883 Nang Magkatawang-tao ang Diyos, Saka Lamang Nagkaroon ang Tao ng Pagkakataong Maligtas
1 Kapag nakaranas na kayo hanggang sa isang tiyak na araw, mauunawaan ninyo na ang pagkakatawang-tao ng Diyos, gamit ang katawang-taong laman Niya na may normal na pagkatao, ang kailangan ng sangkatauhan. Habang mas normal ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang Kanyang pagkatao, ang lahat ng mayroon Siya at kung ano ang inihahayag Niya, mas malaki ang ating kaligtasan, at habang mas normal ang mga ito, mas lalong ang mga ito ang kinakailangan natin. Kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay higit sa karaniwan, kahit na tayo ay maaaring hinirang ng Diyos, wala ni isa sa atin ang makapagkakamit ng buong kaligtasan. Dahil mismo sa kababaang-loob at pagiging tago ng Diyos, dahil sa pagiging normal at pagiging praktikal ng tila pangkaraniwang Diyos na ito, kung kaya’t may pagkakataong maligtas ang sangkatauhan. Sapagkat sa mga tao ay mayroong pagsuway at diwa ng mga tiwali at satanikong disposisyon, lahat ng uri ng kuru-kuro, hindi pagkakaunawaan, at antagonismo sa Diyos ay nabubuo; bukod pa nga rito, bilang bunga ng mga kuru-kurong ito, madalas na itinatanggi ng mga tao ang Cristo na ito, at itinatanggi ang Kanyang normal na pagkatao—isa itong malaking pagkakamali.
2 Kung nais mong makamit ang buong kaligtasan, kung nais mong matanggap ang pagliligtas ng Diyos, at ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, dapat mo munang isantabi ang iba’t iba mong kuru-kuro at maling pakahulugan tungkol kay Cristo, dapat mong isantabi ang iba’t iba mong pananaw at opinyon tungkol kay Cristo, at dapat kang mag-isip ng paraan upang tanggapin ang lahat na nagmumula sa Kanya. Pagkatapos lamang nito na ang mga salitang binibigkas Niya at ang mga katotohanang ipinapahayag Niya ay unti-unting makakapasok sa iyong puso at magiging buhay mo. Kung nais mong sundin Siya, dapat mong tanggapin ang lahat ng may kaugnayan sa Kanya; hindi ka dapat tumindig laban sa Kanya, ginagamit ang iyong mga kuru-kuro upang palaging hindi Siya maunawaan, at hindi ka dapat kumapit sa mga sarili mong kuru-kuro at patuloy na hindi Siya maunawaan at pagdudahan Siya, o labanan pa Siya at salungatin. Sa gayong pag-uugali, maaari mo lamang saktan ang iyong sarili; hindi mo ito pakikinabangan kahit kaunti.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos (1)