740 Yaon lamang mga Nagpipitagan sa Diyos ang Maaaring Tumayong Saksi sa mga Pagsubok
1 Ang takot at pagkamasunurin ni Job sa Diyos ay isang halimbawa sa sangkatauhan, at ang kanyang pagka-perpekto at ang pagkamatuwid ay ang rurok ng pagkatao na dapat taglayin ng tao. Kahit hindi niya nakita ang Diyos, naintindihan niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagkaintinding ito ay nagkaroon siya ng takot sa Diyos—at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang sumunod sa Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, subalit hindi siya nagreklamo, at nagpakumbaba siya sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya, sa oras na ito, na kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya niyang hahayaan na gawin ito ng Diyos, nang walang reklamo. Ang kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao.
2 Bunga ng kanyang kawalang-sala, katapatan, at kabaitan, si Job ay naging matatag sa kanyang naintindihan at karanasan na tungkol sa pag-iral Diyos, at mula sa saligang ito inatasan niya ang kanyang sarili at gumawa ng pamantayan sa kanyang pag-iisip, pag-uugali, asal, at mga prinsipyo sa pagkilos sa harap ng Diyos na naayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, ang kanyang mga karanasan ay nagdulot ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagawa niyang layuan ang kasamaan. Ito ang pinagmulan ng katapatan na mahigpit na pinanghawakan ni Job.
3 Si Job ay may isang matapat, walang sala, at mabait na pagkatao, at siya ay mayroong tunay na karanasan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at paglayo sa kasamaan, pati na rin ang kaalaman na “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis.” Dahil sa mga bagay na ito lamang niya nagawang tumayo nang matatag sa kanyang patotoo sa gitna ng mapaminsalang pag-atake ni Satanas, at dahil sa mga ito lamang niya nagawang hindi biguin ang Diyos at magbigay ng kasiya-siyang sagot sa Diyos nang dumating ang Kanyang mga pagsubok.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II