590 Kailangan Mong Hangarin ang Kalooban ng Diyos sa Lahat ng Bagay

1 Sa sandaling maging padalus-dalos ang mga tao sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin, hindi na nila alam kung paano makaranas. Sa sandaling maging abala sila sa mga bagay-bagay, ang kanilang espirituwal na kalagayan ay nababagabag at nawawalan sila ng kakayahang magpanatili ng normal na kalagayan. Paano nagkakaganito? Kapag inaatasan kang gumawa ng isang maliit na gawain, ikaw ay nagiging walang taros, hindi mapigilan, hindi handang lumapit sa Diyos at lumalayo sa Diyos. Pinatutunayan nito na hindi alam ng mga tao kung paano makaranas. Anuman ang ginagawa mo, dapat mo munang unawain kung bakit mo iyon ginagawa, ano ang intensyong nagtutulak sa iyo na gawin iyon, ano ang kabuluhan ng paggawa mo nito, at kung positibo o negatibong bagay ba ang ginagawa mo. Lubhang kinakailangan ito para makakilos nang may prinsipyo. Kung may ginagawa ka para tuparin ang tungkulin mo, dapat mong pagnilayan ito: Paano ko ito dapat gawin? Paano ko dapat tuparin nang maayos ang tungkulin ko para hindi ko lang iyon ginagawa nang basta-basta? Dapat kang lumapit sa Diyos sa bagay na ito.

2 Ang paglapit sa Diyos ay nangangahulugan ng paghahanap sa katotohanan sa bagay na ito, paghahanap ng paraan ng pagsasagawa, paghahangad sa kalooban ng Diyos, at pag-alam kung paano bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi kasali rito ang pagsasagawa ng seremonyang pangrelihiyon o pagpapakita na kumikilos ka. Ginagawa ito para makapagsagawa alinsunod sa katotohanan matapos hangarin ang kalooban ng Diyos. Kapag tinutupad mo ang tungkulin mo o may ginagawa ka, dapat mong isipin palagi: Paano ko dapat tuparin ang tungkuling ito? Ano ang kalooban ng Diyos? Sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos ay hinahanap mo ang mga prinsipyo at katotohanan sa likod ng iyong mga pagkilos pati na ang kalooban ng Diyos, at hindi ka lumayo sa Diyos sa lahat ng ginagawa mo. Gayong tao lamang ang tunay na nananalig sa Diyos. Sa mga panahong ito, tuwing may mga bagay-bagay na nadaraanan ang mga tao, nagmamatigas lamang silang nagpapatuloy, at kumikilos ayon sa kanilang mga pansariling intensyon. Wala ang Diyos sa puso ng ganitong mga tao; sarili lamang niya ang nasa puso nila, at hindi nila talaga maisagawa ang katotohanan sa anumang ginagawa nila.

3 Ang hindi pagkilos alinsunod sa katotohanan ay nangangahulugan ng paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang kalooban, at ang paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang kalooban ay nangangahulugan ng pagtalikod sa Diyos; ibig sabihin, wala ang Diyos sa puso nila. Ang mga naiisip ng tao ay karaniwang maganda at matuwid sa tingin ng mga tao, at tila ang mga ito ay hindi gaanong lalabag sa katotohanan. Pakiramdam ng mga tao ang paggawa ng mga bagay-bagay sa ganoong paraan ay pagsasagawa ng katotohanan; sa palagay nila ang paggawa ng mga bagay-bagay sa paraang iyon ay magiging pagpapasakop sa Diyos. Sa totoo lang, hindi sila tunay na naghahanap sa Diyos o nananalangin sa Diyos tungkol dito, at hindi sila nagsusumikap na gawin ito nang mabuti alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, upang bigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Wala silang angking ganitong totoong kalagayan, ni wala silang ganoong hangarin. Ito ang pinakamalaking kamalian ng mga tao sa kanilang pagsasagawa. Naniniwala ka sa Diyos, nguni’t hindi mo iniingatan sa iyong puso ang Diyos. Paano ito hindi isang kasalanan? Hindi mo ba dinadaya ang iyong sarili? Anong uri ng mga bunga ang nakukuha mo kung patuloy kang naniniwala sa ganyang paraan? Bukod pa riyan, paano naipapamalas ang kabuluhan ng paniniwala sa Diyos?

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 589 Matagal Nang Inihanda ng Diyos ang Lahat para sa Sangkatauhan

Sumunod: 591 Ihandog ang Katapatan Mo sa Tahanan ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito