293 Tanging ang Diyos ang Pinakamahusay

1 Lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang lahat ng Kanyang sinasabi at ginagawa ay matuwid. Sa pagdanas ng paghatol ng Kanyang mga salita, dapat nating hanapin ang katotohanan. Yamang kinikilala natin na mayroon tayong mga tiwaling disposisyon, dapat tayong lalo pang magpasakop sa paghatol ng Diyos. Kapag lamang nalinis na sa ating mga disposisyon ang katiwalian saka natin mapapalugod ang Kanyang kalooban. Isinusuko natin ang ating mga kuru-kuro at haka-haka, umaasa sa Diyos at nagsasagawa ng katotohanan. Pinalalakas natin ang ating kapasyahang tularan si Pedro, maalingawngaw na nagpapatotoo. Lakasan natin ang ating mga tinig at kumanta tayo: Ang Diyos lamang ang pinakamahusay! Pupurihin natin ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos magpakailanman!

2 Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos, nakita ko kung gaano ako kalalim na nagawang tiwali ni Satanas. Ako ay mapagmataas, may labis na pagtingin sa sarili, baluktot at mapanlinlang; wala talaga akong wangis ng tao. Matapos tanggapin ang paghatol at makilala ang aking sarili, tunay na akong nagsisi. Matapos matikman ang disposisyon ng Diyos, na hindi nagtitiis ng anumang paglabag, mayroon akong taos-pusong paggalang sa Kanya. Ang Kanyang malaking pag-ibig ay nakatago sa likod ng Kanyang paghatol at pagkastigo. Tinatalikdan ang laman at isinasagawa ang katotohanan, pakiramdam ko ay mas malapit pa ang Diyos. Lakasan natin ang ating mga tinig at kumanta tayo: Ang Diyos lamang ang pinakamahusay! Pupurihin natin ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos magpakailanman!

3 Kapag nangyayari ang pag-uusig, paghihirap, at mga pagsubok, kailangan tayong tumayong saksi upang luwalhatiin ang Diyos. sa buhay o sa kamatayan, ang mga nilikha ay dapat magpasakop sa Kanyang paghahari. Sa pagdurusa ng matinding paghihirap at sakit, nagagawa nating kamuhian si Satanas, at nakakapagkamit ng mas higit na pagkaramdam kung gaano kaibig-ibig ang Diyos. Nilalagay sa panganib ang ating buhay upang ipahiya si Satanas, matagumpay tayong nagpapatotoo. Ang magaan na pagdurusa, na panandalian lang, ang ipinapalit natin para sa katotohanan at buhay. Lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay pag-ibig; dito, malakas ang ating pananampalataya at malaya mula sa pag-aalinlangan. Lakasan natin ang ating mga tinig at kumanta tayo: Ang Diyos lamang ang pinakamahusay! Pupurihin natin ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos magpakailanman!

Sinundan: 292 Natunaw Na ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso

Sumunod: 294 Ikaw Lamang ang Makapagliligtas sa Akin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito