72 Pag-ibig sa Diyos Laging Awitin
Ⅰ
Inaawit Kanyang pagkakatawang-tao.
Sa Kanyang luklukan inaangat tayo,
‘di na tayo titingin sa langit, nananabik.
Makapangyarihang Diyos kaharap natin.
Ginagabayan tayo, sa katotohanan.
Salita N’ya’y tinatamasa. Katotohana’y inuunawa.
Taos nating mahal ang Diyos, kita nating kaibig-ibig S’ya.
Pinupuri natin S’ya, ‘di mailarawan kariktan N’ya.
Pag-ibig sa Diyos laging awitin. Mas matamis ang ating damdamin.
‘Pag mas kumakanta tayo, mahal natin S’yang lalo!
Ⅱ
Inaawit natin matuwid na paghatol ng Diyos.
Salita N’ya’y nililinis, inililigtas tayo,
inihahayag likas na pagkatao at kanyang katiwalian.
Salita N’ya’y pinadadalisay masamang disposisyon natin,
ginagawa tayong bago.
Natakasan natin mga puwersa ni Satanas.
Nakikita natin pag-ibig N’ya’y tunay.
Kayganda Kanyang katuwiran, kaytamis Kanyang kabanalan.
‘Di natin S’ya kayang mahalin nang sapat.
Pagpuri sa Diyos, ‘di natin mapigilan.
Walang nakapaglalayo sa atin at sa Diyos.
Pag-ibig sa Diyos laging awitin. Mas matamis ang ating damdamin.
‘Pag mas kumakanta tayo, mahal natin S’yang lalo!
Ⅲ
Salita ng Diyos namamahala sa buhay ng kaharian.
Nabubuhay tayo sa liwanag. Malaya tayo sa katotohanan.
Pagsamba’y buong puso’t katapatan.
Tayo’y matalik N’yang kaibigan, tapat S’yang pinaglilingkuran.
Dala ang pasanin para sa Kanya, tungkulin nati’y ginagampanan,
laging sumusulong sa pagmamahal sa Kanya.
Mahal natin S’ya ngayon, pasakop sa Kanya,
pinakamalaking galak, mabuhay para sa Kanya.
Makapangyarihang Diyos, purihin Ka!
Sasambahin Ka magpasawalang-hanggan!
Pag-ibig sa Diyos laging awitin. Mas matamis ang ating damdamin.
‘Pag mas kumakanta tayo, mahal natin S’yang lalo!