411 Yaong Nananampalataya sa Diyos ngunit Hindi Tinatanggap ang Katotohanan ay Walang Pananampalataya
I
Katotohana’t paghatol ay ‘di gusto ng ilan.
Bagkus nais nila’y kapangyariha’t yaman.
Hanap nila’y maimpluwensyang grupo
at galing sa seminaryong pastor.
Tunay na daa’y ‘di lubos na tanggap.
‘Di kayang ibigay ang puso’t isipan,
sarili’y ilalaan sa Diyos, anila,
ngunit nakatuon sa pastor at guro.
‘Di sila nakatuon kay Cristo,
kundi sa yaman at papuri ng tao.
Ang ‘di nagpapahalaga sa katotohanan,
ay taksil at walang pananalig,
at kailanma’y ‘di tatanggap
ng pag-ayon ni Cristo.
II
Sa kanila’y ‘di p’wedeng ‘sang hamak
kayang lupigin ang tao’t perpektuhin.
Sa kanila’y katawa-tawa na itong
mga hamak sa alabok ay pinili ng Diyos.
Naniniwalang kung ang naturan ang layon
ng pagliligtas ng Diyos,
langit at lupa’y mababaliktad,
lahat ay magsisitawanan.
Dahil kung pinerpekto raw ng Diyos ang hamak,
dakila’y kayang maging Diyos Mismo.
Pananaw nila’y walang pananalig.
Ang malala, sila’y hayop na kakatwa.
Tayog, dangal, kapangyarihan at
malaking denominasyon ang nais nila,
walang malasakit sa inakay ni Cristo.
Taksil sa katotohanan, buhay, at sa Kanya.
Ang ‘di nagpapahalaga sa katotohanan,
ay taksil at walang pananalig,
at kailanma’y ‘di tatanggap
ng pag-ayon ni Cristo.
III
Kita mo na ba kung ga’no ka ‘di nananalig?
Ga’no ang pagtataksil kay Cristo?
Payo ng Diyos ay ilaan mo ang sarili nang buo
dahil katotohana’y napili mo.
Dapat mong malaman na ang Diyos
ay para sa mga tunay na nananalig.
‘Di Siya nabibilang sa mundo, o sa kahit kanino.
Siya’y para sa naglalaan at tapat sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?