794 Yaong Alam ang Pamamahala ng Diyos ay Magpapasakop sa Kanyang Kapamahalaan

I

Makalipas ang ilang dekada

ng karanasan sa buhay,

alam ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha,

ang tao’y may tunay na pagkaunawa

sa halaga’t kahulugan ng buhay.

Taglay ang malalim na kaalaman

sa layunin ng buhay,

pagkaunawa’t karanasan

sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha,

sila’y magpapasakop sa awtoridad Niya.


Alam nila’ng kahulugan

ng paggawa ng Diyos sa tao.

Alam nilang sumamba sa Lumikha,

lahat ng sa kanila’y mula sa Lumikha,

at ‘di magtatagal ay babalik sa Kanya.


Kung titingnan ang buhay

bilang isang pagkakataon

upang danasin ang soberanya ng Lumikha,

upang malaman ang awtoridad Niya,

upang magampanan ang sariling tungkulin;

kung titingnan ang buhay

bilang isang pagkakataon

upang matupad ang misyon ng nilikha,

makakamtan ang tamang pananaw sa buhay,

pinagpapala’t ginagabayan ng Diyos.

Lalakad sa liwanag,

makikilala’ng soberanya Niya,

sasailalim sa pamamahala Niya,

magpapatotoo sa dakila Niyang gawa

at dakilang awtoridad Niya.


II

Ang ganitong uri ng tao’y makakaunawa:

Sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha,

kapanganaka’t kamatayan ng tao’y nakaayos,

itinadhana ng awtoridad Niya.

Kapag tunay ‘tong maunawaan ng tao,

panatag sila sa kanilang kamatayan;

ang mga makamundo nilang pag-aari

ay bibitawan nang mapayapa.


Sa halip na lumaba’t matakot na parang bulag,

masaya silang susunod dito,

maligayang tatanggapin ang huling kabanata

ng buhay na isinaayos ng Lumikha.

Yayakapin ito nang walang pakikibaka,

at magpapasakop sa lahat ng susunod.


Kung titingnan ang buhay

bilang isang pagkakataon

upang danasin ang soberanya ng Lumikha,

upang malaman ang awtoridad Niya,

upang magampanan ang sariling tungkulin;

kung titingnan ang buhay

bilang isang pagkakataon

upang matupad ang misyon ng nilikha,

makakamtan ang tamang pananaw sa buhay,

pinagpapala’t ginagabayan ng Diyos.

Lalakad sa liwanag,

makikilala’ng soberanya Niya,

sasailalim sa pamamahala Niya,

magpapatotoo sa dakila Niyang gawa

at dakilang awtoridad Niya.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Sinundan: 793 Ang mga Kuru-kuro at Imahinasyon ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos

Sumunod: 795 Ang Kalayaan ay Natatamo sa Pamamagitan ng Pag-alam sa Pamumuno ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito