulad.


II

Garapalang pagpapagalit ng tao sa Diyos

ay hamon sa katayua’t pagkakakilanlan ng Diyos.

Para sa Diyos, ito’y paglaban ng tao sa Kanya

at paghamon sa Kanyang galit.

Sa mga oras na ito, kasalanan ng tao’y laganap,

natural lamang na sa mga oras na ito,

mahahayag at makikita ang poot ng Diyos.


Kapag nagpapahayag ang Diyos ng galit Niya,

ito’y sagisag ng paglipol

ng puwersa ng kasamaan;

ito’y sagisag na lahat ng puwersa

ng kalaba’y mawawasak.

Pagmasdan ang natatanging

matuwid na disposisyon ng Diyos;

pagmasdan ang Kanyang galit na walang katulad.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Sinundan: 944 Patuloy na Pinaiiral ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang Matuwid na Disposisyon

Sumunod: 946 Ang Poot ng Diyos ay Pagpapakita ng Kanyang Matuwid na Disposisyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito