421 Sabihin ang Nasa Puso Mo sa Panalangin Upang Mapasaiyo ang Gawain ng Banal na Espiritu

I

Walang dapat magkulang

sa pakikipagniig sa Diyos.

Kung walang panalangin,

ika’y nabubuhay sa laman,

sa pagkaalipin kay Satanas.

Kung walang tunay na panalangin,

nabubuhay ka sa dilim.

Umaasa ang Diyos na ang mga kapatid

ay makapanalangin nang tunay bawat araw.

Ito’y hindi pagsunod sa doktrina.

May resulta na dapat matamo.


Ang pinakamaliit na hinihingi ng Diyos

ay ang mga puso’y magbukas sa Kanya.

Kung ibibigay nila ang puso nila sa Diyos,

sasabihin ang nilalaman nito,

kung gayon handa ang Diyos

na gumawa sa kanila.

‘Di nais ng Diyos ang tusong puso ng tao,

bagkus ang dalisay at tapat na puso.

Kung ‘di nagsasalita ang tao sa Diyos

mula sa puso,

kung gayon ‘di Siya gagawa

o mag-aantig ng puso.


Ang panalangin ang pinakamahalaga.

‘Pag ang gawain ng Espiritu’y

tinanggap sa panalangin,

ikaw ay maaantig,

magkakaro’n ng lakas na ibigin ang Diyos.

Kung ‘di ka nananalangin gamit ang puso mo,

kung ‘di mo ‘to binubuksan

at ‘di ka nakikipagniig sa Diyos,

‘di makakagawa ang Diyos sa iyo.


II

Sa gayon, ang pinakamahalaga

tungkol sa panalangin

ay sabihin mo ang tunay na damdamin.

Sabihin sa Kanya ang kapintasan, paghihimagsik,

at ganap na ihayag ang sarili.

Sa gayon panalangin mo’y pagkainteresan Niya,

o kung hindi, itatago Niya ang mukha Niya sa’yo.

Puso’y dapat mong panatagin sa harap ng Diyos,

huwag mong ilayo ang puso mo sa Diyos.


Gamit ang panalangin,

panatilihin ang mga bagay kung ano sila

‘pag ‘di nagtatamo

ng bagong mataas na kaunawaan.

Manalangin dapat upang ‘di bumalik sa dati.

Ito ang pinakamaliit na dapat gawin.

Lahat ay dapat pumasok sa realidad na ‘to,

at magkaro’n ng may kamalayang

pagsasanay sa panalangin.

Hangarin ang pag-antig ng Espiritu,

huwag lang maghintay.

Ito’ng ginagawa

ng tunay na naghahangad sa Diyos.


Ang panalangin ang pinakamahalaga.

‘Pag ang gawain ng Espiritu’y

tinanggap sa panalangin,

ikaw ay maaantig,

magkakaro’n ng lakas na ibigin ang Diyos.

Kung ‘di ka nananalangin gamit ang puso mo,

kung ‘di mo ‘to binubuksan

at ‘di ka nakikipagniig sa Diyos,

‘di makakagawa ang Diyos sa iyo.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Sinundan: 420 Ang Epekto ng Tunay na Panalangin

Sumunod: 422 Ang mga Panalanging Nagpapasakop at Makatuwiran ay Napakahalaga

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito