959 Ang mga Bunga ng Paglabag sa Disposisyon ng Diyos

1 Hindi nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan ang Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya, o maging sa mga naninirang-puri sa Kanya—mga taong sadyang bumabatikos, naninira, at sumusumpa sa Kanya—subali’t sa halip ay mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Kinasusuklaman Niya ang mga taong ito, at hinahatulan Niya ang mga ito sa Kanyang puso. Lantaran pa Niyang ipinahahayag ang magiging kalalabasan nila, upang malaman ng mga tao na mayroon Siyang malinaw na saloobin tungo sa mga lumalapastangan sa Kanya, at upang malaman nila kung paano Niya tutukuyin ang kanilang kalalabasan.

2 Ginagamit ng Diyos ang paglitaw ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng ilang tao. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang katawang-tao ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan, nangangahulugan na ang kaparusahan ay isang bagay na makikita ng mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng ilang tao, sinusumpa lang sila ng Diyos gamit ang mga salita at ang galit ng Diyos ay dumarating din sa kanila, nguni’t ang kaparusahan na kanilang natatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao. Magkagayunman, ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao, gaya ng pagpaparusa o pagpatay.

3 Kaya kapag kalabanin ng mga tao ang Diyos at siraan at lapastanganin Siya, kung galitin nila ang Kanyang disposisyon, o kung sagarin nila ang Diyos nang lampas sa hangganan ng Kanyang pagpaparaya, ang mga kahihinatnan ay hindi sukat akalain. Ang pinakamalalang kahihinatnan ay na ibibigay ng Diyos kay Satanas ang kanilang mga buhay at ang lahat ng tungkol sa kanila nang minsanan at magpakailanman. Hindi sila patatawarin magpakailanman. Nangangahulugan ito na ang taong ito ay naging pagkain na sa bibig ni Satanas, isang laruan sa kamay nito, at mula noon ay wala nang kinalaman ang Diyos sa kanila.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 958 Hindi Nagbabago ang mga Prinsipyo sa Pagkilos ng Diyos

Sumunod: 960 Paano Hindi Magkasala sa Disposisyon ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito