Kabanata 118

Sinumang naninindigan upang magpatotoo sa Aking Anak, pagkakalooban Ko sila ng biyaya; sinumang hindi naninindigan upang magpatotoo sa Aking Anak, kundi sa halip ay lumalaban at ginagamit ang mga kuru-kuro ng tao para gumawa ng sarili nilang mga pagtataya, wawasakin Ko sila. Dapat na malinaw na makita ng lahat! Ang pagpapatotoo sa Aking Anak ay isang pagpapakita ng pagkatakot dito sa Akin at pinalulugod nito ang Aking kalooban. Huwag mong igalang ang Ama lang, habang inaapi at sinisiil ang Anak. Ang mga gumagawa niyan ay mga inapo ng malaking pulang dragon. Hindi Ko kailangan ang mga walang hiyang gaya nito upang magpatotoo sa Aking Anak; wawasakin Ko sila sa walang-hanggang kalaliman. Nais Ko na magsilbi sa Aking Anak ang matatatag at matatapat na taga-serbisyo; pagdating naman sa iba, hindi Ko sila kailangan. Ito ang Aking matuwid na disposisyon at nagsisilbi ito para ipakita na Ako ang banal at walang kapintasang Diyos Mismo. Hindi Ko patatawarin ang sinumang nagkakasala sa Aking mga atas administratibo. Sinumang sumuway sa Iyo o umusig sa Iyo sa nakaraan, maging sa pamilya man o sa mundo, kakastiguhin Ko sila isa-isa at walang palalampasin, sapagkat walang bahagi Ko ang laman at dugo. Ang pagpapatotoo sa Iyo ngayon ay nagpapakita na natapos na sa pagsisilbi sa Akin ang mga taga-serbisyong iyon, kaya huwag kang magkaroon ng anumang pag-aalinlangan o pag-aalala. Sila naman ay Iyong mga taga-serbisyo at kapag nasabi at nagawa na ang lahat, Ikaw ay sa langit, at babalik Ka sa Aking katawan sa katapusan, sapagkat ang Aking katawan ay hindi maaari na wala Ka. Ang mga sumuway sa Iyo at ang mga hindi kaayon sa Iyo sa nakaraan (isang bagay ito na hindi nakikita ng iba; Ikaw lamang ang nakaaalam nito sa Iyong puso) ay ibinunyag na ngayon ang kanilang mga orihinal na anyo at bumagsak na, sapagkat Ikaw ang Diyos Mismo at hindi Mo kukunsintihin ang sinumang sumusuway sa Iyo o nagkakasala sa Iyo. Kahit na hindi ito makikita sa anumang paraan mula sa labas, nasa loob Mo ang Aking Espiritu; ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Dapat paniwalaan ito ng lahat ng tao, sakaling pabagsakin ng Aking tungkod na bakal ang lahat ng sumusuway sa Akin! Yaman din lang na nagpapatotoo Ako sa Iyo, tiyak na nagtataglay Ka ng awtoridad, at lahat ng sinasabi Mo ay pagpapahayag Ko, at lahat ng ginagawa Mo ay Aking pagpapamalas, sapagkat Ikaw ang Aking minamahal at Ikaw ay isang bahagi na hindi maaaring wala ang Aking persona. Kaya bawat pagkilos Mo, kung ano ang suot Mo, kung ano ang ginagamit Mo, at kung saan Ka nakatira—tiyak na ang mga ito ay mga gawa Ko rin. Walang sinuman na dapat sumubok maghanap ng isang bagay laban sa Iyo, at walang sinuman ang dapat maghanap ng mali sa Iyo. Kapag ginawa ito ninuman, hindi Ko sila patatawarin!

Itatapon Ko ang lahat ng masasamang alipin palabas ng Aking bahay, at sa loob ng Aking bahay ay gagawin Kong magpatotoo sa Aking mga panganay na anak ang lahat ng Aking tapat na lingkod; ito ang Aking plano at ito ang paraan kung paano Ako gumagawa. Kapag nagpapatotoo sa Aking Anak ang masasamang lingkod, mayroong amoy ng mga patay na tao at kinamumuhian Ko ito. Kapag nagpapatotoo sa Aking Anak ang matatapat na lingkod, masigasig at taimtim ito, at katanggap-tanggap ito sa Akin. Kaya, sinumang ayaw magpatotoo sa Aking Anak, lumayas ka rito ngayon din! Hindi Kita pipilitin—kapag sinabi Ko sa iyo na umalis ka, kailangan mong umalis! Tingnan mo kung ano ang mga kahihinatnan para sa iyo at kung ano ang naghihintay sa iyo; nauunawaan ito ng mga nagsisilbi nang higit sa sino pa man. Ang Aking paghatol, ang Aking poot, ang Aking mga sumpa, ang Aking panununog at ang Aking nagngangalit na poot ay sasapitin anumang oras ng sinumang sumuway sa Akin. Hindi nagpapakita ng awa kaninuman ang Aking kamay; kahit gaano katapat noon ang isang nagsisilbi, kung sinusuway niya ngayon ang Aking Anak, agad Ko siyang wawasakin at hindi Ko siya hahayaang manatili sa harapan Ko. Mula rito, makikita ng isang tao ang Aking walang-awang kamay. Dahil hindi Ako kilala ng mga tao at dahil sinusuway Ako ng kanilang kalikasan, maging ang matatapat sa Akin ay matatapat lang para sa kanilang sariling kasiyahan. Kapag may nangyaring nakasama sa kanila, nagbabago agad-agad ang kanilang puso at gusto nilang umatras mula sa tabi Ko. Ito ang kalikasan ni Satanas. Hindi kayo dapat mapaggiit, naniniwala na tapat nga kayo! Kung wala silang mahihita rito, itong kawan ng mga hayop na ito ay sadyang hindi kayang maging tapat sa Akin. Kung hindi Ko inihayag ang Aking mga atas administratibo, matagal na kayong nagsiurong. Lahat kayo ngayon ay naiipit sa dalawang nag-uumpugang bato, ayaw magsilbi sa Akin pero ayaw mapabagsak ng Aking kamay. Kung hindi Ko ipinahayag na sasapit ang malalaking sakuna sa sinumang sumusuway sa Akin anumang oras, matagal na kayong nagsiurong. Hindi Ko ba alam ang mga panlilinlang na maaaring gamitin ng mga tao? Nagtataglay na ngayon ng maliit na pag-asa ang karamihan sa mga tao, pero kapag ang pag-asang iyan ay nauwi sa kabiguan, ayaw na nilang magpatuloy pa at humihiling na bumalik na lang. Nasabi Ko na noon na hindi Ako nagpapanatili rito ng sinuman nang laban sa kanilang kalooban, pero maingat mong isipin kung ano ang mga magiging kahihinatnan para sa iyo. Hindi Kita pinagbabantaan; tungkol ito sa mga katunayan. Walang sinumang makaaarok sa kalikasan ng tao maliban sa Akin; iniisip ng lahat ng tao na tapat sila sa Akin, at hindi nalalaman na hindi dalisay ang kanilang katapatan. Sisirain ang mga tao ng mga karumihang ito dahil ang mga ito ay isang pakana ng malaking pulang dragon. Matagal Ko nang inilantad ito; Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, kaya paanong hindi Ko mauunawaan ang isang napakasimpleng bagay? Kaya Kong pasukin ang iyong dugo at iyong laman para makita ang iyong mga layunin. Hindi mahirap para sa Akin na maarok ang kalikasan ng tao, pero iniisip ng mga tao na matatalino sila, naniniwalang sila lang at wala nang iba ang nakaaalam ng kanilang mga layunin. Hindi ba nila alam na ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ay umiiral sa kalangitan at daigdig at lahat ng bagay?

Mamahalin Ko ang Aking Anak hanggang sa pinakadulo at kamumuhian Ko ang malaking pulang dragon at si Satanas magpakailan pa man. Sasapit ang Aking pagkastigo sa lahat ng sumusuway sa Akin at wala kahit isang kaaway ang palalampasin. Nasabi ko na noon, “Inilalagay Ko sa Sion ang isang malaking bato. Sa mga mananampalataya, ang batong ito ang saligan ng kanilang pagkakatayo. Sa mga hindi naniniwala, ito ang bato kung saan sila natitisod. Sa mga anak ng diyablo, ito ang bato na dumudurog sa kanila hanggang sa mamatay sila.” Hindi lang sa nasabi Ko na noon ang mga salitang ito, kundi naipropesiya na ang mga ito ng maraming tao at maraming tao na ang nakabasa sa siping ito ng mga salita sa kapanahunang ito. Bukod diyan, sinubukan na ng ilang tao na ipaliwanag ang mga salitang ito, pero wala pang sinuman ang nakalutas ng hiwagang ito noon, dahil ang gawaing ito ay ginagawa lamang sa kasalukuyang panahon ng mga huling araw. Kaya, bagama’t sinubukan na ng ilang tao na ipaliwanag ang mga salitang ito, ang kanilang mga paliwanag ay pawang maling paniniwala. Ngayon, ibinubunyag Ko ang buong kahulugan sa inyo upang malaman ninyo kung gaano kaseryoso ang Aking pagpapatotoo sa Aking mga panganay na anak, at ang Aking layunin sa paggawa nito. Inilalagay Ko sa Sion ang isang malaking bato at ang batong ito ay tumutukoy sa pagpapatotoo sa Aking mga panganay na anak. Ang salitang “malaki” ay hindi nangangahulugang ginagawa ang pagpapatotoong ito sa isang napakalaking antas, kundi na sa pagpapatotoo sa Aking mga panganay na anak, aatras ang napakaraming taga-serbisyo. Dito, “ang mga hindi naniniwala” ay tumutukoy sa mga umaatras dahil pinatotohanan ang Aking Anak. Samakatuwid, ang bato ay batong katitisuran sa ganitong uri ng tao. Sinasabi Ko na bato ito dahil ang ganitong uri ng tao ay pababagsakin ng Aking kamay, kung kaya ang “bato na nakatitisod sa mga tao” ay hindi sinasabi kaugnay sa pagkahulog o panghihina, kundi kaugnay sa pagkakapabagsak ng Aking kamay. Ang “mga mananampalataya” sa “sa mga mananampalataya, ang batong ito ang saligan ng kanilang pagkakatayo” ay tumutukoy sa mga taga-serbisyong iyon na tapat, at ang “saligan ng kanilang pagkakatayo” ay tumutukoy sa biyaya at pagpapala na tatanggapin nila matapos nilang tapat na magsilbi sa Akin. Na napatotohanan na ang mga panganay na anak ay nagpapahiwatig na malapit nang mawala ang buong lumang panahon na ito; ibig sabihin, sumasagisag ito sa pagkawasak ng kaharian ni Satanas; samakatuwid, para sa mga Hentil, ito ang batong dumudurog sa kanila hanggang sa mamatay sila. Kaya ang pagbasag sa lahat ng bansa sa mga piraso ay tumutukoy sa ganap na pagpapanibago ng buong mundo; ang luma ay mawawala at ang bago ay itatatag—ito ang totoong kahulugan ng “pagbasag.” Nauunawaan ba ninyo? Maaaring lagumin sa kaunting salitang ito ang gawaing ginagawa Ko sa huling yugto na ito. Ito ang Aking kamangha-manghang gawa at dapat ninyong maunawaan ang Aking kaloobang napapaloob sa Aking mga salita.

Sinundan: Kabanata 117

Sumunod: Kabanata 119

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito