395 Ang mga Pananagutan ng mga Tunay na Naniniwala

Kung tunay kang may konsensya,

dapat ay may pasan ka

at may diwa ng pananagutan.

Kung ikaw man ay lupigin

o ikaw man ay gawing ganap,

patotohanan ito nang wasto.

Bilang nilalang ng Diyos,

upang tao’y ganap na malupig Niya,

at sa huli ay mapalugod ang Diyos,

ang pagmamahal ng Diyos ay tumbasan,

sarili sa Kanya’y ganap na ilaan,

ito ang pananagutan ng mga tao.

Ito ang tungkuling dapat nilang gampanan,

ang pasan na dapat nilang pagtiisan.

Dapat tapusin itong tagubilin.

Dito sila’y tunay na naniniwala sa Diyos,

tunay na naniniwala sa Diyos.


Sa pagdanas ng lahat ng gawain,

kung ang tao ay nalupig na,

at kung ang tao’y may tunay na kaalaman,

makakaya nila ang sumunod

anuman ang kanilang inaasahan.

Makakaya nila, anuman kapalaran nila.

Sa ganitong paraan, ang dakilang gawain ng Diyos

ay magkakatotoo sa kabuuan nito.

Bilang nilalang ng Diyos,

upang tao’y ganap na malupig Niya,

at sa huli ay mapalugod ang Diyos,

ang pagmamahal ng Diyos ay tumbasan,

sarili sa Kanya’y ganap na ilaan,

ito ang pananagutan ng mga tao.

Ito ang tungkuling dapat nilang gampanan,

ang pasan na dapat nilang pagtiisan.

Dapat tapusin itong tagubilin.

Dito sila’y tunay na naniniwala sa Diyos.


(Ang pananagutan ng mga tao,

ang pananagutan ng mga taong nilalang ng Diyos.)

Tunay na naniniwala sa Diyos.

(Ang pananagutan ng mga tao, ang pananagutan.)

Dapat tapusin itong tagubilin.

Dito sila’y tunay na naniniwala sa Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 3

Sinundan: 394 Dapat Ilagay Mo ang Paniniwala sa Diyos Nang Higit sa Lahat

Sumunod: 396 Umaasa ang Diyos para sa Tunay na Pananampalataya ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito