Kabanata 117
Ikaw ang Siyang nagbubukas ng balumbon, at Ikaw ang Siyang bumabasag sa pitong tatak, dahil sa Iyo nagmumula ang lahat ng hiwaga at Ikaw ang nagbubunyag ng lahat ng pagpapala. Nakatakda Akong mahalin Ka magpakailanman, at nakatakda Ako na pasambahin sa Iyo ang lahat ng tao, dahil Ikaw ang Aking katauhan, bahagi Ka ng Aking masagana at ganap na pagpapamalas, isang kailangang-kailangang bahagi ng Aking katawan. Kaya nga, dapat Akong magbigay ng natatanging patotoo. Sino pa maliban sa napapaloob sa Aking katauhan ang kaayon ng puso Ko? Hindi Ikaw Mismo ang Siyang nagpapatotoo sa Iyo, pero ang Aking Espiritu na nagpapatotoo sa Iyo, at tiyak ng hindi Ko patatawarin ang sinumang nangangahas na sumuway sa Iyo, dahil hinggil ito sa Aking mga atas administratibo. Lahat na sinasabi Mo ay tiyak na isasakatuparan Ko, at lahat ng iniisip Mo ay siguradong tatanggapin Ko. Kung hindi tapat ang isang tao sa Iyo, kung gayon, hayagan nila Akong nilalabanan, at tiyak na hindi Ko sila patatawarin. Matindi Kong kakastiguhin ang lahat ng mga lumalaban sa Aking Anak, at pagpapalain Ko sila na nakaayon sa Iyo. Ito ang awtoridad na iginagawad Ko sa Iyo. Ayon sa sinabi noon—ukol sa mga hinihingi at mga pamantayang ibinigay sa mga panganay na anak—Ikaw ang huwaran. Na ibig sabihin, gaya ng sa Iyo, gayon din ang hihingiin Ko sa mga panganay na anak. Hindi ito isang bagay na magagawa ng mga tao, kundi kung ano ang ginagawa mismo ng Aking Espiritu. Kung naniniwala ang sinuman na ang mga tao ang sumasaksi para sa Iyo, kung gayon ang nilikhang iyan ay walang dudang kauri ni Satanas at kaaway Ko! Samakatuwid, ang patotoo ay ang konklusyon, hindi nagbabago magpakailanman, at kung ano ang kinukumpirma ng Banal na Espiritu! Walang sinuman ang maaaring magbago nito nang bahagya, kung sinuman ang gumawa nito ay hindi Ko patatawarin! Yamang hindi maaaring magpatotoo sa Akin ang mga tao, Ako Mismo ang nagpapatotoo sa Aking katauhan, at hindi dapat makagambala ang mga tao sa Aking gawain! Ito ay mga salita ng matinding paghuhusga, at dapat isaalang-alang ng bawat tao ang mga ito!
Dapat ninyong isaalang-alang at bigyang-pansin ang bawat detalye ng sinasabi Ko. Huwag tratuhin ang aking mga salita nang basta-basta, ngunit makinig nang mabuti. Bakit Ko sinasabi na ang mga panganay na anak ay ang Aking katauhan at isang kailangang-kailangang bahagi ng Aking kaharian? Bago ang lahat ng kapanahunan, nabuhay kaming magkasama at hindi kailanman nagkahiwalay. Dahil sa mga panggugulo ni Satanas, matapos Akong magkatawang-tao sa unang pagkakataong bumalik Akong muli sa Sion. Pagkatapos, dumating kaming lahat sa mundo, at matapos Akong magwagi ng tagumpay sa mga huling araw—iyan ay, matapos Ko kayong mabawi mula sa laman na ginawang tiwali ni Satanas—ibabalik Ko kayo sa Sion upang magsamang muli ang Aking katauhan, na hindi na kailanman mapaghihiwalay. Matapos niyan hindi na Ako muling magkakatawang-tao, at tiyak na hindi kayo lalabas sa Aking katawan. Ibig sabihin, pagkatapos nito ay hindi Ko na muling lilikhain ang mundo, ngunit mananatiling di-maihihiwalay mula sa Aking mga panganay na anak sa Sion magpakailanman, dahil lahat ay lubos nang natapos ngayon, at malapit Ko nang wakasan ang buong lumang kapanahunan. Tanging sa Sion mayroong buhay ng bagong langit at lupa, dahil umiiral ang Aking pagkatao sa Sion. Hindi na magkakaroon ng bagong mga langit o bagong mga lupa na umiiral ng hiwalay sa mga ito. Ako ang bagong langit, at Ako rin ang bagong lupa, dahil pinupuno ng Aking pagkatao ang buong Sion. Maaari ring sabihin na ang Aking mga panganay na anak ang bagong langit, ang Aking mga panganay na anak ang bagong lupa. Ang Aking mga panganay na anak at Ako ay sa iisang katawan at di-mapaghihiwalay. Ang pagsasalita ukol sa Akin ay nangangahulugang pagsasalita rin tungkol sa Aking mga panganay na anak, at siguradong hindi Ko papatawarin ang sinumang susubok na paghiwalayin kami. Kapag pinabalik ko ang lahat ng mga bansa at mga tao sa harapan ng Aking trono, lubusang mapapahiya ang lahat ng mga Satanas at aatras mula sa Akin ang lahat ng masasamang demonyo. Pagkatapos ay tiyak na iiral ang katuwiran sa gitna ng lahat ng tao (ibig sabihin sa Aking mga anak at bayan), at tiyak na hindi na magkakaroon pa ng mga panggugulo ni Satanas sa lahat ng mga bansa, dahil pamumunuan Ko ang lahat ng bansa at tao, ipapamalas Ko ang kapangyarihan sa buong mundong sansinukob, at lubusang mawawasak ang lahat ng mga Satanas, ganap na matatalo, at tatanggap ng kaparusahan ng Aking mga atas administratibo.
Nagpapatuloy Ako sa Aking gawain sa lahat ng mga tao, ngunit mayroon lamang silang kaliwanagan ng Aking Espiritu, at walang sinuman sa kanila ang kwalipikado upang ibunyag ang Aking mga hiwaga, walang kwalipikado upang ipahayag Ako. Tanging ang Siyang nagmumula sa Akin ang kwalipikado upang gawin ang Aking gawain—at ang iba pa ay pansamantala Ko lamang ginagamit. Hindi bababa ang Aking Espiritu sa isang tao na nagkataon lamang, dahil lahat ng nasa Akin ay mahalaga. Para bumaba ang Aking Espiritu sa isang tao at para magkabisa ang Aking Espiritu sa isang tao ay ganap na magkakaibang mga bagay. May bisa ang Aking Espiritu sa mga taong nasa labas Ko, ngunit bumababa ang Aking Espiritu sa Kanya na nagmumula sa Akin. Dalawa itong ganap na hindi magkaugnay na mga bagay. Dahil banal Siyang nagmumula sa Akin, ngunit hindi banal ang mga nasa labas Ko, kahit gaano pa sila kabuti. Hindi bababa ang Aking Espiritu sa isang tao para sa anumang maliit na kadahilan. Hindi dapat mag-alala ang mga tao. Hindi ako nagkakamali, at Ako ay isandaang porsiyentong sigurado tungkol sa Aking ginagawa! Katulad ng Aking pagpapatotoo para sa Kanya, tiyak na pangangalagaan Ko rin Siya; Siya ay tiyak na nagmumula sa Akin at kailangang-kailangan ng Aking katauhan. Samakatuwid, inaasahan Ko na isasantabi ng mga tao ang kanilang sariling mga kuru-kuro, talikuran ang anumang mga ideya na ibinigay ni Satanas, maniwala na totoo ang bawat pagsasalita Ko, at huwag magbigay-daan sa mga pag-aalinlangan sa kanilang mga isipan. Ito ang Aking ipinapagawa sa tao at ang Aking payo sa tao. Dapat sumunod ang lahat sa mga bagay na ito, lahat ay dapat taimtim na sumunod sa mga ito, at dapat gawing pamantayan ng lahat ang sinasabi Ko.
Hindi Ko lamang sisimulan ang Aking gawain sa lahat ng mga bansa at mga tao, kundi nagsisimula din ng Aking gawain sa lahat ng dako ng sansinukob na mundo, at higit pang ipinakikita nito na ang araw para sa Aking pagbabalik sa Sion ay hindi na magtatagal (sapagkat kinakailangan na bumalik Ako sa Sion bago Ako makapag-umpisa ng gawain sa lahat ng tao sa buong sansinukob na mundo). Mayroon bang sinuman na makaaarok sa mga hakbang ng Aking gawain at sa paraan ng aking pagtatrabaho? Ang mga dahilan kung bakit sinasabi Kong makikipagtagpo Ako sa mga dayuhan sa espiritu ay dahil pangunahin dito na ito ay hindi maaaring gawin sa laman, at dahil ayaw Kong ipagsapalaran ang mga panganib sa ikalawang pagkakataon. Ito ang mga dahilan para makipagniig sa mga dayuhan sa espiritu. Ito ay dapat na nasa totoong espirituwal na mundo, hindi isang malabong mundong espiritwal na tulad ng kathang-isip ng mga[a] nabubuhay sa laman. Ang sinasabi Ko sa panahong iyon ay naiiba lamang sa paraan ng Aking pagsasalita, sapagkat magsasalita Ako sa loob ng ibang kapanahunan. Samakatuwid, ipinaaalala Ko sa tao nang paulit-ulit na bigyang-pansin ang paraan ng Aking pagsasalita, at ipinaaalala Ko rin sa tao na mayroong mga hiwaga sa sinasabi Kong hindi maaaring ibunyag ng mga tao. Ngunit walang nakauunawa kung bakit sinasabi Ko ang mga bagay na ito, at ito ay dahil lamang sa sinasabi Ko sa inyo ngayon na nakauunawa na kayo nang kaunti, ngunit hindi pa kumpleto. Matapos ang yugtong ito sa Aking gawain, ipaaalam Ko sa inyo ang bawat hakbang. (Nais Ko pa ring alisin ang ilang mga tao sa pamamagitan nito, kaya’t hindi Ako magsasalita ng anuman sa ngayon.) Ito ang pamamaraan ng susunod na hakbang ng Aking gawain. Ang lahat ay dapat magbigay-pansin at makakita nang malinaw na Ako Mismo ang Diyos na marunong.
Talababa:
a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “tulad ng kathang-isip ng mga.”