285 Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang

I

Ang daan patungo sa kaharian ay mabato

na maraming problema at kabiguan.

Mula kamatayan hanggang buhay sa gitna

ng ‘di mabilang na pagpapahirap at luha.

Kung walang patnubay at proteksyon ng Diyos,

sino ang makakasunod sa Kanya

hanggang sa ngayon?

Pinamunuan at plinano ng Diyos

ang pagsilang natin sa mga huling araw,

at mapalad tayo na makasunod kay Cristo.

Nagpapakumbaba ang Diyos

upang maging Anak ng tao,

at dumaranas Siya ng labis na kahihiyan.

Nagdusa ang Diyos nang labis,

paano ako tatawaging tao

kung hindi ko mahal ang Diyos?


II

Kahit gaano karaming pagsubok

o gaano kabigat ang pagdurusa,

ipinapakita ng mga salita ng Diyos ang daan.

Kahit umiiyak ang puso ko sa kabiguan,

alam kong ang Diyos ay kagiliw-giliw.

Gaano man katinding pagpipino ang daanan ko,

gaano man katindi aking paghihirap,

wala akong panghihinayang,

at walang karaingan.

Ang pagmamahal ng Diyos sa tao

ay walang katapusan.

Ang katotohanan ang ginagawa Niyang

maging buhay nila.

Mahalaga ang mga salita ng Diyos,

ang disposisyon Niya ay napakaganda.

Sa pagtapak ko sa landas

ng pagmamahal sa Diyos,

hindi ako kailanman manghihinayang sa pagsunod

at pagpapatotoo sa Kanya.

Maaari akong maging mahina at negatibo,

lumuluha man ako, ang puso ko’y

nagmamahal pa rin sa Diyos.

Tinitiis ko ang pagdurusa

at ibinibigay ko ang pag-ibig ko sa Diyos,

hindi na magiging sanhi pa ng Kanyang pighati.


III

Ang pinatibay sa kapighatian ay kasing-ganda

ng ginto na idinarang sa apoy;

paanong hindi ko ilalaan ang aking puso?

Ang daan patungong langit ay mahirap at mabato.

Magkakaroon ng mga luha,

ngunit mamahalin ko ang Diyos

nang mas malalim at walang panghihinayang.

Sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo

ng mga salita ng Diyos,

ang aking puso ay nasakop.

Kahit dumanas ako ng paghatol,

pagsubok at pagpipino, nakamit ko ang buhay.

Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao

ay tunay lahat,

ano pa ang mahihiling ko?

Kung hahangarin ko na mahalin ang Diyos

at makamit ang katotohanan,

natitiyak kong magagawa kong sundin

ang Diyos hanggang wakas.

Sobrang sakit ang dinaranas ng Diyos para sa tao;

handa akong gugulin ang buong buhay ko

na sinusuklian ang Kanyang kabaitan.

Tatanggapin ko ang habambuhay na pagpipino,

at hahanapin lang ang puso

na nagmamahal sa Diyos.

Hangga’t nakikilala ko ang Diyos,

nakahanda akong mamatay.

Sa pagiging tapat na tao

at paghahangad na mahalin ang Diyos,

magiging tugma ako sa Kanya.

Sa pag-ibig sa Diyos at paggalang sa Kanya,

tiyak kong makakamtan ang Kanyang papuri.

Sa pagdanas ng mga salita ng Diyos

at pagsasabuhay ng katotohanan,

nakakamit ko ang Kanyang patnubay

at mga pagpapala.

Sa pamamagitan ng mga matitinding kapighatian,

pagsubok at pagpipino,

nalilinis masama kong disposisyon.


IV

Iibigin ko ang Diyos

at hindi magbabanggit ng mga gantimpala,

at ilalaan ko ang aking puso

sa pagpapaligaya sa Diyos.

Kung nakakamit ko ang katotohanan at buhay

at nakikilala ko ang Diyos,

hindi ako mabubuhay nang walang kabuluhan.

Ang aking puso ay may kagalakan

nang maranasan ko

ang gawain ng Diyos

at nalalaman ang Kanyang gawa.

Nasaksihan ko ang pagpapakita ng Diyos

sa mga huling araw,

nais ko Siyang buong buhay na paglingkuran.

Ibinibigay ko ang lahat nang mayron ako

para sa buhay na ito,

at handa akong ibigay ang buhay ko

upang sundin ang Diyos.

Ang hangad ko lamang

bigyang kasiyahan ang Diyos

at handa akong maitakwil.

Ang mahalin ang Diyos

at magpatotoo sa Kanya ay kaluwalhatian!

Sinundan: 284 Naglalakad sa Landas ng Pagmamahal sa Diyos

Sumunod: 286 Maging Matapang sa Daan ng Pagmamahal sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito