164 Sa Pamamagitan ng Paghihirap, Pinalalakas ang Pagmamahal Ko sa Diyos
1 Itinapon ako sa isang kulungan ng mala-demonyong CCP, at nakita ang lahat ng uri ng may bahid ng dugong instrumento ng pagpapahirap. Naharap sa mababagsik at malulupit na mukha ng mga pulis, natakot ako at nanghina. Hindi ko alam kung makakaya ko ang malulupit nilang mga pagpapahirap at makakayang panindigan ang aking patotoo. Natakot ako na ang aking tayog ay napakababa, at na pagtataksilan ko ang Diyos at maging isang Judas. Taimtim na tumawag ang puso ko sa Diyos, hinihiling sa Kanya na iligtas ako mula sa lambat ni Satanas. Sa kabila ng mabagsik na kabangisan ni Satanas, nasa mga kamay ng Diyos ang aking kapalaran. Nang naintindihan ko ang katotohanan, nahanap ko ang pananampalataya ko sa Diyos, at hindi na ako natakot sa malupit nilang pagpapahirap. Mabuhay man ako o mamatay, susundin ko ang pagsasaayos ng Diyos, at matunog akong magpapatotoo sa Diyos kahit manganib ang buhay ko.
2 Mabangis at kasuklam-suklam ang mala-demonyong CCP, gumamit ito pareho ng malulupit at mararahang pamamaraan, tinangka akong pilitin na magtaksil sa Diyos. Nang dumaloy ang kuryente sa buo kong katawan, naramdaman kong malapit na akong hindi makahinga. Nang isinaksak ang mga karayom sa mga daliri ko, ginawang mas katanggap-tanggap ng tumatagos na sakit ang mamatay na lamang kaysa mabuhay pa. Sa sakit na dinanas ko, binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananampalataya at lakas at ng tibay ng loob na harapin ang lahat ng iyon. Naisip ko kung paanong hindi ko pa taos-pusong minahal ang Diyos noon, at naiwan akong may napakaraming panghihinayang. Hiniling ko lamang na igugol ang puso ko sa Diyos sa sandaling iyon, at kung tinanggap ako ng Diyos, magiging maginhawa at payapa ang puso ko. Gaano man ako pahirapan ng CCP, mamahalin ko pa rin ang Diyos at magpapatotoo sa Kanya. Kung mayroon pa akong bukas, tiyak na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang hanapin ang katotohanan at mahalin nang mas malalim ang Diyos.
3 Sinaktan ako ng mga demonyo hanggang sa malapit na akong mamatay, ngunit palihim na iningatan ako ng Diyos mula sa matinding pinsala. Tinulutan ng paghihirap ang puso ko na mapalapit sa Diyos. Dahil katabi ko ang Diyos, naging tamis ang sakit. Sa mapanganib na kalagayan, nakaharap ko ang Diyos at ako ay dinalisay at iniligtas Niya. Sa pagsailalim sa malulupit na pagpapahirap ng CCP, malinaw kong nakita ang kakila-kilabot na mukha ni Satanas. Nagawa kong makita ang kaibahan ng katarungan mula sa kasamaan, at lalo kong nakita na tanging ang Diyos lamang ang pagmamahal. Higit kong kinamumuhian ang malaking pulang dragon at mas nanaisin kong mamatay kaysa magpasakop. Sinusunod ko ang Diyos nang buo ang loob ko. Ang daan patungong langit ay mahirap at mabato, puno ng tukso at panganib. May gabay ako ng mga salita ng Diyos, at ninanais ko na laging maging malapit sa Diyos at na hindi kailanman magbago ang pagmamahal ko sa Kanya.