Kabanata 91
Palaging iwiniwika at binibigkas ng Aking Espiritu ang Aking tinig—ilan sa inyo ang makakikilala sa Akin? Bakit dapat Akong magkatawang-tao at pumarito sa inyo? Isa itong malaking hiwaga. Iniisip ninyo Ako at kinasasabikan ninyo Ako buong maghapon, at pinupuri ninyo Ako, tinatamasa Ako, at kinakain at iniinom Ako araw-araw, gayon man hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo Ako nakikilala. Napakamangmang at napakabulag ninyo! Napakababaw ng pagkakilala ninyo sa Akin! Ilan sa inyo ang maaaring magsaalang-alang sa kalooban Ko? Ibig sabihin, ilan sa inyo ang makakikilala sa Akin? Lahat kayo ay tipong maladiyablo, gayon man ay gusto pa rin ninyong tuparin ang Aking kalooban? Kalimutan ninyo ito! Sinasabi Ko sa iyo, gaano man kaganda ang mga ikinikilos ni Satanas, lahat ito ay ginagawa para gibain ang Aking binubuo at gambalain ang Aking pamamahala. Gaano man kabuti ang mga ikinikilos nito, hindi nagbabago ang diwa nito—nilalabanan Ako nito. Kaya nga, maraming tao ang walang kamalay-malay na pinababagsak ng Aking kamay at walang kamalay-malay na pinalalayas mula sa Aking pamilya. Ngayon, walang anumang bagay (malaki man o maliit) ang pinangangasiwaan ng tao; lahat ay nasa Aking mga kamay. Kung sinasabi ninuman na lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kontrol ng tao, kung gayon ay sinasabi Ko na nilalabanan mo Ako, at tiyak na kakastiguhin Kita nang matindi at iiwan ka nang walang matatag na suporta magpakailanman. Sa lahat ng nangyayari at bagay-bagay, ano ang hindi nahahawakan sa loob ng Aking mga kamay? Ano ang hindi Ko itinakda, o pinagpasyahan? At nagsasalita ka pa rin tungkol sa pagkakilala sa Akin! Maladiyablong salita ang mga ito. Nakapandaya ka ng iba kaya iniisip mo na madaraya mo rin Ako? Iniisip mo na kung walang sinuman ang makaaalam ng tungkol sa ginawa mo, walang maibubunga ito? Huwag mong isiping mapagagaan ang iyong parusa! Dapat kitang paluhurin sa Aking harapan at pagsalitain. Hindi katanggap-tanggap ang hindi magsalita; ito ang Aking atas administratibo!
Talaga bang nauunawaan ninyo kung sino ang Aking Espiritu, at kung sino Ako na nagkatawang-tao? Ano ang kabuluhan ng Aking pagkakatawang-tao? Sino sa inyo ang maingat na napagnilayan ang malaking usaping ito at tumanggap ng ilang pahayag mula sa Akin? Nililinlang ninyong lahat ang inyong mga sarili! Bakit Ko sinasabi na ikaw ang supling ng malaking pulang dragon? Ngayon, ibinubunyag Ko sa inyo ang hiwaga ng Aking pagkakatawang-tao, isang hiwaga na hindi malutas ng tao mula pa noong paglikha sa mundo, na nagdala ng napakaraming pupuntiryahing sirain ng Aking pagkamuhi. At gayon din ito ngayon. Dahil sa Aking katawang-tao, nagawa nang ganap ang marami sa Aking minamahal. Ano ang mismong dahilan kung bakit dapat Akong magkatawang-tao? At bakit Ako nagpapakita sa ganitong anyo (sa lahat ng bagay, gaya ng Aking taas, hitsura, tayog, atbp.)? Sino ang may masasabi tungkol diyan? Napakamakabuluhan ng Aking pagkakatawang-tao na hindi basta masasabi ang lahat ng tungkol dito. Sasabihin Ko sa inyo ngayon ang isang bahagi lamang nito (dahil ang mga hakbang ng Aking gawain ay nakarating na hanggang dito, dapat Kong gawin ito at sabihin ito): Pangunahing nakatuon ang Aking pagkakatawang-tao sa Aking mga panganay na anak, upang mapastol Ko sila at upang makausap nila Ako at makapagsalita sila nang harap-harapan sa Akin; ipinapakita pa nito na Ako at ang Aking mga panganay na anak ay matalik sa isa’t isa (ibig sabihin na magkakasama kaming kumakain, nananatiling magkakasama, magkakasamang namumuhay, at magkakasamang kumikilos), upang sila ay mapakain Ko sa realidad—hindi ito mga walang lamang salita kundi realidad. Noon, naniwala ang mga tao sa Akin pero hindi nila maunawaan ang realidad, at ito ay dahil sa hindi pa Ako nagkakatawang-tao. Ngayon, ang Aking pagkakatawang-tao ay nagpapaunawa sa inyong lahat ng realidad at nagpapakilala sa mga taimtim na nagmamahal sa Akin kung sino Ako—ang marunong na Diyos Mismo—sa pamamagitan ng Aking pananalita at pagkilos at mga prinsipyo sa likod ng pamamaraan ng pangangasiwa Ko ng mga bagay-bagay. Nagbibigay-daan din ito sa mga hindi taos-pusong naghahanap sa Akin na makita sa Aking mga di-nahahalatang pagkilos, ang aspeto Ko na Aking pagkatao at dahil doon ay nilalabanan Ako, at pagkatapos ay namamatay na “walang anumang dahilan,” dahil sila ay pinababagsak Ko. Sa pagpapahiya kay Satanas, ang pagkakatawang-tao ang pinakamalakas na patotoo para sa Akin; hindi Ko lamang nakakayang lumabas mula sa katawang-tao pero makakapamuhay din Ako sa loob ng katawang-tao. Hindi Ako nalilimitahan ng espasyo o ng lugar; para sa Akin, walang anumang mga sagabal at lahat ay maayos na dumadaloy. Dito pinakanapapahiya si Satanas, at kapag lumalabas Ako mula sa katawang-tao, gumagawa pa rin Ako sa Aking katawang-tao, at hindi Ako naaapektuhan sa anumang paraan. Humahakbang pa rin Ako sa kabundukan, mga ilog, mga lawa, at sa bawat sulok ng sansinukob at lahat ng bagay. Nagkatawang-tao na Ako upang ibunyag ang lahat na isinilang sa Akin pero nagsibangon para lumaban sa Akin. Kung hindi Ako naging tao, hindi magkakaroon ng paraan para ibunyag sila (na tumutukoy sa mga kumikilos sa isang paraan sa Aking harapan at iba sa Aking likuran). Kung nanatili Ako bilang Espiritu, sasambahin Ako ng mga tao sa kanilang mga kuru-kuro, at iisipin na Ako ay walang-anyo at di-maaabot na Diyos. Ang pagkakatawang-tao Ko ngayon ay medyo kabaligtaran ng mga kuru-kuro ng mga tao (kung pag-uusapan ang Aking taas at anyo), dahil mukha Siyang pangkaraniwan at hindi kataasan. Itong puntong ito ang pinakanagpapahiya kay Satanas at ang pinakamakapangyarihang pangontra sa mga kuru-kuro ng mga tao (paglapastangan ni Satanas). Kung ang Aking anyo ay naiiba sa lahat ng iba pa, magiging mahirap iyan—lahat ay pupunta upang sumamba sa Akin at uunawain Ako sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kuru-kuro, at hindi sila makapagpapatotoo nang maganda para sa Akin. Kaya ginamit Ko ang larawan na mayroon Ako ngayon, at hindi ito mahirap maunawaan sa anumang paraan. Any lahat ay dapat na lumabas mula sa mga kuru-kuro ng mga tao at hindi madaya ng mga tusong pakana ni Satanas. Sa hinaharap sasabihin Ko sa inyo nang isa-isa ang higit pa, nang naaayon sa pangangailangan ng Aking gawain.
Ngayon, naging matagumpay ang Aking proyekto at naisakatuparan ang Aking plano. Nakakuha Ako ng isang pangkat ng mga tao na nakikipagtulungan sa Akin na may iisa at pinag-isang isip. Ito ang pinakamaluwalhating panahon para sa Akin. Ang Aking mga minamahal na anak (lahat ng nagmamahal sa Akin) na kayang maging kaisa Ko sa puso at isip sa pagtapos, nang kasama Ako, sa lahat ng bagay na kailangan Kong gawin. Isa itongkamangha-manghang bagay. Pagkatapos ng araw na ito, ang mga hindi Ko kinasisiyahan ay hindi magkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu. Ibig sabihin ay itatapon Ko ang mga hindi umaayon sa kung ano ang sinabi Ko noon. Dapat na ganap na umayon ang mga tao sa kung ano ang sinasabi Ko. Tandaan ito! Dapat kang ganap na umayon. Huwag magkamali ng pag-unawa; ang lahat ay nakasalalay sa Akin. Mga tao, huwag Akong bigyan ng mga kondisyon. Kung sinasabi Ko na nararapat ka, nakataga iyon sa bato; kung sinasabi Ko na hindi ka nararapat, huwag magmukhang nasasaktan at sisihin ang Langit at lupa. Lahat ng iyan ay Aking pagsasaayos. Sino ang nagsabing dapat mong lapastanganin ang iyong sarili? Sino ang nagsabing dapat mong gawin ang ganyang nakahihiyang kahangalan? Kahit wala kang sabihin, hindi mo maitatago ang katotohanan sa Akin. Para kanino ang Aking mga salita kapag sinasabi Ko na Ako ang Diyos Mismo na sumusuri sa pinakaloob-looban ng puso ng tao? Sinasabi Ko ito sa mga di-tapat. Ang paggawa ng ganyang uri ng bagay sa Aking likuran ay labis na kawalang kahihiyan! Nais ba ninyong linlangin Ako? Hindi iyon ganyan kadali! Ngayon din ay magsilayas kayo dito! Anak ng paghihimagsik! Hindi mo minamahal ang iyong sarili at hindi mo iginagalang ang iyong sarili! Hindi mo inaalagaan ang iyong sarili, pero nais mo pa rin na ikaw ay mahalin Ko? Kalimutan ito! Hindi Ko nais ang kahit isa sa mga kahabag-habag na tulad nito. Lumayo kayong lahat sa Akin! Nagdadala ito ng pinakamalubhang kahihiyan sa Aking pangalan; hindi maaari na hindi ninyo ito nakikita nang malinaw. Dapat na ingatan ninyo ang inyong mga sarili na mabahiran ng anumang dumi sa masama at mahalay na lumang kapanahunang ito; dapat na kayo ay maging ganap na banal at walang bahid. Ngayon, ang mga karapat-dapat para mamuno bilang mga haring kasama Ko ay ang mga hindi nabahiran ng anumang dumi, dahil sa Ako ang banal na Diyos Mismo, at hindi Ko nais na may sinuman na magbibigay ng kahihiyan ang Aking pangalan. Ang mga ganyang tao ay ipinadala ni Satanas para subukin Ako at lahat sila, sa buong katotohanan, ay mga alagad ni Satanas na dapat magapi (ihinahagis sa walang-hanggang hukay).
Banal at walang dungis ang Aking pamilya, at ang Aking templo ay kamangha-mangha at maharlika (ibig sabihin ay ang mga nagtataglay ng kung ano Ako at kung ano ang mayroon Ako). Sino ang nangangahas na pumasok at basta-basta na lamang magdulot ng kaguluhan? Tiyak na hindi Ko sila patatawarin. Lubusan silang mawawasak at ipahihiya nang matindi. Kumikilos Ako nang may karunungan. Nang walang espada, walang baril, at hindi nag-aangat ng daliri, lubusan Kong tatalunin ang mga lumalaban sa Akin at nagpapahiya sa Aking pangalan. Mapagbigay Ako, at sa di-nagbabagong bilis, ipinagpapatuloy Ko ang Aking gawain bagaman lumilikha si Satanas ng paggambala hanggang sa puntong iyon; hindi Ko ito pinapansin at tatalunin Ko ito sa kaganapan ng Aking plano ng pamamahala. Ito ang Aking kapangyarihan at ang Aking karunungan, at higit pa riyan ay isang maliit na bahagi ito ng Aking walang katapusang kaluwalhatian. Sa Aking paningin, ang mga lumalaban sa Akin ay gaya ng mga surot na gumagapang sa alabok at madudurog Ko sa ilalim ng Aking paa, ayon sa layunin Ko, anumang oras. Gayunpaman, ginagawa Ko ang mga bagay-bagay nang may karunungan. Nais Ko na ang Aking mga panganay na anak ang mag-asikaso sa mga ito; hindi Ako nagmamadali. Kumikilos Ako na may sistema, sa isang maayos na paraan, at tiyak na walang kahit pinakamaliit na pagkakamali. Ang mga panganay na anak na iyon na isinilang sa Akin ay dapat magtaglay ng kung ano Ako, at makayang makita ang Aking walang katapusang karunungan sa Aking mga gawa!