499 Isagawa ang Katotohanan at ang Iyong Disposisyon ay Mababago

Pagbabahagi ng katotohana’y

‘di layong malaman ‘to ng tao.

kundi para sa pagsasagawa’t pagbabago.

Kung hindi mo ‘sinasagawa ang katotohanan,

sayang ang lahat ng alam mo.

Nawawalan ng pagkakataong

makamit ang katotohana’t maligtas.

Sabi ng ilan pagsasagawa ng katotohana’y

‘di tatanggal ng problema.

Iba’y ‘di naniniwalang malulutas

nito’ng katiwalian ng tao.

Nguni’t problema’y kayang malutas.

Ang susi ay pagkilos ayon sa katotohanan.

Kung katotohanang nauunawaa’y iyong isinasagawa,

mas malamim pang katotohanan ang makakamit mo.

Ika’y maliliwanaga’t aakayin ng Espiritu.

Kaligtasan ng Diyos ay matatanggap,

kaligtasan ng Diyos ay matatanggap.


Problema’y ‘di tulad ng kanser.

Kung katotohana’y ‘sinasagawa, problema’y malulutas.

Kung tamang landas ay nilalakad

at katotohana’y ‘sinasagawa, ikaw ay magtatagumpay.

Kung maling landas ay nilalakad,

ito ang katapusan mo.

Kung katotohanang nauunawaa’y iyong isinasagawa,

mas malamim pang katotohanan ang makakamit mo.

Ika’y maliliwanaga’t aakayin ng Espiritu.

Kaligtasan ng Diyos ay matatanggap,

kaligtasan ng Diyos ay matatanggap.


Ang ilan ay laging nangangamba, katotohana’y ‘di ‘sinasagawa.

Nagdurusang likas, pinagpala nguni’t

‘di nakikinabang sa bunga!

Paraa’y nandiyan upang isagawa,

mababago’ng kapintasang nakamamatay.

Nguni’t maging maingat,

dumanas ng mas maraming pagdurusa.

Pusong maingat ang kailangan sa paniniwala sa Diyos.

Makakapaniwala ka ba nang tama kung ‘di ka nag-iingat?

Kung katotohanang nauunawaa’y iyong isinasagawa,

mas malamim pang katotohanan ang makakamit mo.

Ika’y maliliwanaga’t aakayin ng Espiritu.

Kaligtasan ng Diyos ay matatanggap,

kaligtasan ng Diyos ay matatanggap.

Kung katotohanang nauunawaa’y iyong isinasagawa,

mas malamim pang katotohanan ang makakamit mo.

Ika’y maliliwanaga’t aakayin ng Espiritu.

Kaligtasan ng Diyos ay matatanggap,

kaligtasan ng Diyos ay matatanggap,

kaligtasan ng Diyos ay matatanggap.


Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 498 Tanging ang mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang Maaaring Magpatotoo sa mga Pagsubok

Sumunod: 500 Ang Pagtalikod sa Laman ay ang Pagsasagawa sa Katotohanan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito