87 Piniperpekto ng Nagkatawang-Taong Diyos ng mga Huling Araw ang Tao sa mga Salita
Naparito’ng Diyos upang salita Niya’y bigkasin.
Ang nakikita’t naririnig mo’y salita Niya,
ang sinusunod mo’y salita ng Diyos,
ang nararanasan mo’y salita ng Diyos.
I
‘Tong pagkakatawang-tao ng Diyos ay
gamit ang salita upang tao’y maperpekto.
Siya’y ‘di nagpapakita ng tanda’t kababalaghan,
o ginagawa’ng gawain ni Jesus noon.
Kahit Sila’y Diyos, at kapwa katawang-tao,
Kanilang ministeryo’y magkaiba.
Sa mga huling araw, pangunahing gawain
ng Diyos ay gamitin ang salita Niya
upang tao’y gabayan at perpektuhin.
Katunayan ay ‘di gamit sa pagkastigo.
II
Ngayon Diyos ay nagkatawang-tao
upang kumpletuhin ang gawain ng
“Salitang nagpapakita sa katawang-tao,”
tao’y perpektuhin sa salita
at ipatanggap ang pakikitungo
at ang pagpipino ng salita.
Buhay ang ‘yong natatamo sa mga salita Niya;
sa mga ‘to nakikita mo’ng gawain Niya.
Kinakastigo’t pinipino ka nito.
Pagdurusa’y galing din sa salita Niya.
III
Ngayon, Diyos gumagawa sa salita’t ‘di sa katunayan.
‘Pag salita Niya’y dumating na sa’yo,
ang Banal na Espiritu’y makakakilos,
at makararamdam ka ng sakit o katamisan.
Salita lang Niya nagdadala ng realidad,
ito lang ang makapeperpekto sa iyo.
Sa mga huling araw, pangunahing gawain
ng Diyos ay gamitin ang salita Niya
upang tao’y gabayan at perpektuhin.
Katunayan ay ‘di gamit sa pagkastigo.
IV
May panahong ilang tao’y lumalaban sa Diyos.
‘Di Siya nagsasanhi ng pagkabalisa,
laman mo’y ‘di kinakastigo’t
nagdurusa ng anumang paghihirap.
‘Pag salita Niya’y dumating
at pinipino ka, ito’y ‘di mabata.
Sa mga huling araw, pangunahing gawain
ng Diyos ay gamitin ang salita Niya
upang tao’y gabayan at perpektuhin.
Katunayan ay ‘di gamit sa pagkastigo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos