Kabanata 116
Sa Aking mga salita, marami ang nagpapadama ng takot sa mga tao. Marami sa Aking mga salita ang nagpapanginig sa sindak sa mga tao, at marami sa Aking mga salita ang nakapagdudulot ng pagdurusa at pagkawala ng pag-asa, at lalong higit pa ang nagdudulot ng pagkawasak ng mga tao. Walang makaaarok o malinaw na makauunawa sa kayamanan ng Aking mga salita. Sa pagsasabi Ko sa inyo ng Aking mga salita, at pagbubunyag ng mga ito sa inyo nang paisa-isang pangungusap lamang ninyo malalaman ang pangkalahatang kalagayan, habang hindi pa rin nalilinawan tungkol sa tunay na mukha ng mga partikular na katotohanan. Kaya nga, gagamit Ako ng mga katotohanan para ibunyag ang lahat ng Aking mga salita, nang sa gayon ay mas makaunawa kayo. Kung isasaalang-alang ang estilo ng Aking pananalita, hindi lamang Ako nagsasalita sa pamamagitan ng Aking mga salita, kundi higit pa nga rito ay ikinikilos Ko ang Aking mga salita; ito ang totoong kahulugan ng “mga salita at mga pagsasakatuparang nagaganap nang magkakasabay.” Sapagkat sa Akin ay malaya ang lahat, at pinakakawalan ang lahat, at sa saligang ito, ang lahat ng ginagawa Ko ay puspos ng karunungan. Hindi Ako nagsasalita nang walang-ingat, ni hindi rin Ako kumikilos nang walang-ingat. (Kahit na sa pagkatao o pagka-Diyos man, nagsasalita at kumikilos Ako nang may karunungan, dahil ang Aking pagkatao ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Aking Sarili.) Ngunit kapag nagsasalita Ako, walang nagbibigay-pansin sa tono ng Aking pananalita; kapag kumikilos Ako, walang nagbibigay-pansin sa paraan ng Aking paggawa. Ito ang pagkukulang ng tao. Ibubunyag Ko ang Aking kapangyarihan sa lahat ng tao, hindi lamang sa Aking mga panganay na anak, kundi lalong higit pa ngang ibubunyag Ko ang Aking kapangyarihan sa lahat ng bansa at lahat ng mga tao; tanging ang paggawa nito ang makapangyarihang patotoo na nakapagpapahiya kay Satanas. Hindi Ako kumikilos nang may kahangalan; iniisip ng karamihan sa mga tao na isang pagkakamali ang Aking pagpapatotoo sa mga panganay na anak; sinasabi nila na mayroong ibang mga Diyos bukod sa Akin, na kumikilos Ako nang walang katuturan, na ibinababa Ko ang Aking Sarili; at dito ay lalo pang nalalantad ang katiwalian ng tao. Maaari kayang nagkamali Ako sa pagpapatotoo sa mga panganay na anak? Sinasabi ninyong mali Ako, kung gayon ay makakapagpatotoo ba kayo? Kung hindi sa Aking pagtataas, sa Aking patotoo, itutulak pa rin ninyo nang pailalim sa inyo ang Aking Anak, babalewalain pa rin ninyo Siya, at ituturing pa rin Siya bilang inyong utusan. Kayong kawan ng mga baboy! Isa-isa Ko kayong tatapusin! Walang palalampasin! Sabihin ninyo sa Akin, anong klaseng mga bagay ang di-katugma ng isang taong nagtataglay ng normal na pagkatao? Walang dudang na mga baboy ito! Talagang hindi Ko sila matatagalan. Kung hinintay Ko ang inyong patotoo, naantala na ang Aking gawain! Kayong kawan ng mga baboy! Talagang wala man lamang kayong pagkatao! Hindi Ko kailangan na maglingkod ka sa Akin! Lumayas ka rito ngayon din! Matagal mo nang inaapi at sinisiil ang Aking Anak; ikaw ay yuyurakan Ko hanggang maging sapal ka! Tingnan kung muli kang mangangahas na maging mabangis; Alamin kung ano ang mangyayari kung mangangahas kang muli Akong ipahiya! Natupad Ko na ang Aking dakilang gawain; dapat na akong bumalik para tapusin itong kawan ng mga hayop!
Lahat ay natupad na sa Aking mga kamay (pagdating sa may kinalaman sa mga minamahal Ko), at lahat ay nawasak din sa Aking mga kamay (pagdating sa mga may kinalaman sa mga hayop na iyon na kinamumuhian Ko, at mga tao, mga usapin, at mga bagay na kinasusuklaman Ko). Hinahayaan Kong makita ng Aking mga panganay na anak ang lahat ng gagawin Ko, hinahayaang lubusan nilang maunawaan, at mula roon ay makita ang lahat ng nagawa Ko mula nang lumabas mula sa Sion. Pagkatapos, papasok kaming magkasama sa Bundok ng Sion, papasok sa lugar kung nasaan kami bago ang mga kapanahunan, at mamumuhay kami nang panibago. Mula roon, mawawalan na ng ugnayan sa mundo at sa kawan ng mga baboy na ito, at sa halip ay ganap na kalayaan; ang lahat ay hindi mapipigilan at walang hadlang. Sino ang nangangahas na lumaban sa sinuman sa Aking mga panganay na anak? Sinong nangangahas na magpatuloy sa pagsalungat sa Aking mga panganay na anak? Hindi Ko sila pakakawalan nang basta-basta! Kung paano man ninyo Ako kinatakutan noon, gayon din ninyo dapat katakutan ang Aking mga panganay na anak ngayon. Huwag kayong makitungo sa isang paraan sa harap Ko, at sa ibang paraan sa likod Ko; nakikita Ko kung paano ang bawat isa nang kasinlinaw ng kristal. Ang maging hindi tapat sa Aking Anak ay pagiging hindi anak sa Akin, na isang kitang-kitang katotohanan, sapagkat Kami ay iisang katawan. Kung mabuti sa Akin ang isang tao ngunit mayroong ibang pag-uugali tungo sa Aking mga panganay na anak, kung gayon ay walang dudang sila ay tipikal na inapo ng malaking pulang dragon, dahil pinagwawatak-watak nila ang katawan ni Cristo; hindi kailanman mapapatawad ang kasalanang ito! Dapat makita ito ng bawat isa sa inyo. Tungkulin ninyo na saksihan Ako, at higit pa riyan, obligasyon ninyo na saksihan ang mga panganay na anak. Wala sa inyo ang iiwas sa inyong responsibilidad; sinumang nanggagambala ay tatapusin Ko kaagad! Huwag mong isiping natatangi ka. Sinasabi Ko sa iyo ngayon: Sinuman ang pinakaganyan, sila ang magiging puntirya ng Aking pinakamabagsik na kaparusahan! Sinuman ang pinakaganyan ang may pinakakaunting pag-asa, at siyang anak, higit sa lahat, ng impiyerno. Ikaw ay kakastiguhin Ko magpakailanman!
Personal na ginagawa ng Aking Espiritu ang lahat ng Aking gawain, at hindi Ko pinapayagan ang anuman sa uri ni Satanas na makialam. Ito ay upang maiwasan ang pagkagambala ng Aking mga plano. Sa katapusan, hahayaan Ko kapwa ang matatanda at mga bata na bumangon at purihin Ako at ang Aking mga panganay na anak, purihin ang Aking mga kamangha-manghang gawa, at purihin ang pagpapakita ng Aking persona. Hahayaan Ko ang tunog ng mga papuri na umalingawngaw sa buong sansinukob at hanggang sa dulo ng mundo, niyayanig ang kabundukan, mga ilog, at lahat ng bagay, at lubusan Kong hihiyain si Satanas. Gagamitin Ko ang Aking patotoo upang wasakin ang buong marumi at masamang lumang mundo, at magtatayo ng isang banal at walang-dungis na bagong mundo. (Sa pagsasabing ang araw, ang buwan, ang mga bituin, at ang mga bagay sa kalangitan ay hindi magbabago sa hinaharap, hindi Ko ibig sabihin na umiiral pa rin ang lumang mundo, bagkus ay mawawasak ang buong mundo at mapapalitan ang lumang mundo. Hindi Ko ibig sabihin na papalitan ang sansinukob.) Sa gayon lamang ito magiging mundong nakaayon sa Aking kalooban; sa loob nito, hindi magkakaroon ng uri ng panunupil na tulad ng sa ngayon, ni hindi ito magkakaroon ng kasalukuyang mga kaganapan ng pananamantala ng mga tao sa isa’t isa. Sa halip, magkakaroon ng ganap na pagkamakatarungan at pagkamakatuwiran sa loob ng laman. (Bagaman sinasabi Ko na magkakaroon ng pagkamakatarungan at pagkamakatuwiran, ito ay mapapaloob sa laman; magiging ibang-iba ito sa Aking kaharian—kasingmagkaiba ng langit at lupa; talagang walang paraan para paghambingin ang dalawa—kung sabagay, ang mundo ng mga tao ay ang mundo ng mga tao, at ang espirituwal na mundo ay ang espirituwal na mundo.) Sa panahong iyan, pamamahalaan Ko at ng Aking mga panganay na anak ang gayong mundo (sa mundong ito, hindi magkakaroon ng panggugulo mula kay Satanas, dahil ganap Kong itatapon si Satanas), ngunit mga buhay pa rin sa kaharian ang ating mga buhay, na hindi maipagkakaila ninuman. Sa lahat ng mga kapanahunan, walang sinumang tao (gaano man katapat) na nakaranas ng ganitong uri ng buhay, dahil sa lahat ng mga kapanahunan, wala kahit isa man ang kumilos bilang Aking panganay na anak, at magbibigay-serbisyo pa rin sila para sa Akin kalaunan. Bagaman tapat ang mga taga-serbisyong ito, sila ay mga inapo pa rin ni Satanas na nilupig Ko, kaya pagkatapos ng kamatayan ng laman, isinisilang pa rin sila sa mundo ng mga tao para gumawa ng serbisyo para sa Akin; ito ang totoong kahulugan ng “ang mga anak nga naman ay ang mga anak, at ang mga taga-serbisyo nga naman ay ang mga inapo ni Satanas.” Sa lahat ng mga kapanahunan, hindi alam kung gaano karaming tao ang nariyan para magsilbi sa mga panganay na anak ngayon; sa lahat ng mga taga-serbisyo, walang makatatakas, at pagagawin Ko sila ng serbisyo para sa Akin magpakailanman. Kung ang kanilang kalikasan ang pag-uusapan, silang lahat ay mga anak ni Satanas, at silang lahat ay lumalaban sa Akin, at bagaman gumagawa sila ng serbisyo para sa Akin, napipilitan sila, at wala sa kanila ang may pagpipilian. Ito ay dahil ang lahat ay kontrolado ng Aking kamay; at dapat magbigay-serbisyo sa Akin ang mga taga-serbisyong ginagamit Ko hanggang katapusan. Kaya, marami pa ring mga tao ngayon ang may parehong kalikasan ng mga propeta at mga apostol ng mga kapanahunan, dahil iisang espiritu sila. Kaya, marami pa ring tapat na taga-serbisyo na inuutusan Ko, ngunit sa katapusan (sa loob ng anim na libong taon, patuloy silang gumagawa ng serbisyo para sa Akin kaya kabilang ang mga taong ito sa mga taga-serbisyo), walang makaaabot doon sa inaasahan ng lahat sa lahat ng mga kapanahunan, dahil hindi para sa kanila ang Aking mga inihanda.
Makikitang natupad na ang lahat ng Akin; pababalikin Ko ang Aking mga panganay na anak sa Aking tahanan at sa Aking tabi upang muling magkasama-sama. Dahil nakabalik Akong wagi at matagumpay at lubusan Kong natamo ang kaluwalhatian, pumarito Ako para ibalik kayo. Sa nakalipas, nakagawa ang ilang tao ng mga hula tungkol sa “limang matatalinong dalaga at limang mangmang na dalaga.” Bagaman hindi tumpak ang hulang ito, hindi naman ito maling-mali—kaya maaari Akong magbigay sa inyo ng ilang paliwanag. Ang “limang matatalinong dalaga at limang mangmang na dalaga” ay parehong hindi kumakatawan sa bilang ng tao o sa uri ng mga tao. Ang “limang matatalinong dalaga” ay tumutukoy sa bilang ng mga tao, at ang “limang mangmang na dalaga” ay kumakatawan sa isang uri ng mga tao, ngunit alinman sa dalawang ito ay hindi tumutukoy sa mga panganay na anak. Sa halip, kinakatawan nila ang sangnilikha. Ito ang dahilan kung bakit pinaghanda sila ng langis sa mga huling araw. (Hindi nagtataglay ng Aking katangian ang sangnilikha; kung gusto nilang maging matatalino, kailangan nilang maghanda ng langis, at kaya kailangang masangkapan sila ng Aking mga salita.) Kinakatawan ng “limang matatalinong dalaga” ang Aking mga anak at Aking bayan sa lahat ng mga tao na Aking nilikha. Tinatawag silang “mga dalaga” dahil bagama’t isinilang sila sa lupa, natamo Ko pa rin sila; maaari silang matawag na banal, kaya tinatawag silang “mga dalaga.” Ang naunang nabanggit na “lima” ay kumakatawan sa bilang ng Aking mga anak at sa Aking bayan na itinadhana Ko na. Ang “limang mangmang na dalaga” ay tumutukoy sa mga taga-serbisyo, sapagkat gumagawa sila ng serbisyo para sa Akin nang hindi nagpapahalaga ni katiting sa buhay, at hinahangad lamang ang mga panlabas na bagay (dahil hindi sila nagtataglay ng Aking katangian, anuman ang gawin nila, ito ay isang panlabas na bagay), at hindi nila kayang maging Aking mga may-kakayahang katulong, kaya tinawag silang “mga mangmang na dalaga.” Ang nabanggit sa itaas na “lima” ay kumakatawan kay Satanas, at ang katotohanan na tinawag silang “mga dalaga” ay nangangahulugan na nalupig Ko na sila at kaya nilang gumawa ng serbisyo para sa Akin—ngunit hindi banal ang ganitong tao, kaya tinatawag silang taga-serbisyo.