664 Kapag Sinusubok ng Diyos ang Pananampalataya ng Sangkatauhan
‘Pag sinusubok ng Diyos ang pananalig ng tao,
walang nagpapatotoo, nag-aalay sa lahat niya.
Tao’y nagtatago, ‘di bukas ang sarili,
na para bang sasaklutin ng Diyos ang puso niya.
I
Kahit si Job ay ‘di kailanman
nanindigan sa mga pagsubok,
‘di nagbuhos ng tamis habang nagdurusa.
Tao’y naglalabas ng luntian
sa init ng tagsibol at
kailanma’y ‘di nanatiling luntian
sa lamig ng taglamig.
Taong buto’t balat ang tayog
ay ‘di makatutupad sa mga intensyon ng Diyos.
‘Pag ang Kanyang pagkastigo’y
sumasapit sa tao
saka lang mamamalayan nila’ng
Kanyang mga gawa.
Kahit Siya’y walang ginagawa’t pinipilit,
tao’y makikilala Siya’t
mga gawa Niya’y masasaksihan.
II
Sa lahat ng tao, wala ni isa,
walang maa’ring maging huwaran para sa iba.
Ang mga tao’y magkakapareho, ‘di magkakaiba,
na may kaunting kaibahan
para matukoy ang isa’t isa.
Dahil sa gan’tong dahilan, kahit ngayon,
‘di pa rin ganap na makikilala ng tao’ng
mga gawa ng Diyos.
‘Pag ang Kanyang pagkastigo’y
sumasapit sa tao
saka lang mamamalayan nila’ng
Kanyang mga gawa.
Kahit Siya’y walang ginagawa’t pinipilit,
tao’y makikilala Siya’t
mga gawa Niya’y masasaksihan.
Ito ang plano ng Diyos.
Ito’ng aspeto ng mga gawa Niya
na ipinapakita.
Ito’ng dapat malaman ng tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26