946 Ang Poot ng Diyos ay Pagpapakita ng Kanyang Matuwid na Disposisyon

I

Kahit na’ng pagbuhos ng poot ng Diyos

ay isang panig ng pagiging matuwid Niya,

‘sinasaalang-alang Niya’ng Kanyang layon

at laging may prinsipyo.

‘Di kailanman mabilis magalit ang Diyos,

ni magpakita ng poot, kamaharlikahan.

Poot Niya’y kontrolado, at sukat,

‘di tulad ng nagpupuyos na galit ng tao.


Poot ng Diyos ay pagpapakita’t

isang tunay na pagpapahayag

ng matuwid na disposisyon Niya,

pagbubunyag ng Kanyang banal na diwa.


II

Pagpapakawala ng poot ng Diyos

ay ‘di naglalabas ng lagay ng loob Niya,

‘di pagsabog ng galit,

gaya ng sa pagpapalagay ng tao.

‘Di pinakakawalan ng Diyos lahat ng poot

dahil lagay ng loob Niya’y ‘di makontrol,

o dahil galit Niya’y umabot na

sa punto ng pagkulo’t dapat nang mailabas.


Poot ng Diyos ay pagpapakita’t

isang tunay na pagpapahayag

ng matuwid na disposisyon Niya,

pagbubunyag ng Kanyang banal na diwa.


III

Poot ng Diyos ay ‘di kinukunsinti’ng paglabag,

ngunit galit Niya’y maprinsipyo,

mga layuni’y kayang makilala’ng kaibahan.

Ngunit tiwaling tao’y ‘di ‘to kayang gawin.

Tao’y nagpupuyos sa galit,

naglalabas ng damdamin,

nang pag-iral ng kasalana’y maipagtanggol.

Ito’y mga paraan para sa tao

upang ipahayag ang pagkayamot.


Kilos ng tao’y puno ng karumihan.

Ito’y puno ng pakana’t katiwalian,

puno ng intriga’t ng kasamaan,

at matatayog na pagnanasa’t ambisyon.


Poot ng Diyos ay pagpapakita’t

isang tunay na pagpapahayag

ng matuwid na disposisyon Niya,

pagbubunyag ng Kanyang banal na diwa.


‘Pag kasamaa’t katarunga’y nagtunggali,

tao’y ‘di magagalit at katarunga’y ipagtatanggol.

Kung katarunga’y may panganib, inaatake,

tao’y makakaligta, iiwas, uurong.

Ngunit ‘pag humaharap sa puwersa ng kasamaan,

tao’y magpapaunlak, yuyuko’t kakayod.

Kaya pagbubulalas ng tao’y

pagtakas sa mga pwersa ng kasamaan,

pinapakita nitong

kasamaan ng tao’y mahirap pigilan.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Sinundan: 945 Ang Simbolo ng Poot ng Diyos

Sumunod: 947 Ang Babala sa Sangkatauhan ng Pagwasak ng Diyos sa Sodoma

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito