250 Walang Makakaarok sa Gawain ng Diyos
I
Ang Diyos at tao’y
‘di maa’ring makitang magkapantay.
Diwa’t gawain ng Diyos
ay ‘di maarok, ‘di maintindihan.
Kung ‘di Niya Mismo ginagawa ang gawain Niya,
sinasambit mga salita Niya sa tao,
kalooban Niya’y ‘di mauunawaan.
Pati yaong nilaan na ang buong buhay sa Diyos
ay ‘di makatatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos.
‘Di dapat bigyang-hangganan
ng tao’ng gawain Niya.
Sa mga mata ng Diyos,
tao’y mas mababa sa langgam,
pa’no maaarok ng tao’ng gawain ng Diyos?
Tao’y ‘di kayang magbigay-hangganan
sa gawain Niya.
Sa mga mata ng Diyos,
tao’y mas mababa sa langgam,
pa’no maaarok ng tao’ng gawain ng Diyos?
II
Kung walang gawain Niya,
gawang mahusay ng tao’y walang halaga,
dahil iniisip Niya’y laging mas mataas kaysa sa tao.
Karunungan Niya’y walang makaaarok,
kaya sabi Niya
yaong iniisip na nauunawaan Siya’t gawain Niya’y
walang silbi, sila’y mapagmataas at mangmang.
Natiwali ni Satanas lahat ng tao,
kalikasan ng tao’y salungat sa Diyos.
Sila ay ‘di kapantay sa Diyos,
‘di makapagpayo sa gawain Niya.
‘Di dapat bigyang-hangganan
ng tao’ng gawain Niya.
Sa mga mata ng Diyos,
tao’y mas mababa sa langgam,
pa’no maaarok ng tao’ng gawain ng Diyos?
Tao’y ‘di kayang magbigay-hangganan
sa gawain Niya.
Sa mga mata ng Diyos,
tao’y mas mababa sa langgam,
pa’no maaarok ng tao’ng gawain ng Diyos?
III
Paggabay ng Diyos sa tao’y gawain Niya Mismo.
Tao’y dapat magpasakop
at ‘di maghayag ng opinyon,
dahil tao’y alikabok lang.
Yamang hanap natin ang Diyos, dapat ‘di natin
pangibabawin ang kuru-kuro natin
sa gawain ng Diyos
upang isaalang-alang Niya,
ni gamitin ang katiwalian
upang salungatin ang gawain Niya.
‘Di ba tayo niyan gagawing anticristo?
Ito ba’y paniniwala sa Diyos?
‘Di dapat bigyang-hangganan
ng tao’ng gawain Niya.
Sa mga mata ng Diyos,
tao’y mas mababa sa langgam,
pa’no maaarok ng tao’ng gawain ng Diyos?
Tao’y ‘di kayang magbigay-hangganan
sa gawain Niya.
Sa mga mata ng Diyos,
tao’y mas mababa sa langgam,
pa’no maaarok ng tao’ng gawain ng Diyos?
IV
Yamang naniniwala tayong may isang Diyos,
hangad nati’y makita’t palugurin Siya,
dapat hanapin ang daan ng katotohanan,
ang daang maging kaayon sa Diyos,
at ‘wag magmatigas sa paglaban sa Diyos,
anong kabutihan ang mayro’n dito?
‘Di dapat bigyang-hangganan
ng tao’ng gawain Niya.
Sa mga mata ng Diyos,
tao’y mas mababa sa langgam,
pa’no maaarok ng tao’ng gawain ng Diyos?
Tao’y ‘di kayang magbigay-hangganan
sa gawain Niya.
Sa mga mata ng Diyos,
tao’y mas mababa sa langgam,
pa’no maaarok ng tao’ng gawain ng Diyos?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita