251 Huwag Umasa sa Imahinasyon para Limitahan ang Pagpapakita ng Diyos
I
Walang makakapigil sa pagpapakita ng Diyos
upang gawain Niya’y matupad
tulad ng naiplano na,
tulad nung nagkatawang-tao ang Diyos sa Judea
at sa pagpako sa Kanya sa krus, tao’y natubos.
Ngunit hindi naniwala ang mga Judio
na kayang maging tao ng Diyos sa anyo ni Jesus.
Imposible nila’y naging basehan ng
pagsumpa nila sa Diyos,
dulot ay pagbagsak ng Israel.
Maraming may parehong kamalian ngayon,
sabing magpapakita ang Diyos,
pero kinokondena nila.
“Imposible” nila’y nililimitahan
ang pagpapakita Niya
sa imahinasyon nila.
Katotohana’y hayag kung sa’n
nagpapakita ang Diyos,
at naro’n din ang tinig ng Diyos.
Ang makatatanggap lang sa katotohana’y
ang makaririnig sa Diyos,
sila lang ang makamamalas sa Diyos.
II
Maraming natatawa ‘pag salita Niya’y natagpuan.
Naiiba ba ‘to sa pagkondena ng Judio?
‘Di niyo pinagpipitagan
ang pag-iral ng katotohanan,
ilan lang ang nananabik,
nag-aaral, naghihintay lang.
Anong dulot ng pag-aaral at paghihintay?
Makakakuha ba kayo ng gabay mula sa Diyos?
Kung ‘di mo maunawaan Kanyang salita,
paano ka magiging marapat na makita Siya?
Katotohana’y hayag kung sa’n
nagpapakita ang Diyos,
at naro’n din ang tinig ng Diyos.
Ang makatatanggap lang sa katotohana’y
ang makaririnig sa Diyos,
sila lang ang makamamalas sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan