120 Ang Kahalagahan ng Pangwakas na Panahong Gawainng Diyos sa Bansa ng Malaking Pulang Dragon
Sa mga huling araw, Diyos ay naging-tao
sa lupain ng malaking pulang dragon,
nagawa na Niya’ng gawain ng Diyos
bilang Diyos ng lahat ng nilikha.
Natapos na Niya’ng gawain ng pamamahala’t
ang malaking parte ng gawain
sa lugar na tawag ay bansa ng Gentil,
ang bansa ng malaking pulang dragon.
I
Gawain Niya sa dalawang naunang panaho’y
batay sa mga haka-haka ng tao.
Ngunit mga ito’y inalis sa yugtong ito,
nang tao’y ganap na malupig ng Diyos.
Sa paggamit ng paglupig sa tao ni Moab,
lulupigin ng Diyos ang sangkatauhan.
Ito ang pinakamahalagang aspeto
ng yugtong ‘to ng gawain para sa tao.
Dalawang naunang yugto’y ginawa sa Israel.
Kung yugtong ‘to’y isinagawa sa mga Israelita,
nilikha’y iisiping sila lang ang mga pinili ng Diyos,
at epektong nais ng plano Niya’y ‘di matatamo.
Habang gawain Niya’y ginagawa sa Israel noon,
walang bagong gawaing naisagawa sa Gentil;
walang gawain Niyang naglulunsad ng panahon
sa mga bansa ng Gentil ang isinagawa.
Sa mga huling araw, Diyos ay naging-tao
sa lupain ng malaking pulang dragon,
nagawa na Niya’ng gawain ng Diyos
bilang Diyos ng lahat ng nilikha.
Natapos na Niya’ng gawain ng pamamahala’t
ang malaking parte ng gawain
sa lugar na tawag ay bansa ng Gentil,
ang bansa ng malaking pulang dragon.
II
Yugto ng gawain Niyang naglulunsad ng panahon
ay unang isinagawa sa bansa ng Gentil,
sa gitna ng mga inapo ni Moab,
sa gayo’y naglulunsad ng buong kapanahunan.
Sinira Niya’ng kaalaman sa haka-haka ng tao
at hindi hinayaang may manatili.
Sa paglulupig sinira Niya’ng haka-haka,
lumang paraan ng kaalaman ng tao.
Tao’y hinayaang makitang
sa Diyos walang panuntunan,
walang anumang luma tungkol sa Diyos,
gawain Niya’y napalaya’t malaya,
na Siya’y tama sa anumang ginagawa Niya.
Siya’y pumipili ng tatanggap at lugar
sa gawain Niya batay sa layunin nito.
‘Di kumakapit sa dating panuntunan,
‘di Siya sumusunod sa lumang paraan.
‘Pinaplano Niya’ng gawain ayon sa kabuluhan
upang makamit ang tunay na epekto’t
inaasam na layunin ng Kanyang gawain,
inaasam na layunin ng Kanyang gawain.
Sa mga huling araw, Diyos ay naging-tao
sa lupain ng malaking pulang dragon,
nagawa na Niya’ng gawain ng Diyos
bilang Diyos ng lahat ng nilikha.
Natapos na Niya’ng gawain ng pamamahala’t
ang malaking parte ng gawain
sa lugar na tawag ay bansa ng Gentil,
ang bansa ng malaking pulang dragon,
ang bansa ng malaking pulang dragon.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos ang Panginoon ng Lahat ng Nilikha