615 Paano Maging Marapat na Gamitin ng Diyos
Ⅰ
Para tunay na maging akmang gamitin ng Diyos,
di lang hangarin ang kailangan n’yo,
kundi patnubay ng Kanyang salita at pagpipino,
Kanyang pagliliwanag at pakikitungo.
At kailangan din ang pagmamasid at ideya n’yo,
pagninilay, at pagbubuod n’yo, natutuha’t naalis n’yo,
gawin ‘tong lahat sa pundasyong ‘yon.
Lahat ng ito’y landas sa pagpasok n’yo,
pagpasok n’yo sa realidad.
Lahat ng ito’y kailangang-kailangan.
Ito talaga ang paraan ng paggawa ng Diyos.
Para tunay na maging akmang gamitin ng Diyos,
di lang hangarin ang kailangan n’yo,
kundi patnubay ng Kanyang salita at pagpipino,
Kanyang pagliliwanag at pakikitungo.
Ⅱ
Kung sasali ka sa paraan ng paggawa ng Diyos,
magagawa kang perpekto araw-araw.
Kahit kailan, sa mabuti o masamang sitwasyon,
pag sinubukan, tinukso, gumagawa man o hindi,
nag-iisa ka man o nasa isang grupo,
lagi kang makakakita ng pagkakataong magawang perpekto,
wag mong palagpasin ni isa rito, tuklasin silang lahat.
Ganito ang lihim ng pagsasabuhay ng salita ng Diyos.
Para tunay na maging akmang gamitin ng Diyos,
di lang hangarin ang kailangan n’yo,
kundi patnubay ng Kanyang salita at pagpipino,
Kanyang pagliliwanag at pakikitungo,
Kanyang pagliliwanag at pakikitungo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Nararapat na Isangkap sa Isang Katanggap-tanggap na Pastol