169 Kailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos
I
Nagkatawang-tao ang Diyos
dahil ang pakay ng Kanyang gawain
ay ‘di ang espiritu ni Satanas,
ni anumang ‘di sa laman, kundi ang tao.
Laman ng tao’y nagawang tiwali ni Satanas
kaya’t tao’y naging pakay ng gawain ng Diyos.
Ang pakay ng pagliligtas ng Diyos ay ang tao.
Tao’y mortal na nilalang, tanging dugo’t laman,
at Diyos lang ang makapagliligtas sa kanya.
Diyos ay kailangang magkatawang-tao,
na may katangian ng tao,
upang magawa’ng Kanyang gawain,
at makamit ang pinakamabuting resulta.
Diyos ay kailangang magkatawang-tao,
dahil tao’y sa laman,
na ‘di kayang daigin ang kasalanan.
Tao’y ‘di makalaya sa sarili niyang laman.
II
‘Pag Diyos ay gumagawa sa katawang-tao,
tunay Niyang nilalabanan si Satanas.
Ang Kanyang gawain sa espiritwal na dako
ay nagiging praktikal,
ito’y tunay sa lupa, sa katawang-tao.
Ang nilulupig ng Diyos
ay ang taong ‘di masunurin,
habang nagagapi sa sangkatauhan
ang pagsasakatawan ni Satanas,
at sa huli ang naililigtas ay ang tao.
Kailangang magkatawang-tao ang Diyos
na may anyo ng isang nilalang,
upang makipaglaban kay Satanas
at malupig ang mapanghimagsik na sangkatauhan.
Kailangan ng Diyos na magkatawang-tao
upang mailigtas ang sangkatauhan
na may parehong panlabas na anyo
ngunit napinsala na ni Satanas.
Tao’y kalaban ng Diyos,
dapat siyang malupig ng Diyos.
Tao’y ang pakay ng pagliligtas ng Diyos;
Diyos ay kailangan magkatawang-tao,
at maging tao.
Sa paraang ito, Kanyang gawain ay mas madali.
Kayang gapiin ng Diyos si Satanas,
kaya Niyang lupigin ang sangkatauhan,
kayang iligtas ng Diyos ang sangkatauhan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao