Kabanata 97

Ipakikita Ko sa bawat isang tao ang Aking mga kamangha-manghang gawa at iparirinig ang Aking matatalinong salita. Dapat na kasama rito ang bawat isang tao, at dapat itong mangyari sa bawat isang bagay. Ito ang Aking atas administratibo, at ito ang Aking poot. Isasama Ko ang bawat isang tao at bawat isang bagay upang makita ng lahat ng tao sa buong sansinukob at hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa gamit ang sarili nilang mga mata; Ako ay hindi titigil hangga’t hindi ito natutupad. Lubusan nang naibuhos ang Aking poot, na wala ni katiting na pinipigilan. Nakaukol ito sa bawat isang tao na tumatanggap sa pangalang ito (malapit na itong ibaling sa lahat ng bansa sa mundo). At ano ang Aking poot? Gaano ito katindi? Anong uri ng tao ang sasapitan ng Aking poot? Iniisip ng karamihan sa mga tao na ang poot ang pinakamatinding antas ng galit, pero hindi nito iyon lubusang naipaliliwanag. Ang Aking poot at ang Aking mga atas administratibo ay dalawang di-mapaghihiwalay na bahagi; kapag ipinatutupad Ko ang Aking mga atas administratibo, sumusunod dito ang poot. Kaya ano ba talaga ang poot? Ang poot ay isang antas ng paghatol na inilalapat Ko sa mga tao at ito ang prinsipyong nasa likod ng pagpapatupad ng alinman sa Aking mga atas administratibo. Sinumang magkasala sa isa sa Aking mga atas, magiging katumbas ang tindi ng Aking poot, depende sa kung aling atas ang sinuway. Kapag nariyan ang Aking poot, tiyak na nariyan din ang Aking mga atas administratibo, at totoo rin ang kabaligtaran nito. Ang Aking mga atas administratibo at poot ay bumubuo ng isang kabuuan na hindi mapaghihiwalay. Ito ang pinakamatindi sa mga paghatol, na walang maaaring sumuway. Dapat itong sundin ng lahat ng tao, o kung hindi ay mahihirapan silang iwasan na pabagsakin ng Aking kamay. Hindi ito kailanman nalaman ng mga tao sa lahat ng kapanahunan (bagama’t may ilang nagdusa mula sa matitinding sakuna, hindi pa rin nila ito nalaman; gayunman, pangunahing nagsisimula ang pagpapatupad ng atas administratibong ito mula ngayon), pero ngayon ay ibinubunyag Ko ang lahat ng ito sa inyo, upang maiwasan ninyo ang pagkakasala.

Dapat marinig ng lahat ng tao ang Aking tinig at maniwala sa Aking mga salita. Kung hindi, hindi Ako kikilos, ni gagawa ng anumang gawain. Ang Aking bawat salita at pagkilos ay ang mga halimbawang dapat ninyong sundin; ang mga ito ang inyong huwaran at ang mga ito ay isang modelo para inyong sundan. Ang dahilan kung bakit Ako naging tao ay upang makita ninyo kung ano Ako at kung ano ang taglay Ko sa Aking pagkatao. Sa hinaharap, hahayaan Ko kayong masaksihan kung ano Ako at kung ano ang taglay Ko sa Aking pagka-Diyos. Dapat na mangyari ang mga bagay-bagay nang paisa-isang hakbang sa ganitong paraan. Kung hindi, sadyang hindi magagawa ng mga tao na maniwala, at hindi sila magkakaroon ng kaalaman tungkol sa Akin. Sa halip, magagawa lang nilang magkaroon ng malalabo at hindi tiyak na mga pangitain, at hindi nila magagawang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa Akin. Naipamalas na ng Aking mga salita na lubusan nang nagpakita ang Aking persona sa inyo, subalit naririnig ng mga tao ang Aking mga salita at hindi pa rin Ako nakikilala—dahil lamang sila ay hangal at walang muwang. Kahit ngayon na Ako ay naging tao na, sinusuway pa rin Ako ng mga tao, kaya’t samakatuwid ay ginagamit Ko ang Aking poot at ang Aking mga atas administratibo upang parusahan ang masama at mahalay na lumang panahong ito at upang lubusang ipahiya si Satanas at ang mga diyablo. Ito ang tanging paraan; ito ang hantungan para sa sangkatauhan, at ito ang katapusang naghihintay sa sangkatauhan. Ang kalalabasan ay isang di-maiiwasang pagtatapos na walang sinumang makababago o madadaan sa pakiusap upang matakasan. Ako lang ang may huling salita; ito ang Aking pamamahala at ito ang Aking plano. Dapat ay maniwala ang lahat ng tao at makumbinsi sa puso at sa salita. Yaong mga nagtatamo ng mabuting kapalaran sa buhay na ito ay tiyak na magdurusa nang walang hanggan, habang yaong mga nagdurusa sa buhay na ito ay tiyak na pagpapalain nang walang hanggan—ito ay nauna Ko nang itinalaga at walang sinuman ang makababago nito. Walang sinumang makababago ng Aking puso, at walang sinuman ang makadaragdag ng kahit isa pang salita sa Aking mga salita, at lalong hindi sila pinahihintulutan na basta na lang mag-alis ng isa mang salita; kapag may sinumang lumabag dito, tiyak na kakastiguhin Ko sila.

Ibinubunyag sa inyo ang Aking mga hiwaga araw-araw—talaga bang nauunawaan ninyo ang mga ito? Talaga bang nakatitiyak kayo sa mga ito? Kapag nililinlang ka ni Satanas, nahahalata mo ba iyon? Ito ay natutukoy ayon sa inyong mga tayog sa buhay. Yamang sinasabi Ko na lahat ng bagay ay nauna Ko nang itinakda, bakit kung gayon ay personal Akong nagkatawang-tao upang gawing perpekto ang Aking mga panganay na anak? Isa pa, bakit Ako gumawa ng napakaraming gawain na iniisip ng mga tao na walang pakinabang? Ako ba ang nalilito? Tandaan ninyo ito! Ang lahat ng ginagawa Ko ay ginagawa hindi lang upang matamo ang Aking mga panganay na anak kundi, mas mahalaga pa, upang ipahiya si Satanas. Kahit kinakalaban Ako ni Satanas, may kapangyarihan Ako na palabanin dito ang kanyang mga supling, at bumaling upang purihin Ako. Bukod diyan, lahat ng ginagawa ko ay upang dumaloy nang maayos ang kasunod na hakbang ng gawain, at upang ipagbunyi at purihin Ako ng buong mundo at lumuhod sa Akin at lumuwalhati sa Akin ang lahat ng bagay na humihinga; ang araw na iyon ay tunay na magiging araw ng kaluwalhatian. Tangan Ko ang lahat ng bagay sa Aking mga kamay at kapag pumutok ang pitong kulog, ang lahat ng bagay ay ganap na maisasakatuparan, hindi kailanman magbabago, lahat nakatakda. Mula sa puntong iyon, mapapasok ang bagong buhay ng bagong langit at lupa, mapapasok ang bagung-bagong mga kalagayan, at magsisimula na ang buhay ng kaharian. Ngunit paano ilalarawan ang loob ng kaharian? Sadyang hindi ito malinaw na mawawari ng mga tao (dahil wala pang sinuman ang nakaranas na kailanman ng buhay ng kaharian, kung kaya’t naguni-guni pa lang ito sa mga isip ng tao at pinagmuni-munihan sa kanilang puso). Sa pagbaling mula sa buhay-iglesia patungo sa buhay ng kaharian, na pagbaling mula sa kasalukuyang kalagayan patungo sa kalagayan sa hinaharap, maraming bagay ang mangyayari sa panahong ito na hindi pa kailanman naisip ng mga tao. Ang buhay-iglesia ang pasimula sa pagpasok sa buhay ng kaharian, kaya’t bago dumating ang buhay ng kaharian ay buong sikap Kong pagyayamanin ang buhay-iglesia. Ano ang buhay-iglesia? Ganito iyon: Ang lahat, kabilang na ang Aking mga panganay na anak, ay kumakain, umiinom at tinatamasa ang Aking mga salita at nakikilala Ako, sa gayon ay tinatanggap ang Aking pagsusunog at pagdadalisay, upang maunawaan nila ang Aking mga atas administratibo, ang Aking paghatol at ang Aking poot, at maiwasan nila ang pagkakasala sa buhay ng kaharian. At ano ang “buhay ng kaharian”? Ang buhay ng kaharian ay kung saan namumuno ang Aking mga panganay na anak bilang mga hari kasama Ko, namumuno sa lahat ng lahi at lahat ng bansa (tanging ang Aking mga panganay na anak at Ako ang nakatatamasa ng buhay ng kaharian). Bagaman pumapasok sa kaharian ang Aking mga anak at ang Aking bayan mula sa lahat ng bansa at ang lahat ng lahi, hindi nila nagagawang matamasa ang buhay ng kaharian. Yaong mga pumapasok lang sa espirituwal na mundo ang makatatamasa ng buhay ng kaharian. Kaya’t tanging Ako at ang Aking mga panganay na anak ang kayang mabuhay sa katawan, habang ang Aking mga anak at ang Aking bayan ay nananatiling nabubuhay sa laman. (Pero hindi ito ang laman na nagawa nang tiwali ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng pamumuno ng Aking mga panganay na anak kasama Ko bilang mga hari.) Ang mga espiritu, mga kaluluwa at mga katawan ng ibang tao ay kukuhanin at itinatapon sa Hades. Ang ibig sabihin, ang mga taong ito ay lubusang mapapahamak at titigil sa pag-iral (ngunit dapat silang dumaan sa lahat ng gapos at kalupitan ni Satanas, tulad ng mga paghihirap at mga sakuna). Kapag tapos na ito, opisyal nang nasa kaayusan ang buhay ng kaharian, at sisimulan Ko nang opisyal na ibunyag ang Aking mga gawa (na hayagang ibubunyag at hindi patago). Mula noon, tiyak na hindi na magkakaroon ng mga buntong-hininga at wala nang pagluha. (Dahil hindi na magkakaroon ng anumang makasasakit sa mga tao, o magdudulot sa kanila ng pagtangis o magdudulot sa kanila ng pagdurusa, at gayundin ito para sa Aking mga anak at sa Aking bayan; ngunit mayroong isang punto na dapat bigyang-diin, na ang Aking mga anak at ang Aking bayan ay mamamalaging laman magpakailanman.) Lahat ay magiging masayahin—isang larawan ng kaaliwan. Hindi ito magiging isang bagay na pisikal, kundi isang bagay na hindi nakikita ng mga pisikal na mata. Yaong Aking mga panganay na anak ay makapagtatamasa rin nito; ito ang Aking kamangha-manghang gawa, at ito ang Aking dakilang kapangyarihan.

Hangad Kong mahanap ninyo ang Aking kalooban at magkaroon kayo ng konsiderasyon sa Aking puso sa lahat ng panahon. Maaaring masira ng pansamantalang kasiyahan ang inyong buong buhay, samantalang makapaghahatid ang pansamantalang pagdurusa ng walang hanggang mga pagpapala. Huwag malumbay; ito ang daan na dapat lakaran. Madalas Kong sabihin noon: “Sa mga taong taos-pusong gumugugol para sa Akin, ikaw ay tiyak na labis Kong pagpapalain.” At ano ang “mga pagpapala”? Ito ay hindi lang ang mga natatamo ngayon, pero higit pa, ang mga ito ay ang mga matatamasa sa hinaharap—tanging ang mga ito ang mga totoong pagpapala. Pagbalik ninyo sa Bundok ng Sion, magpapakita kayo ng walang-katapusang pasasalamat para sa inyong kasalukuyang pagdurusa, sapagkat ito ang Aking pagpapala. Ang pamumuhay ngayon sa laman ay pagiging nasa Bundok ng Sion (na nangangahulugang nabubuhay ka sa loob Ko), samantalang ang pamumuhay sa katawan bukas ay magiging ang araw ng kaluwalhatian, at ito, lalo pa, ay pagiging nasa Bundok ng Sion. Pagkatapos mapakinggan itong mga salitang sinasabi Ko, nauunawaan na ninyo kung ano ang kahulugan ng “Bundok ng Sion.” Ang Bundok ng Sion ay isang kasingkahulugan para sa kaharian, at ito rin ang espirituwal na mundo. Sa Bundok ng Sion sa ngayon, kayo ay nasa laman na tumatanggap ng ginhawa at nagtatamo ng Aking biyaya; sa Bundok ng Sion sa hinaharap, kayo ay magiging nasa katawan na nagtatamasa ng pagpapala ng pamumuno bilang mga hari. Dapat may katiyakang hindi ito ipagwalang-bahala. At huwag na huwag papayagang makalagpas ang mga pagkakataong maaaring magtamo ng mga pagpapala; ang ngayon ay ngayon, matapos ang lahat, at ibang-iba ito sa kinabukasan. Kapag nagtamasa ka na ng mga pagpapala, iisipin mo na ang biyaya ngayon ay hindi karapat-dapat banggitin. Ito ang ipinagkakatiwala Ko sa iyo, at ito ang Aking huling payo.

Sinundan: Kabanata 96

Sumunod: Kabanata 98

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito