268 Paano Ginagamit ni Satanas ang mga Kalakaran sa Lipunan para Gawing Tiwali ang Tao

1 Ginagamit ni Satanas ang mga kalakarang panlipunan upang gawing tiwali ang tao. Ang mga ideyang idinudulot ng mga kalakarang panlipunan sa mga tao, kung paano ang mga ito nagiging sanhi sa paggawi ng mga tao sa mundo, at ang mga layunin sa buhay at pananaw na idinudulot ng mga ito sa mga tao ay napakahalaga; makokontrol at maiimpluwensyahan ng mga ito ang kalagayan ng pag-iisip ng isang tao. Ang mga kalakarang ito ay lumilitaw isa-isa, at lahat ng mga ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na patuloy na nagpapababa sa sangkatauhan, na nagiging sanhi upang mawalan ang mga tao ng konsensya, pagkatao at katinuan, na lalo pang nagpapahina ng kanilang mga moral at kanilang kalidad ng karakter, hanggang sa masasabi nating karamihan ng mga tao ngayon ay walang integridad, walang pagkatao, ni anumang konsensya, at lalo’t higit ng anumang katinuan.

2 Ginagamit ni Satanas ang mga kalakarang panlipunan na ito upang dahan-dahang akitin ang mga tao sa pugad ng mga diablo, sa gayon ang mga taong naipit sa mga kalakarang panlipunan ay walang kamalayang nanghihikayat sa pagnanasa para sa salapi at materyal, at sa kasamaan at karahasan. Sa sandaling ang mga bagay na ito ay makapasok sa puso ng tao, ang tao ay nagiging ang diablong si Satanas! Bakit? Dahil, sa puso ng tao, nagsisimula niyang magustuhan ang kasamaan at karahasan, na hindi nagpapakita ng anumang pagmamahal sa kagandahan at kabutihan, lalo na sa kapayapaan. Hindi nakahandang isabuhay ng tao ang simpleng buhay ng normal na pagkatao, sa halip nais na tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, ang magpakasaya sa mga pagnanasa ng laman, na hindi nag-aatubiling bigyang-kasiyahan ang sarili nilang laman, nang walang mga paghihigpit, walang mga gapos na pipigil sa kanila; sa madaling salita, ginagawa ang anumang naisin nila.

3 Kapag ang tao ay nalubog sa ganitong mga uri ng mga kalakaran, ang tao ay nagiging higit na mas masama, mayabang, mapagmataas, makasarili, at malisyoso. Wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga tao, wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, wala nang anumang pagkakaunawaan sa mga magkakamag-anak at magkakaibigan; ang mga ugnayang pantao ay puno ng karahasan. Nais gamitin ng bawat isang tao ang mararahas na pamamaraan upang mabuhay sa gitna ng kanilang kapwa tao; sinasamsam nila ang sarili nilang kabuhayan gamit ang karahasan; nakakamit nila ang kanilang mga posisyon at ang kanilang mga kita gamit ang karahasan, at ginagawa nila ang anumang naisin nila gamit ang mararahas at masasamang paraan. Hindi ba nakakatakot ang ganitong sangkatauhan?

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Sinundan: 267 Kinokontrol ni Satanas ang Isip ng mga Tao sa Pamamagitan ng Kasikatan at Kapalaran

Sumunod: 269 Hinahanap ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito