Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at ang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila ang mga tao na gumagawa lamang nang pinaka mababa. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw, magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos, iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring matupad ng tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaan ng Diyos upang maging nagkatawang-tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[a] ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos, at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang sanglibutan hanggang ngayon, marami ng tinupad na mga gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga “mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain, ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.

Hindi maaaring makamit sa isa o dalawang araw ang mga epekto ng katuruan ng pagkilala sa Diyos: Dapat na ipunin ng mga tao ang mga karanasan, sumailalim sa pagdurusa, at magkaroon ng tunay na pagsunod. Una sa lahat, simulan mula sa gawain at mga salita ng Diyos. Dapat mong maunawaan kung ano ang kabilang sa pagkilala sa Diyos, kung paano makamit ang kaalaman sa Diyos, at kung paano makita ang Diyos sa panahon ng iyong mga karanasan. Ito ang dapat gawin ng lahat kapag kikilalanin pa lamang nila ang Diyos. Walang sinuman ang maaaring agad na makaunawa sa gawa at mga salita ng Diyos, at walang sinuman ang maaaring magkamit ng kaalaman sa kabuuan ng Diyos sa isang maikling panahon. Ang hinihiling ay ang kinakailangan na proseso ng karanasan, na wala kung saan walang sinuman ang magagawang kilalanin ang Diyos o tunay na sumunod sa Diyos. Mas maraming gawain ang ginagawa ng Diyos, mas higit Siyang makikilala ng tao. Mas higit na salungat ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, mas higit na ang kaalaman ng tao sa Kanya ay mabago at lumalim. Kung mananatiling magpakailanman na hindi nagbabago ang gawa ng Diyos, sa gayon ang tao ay mayroon lamang ng kaunting kaalaman sa Diyos. Simula nang lalangin ang sanlibutan hanggang ngayon, dapat ninyong malinaw na malaman na ang mga pananaw kung ano ang ginawa ng Diyos sa panahon ng Kapanahunan ng Kautusan, kung ano ang ginawa Niya sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya, at kung ano ang ginagawa Niya sa panahon ng Kapanahunan ng Kaharian. Kailangan ninyong malaman ang gawain ng Diyos. Matapos lamang ng pagsunod kay Jesus unti-unting mas nakilala ni Pedro ang gawain ng Espiritu na ginawa kay Jesus. Sinabi Niya, “Hindi sapat ang umasa sa mga karanasan ng tao upang makamit ang isang ganap na kaalaman sa Diyos; maaaring maraming mga bagong bagay mula sa gawain ng Diyos na makatutulong sa atin na kilalanin ang Diyos.” Sa simula, naniwala si Pedro na si Jesus ay ipinadala ng Diyos, katulad ng isang apostol, at hindi niya nakita si Jesus bilang si Kristo. Habang tinawag si Pedro upang sumunod[b] kay Jesus, tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Jonah, susunod ka ba sa Akin?” Sinabi ni Pedro, “Ako’y dapat sumunod sa kanya na isinugo ng Ama sa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susunod ako sa Iyo.” Mula sa kanyang mga salita, maaaring makita na si Pedro ay tiyak na walang pagkilala kay Jesus; nakaranas siya ng mga salita ng Diyos, at inunawa ito sa kanyang sarili, at nagdusa ng paghihirap para sa Diyos, ngunit hindi niya alam ang gawa ng Diyos. Matapos ang panahon ng karanasan, nakita ni Pedro kay Jesus ang maraming mga gawa ng Diyos, nakita ang kagandahan ng Diyos, at nakita ang karamihan ng pagka-Diyos ng Diyos kay Jesus. Kaya nakita rin niya na hindi maaaring masambit ng tao ang mga salita ni Jesus, at hindi magagawa ng tao ang gawain na ginawa ni Jesus. Sa mga salita at kilos ni Jesus, sa karagdagan, nakita ni Pedro ang karamihan ng karunungan ng Diyos, at higit pang banal na gawain. Sa kanyang mga karanasan, hindi lang niya nakilala ang kanyang sarili, datapwa’t ay nakatutok din sa pagmasid sa mga kilos ni Jesus, kung saan nakatuklas siya ng maraming bagong mga bagay; ito nga, na mayroong maraming pagpapahayag ng praktikal na Diyos sa gawa na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus, at ang mga salita ni Jesus, mga kilos, ang mga paraan kung paano Niya pinapastol ang mga simbahan at kakaiba ang gawain na natupad Niya mula sa anumang ordinaryong tao. Kaya, mula kay Jesus natuto siya ng maraming mga aral na dapat niyang malaman, at sa oras na si Jesus ay malapit ng ipako sa krus, nagkamit siya ng ilang kaalaman ni Jesus—isang kaalaman na siyang batayan ng kanyang habambuhay na katapatan kay Jesus, at ng kanyang pagpapapako ng nakatiwarik para sa kapakanan ni Jesus. Mayroon Siyang pinanghahawakan na ilang mga pagkaintindi, at walang isang malinaw na kaalaman kay Jesus nang simula, ngunit ang mga bagay na ito ay tiyak na makikita sa tiwaling tao. Nang malapit na Siyang umalis, sinabi ni Jesus kay Pedro na ang Kanyang pagpapako sa krus ay ang gawain na Kanyang tinungo upang gawin; dapat Siyang talikdan ng panahon, ang maruming lumang panahon na ito ay dapat magpako sa Kanya sa krus, at dumating Siya upang gawing ganap ang gawain ng pagtubos, at, matapos makumpleto ang gawaing ito, ang Kanyang ministeryo ay darating sa katapusan. Nang marinig ito, nalugmok si Pedro sa kalungkutan, at nakadama ng mas higit na katapatan kay Jesus. Nang ipinako sa krus si Jesus, nanangis ng kapaitpaitan ng palihim si Pedro. Bago ito, tinanong niya si Jesus, “Panginoon ko! Sinabi Mo na Ikaw ay mapapako sa krus. Matapos Mong mawala, kailan Ka namin muling makikita?” Wala bang nahalo sa mga salita na kanyang sinambit? Hindi ba ito ang kanyang mga pagkaintindi? Sa kanyang puso, alam niya na dumating si Jesus upang gawing ganap ang gawain ng Diyos, at matapos iyon umalis si Jesus, makakasama niya ang Espiritu; bagaman ipapako Siya sa krus at aakyat sa langit, ang Espiritu ng Diyos ay mamamalagi sa kanya. Sa oras na iyon, mayroon siyang ilang kaalaman tungkol kay Jesus, at ipinadala Siya ng Espiritu ng Diyos, na ang Espiritu ng Diyos ay nasa Kanya, at si Jesus ay ang Diyos Mismo, Siya ay si Kristo. Ngunit dahil sa kanyang pag-ibig kay Jesus, at dahil sa kahinaan ng tao, nasabi pa rin ni Pedro ang ganoong mga salita. Kung kaya mong pagmasdan at sumailalim sa mga maseselang karanasan sa bawat hakbang ng gawain ng Diyos, doon ay unti-unting mong matutuklasan ang kagandahan ng Diyos. At ano ang pananaw ni Pablo? Nang magpakita sa kanya si Jesus, sinabi ni Pablo, “Aking Panginoon! Sino Ka?” Sinabi ni Jesus, “Ako’y si Jesus na iyong pinaguusig.” Ito ay ang pananaw ni Pablo. Ginamit ni Pedro ang muling pagkabuhay ni Jesus at ang Kanyang pagpapakita sa loob ng 40 na araw, at ang mga turo ni Jesus sa panahon ng Kanyang buhay, bilang kanyang pananaw hanggang dumating siya sa katapusan ng kanyang paglalakbay.

Nararanasan ng tao ang Diyos, kilala ang kanyang sarili, inaalis sa kanyang sarili ang mga tiwaling disposisyon, at naglalayon ng isang paglago sa buhay lahat lamang para sa kapakanan ng pagkilala ng Diyos. Kung naglalayon ka lamang na makilala ang iyong sarili at makitungo sa iyong sariling tiwaling disposisyon, at walang kaalaman sa kung ano ang gawain na ginagawa ng Diyos sa tao, kung gaano kahanga-hanga ang Kanyang pagliligtas, o kung paano mo nadarama ang Diyos at masaksihan ang mga gawa ng Diyos, sa gayon maloko ang iyong karanasan. Kung sa tingin mo na ang pagsasabuhay ng katotohanan ay maaaring gawin, at makayanan ang pagtitiis ay nangangahulugan na ang ating buhay ay lumago, sa gayon nangangahulugan ito na hindi mo pa rin nauunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay, at hindi pa rin naunawaan ang layunin ng Diyos sa paggawa sa tao. Isang araw, kapag ikaw ay nasa mga relihiyosong simbahan, sa mga kasapi ng Simbahan ng Pagsisisi o ang Simbahan ng Buhay, makakatagpo ka ng maraming debotong tao na ang mga panalangin ay naglalaman ng mga pananaw, at nakaramdam ng paghaplos at mayroong mga salita na gumagabay sa kanila sa pagbaybay sa buhay. Ano ang higit pa, sa maraming mga bagay na nagawa nilang pagtiisan, at talikuran ang kanilang mga sarili, hindi pinangunahan ng laman. Sa oras na iyon, hindi mo kayang sabihin ang pagkakaiba: Maniniwala ka na lahat ng ginagawa nila ay tama, na likas na pahayag ng buhay, at kahabag-habag na ang pangalan na kanilang pinaniniwalaan ay mali. Hindi ba ang gayong mga paniniwala ay kahangalan? Bakit sinasabi na ang karamihan ng mga tao ay walang buhay? Dahil hindi nila kilala ang Diyos, at sa gayon sinasabi na wala silang Diyos, at walang buhay. Kung umabot sa isang tiyak na punto ang iyong paniniwala sa Diyos kung saan maaari mong lubusang malaman ang mga gawa ng Diyos, ang katotohanan ng Diyos, at bawat yugto ng gawain ng Diyos, sa gayon ikaw ay nagmamay ari ng katotohanan. Kung hindi mo alam ang gawain at disposisyon ng Diyos, sa gayon kulang pa rin ang iyong karanasan. Paano natupad ni Jesus ang yugto ng Kanyang gawain, paano ipinatupad ang yugtong ito, paano ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya at kung ano ang natapos na gawa, anong gawain ang natupad sa yugtong ito—kung hindi ka nagtataglay ng isang ganap na kaalaman ng mga bagay na ito, sa gayon hindi ka makararamdam ng pagka panatag at kaligtasan. Kung, matapos ang isang panahon ng karanasan, iyong nagawang malaman ang gawain na ginawa ng Diyos at bawat hakbang ng gawain ng Diyos, at mayroong ganap na kaalaman sa mga layunin ng mga salita ng Diyos, at kung bakit napakaraming mga salita ang Kanyang sinambit ang hindi natupad, sa gayon maaaring kang magpahinga ng mahinahon at matapang na magpatuloy sa iyong daan, malaya mula sa pag-alala o pagdadalisay. Dapat ninyong makita kung ano ang ginagamit ng Diyos upang makamit ang karamihan ng Kanyang gawa. Ginagamit Niya ang mga salita na Kanyang sinasambit, dinadalisay ang tao at binabago ang mga pagkaintindi ng tao gamit ang maraming uri ng mga salita. Ang lahat ng mga paghihirap na inyong tiniis, ang lahat ng pagdadalisay na inyong naranasan, ang pakikitungo na inyong tinanggap sa kalooban ninyo, ang pagliliwanag na inyong naranasan—nakamit silang lahat gamit ang mga salita na sinambit ng Diyos. Dahil ano ba ang sinusunod ng tao sa Diyos? Dahil sa mga salita ng Diyos! Labis na mahiwaga ang mga salita ng Diyos, at maaaring mahaplos ang puso ng tao, ibunyag ang mga nasa kaloob-looban ng puso ng tao, magawa niyang mabatid ang mga bagay na nangyari sa nakaraan, at hayaan siyang makita ang hinaharap. Tinitiis ng mga tao ang paghihirap dahil sa mga salita ng Diyos, at naging perpekto dahil sa mga salita ng Diyos, at doon lamang sinusunod ng tao ang Diyos. Ang dapat na gawin ng tao sa yugtong ito ay tanggapin ang mga salita ng Diyos, at hindi alintana kung siya ay perpekto, o pino, ang mahalaga ay ang mga salita ng Diyos; ito ay ang gawain ng Diyos, at ito ay ang pananaw na dapat malaman ng tao ngayon.

Paano ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Ano ang disposisyon ng Diyos? At ano ang nilalaman sa loob ng Kanyang disposisyon? Dapat maunawaan ang lahat ng ito; pagkakalat ito ng pangalan ng Diyos, pagpapatotoo ito sa Diyos, at pagpupuri sa Diyos, at ganap na magkakamit ang tao ng pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay mula pundasyon ng pagkilala sa Diyos. Mas maraming pakikitungo at pagdadalisay na dinaranas ang tao, higit na mas malaki ang kanyang lakas, at mas maraming mga hakbang ng gawain ng Diyos, higit na magagawang perpekto ang tao. Ngayon, sa karanasan ng tao, ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos ay bumabalik sa mga pagkaintindi ng tao, at sa bawat hakbang ay hindi maarok ng isipan ng tao, at lampas sa kanyang mga inaasahan. Binibigay ng Diyos ang lahat ng kinakailangan ng tao, at sa bawat paraang ito ay kakaiba sa mga pagkaintindi ng tao, at kapag ikaw ay mahina, binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita; sa ganitong paraan lamang maaari Niyang ibigay ang iyong buhay. Sa pamamagitan ng pagbalik sa iyong mga pagkaintindi, dumating ka upang tanggapin ang pakikitungo ng Diyos, at sa ganitong paraan lamang maaari mong maalis ang iyong katiwalian. Ngayon, sa isang aspekto ang Diyos na nagkatawang tao ay kumikilos sa pagka-Diyos, at sa isa pang aspekto kumikilos Siya sa normal na pagkatao. Hindi mo dapat tanggihan ang anumang gawain na ginagawa ng Diyos, at dapat mong sundin ang anumang sinasabi ng Diyos o ginagawa sa normal na pagkatao, at hindi mahalaga kung gaano Siya ka normal, dapat kang sumunod at umunawa. Matapos mo lamang magkaroon ng aktwal na karanasan maaari mong tiyak na malalaman na Siya ay Diyos, at huminto sa pagbuo ng mga pagkaintindi, at sumunod sa Kanya hanggang sa katapusan. May karunungan sa gawain ng Diyos, at alam Niya kung paano maaaring maging patotoo ang tao sa Kanya. Alam Niya kung saan ang malubhang kahinaan ng tao, at ang mga salita na Kanyang sinasambit ay maaari kang tamaan sa iyong mga malubhang kahinaan, ngunit ginagamit din Niya ang Kanyang marilag at matalinong mga salita upang ikaw ay maaaring maging patotoo sa Kanya. Iyan ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos. Hindi mailalarawan ng kaisipan ng tao ang gawa na ginawa ng Diyos. Nagpapakita ng mga uri ng katiwalian ng tao ang paghatol ng Diyos, pagiging laman, nagmamay-ari ng, at ano ang mga bagay na kakanyahan ng tao, at iniiwan nito ang tao na walang lugar na mapagtataguan mula sa kanyang kahihiyan.

Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at hindi maaaring ilipat ang kanyang mga lumang kaalaman ng Diyos patungo sa panibago. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, isinasa-publiko Niya ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay daan sa tao na makamit ang kaalaman ng Diyos, at baguhin ang kanyang disposisyon, at gumawa ng umuugong na patotoo sa Diyos sa pamamagitan ng pampublikong pagpapakita ng Diyos. Nakakamit ang pagbabago sa disposisyon ng tao sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang nasabing pagbabago sa disposisyon ng tao, hindi magagawang magbigay ng patotoo ng tao sa Diyos, at hindi maaaring makuha ang puso ng Diyos. Ang pagbabago sa katangian ng tao ay tanda na ang tao ay pinalaya ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin ni Satanas, at pinalaya ang kanyang sarili mula sa impluwensiya ng kadiliman, at tunay na maging isang modelo at uliran ng gawain ng Diyos, ay tunay na maging isang saksi ng Diyos at isang tao na nagnanais ng puso ng Diyos. Ngayon, dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawa sa lupa, at Kanyang hinihingi sa tao na makamit ang kaalaman tungkol sa Kanya, pagsunod sa Kanya, patotoo sa Kanya—malaman ang Kanyang praktikal at normal na gawain, sundin ang lahat ng Kanyang mga salita at gawa na hindi ayon sa mga pagkaintindi ng tao, at magpatotoo sa lahat ng gawain ng pagliligtas Niya sa tao, at ang lahat ng mga gawa Niya na lupigin ang tao. Yaong mga nagpapatotoo sa Diyos ay dapat magkaroon ng kaalaman sa Diyos; ang ganitong uri lamang ng patotoo ang tiyak, at totoo, at ang ganitong uri lamang ng patotoo ang maaaring magbibigay kahihiyan kay Satanas. Ginagamit ng Diyos ang mga taong nakakilala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasailalim sa Kanyang paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagpupungos, upang magbigay ng patotoo sa Kanya. Ginagamit Niya yaong mga ginawang tiwali ni Satanas upang magpatotoo sa Kanya, at gayon din ay ginagamit Niya yaong ang mga disposisyon ay nagbago, at kung sino ang nagkamit ng Kanyang mga pagpapala, upang magbigay ng pagpapatotoo sa Kanya. Hindi niya kailangan ng tao na sambahin lamang Siya sa salita, at hindi rin Niya kailangan ang papuri at patotoo ng lahi ni Satanas, na hindi pa Niya naligtas. Tanging yaong mga nakakakilala sa Diyos ang karapat-dapat na magbigay ng pagpapatotoo sa Diyos, at yaon lamang na ang disposisyon ay nagbago ang karapat-dapat na magbigay ng pagpapatotoo sa Diyos, at hindi papayagan ng Diyos ang tao na sadyang magdala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan.

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nagsasabi ng “Ang gawain ng pagkilala sa Diyos.”

b. Ang orihinal na teksto ay nagsasabing “ay sumusunod.”