208 Si Cristo ng Mga Huling Araw ay Naghahatid ng Daan ng Walang-Hanggang Buhay

I

‘Di mo kailanman makakamit

ang pagsang-ayon ni Jesus

o maging karapat-dapat pumasok sa langit,

nang ‘di hinahanap ang daan ng buhay

mula kay Cristo,

‘pagkat ika’y tau-tauhan,

bilanggo ng kasaysayan.


Ang dala ni Cristo ng mga huling araw ay buhay

at walang hanggang daan ng katotohanan.

Ito lang ang landas kung saan

matatamo ng tao ang buhay,

makikilala ang Diyos at masasang-ayunan Niya.


II

Yaong kontrolado ng mga tuntunin,

ng mga titik, ginapos ng kasaysayan,

‘di nila kailanman matatamo ang buhay

at makakamit ang walang hanggang

daan ng buhay.


Dahil mayroon lang silang

maputik na tubig ng libu-libong taon,

sa halip na tubig ng buhay mula sa trono.

Kung wala nito sila’y

mga bangkay magpakailanman,

mga laruan ni Satanas at mga anak ng impiyerno.


Ang dala ni Cristo ng mga huling araw ay buhay

at walang hanggang daan ng katotohanan.

Ito lang ang landas kung saan

matatamo ng tao ang buhay,

makikilala ang Diyos at masasang-ayunan Niya.


III

Ang mga pinakakakatwang tao sa lupa

ay yaong nais matamo ang buhay

nang walang katotohanang galing kay Cristo.

Yaong hindi tinatanggap

ang Kanyang daan ng buhay

ay ligaw sa pantasya.

Sila’y magpakailanmang kamumuhian ng Diyos.


Ang dala ni Cristo ng mga huling araw ay buhay

at walang hanggang daan ng katotohanan.

Ito lang ang landas kung saan

matatamo ng tao ang buhay,

makikilala ang Diyos at masasang-ayunan Niya.


Si Cristo ang daanan ng tao patungo sa kaharian,

na ‘di puwedeng ‘di tahakin ninuman.

Walang sinumang maaaring

gawing perpekto ng Diyos

maliban sa pamamagitan ni Cristo.

Si Cristo ang daanan ng tao patungo sa kaharian,

na ‘di puwedeng ‘di tahakin ninuman.

Walang sinumang maaaring

gawing perpekto ng Diyos

maliban sa pamamagitan ni Cristo.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Sinundan: 207 Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?

Sumunod: 209 Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito