Kabanata 98
Lahat ng bagay ay darating sa bawat isa sa inyo, at tutulutan kayo ng mga ito na mas maraming malaman tungkol sa Akin at mas maging tiyak tungkol sa Akin. Tutulutan kayo ng mga ito na makilala Ako, ang nag-iisang Diyos Mismo, makilala Ako, ang Makapangyarihan sa lahat, makilala Ako, ang nagkatawang-taong Diyos Mismo. Pagkatapos, lalabas Ako sa katawang-tao, babalik sa Sion, sa magandang lupain ng Canaan, na Aking tirahan at Aking hantungan, ang himpilan kung saan nilikha Ko ang lahat ng bagay. Ngayon, walang sinuman sa inyo ang nauunawaan ang kahulugan ng mga salitang sinasabi Ko; wala kahit isang tao na nakauunawa sa kahulugan ng mga salitang ito. Kapag naibubunyag sa inyo ang lahat saka lamang ninyo mauunawaan kung bakit sinasabi Ko ang mga salitang ito. Hindi Ako nabibilang sa mundo at ni hindi Ako nabibilang sa sansinukob dahil Ako ang nag-iisang Diyos Mismo. Hawak Ko ang buong mundo ng sansinukob sa Aking kamay, Ako Mismo ang namumuno nito, at maaari lang magpasakop ang mga tao sa Aking awtoridad, sabihin ang Aking banal na pangalan, magbunyi para sa Akin at purihin Ako. Unti-unting ibubunyag sa inyo ang lahat. Kahit na walang natatago, hindi pa rin ninyo maaarok ang paraan Ko ng pagsasalita o ang tono ng Aking mga salita. Hindi pa rin ninyo nauunawaan kung tungkol saan ang Aking plano ng pamamahala. Kaya, sasabihin Ko sa inyo kalaunan ang tungkol sa lahat ng bagay na hindi ninyo nauunawaan sa mga nasabi Ko na dahil, para sa Akin, lahat ay simple at malinaw samantalang, para sa inyo, ito ay napakahirap, at hindi lamang talaga ninyo ito nauunawaan sa anumang paraan. Kaya nga, babaguhin Ko ang Aking paraan ng pananalita, hindi Ko na pagdudugtungin ang mga bagay nang sama-sama kapag nagsasalita Ako, pero lilinawin ang bawat punto nang isa-isa.
Ano ang ibig sabihin ng muling mabuhay mula sa mga patay? Ito ba ay nangangahulugang pagkamatay sa laman at pagkatapos ay pagbabalik sa katawan matapos ang kamatayan? Ito ba ang ibig sabihin ng muling mabuhay mula sa mga patay? Ganito ba ito kasimple? Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat; ano ang alam mo tungkol dito? Papaano mo ito nauunawaan? Maaari bang ang muling pagkabuhay Ko mula sa mga patay noong Aking unang pagkakatawang-tao ay talagang unawain nang literal? Ang proseso ba talaga ay ayon sa inilalarawan sa mga tekstong iyon? Nasabi Ko na, na kung hindi Ako nagsasalita nang tuwiran, at kung hindi Ako magsasabi sa mga tao nang malinaw, walang sinumang makauunawa sa kahulugan ng Aking mga salita. Walang ni isang tao sa buong kapanahunan ang hindi nag-isip na ganoon ang muling pagkabuhay mula sa mga patay. Mula pa noong panahon ng paglikha sa mundo, walang sinuman ang nakaunawa ng tunay na kahulugan nito. Talaga bang ipinako Ako sa krus? At, pagkatapos mamatay, lumabas ba Ako mula sa libingan? Talaga bang ganito ito nangyari? Totoo nga ba talaga ito? Walang sinuman sa buong kapanahunan ang naglaan ng pagsisikap dito, walang sinuman ang nakakilala sa Akin mula rito at walang ni isang tao ang hindi naniniwala rito; iniisip ng lahat na totoo ito. Hindi nila nalalaman na ang bawat salita Ko ay may isang panloob na kahulugan. Kung gayon, ano talaga ang muling pagkabuhay mula sa mga patay? (Sa nalalapit na hinaharap, mararanasan ninyo ito, kaya sinasabi Ko na sa inyo ang tungkol dito nang maaga.) Walang nilalang ang handang mamatay; gusto nilang lahat na mabuhay. Mula sa Aking pananaw, hindi tunay na kamatayan ang kamatayan sa laman. Kapag binabawi ang Aking Espiritu mula sa isang tao, namamatay ang taong iyon. Kaya nga, tinatawag Ko ang lahat ng demonyong nagawang tiwali ni Satanas (yaong mga walang pananampalataya, lahat ng di-mananampalataya) na ang mga patay. Mula noong panahon ng paglikha sa mundo, naibigay Ko na ang Aking Espiritu sa lahat ng hinirang Ko. Gayunman, matapos ang yugtong sumunod sa paglikha, sinakop ni Satanas ang mga tao sa isang yugto ng panahon. Kaya umalis Ako, at nagsimulang magdusa ang mga tao (ang pagdurusang tiniis Ko noong Ako ay nagkatawang-tao at ipinako sa krus, tulad nang nasabi). Gayunman, sa panahong nauna Ko nang itinalaga (ang panahon kung kailan natapos ang Aking pagtalikod sa mga tao), binawi Ko ang mga taong nauna Ko nang naitalaga at muli Kong inilagay ang Aking Espiritu sa inyo kaya muli kayong nabuhay. Ito ang tinatawag na “muling pagkabuhay mula sa mga patay.” Ngayon, yaong mga talagang nabubuhay sa Aking Espiritu ay lahat nangingibabaw na, at nabubuhay silang lahat sa katawan. Gayunman, hindi magtatagal, iwawaksi ninyong lahat ang inyong pag-iisip, kuru-kuro, at lahat ng kagusutan sa lupa. Pero, hindi ito, gaya ng iniisip ng mga tao, pagbangon mula sa mga patay matapos ang pagdurusa. Na nabubuhay kayo ngayon ang nauunang kailangan sa pamumuhay sa katawan, ito ang kinakailangang landas sa pagpasok sa espirituwal na daigdig. Ang pangingibabaw sa normal na pagkataong sinasabi Ko ay nangangahulugang walang pamilya, walang asawang babae, walang mga anak at walang pangangailangan ng tao. Ito ay pagtuon lamang sa pagsasabuhay ng Aking imahe, sa pagtuon lamang sa pagpasok sa Akin at hindi pag-iisip ng tungkol sa ibang bagay na labas sa Akin; saan ka man magpunta ay tahanan mo. Ito ang pangingibabaw sa normal na pagkatao. Lubusang mali ang pagkakaunawa ninyo sa mga salita Kong ito; napakababaw ng inyong pang-unawa. Papaano ba talaga Ako magpapakita sa lahat ng bansa at lahat ng tao? Sa katawang-tao ngayon? Hindi! Pagdating ng panahon, magpapakita Ako sa Aking katawan sa bawat bansa ng sansinukob. Hindi pa dumarating ang panahon kung kailan kailangan kayo ng mga banyaga na akayin sila. Sa panahong iyon kakailanganin ninyong lumabas sa laman at pumasok sa katawan upang akayin sila. Ito ang katotohanan, pero hindi ito ang “muling pagkabuhay mula sa mga patay” na iniisip ng mga tao. Sa takdang panahon, walang kaalam-alam na lalabas kayo sa laman at papasok sa espirituwal na daigdig at mamumunong kasama Ako sa lahat ng bansa. Hindi pa ito ang panahon. Kapag kailangan Ko kayo na maging nasa laman, magiging nasa laman kayo (ayon sa mga pangangailangan ng Aking gawain, dapat may pag-iisip kayo ngayon at dapat mabuhay pa rin kayo na nasa laman, kaya dapat pa rin ninyong gawin ang mga bagay na kailangan ninyong gawin sa laman ayon sa Aking mga hakbang: huwag basta naghihintay na lang nang walang ginagawa dahil magdudulot ito ng mga pagkaantala). Kapag kailangan Ko kayong kumilos sa katawan bilang mga pastol ng iglesia, lalabas kayo mula sa laman, itatakwil ang inyong kaisipan, at lubusang aasa sa Akin para mabuhay. Magkaroon ng pananampalataya sa Aking kapangyarihan at sa Aking karunungan. Lahat ay gagawin Ko nang personal. Kailangan lamang ninyong maghintay at magsaya. Darating sa inyo ang lahat ng pagpapala, at magkakaroon kayo nang di-mauubos at walang katapusang panustos. Kapag sumapit ang araw na iyon, mauunawaan ninyo ang prinsipyo kung papaano Ko ito ginagawa, malalaman ninyo ang Aking mga kamangha-manghang gawa, at mauuunawaan kung papaano Ko ibinabalik ang Aking mga panganay na anak sa Sion. Hindi naman talaga ito kasingsalimuot ng naiisip ninyo, pero hindi rin ito kasingsimple ng iniisip ninyo.
Nalalaman Ko na kapag sinasabi Ko ito ay mas lalo ninyong hindi nakakayang maunawaan ang layon sa likod ng Aking mga salita at mas lalo pang nalilito. Ihahalo ninyo ito sa kung ano ang nasabi Ko na nang una kaya hindi kayo makauunawa ng anuman, at tila wala kayong paraan para makawala. Gayunman, huwag mag-alala, sasabihin Ko sa inyo ang lahat. May kahulugan ang lahat ng sinasabi Ko. Sinabi Ko nang magagawa Kong pabalikin sa wala ang mga umiiral na mga bagay at magagawa ang pagpaparami ng mga bagay mula sa wala. Sa imahinasyon ng mga tao, para makapasok sa katawan mula sa laman, dapat mabuhay na muli mula sa mga patay ang isang tao. Sa nakalipas, ginamit Ko ang paraang ito at ipinamalas ang Aking pinakadakilang himala, pero ang ngayon ay hindi tulad ng nakaraan. Tuwiran Ko kayong dadalhin mula sa laman tungo sa katawan. Hindi ba ito isang mas nakahihigit na tanda at himala? Hindi ba ito isang nakahihigit na pagpapamalas ng Aking walang hanggang kapangyarihan? Mayroon Akong plano, at taglay ko ang mga layunin Ko. Sino ang wala sa Aking mga kamay? Alam Ko ang gawaing ginagawa Ko. Ang Aking mga paraan ng paggawa ngayon, kung tutuusin, ay iba mula sa nakalipas. Ibinabagay Ko ang Aking mga paraan ng paggawa ayon sa pagbabago ng mga kapanahunan. Noong ipako Ako sa krus, iyon ang Kapanahunan ng Biyaya, pero ngayon ang huling kapanahunan. Bumibilis ang tulin ng Aking gawain, hindi ito kasimbilis ng sa nakaraan, at hindi ito mas mabagal kaysa sa nakalipas. Sa halip, nagpapatuloy ito nang mas mabilis kaysa sa nakalipas. Talagang walang paraan para mailarawan ito, at hindi kailangan ng napakaraming masalimuot na mga proseso. Malaya Akong gumawa ng anuman. Hindi ba totoo na kailangan lang ng isang salita ng awtoridad galing sa Akin para matiyak kung papaanong magiging ganap ang Aking kalooban at kung papaano Ko kayo gagawing perpekto? Siguradong mangyayari ang lahat ng sinasabi Ko. Sa nakalipas, madalas na sinasabi Ko na magdurusa Ako, at hindi Ko pinayagan ang mga tao na banggitin ang pagdurusang natiis Ko noon; ang banggitin ito ay paglapastangan sa Akin. Dahil ito sa Ako ang Diyos Mismo at para sa Akin walang paghihirap; kapag binabanggit mo ang pagdurusang ito pinatatangis mo ang mga tao. Sinabi Ko nang sa hinaharap hindi na magkakaroon ng mga buntong-hininga at mga luha. Dapat maipaliwanag ito mula sa aspetong ito, at sa gayon ang kahulugan ng Aking mga salita ay mauunawaan. Ang kahulugan ng “hindi lamang talaga matagalan ng mga tao ang pagdurusang ito” ay makaaalpas Ako mula sa lahat ng pantaong kuru-kuro at pag-iisip, makaaalpas mula sa mga damdamin ng laman, makaaalpas mula sa lahat ng bakas na pangmundo at lumabas mula sa laman, at makapaninindigan pa rin Ako kapag pinabubulaanan Ako ng lahat. Sapat ito para patunayan na Ako ang nag-iisang Diyos Mismo. Sinabi Ko, “Dapat pumasok ang bawat panganay na anak sa espirituwal na daigdig mula sa laman; ito ang landas na dapat nilang tahakin upang mamunong kasama Ko bilang mga hari.” Ang kahulugan ng pangungusap na ito ay kapag nakaharap mo ang isang bagay na dati ay naisip mo na, opisyal kang lalabas sa laman at papasok sa katawan para opisyal na umpisahang hatulan ang mga prinsipe at mga haring iyon. Hahatulan sila batay sa mga bagay na nangyayari sa panahong ito. Gayunman, hindi ito kasingsalimuot ng naiisip ninyo—mangyayari ito sa isang iglap. Hindi ninyo kakailanganing bumangon mula sa mga patay at ni hindi ninyo kakailanganing magdusa (dahil dumating na sa isang katapusan ang inyong pagdurusa at mga paghihirap sa lupa at Akin nang nasabi na hindi Ko na iwawasto ang Aking mga panganay na anak pagkatapos nito). Tatamasahin ng mga panganay na anak ang kanilang mga pagpapala, gaya ng nasabi na, sa katunayang walang kaalam-alam na mapapasok ninyo ang espirituwal na daigdig. Bakit Ko sinasabi na ito ang Aking awa at biyaya? Kung makakapasok lamang ang isang tao sa espirituwal na daigdig matapos ang pagbangon mula sa mga patay, magiging malayo ito sa pagiging maawain at mapagbigay-loob. Kaya ito ang pinakamadaling makitang pagpapahayag ng Aking awa at biyaya at, higit pa, ibinubunyag ang Aking paunang pagtatalaga at Aking pagpili ng tao. Sapat na ito para ipakita kung gaano kahigpit ang Aking mga atas administratibo. Magiging mapagbigay-loob at maawain Ako kung kanino Ko gusto. Walang sinumang makikipagtunggali o makikipaglaban. Ako ang magpapasya sa lahat ng ito.
Hindi iyon mauunawaan ng mga tao, at pinipilit nila ang kanilang mga sarili hanggang sa hindi sila makakahinga, at gayunman sila pa rin ang gumagapos sa kanilang mga sarili. Talagang limitado ang pag-iisip ng mga tao, kaya dapat nilang alisin ang pag-iisip ng tao at mga kuru-kuro. Dahil dito, dapat Akong lumabas sa katawan at pumasok sa espirituwal na daigdig upang pamunuan ang lahat, upang pamahalaan ang lahat. Ito lang ang paraan para mamuno sa lahat ng tao at lahat ng bansa at upang matupad ang Aking kalooban. Hindi na ito malayo pa. Wala kayong pananampalataya sa Aking walang hanggang kapangyarihan, at hindi ninyo kilala kung sino Ako. Iniisip ninyo na Ako ay isang tao lamang at hindi ninyo nakikita ang Aking pagka-Diyos sa anumang paraan. Magiging ganap ang mga bagay kailan Ko man nais maging ganap ang mga ito. Ang tanging kailangan ay isang salita mula sa Aking bibig. Binigyang pansin lang ninyo ang aspeto ng Aking pagkatao sa sinabi Ko kamakailan, at sa Aking bawat pagkilos, pero hindi ninyo binigyang pansin ang aspeto ng Aking pagka-Diyos. Ibig sabihin niyan, iniisip ninyo na mayroon din Akong pag-iisip at mga kuru-kuro. Pero Aking nasabi na ang Aking mga kaisipan, mga ideya at pag-iisip, Aking bawat pagkilos, lahat ng ginagawa Ko at lahat ng sinasabi Ko ay mga ganap na pagpapamalas ng Diyos Mismo. Nakalimutan na ba ninyo ang lahat ng ito? Lahat kayo ay mga taong nalilito! Hindi ninyo nauunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita. Pinayagan Ko kayong makita ang aspeto ng Aking normal na pagkatao mula sa mga sinabi Ko (pinayagan Ko kayong makita ang Aking normal na pagkatao sa Aking araw-araw na pamumuhay, sa realidad, dahil hindi pa rin ninyo nauunawaan ang aspeto ng Aking normal na pagkatao mula sa Aking sinabi sa panahong ito), gayunman hindi ninyo nauunawaan ang Aking normal na pagkatao, at sinisikap lamang ninyong sunggaban ang isang bagay na magagamit laban sa Akin at hindi napipigil sa harapan Ko. Bulag kayo! Ignorante kayo! Hindi ninyo Ako kilala! Nakapagsalita Ako nang walang saysay nang napakatagal! Hindi talaga ninyo Ako kilala, at hindi lamang talaga ninyo itinuturing ang Aking normal na pagkatao bilang bahagi ng ganap na Diyos Mismo! Papaanong hindi Ako magagalit? Papaano Ako magiging maawain muli? Makatutugon lamang Ako sa mga anak ng pagsuway na ito sa Aking poot. Napakapangahas ninyo, hindi talaga ninyo Ako kilala! Iniisip ninyo na Ako ay nakagawa ng mali! Maaari ba akong magkamali? Basta-basta Ko bang pipiliin na tanggapin ang anumang katawang laman na siyang gagamitin ko upang maging katawang-tao? Ang Aking pagkatao at Aking pagka-Diyos ay dalawang di-mapaghihiwalay na bahagi na bumubuo sa ganap na Diyos Mismo. Ngayon dapat na maging ganap na malinaw sa inyo ito! Ang Aking mga salita ay umabot na sa tugatog nito, at ang Aking mga salita ay hindi na ipaliliwanag nang higit pa!