616 Dalawang Prinsipyong Kailangang Maunawaan ng mga Lider at Manggagawa
1 Sa kanilang gawain, kailangang bigyang-pansin ng mga lider at manggagawa ng iglesia ang dalawang bagay: Ang isa ay ang gawing ganap ang kanilang gawain ayon sa mga prinsipyong nakasaad sa mga pagsasaayos ng gawain, nang hindi kailanman nilalabag ang mga prinsipyong iyon at hindi ibinabatay ang kanilang gawain sa anumang maaari nilang mailarawan sa isip o sa alinman sa mga sarili nilang pag-iisip. Sa lahat ng ginagawa nila, dapat silang magpakita ng malasakit sa gawain ng tahanan ng Diyos, at laging unahin ang kapakanan nito. Isang bagay pa—at ito ang pinakamahalaga—iyon ay sa lahat ng bagay, dapat silang magtuon sa pagsunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at gawin ang lahat nang mahigpit na sinusunod ang mga salita ng Diyos.
2 Kung nakakaya mo pa ring salungatin ang patnubay ng Banal na Espiritu, o kung nagmamatigas mo pa ring sinusunod ang mga sarili mong pag-iisip at ginagawa ang mga bagay-bagay ayon sa sarili mong imahinasyon, ang mga kilos mo ang bubuo sa pinakamatinding paglaban sa Diyos. Walang patutunguhan ang madalas mong pagtalikod sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu. Kung maiwala mo ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi mo na magagawang magtrabaho; at kahit pa magawa mong makapagtrabaho kahit paano, wala kang matatapos. Ito ang dalawang pangunahing prinsipyong dapat sundin habang gumagawa: Ang isa ay ang isagawa ang gawain nang ganap na naaayon sa mga pagsasaayos mula sa Itaas, gayundin ang kumilos ayon sa mga prinsipyong naitakda ng nasa Itaas; ang isa pa ay ang sundin sa iyong kalooban ang patnubay ng Banal na Espiritu. Sa sandaling maunawaan mo ang dalawang puntong ito, hindi ka na manganganib na makagawa ng mga pagkakamali.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi