412 Ang Kinahihinatnan ng Pagsasawalang-Bahala sa Iyong Pananampalataya
I
Ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos
ay natatamo sa mga kilos ng tao.
‘Pag sila’y nabibigo,
ito’y dahil din sa mga kilos nila.
Gagawin mo ang lahat
upang makamit ang isang bagay
na mas mahirap at mas may pagdurusa
kaysa maniwala sa Diyos.
At ituturing niyo ‘tong seryoso
nang walang pagkakamali.
Ito’ng mga pagsisikap
na ‘binubuhos niyo sa buhay niyo.
Gagawin niyo’ng lahat
para sa mga pinagtutuunan niyo,
ngunit ‘di para sa paniniwala niyo sa Diyos.
Yaong walang pusong may katapatan
ay mga bigo sa paniniwala nila.
‘Di ba’t marami’ng nabibigo sa inyo?
II
Nililinlang niyo ang katawang-tao ng Diyos
pero hindi ang kamag-anak.
Ito’ng mga prinsipyong ipinamumuhay niyo.
Ang kailangan niyo’y ‘di katotohanan at buhay,
ni tuntunin ng pag-uugali,
o matiyagang paggawa ng Diyos,
sa halip ay ang taglay ng laman niyo.
Hinahamak mong tingnan ang gawain ng Diyos
at ang mga salita Niya.
Kita Niya kung paano niyo isawalang-bahala
ang pananalig niyo.
Gagawin niyo’ng lahat
para sa mga pinagtutuunan niyo,
ngunit ‘di para sa paniniwala niyo sa Diyos.
Yaong walang pusong may katapatan
ay mga bigo sa paniniwala nila.
‘Di ba’t marami’ng nabibigo sa inyo?
III
Umaasa’ng Diyos na kayo’y magsisikap
alang-alang sa hantungan niyo,
bagama’t mas mabuting
‘wag kayong maging mapanlinlang,
kung hindi madidismaya ang Diyos.
At sa’n ‘yon humahantong?
‘Di niyo ba nililinlang ang sarili niyo?
Yaong iniisip ang hantungan nila
ngunit sinisira ito’y
mga taong pinaka ‘di kayang mailigtas.
Kahit siya’y mabagot at magalit,
sino’ng maaawa sa taong ito?
Umaasa’ng Diyos
na ‘di kayo mahulog sa kapahamakan
at hantungan niyo’y mabuti.
Gagawin niyo’ng lahat
para sa mga pinagtutuunan niyo,
ngunit ‘di para sa paniniwala niyo sa Diyos.
Yaong walang pusong may katapatan
ay mga bigo sa paniniwala nila.
‘Di ba’t marami’ng nabibigo sa inyo?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan