71 Ang Pinakadakilang Kaligayahan ay ang Tunay na Ibigin ang Diyos
Ⅰ
Sa wakas atin nang narinig ang tinig ng Diyos
at naibangon tayo sa harapan ng Kanyang trono.
Ating kinakain at iniinom at tinatamasa ang mga salita ng Diyos,
nabubuhay tayo ayon sa Kanyang liwanag.
Nagbabahagi tungkol sa katotohanan at ibinabahagi ang ating mga karanasan,
puno ng galak ang ating puso.
Nararanasan ang mga salita ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan,
lumalaya at sumisigla ang ating espiritu.
Sumasailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos,
nalilinis, tayo’y naging bagong mga tao.
Hinahanap natin ang katotohanan upang magtamo ng bagong buhay.
Tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakadakilang kaligayahan.
Ⅱ
Sumasailalim sa paghatol sa harapan ng luklukan ni Cristo,
nakita na natin ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan.
Ang mga salita ng Diyos ay espadang may kabilaang talim,
na tumatagos sa ating kaluluwa at puso.
Nauunawaan ang katotohanan at nakikilala ang ating sarili,
may daan tayo sa pagpasok sa buhay.
Napagtatanto ang ating satanikong kalikasan at diwa,
nagpasiya na tayong magsisi at magsimulang muli.
Sumasailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos,
nalilinis, tayo’y naging bagong mga tao.
Hinahanap natin ang katotohanan upang magtamo ng bagong buhay.
Tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakadakilang kaligayahan.
Ⅲ
Sa tunay na pagmamahal sa Diyos at pagtupad sa ating mga tungkulin,
tunay na tayo’y pagpapalain ng Diyos.
Tinatalikuran natin ang lahat upang sundan Siya
at nagdadala ng umaalingawngaw na patotoo.
Inilalagak natin ang ating kapasiyahan sa harapan ng Diyos,
sumusumpa na magiging tapat tayo hanggang wakas.
Ang panunuya, paninira, pang-aapi, o paghihirap
ay hinding-hindi makahahadlang sa ating pagsulong.