121 Ang Layunin ng Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw

1 Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ginagawa upang baguhin ang espiritu ng bawat tao, upang baguhin ang kaluluwa ng bawat tao, nang sa gayon ang kanilang puso, na nagdusa na ng matinding pinsala, ay mabago, sa gayon ay masagip ang kanilang kaluluwa, na matindi nang napinsala ng kasamaan: ito ay upang gisingin ang espiritu ng mga tao, upang tunawin ang kanilang malamig na mga puso, at tulutan silang mapasigla muli. Ito ang pinakadakilang kalooban ng Diyos. Isantabi ang usapin tungkol sa kung gaano katayog o kalalim ang buhay at mga karanasan ng tao; kapag nagising na ang puso ng mga tao, kapag nagising na sila mula sa kanilang mga panaginip at nalaman nang husto ang pinsalang idinulot ng malaking pulang dragon, natapos na ang gawain ng ministeryo ng Diyos. Ang araw na tapos na ang gawain ng Diyos ay ang araw rin kung kailan opisyal nang nagsisimula ang tao sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Sa panahong ito, ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, at opisyal nang magsisimula ang tao na gampanan ang tungkulin na nararapat niyang gampanan. Ang mga ito ang mga hakbang ng gawain ng Diyos.

2 Ang gawain ng Diyos ang ganap na kaligtasan ng tao—ang tao na natubos, na namumuhay pa rin sa ilalim ng mga puwersa ng kadiliman, at hindi pa kailanman ginising ang sarili niya—mula sa lugar na ito na pinagtitipunan ng mga demonyo; ito ay upang ang tao ay maaaring mapalaya mula sa libu-libong taon ng kasalanan, at maging mga iniibig ng Diyos, ganap na pinababagsak ang malaking pulang dragon, itinatatag ang kaharian ng Diyos, at pinagpapahinga ang puso ng Diyos nang mas maaga; ito ay upang mailabas, nang walang pasubali, ang galit na lumalaki sa inyong dibdib, upang puksain yaong inaamag na mga mikrobyo, upang tulutan kayo na iwan ang buhay na ito na hindi naiiba mula sa buhay ng isang baka o kabayo, upang hindi na maging isang alipin, upang hindi na maging malayang natatapak-tapakan o inuutus-utusan ng malaking pulang dragon; hindi na kayo magiging bahagi ng nabigong bansang ito, hindi na magiging pagmamay-ari ng kasuklam-suklam na malaking pulang dragon, at hindi na kayo maaalipin nito. Ang pugad ng mga demonyo ay tiyak na luluray-lurayin ng Diyos, at kayo ay tatayo sa tabi ng Diyos—kayo ay pagmamay-ari ng Diyos, at hindi nabibilang sa imperyong ito ng mga alipin.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8

Sinundan: 120 Ang Kahalagahan ng Pangwakas na Panahong Gawainng Diyos sa Bansa ng Malaking Pulang Dragon

Sumunod: 122 Mas Gumugulang ang mga Tao ng Diyos, mas Bumabagsak ang Malaking Pulang Dragon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito