618 Maglingkod na Katulad ng mga Israelita
1 Ang hinihingi sa inyo ngayon—ang gumawa nang magkakasama na may pagkakaisa—ay katulad ng paglilingkod na hiningi ni Jehova sa mga Israelita: Kung hindi, tumigil na lang kayo sa paglilingkod. Dahil mga tao kayong direktang naglilingkod sa Diyos, dapat man lang na mayroon kayong kakayahang maging tapat at mapagpasakop sa inyong paglilingkod, at dapat din may kakayahang matuto ng mga aral sa isang praktikal na paraan. Lalo na sa inyong gumagawa sa iglesia, mangangahas ba ang sinuman sa mga kapatid na mas mababa ang posisyon sa inyo na pakitunguhan kayo? Mangangahas ba ang sinuman na sabihin sa inyo nang harapan ang mga kamalian ninyo? Nakatayo kayo nang mas mataas kaysa sa lahat ng iba; namamahala nga kayo bilang mga hari! Ni hindi nga kayo nag-aaral o pumapasok sa ganitong mga uri ng mga praktikal na aral, subalit nagsasalita pa rin kayo tungkol sa paglilingkod sa Diyos!
2 Sa kasalukuyan, hinihingi sa iyo na mamuno sa ilang iglesia, ngunit hindi mo lang hindi isinusuko ang sarili mo, kumakapit ka pa sa sarili mong mga kuru-kuro at opinyon. Hindi ninyo kailanman inaako ang responsibilidad para sa maraming bagay na dapat mapakitunguhan, o sadyang hinahayaan lamang ninyo, ibinubulalas lamang ng bawat isa sa inyo ang sarili ninyong mga palagay at maingat na pinapangalagaan ang sarili ninyong katayuan, reputasyon, at kahihiyan. Wala sa inyo ang handang magpakumbaba, at alinmang panig ay hindi magkukusang isuko ang sarili at magpuno sa mga pagkukulang ng isa’t isa upang mas mabilis na umunlad ang buhay. Tuwing nakakaranas kayo ng anuman, dapat kayong magbahaginan sa isa’t isa upang makinabang ang mga buhay ninyo. Dapat kayong magtipun-tipon at magbahaginan tungkol sa lahat ng isyung natutuklasan ninyo at anumang mga problemang naranasan ninyo sa inyong gawain, at saka kayo dapat mag-usap tungkol sa kaliwanagan at pagpapalinaw na inyong natanggap—ito ay isang kinakailangang pagsasagawa ng paglilingkod.
3 Dapat ninyong makamit ang pagtutulungan na may pagkakaisa para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa pakinabang ng iglesia, at upang udyukan pasulong ang inyong mga kapatid. Dapat kayong makipag-ugnayan sa isa’t isa, binabago ng bawat isa ang isa pa at humahantong sa mas mabuting kalalabasan ng gawain, upang pangalagaan ang kalooban ng Diyos. Ito ang tunay na pagtutulungan, at tanging yaong mga gumagawa nito ang magkakamit ng tunay na pagpasok. Bawat isa sa inyo, bilang mga taong naglilingkod sa Diyos, ay dapat na magawang ipagtanggol ang mga interes ng iglesia sa lahat ng inyong ginagawa, sa halip na isipin lang ang mga pansarili ninyong interes. Hindi katanggap-tanggap na kumilos nang mag-isa, na pinapanghina ang bawat isa. Hindi naaangkop na maglingkod sa Diyos ang mga taong umaasal nang ganoon! Mayroon ang mga ganoong tao ng isang napakasamang disposisyon; walang natitirang ni katiting na pagkatao sa kanila. Isandaang porsiyento silang si Satanas! Mga hayop sila!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita